THANK YOU PO SA INYONG LAHAT AT INGAT PO TAYONG LAHAT DAHIL MAY BAGYO.. STAY SAFE EVERYONE.. GOD BLESS YOU PO!
ZENNARA “Mommy!” tawag niya ulit sa akin.Mabilis mo namang sinalubong ang anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na muna binigyan ng pansin ang taong kasama niya dahil ang mahalaga sa akin ay ang anak ko. Sobrang nag-aalala at natatakot ako habang naghihintay ako dito. Kaya naman mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.“I can’t breathe, mom.” sabi niya sa akin.“Baby, saan ka ba nagpunta? Bakit ka umalis? Nag-aalala si mommy. Please, ‘wag mong gawin ito ulit ha. Promise me, Zevi.” umiiyak na kausap ko sa kanya.“I’m sorry, mommy.” Umiiyak niya akong niyakap ulit.“Promise me, hindi mo na ito gagawin.” sabi ko sa kanya.“Promise po, mommy. Mabuti na lang po at nakita ako ni uncle.” sabi niya sa akin sabay turo kay Timothy.“Thank you, Tim. Thank you kasi ikaw ang nakahanap sa anak ko.” sabi ko sa kanya.“Masaya ako na makatulong,” sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.Ngumiti ako sa kanya dahil nagpapasalamat talaga ako. Kung kanina ay hindi ko na alam kung ano
ZENNARA“Hindi mo man lang ba ako iimbitahin sa loob?” tanong niya sa akin.“Pasok ka sa loob,” sabi ko lang sa kanya para makapagkape siya.Pagpasok naman ay pababa ang mga anak ko sa hagdan. Tumigil sa paglalakad si Zian pero bigla ring tumakbo pababa. At mabilis na lumapit kay Timothy.“Ikaw po ba ang—”“Ang ano boss?” nakangiti na tanong ni Tim sa anak ko.“Ang nakahanap sa kapatid ko?” tanong ni Zian habang nakangiti sa lalaki.“Opo ako nga po,” sagot ni Tim at bigla na lang niyang binuhat ang anak ko.“Thank you po dahil nahanap mo ang kapatid ko.” malambing na sabi ni Zian at hinalikan niya sa pisngi si Timothy.“Ang sweet pala ng mga anak mo.” sabi niya sa akin.“Oo, mabait silang mga bata at talagang malambing sila.”“Mabuti naman,” sabi niya at binuhat rin si Zevi dahil nagpabuhat ito.“Baby, maligo ka kaya muna parang hindi pa kayo nagkikita ng tubig.” sabi niya sa akin kaya bigla akong nahiya at tumingin sa sarili ko.Nagulat rin ako dahil nakapantulog pa rin ako. Sa sobran
ZENNARA“Mommy, wake up. Kailangan na nating umalis,” narinig ko ang boses ng mga anak ko.“Mga anak, maaga pa.” sabi ko sa kanila.“Mom, it’s already nine in the morning and uncle is here.” narinig ko na sabi ni Zevi kaya mabilis akong nagmulat ng mga mata.“What? Oh my gosh!” nagulat ako dahil tama sila. Tama ang sinabi nila na nandito nga si Timothy.“Akala ko talaga maaga pa. Sorry, labas na muna kayo dahil maliligo lang ako.” sabi ko sa kanila.“Good morning,” sabi niya at may binigay sa akin na bulaklak.“What’s this?” tanong ko sa kanya.“Wala lang,” sagot niya sa akin.“Thank you,” sabi ko at bumangon na ako.“Huwag kang magmadali. Take your time nasa baba lang kami,” sabi niya sa akin at binuhat na niya palabas ang mga anak ko.Hindi pa nga ako naka-move on sa paghalik niya sa noo ko kagabi ay may pa-flowers naman siya ngayon. Ewan ko sa kanya. Bahala na siya. Pumasok na ako banyo para maligo. Ayaw ko rin na magtagal dahil nakakahiya na paghintayin ko pa siya ng matagal. Alam
ZENNARA“Ikaw ba talaga si Timothy?” tanong ko sa kanya.“Hindi ba ako si Timothy?” nakangiti na tanong niya sa akin na para bang natutuwa siya sa akin.“Nevermind,” sabi ko at nauna na akong naglakad pero nakalimutan ko na hawak pala niya ang kamay ko kaya bigla na lang akong bumalik sa kanya.Niyakap niya ako kaya tinulak ko siya.“Bitiwan mo na nga ang kamay ko. Puwede naman kasi tayong maglakad na hindi mo kailangan na hawakan pa ang kamay ko.” mataray na sabi ko sa kanya.“Mga boss, ayaw ng mommy niyo na hawakan ko ang kamay niya. Diba dapat happy family tayo?” talagang ganap na ganap siya ngayong araw kaya mas lalo akong naiinis sa kanya.“Mommy, pumayag ka na po kanina kaya hayaan niyo na po na maging isang happy family tayo dito. Pumayag naman po si uncle, i mean daddy na siya ang gaganap eh.” sabi ng anak ko na si Zevi na halatang kinakampihan talaga si Timothy.“Ewan ko sa inyo,” sabi ko na lang pero tumawa lang silang tatlo.Nagpatuloy kami sa mga rides. Pagkatapos ay naghah
ZENNARA“Thank you sa araw na ito,” pasasalamat ko kay Timothy.“You’re welcome, wifey.” nakangiti na sagot niya sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin.Okay na sana eh. Nagpasalamat na nga ako sa kanya pero ganyan naman siya. Inirapan ko siya at akmang baba na ako sa kotse niya pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.“Nagbibiro lang ako. Ako na ang magbubuhat sa kanila,” mahinahon na sabi niya sa akin.“Sana ito na ang una at huling beses. Pasensya ka na, ayaw ko lang talaga ma ma-attach ang anak ko sa kahit na kanino.” sabi ko sa kanya“I understand,” nakangiti na sagot niya at binuhat na niya si Zevi. Pumasok siya sa loob at hindi rin naman siya nagtagal dahil binalikan niya si Zian. Habang nakatingin ako kay Timothy ay talagang nagtataka ako sa mga ikinikilos niya sa akin. I find it weird pero hinayaan ko na lang. Kasi malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil nahanap niya ang anak ko. Siya ang tao na masasabi ko ngayon na kailangan kong maging mabuti. Kung hindi
ZENNARA“Are you okay?” nag-aalala na tanong sa akin ni Timothy sa akin.“Okay lang ako, lalabas na ako.” walang emosyon na sagot ko sa kanya.Nandito kasi kaming dalawa sa office niya. Sa kakahila niya sa akin kanina ay hindi niya namalayan na nadala na niya ako dito sa office niya. Sa totoo lang ay hindi naman niya ako kailangan na ipagtanggol pero ginawa niya pa rin. Kaya nalilito na ako sa mga ikinikilos niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan.“Zen,” tawag niya sa akin kaya naman lumingon na ako sa kanya.“Bakit?” tanong ko sa kanya.“Tuloy pa rin ang lunch natin diba?” “Tuloy pa rin,” sagot ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas sa office niya.Pumasok ako sa office ko ay ginawa ang trabaho ko. Pero nagulat na lang ako dahil biglang pumasok si OIivia dito at sinabuyan na naman ako ng kape. Sa totoo lang ay naiinis na ako sa kanya dahil lagi na lang niyan dinudumihan ang damit ko.“Hindi pa ba sapat ang sampal ni Timothy sa ‘yo?” malamig na tanong ko sa kanya.“Matapang ka la
ZENNARA “Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil nais kong marinig ng malinaw ang sinabi niya.“Sabi ko mag-date tayo mamaya,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Date? Bakit?”“Wala lang, gusto lang kitang ilabas. Kung okay lang—”“Alam mong hindi okay,” sagot ko sa kanya.“Hindi mo naman talaga siya boyfriend.” Saad niya kaya kumunot ang noo ko.“Anong sinasabi mo na hindi ko siya boyfriend?”“Sabi ng kambal kaibigan mo lang siya.” Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Talaga bang sinabi ng ‘yun ng mga anak ko. Nagdedate naman kasi talaga kami ni Jetro.“Tim, stop it, stop this nonsense. Hindi magandang biro ‘yan.” Sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako nagbibiro. I’m serious, Zen.” Sagot niya sa akin.“I need to now,” sabi ko sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko.“No, just stay. Kung ayaw mo na mag-date tayo ay okay lang pero magstay ka at tapusin natin itong lunch, please.” sabi niya sa akin kaya naman nanatili ako.Habang kumakain kaming dalawa ay ang tahimik
ZENNARA“Mas mabuti na ‘wag mo na lang itong ulitin.”“Bakit naman? Wala namang masama kung magdate tayong dalawa–”“May mga anak na ako at hindi ako bagay sa ‘yo. Hindi magandang tingn–“Tanggap ko sila.” sabi niya kaya nakatingin na lang ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.“Tim, kasi—”“Wala namang problema sa akin. Kaya ko namang tanggapin ang anak mo.”“Kung walang problema sa ‘yo ay may problema sa akin,” sabi ko sa kanya.“Bakit hindi mo ako bigyan ng chance?” tanong niya sa akin.“Chance para saan? Para masaktan ulit kita?” tanong ko sa kanya.“No, I’m sorry. Alam ko na kasalanan ko, hindi ko man lang inalam ang totoo.”“Sabi ko naman sa ‘yo na tapos na ‘yun kaya kalimutan mo na,” sabi ko sa kanya.“Pero dahil sa akin kaya ka nahirapan,” sabi niya sa akin.“Wala ka namang kasalanan sa akin. I understand kung bakit naging ganun ka sa akin. Kasalanan ko rin kasi,” sabi ko sa kanya.“Kung hindi ako umalis noong araw na ‘yun ay hindi ‘yun mangyayari sa akin.
ZENNARANakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayan. Kaagad akong tumingin sa labas at nakita ko na madilim na. Gabi na ngayon. Malungkot akong nakatingin sa labas dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito.Ang mas nakakalungkot pa ay may ginawa si Jetro na sobra kinasusuklaman ko. Gumawa pa siya ng babae na alam kong gagamitin niya para magpanggap na ako. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lokohin niya ako.Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Para kay mama at higit sa lahat kay Tim. Alam ko na naging matigas ako sa kanya. Pero dahil ‘yun sa mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa galit ako sa kanya. Hindi madali para sa akin na tanggapin na ang taong minahal ko ang naging dahilan rin ng paghihirap ko.Aaminin ko na matigas ang puso ko sa kanya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko siyang yakapin. Masyado lang mataas ang pride ko. Isa sa reason kaya mas pinili ko na sa condo building rin na ‘yon kami titira para magkita sila
TIMOTHYMaaga akong pumasok sa trabaho ko. Kahit pa hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang loob ni Zen. As much as possible ay gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Na hindi ako magiging mapilit at harsh sa kanya. Gusto ko na kunin ang loob niya sa mabuting usapan. Gawin ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako.Habang nagtatrabaho ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mag-ina ko. Gusto ko ng umuwi pero may mga trabaho ako na kailangan kong tapusin. Kaya kahit pa gusto ay mas pinili ko na magstay dito sa company. Hanggang sa sumapit na ang uwian at nagulat ako dahil nakatanggap ako ng text message mula kay Zen.Zen: Hi, okay lang ba kung sasabay kami sa ‘yo sa dinner?Zen: Kung okay lang?Me: Of course.Mabilis akong nagreply sa kanya. Walang dahilan para tumanggi ako. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Kung kanina ay problemado ako kung paano ko sila makakasama ay ngayon naman nabuhay ang lahat ng pag-asa ko.Kaya n
ZENNARA “Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. “Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko. “May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit? Anong ibig sabihin nito?” “Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko. “Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin. “Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya. “Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na it
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m