puwede niyo pong i-rate ang story na ito sa mismong profile niya.. thank you po and happy halloween po!
ZENNARA“Are you okay?” nag-aalala na tanong sa akin ni Timothy sa akin.“Okay lang ako, lalabas na ako.” walang emosyon na sagot ko sa kanya.Nandito kasi kaming dalawa sa office niya. Sa kakahila niya sa akin kanina ay hindi niya namalayan na nadala na niya ako dito sa office niya. Sa totoo lang ay hindi naman niya ako kailangan na ipagtanggol pero ginawa niya pa rin. Kaya nalilito na ako sa mga ikinikilos niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan.“Zen,” tawag niya sa akin kaya naman lumingon na ako sa kanya.“Bakit?” tanong ko sa kanya.“Tuloy pa rin ang lunch natin diba?” “Tuloy pa rin,” sagot ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas sa office niya.Pumasok ako sa office ko ay ginawa ang trabaho ko. Pero nagulat na lang ako dahil biglang pumasok si OIivia dito at sinabuyan na naman ako ng kape. Sa totoo lang ay naiinis na ako sa kanya dahil lagi na lang niyan dinudumihan ang damit ko.“Hindi pa ba sapat ang sampal ni Timothy sa ‘yo?” malamig na tanong ko sa kanya.“Matapang ka la
ZENNARA “Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil nais kong marinig ng malinaw ang sinabi niya.“Sabi ko mag-date tayo mamaya,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Date? Bakit?”“Wala lang, gusto lang kitang ilabas. Kung okay lang—”“Alam mong hindi okay,” sagot ko sa kanya.“Hindi mo naman talaga siya boyfriend.” Saad niya kaya kumunot ang noo ko.“Anong sinasabi mo na hindi ko siya boyfriend?”“Sabi ng kambal kaibigan mo lang siya.” Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Talaga bang sinabi ng ‘yun ng mga anak ko. Nagdedate naman kasi talaga kami ni Jetro.“Tim, stop it, stop this nonsense. Hindi magandang biro ‘yan.” Sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako nagbibiro. I’m serious, Zen.” Sagot niya sa akin.“I need to now,” sabi ko sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko.“No, just stay. Kung ayaw mo na mag-date tayo ay okay lang pero magstay ka at tapusin natin itong lunch, please.” sabi niya sa akin kaya naman nanatili ako.Habang kumakain kaming dalawa ay ang tahimik
ZENNARA“Mas mabuti na ‘wag mo na lang itong ulitin.”“Bakit naman? Wala namang masama kung magdate tayong dalawa–”“May mga anak na ako at hindi ako bagay sa ‘yo. Hindi magandang tingn–“Tanggap ko sila.” sabi niya kaya nakatingin na lang ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.“Tim, kasi—”“Wala namang problema sa akin. Kaya ko namang tanggapin ang anak mo.”“Kung walang problema sa ‘yo ay may problema sa akin,” sabi ko sa kanya.“Bakit hindi mo ako bigyan ng chance?” tanong niya sa akin.“Chance para saan? Para masaktan ulit kita?” tanong ko sa kanya.“No, I’m sorry. Alam ko na kasalanan ko, hindi ko man lang inalam ang totoo.”“Sabi ko naman sa ‘yo na tapos na ‘yun kaya kalimutan mo na,” sabi ko sa kanya.“Pero dahil sa akin kaya ka nahirapan,” sabi niya sa akin.“Wala ka namang kasalanan sa akin. I understand kung bakit naging ganun ka sa akin. Kasalanan ko rin kasi,” sabi ko sa kanya.“Kung hindi ako umalis noong araw na ‘yun ay hindi ‘yun mangyayari sa akin.
ZENNARAInayos ko na lang ang mga binili ko kanina habang hinihintay ko si Tim na matapos. Sa totoo lang ay kanina pa ako nagpipigil ng ihi ko. Bakit ba kasi ang tagal niyang maligo? Tumayo na ako dahil balak ko na lang sa baba ako magbabanyo pero mabuti naman ay bumukas na ang pinto kaya mabilis akong pumasok sa loob ng banyo.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakaraos na rin ako sa wakas. Paglabas ko sa banyo ay nakaupo siya sa may couch at may hawak na baso na may alak. Ang lamig kasi kaya siguro umiinom siya ngayon. Kinakabahan lang ako kanina pero ngayon naman ay hindi na. Alam ko sa sarili ko na hindi niya ako kayang saktan.“You want some?” alok niya sa akin.“Okay lang ako, ikaw na lang.” sagot ko sa kanya at bumalik ako sa banyo para maligo. Warm shower ang ginamit ko dahil ang lamig na kasi ng panahon. Mabuti na lang at may bathrobe dito kaya ito na lang ang gagamitin ko. Hanggang bukas para naman maitabi ko muna ang damit ko. Ayaw ko namang labhan dahil baka hindi matuyo
ZENNARA Napamulat ako ng maramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Mabilis ko siyang tinulak dahil nakayakap pala siya sa akin. Ang buong akala ko ay tumila na ang ulan pero ang lakas pa rin pala. Hindi ko alam kung titila ba. Kaagad kong binuksan ang tv para sana manood ng balita pero nabitiwan ko ang remote dahil sa bumungad sa akin. “Oh my gosh!” napatili ako ng wala sa oras. “Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganyan, babe.” nakangisi na sabi sa akin ni Tim na ngayon ay gising na pala. “Anong mahilig? FYI gusto kong manood ng balita kaya ko ‘yan binuk–” “Huwag ka ng magpaliwanag.” sabi niya sa akin kaya sa sobrang inis ko ay binato ko siya ng unan pero ang siraulo ay gumanti. Binato rin niya ako ng unan. Hanggang sa pareho kaming natigilan sa lakas ng ungol ng babae sa may tv. Mabilis kong hinanap ang remote at mabilis kong pinatay ang tv. Naiinis ako dahil bakit naman ‘yun ang bumungad sa pagbukas ko. Ibig bang sabihin ay nanonood ang huling nag check-in dito
ZENNARA Gusto kong tumugon pero ayaw ng utak ko. Iba ang sinasabi ng katawan ko pero hindi ko kayang sundin dahil ‘yung takot na nararamdaman ko noon ay unti-unting nabubuhay ngayon. Ang takot ko na baka ano ang gawin niya sa akin. Nanghihina ang mga tuhod ko at ang lakas ng t*bok ng puso ko. “Tim, please ‘wag.” sabi ko sa kanya hanggang sa tumulo na ang luha ko. “Sorry, I’m sorry.” sabi niya sa akin at niyakap niya ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Hindi ko alam pero natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa posibleng mangyari. Ito rin ang isa sa dahilan kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil hindi ko kayang ibigay ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak na hindi ko naman alam kung bakit. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. “I’m sorry,” paulit-ulit na bulong niya sa akin. “Hindi mo kailangan na magsorry sa akin. Wala ka namang ginawang mali.” sabi ko sa kanya. “Sorry dahil alam ko na hindi dapat natin ito ginagawa. Alam ko na hindi ka pa ready sa ganitong bagay.
ZENNARA “Nasa panaginip ko siya. Nasa panaginip ko ang r*pist at parang kilala ko ang boses niya.” sagot ko sa kanya habang umiiyak ako. “Sino siya? Sino ang kaboses niya?” tanong niya sa akin kaya nakatingin ako sa kanya. “Ang boses niya ay parang narinig ko na noon. Hindi ko lang alam kung saan ko ba siya narinig.” sagot ko sa kanya. “Sa tingin ko ay pagod ka lang.” sabi niya sa akin. “Mas maganda talaga na ‘wag na natin pag-usapan. Dahil isa siyang bangungot sa buhay ko. Gusto ko na siyang kalimutan para maging masaya ako.” sabi ko sa kanya. “Kalimutan mo na siya, tutulungan kita.” sabi niya sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Hindi ko alam pero kapag ganito ay tingin ko safe ako. Hindi ko alam kung bakit pero dahil sa panaginip ko ay muli kong naalala na lihim ko rin pa lang minahal ang asawa ko noon. Na kahit pala hindi siya nagpapakita sa akin ay natutunan ko pala siyang mahalin. Bumalik sa alaala ko kung gaano ako ka-excited
ZENNARA “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya. “Aalis ka diba? Dito lang muna ako.” sabi niya sa akin. “Ha? Bakit?” nagtataka na tanong ko sa kanya. “Aalis ka at wala silang kasama. Sasamahan ko muna sila habang nakikipag-date ka.” nakasimangot na sagot niya sa akin kaya napangiti na lang ako. “Okay, bantayan mo sila ng mabuti.” sabi ko sa kanya. “Okay lang ba na lumabas kami? Pangako aalagaan ko sila,” sabi niya sa akin. “Puwede naman basta siguraduhin mo na hindi mo itatakas o ilalayo mga anak ko dahil lagot ka sa akin–” “Yes, Ma’am. Ako ang bahala sa kanila,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Okay, mabuti na ang malinaw.” sabi ko sa kanya. “Are you comfortable?” biglang tanong niya sa akin. “Oo naman. Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya. “Para kasing–” “Wala namang mali sa damit ko. Baka sa mata mo meron,” sabi ko sa kanya. “Hindi ba masyadong maikli?” “Hindi naman,” sagot ko sa kanya. “Uncle daddy, ang sexy nga po ni mommy eh. Bagay na bagay po sa kanya ang
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy