thank you po sa inyong lahat ❤️
ZENNARA “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya. “Aalis ka diba? Dito lang muna ako.” sabi niya sa akin. “Ha? Bakit?” nagtataka na tanong ko sa kanya. “Aalis ka at wala silang kasama. Sasamahan ko muna sila habang nakikipag-date ka.” nakasimangot na sagot niya sa akin kaya napangiti na lang ako. “Okay, bantayan mo sila ng mabuti.” sabi ko sa kanya. “Okay lang ba na lumabas kami? Pangako aalagaan ko sila,” sabi niya sa akin. “Puwede naman basta siguraduhin mo na hindi mo itatakas o ilalayo mga anak ko dahil lagot ka sa akin–” “Yes, Ma’am. Ako ang bahala sa kanila,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Okay, mabuti na ang malinaw.” sabi ko sa kanya. “Are you comfortable?” biglang tanong niya sa akin. “Oo naman. Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya. “Para kasing–” “Wala namang mali sa damit ko. Baka sa mata mo meron,” sabi ko sa kanya. “Hindi ba masyadong maikli?” “Hindi naman,” sagot ko sa kanya. “Uncle daddy, ang sexy nga po ni mommy eh. Bagay na bagay po sa kanya ang
ZENNARA Hindi ako mapakali dahil nakita ko na naman ang lalaking nagtaka sa buhay ko. Mukhang wala siyang balak na lubayan ako. Kasama ko ngayon si Jetro kaya alam ko na hindi siya basta-basta lalapit sa akin. Pero habang iniisip ko ang tungkol sa lalaking ‘yon ay hindi ko inaasahan na makikita ko rin ang tatlong tao. Nagulat pa ako dahil pare-pareho ang mga damit nila. Hindi sila lumapit sa akin pero nakangiti sila. Ako naman ito hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakatingin kaming dalawa ni Jetro sa kanila. Naglalaro rin sila ng bowling? Tanong ko bigla sa sarili ko. Pero nagtataka lang ako kung bakit nandito rin sila. Alam ba nila na dito kami pumunta? Nakakainis na hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kasi nagseselos at naiinggit ako sa kanila. Ang saya-saya kasi nilang tatlo. Ang saya ng mga anak ko habang kasama siya. Kahit si Timothy ay nakangiti rin. “Gusto mong lumipat?” pabulong na tanong sa akin ni Jetro. “‘Wag na hayaan mo na sila,” sabi ko sa kanya. “Are you sure?” tan
ZENNARA“Masaya ba talaga kayo kapag kasama natin siya?” tanong ko sa kanilang dalawa.Mabilis naman silang tumango sa akin kaya tumingin ako kay Timothy.“Talaga bang tanggap mo ako? Tanggap mo kami ng mga anak ko?” tanong ko sa kanya.“Tanggap kita, tanggap ko sila.” sagot niya sa akin.“Tim, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na, I’m giving you a chance now.” kinakabahan na sabi ko sa kanya.“Really?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Opo,” sagot ko pero magulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap.“Thank you, Zen. Thank you,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya napangiti na lang rin ako.Naisip ko na ngayon na malinaw na ang lahat sa amin ni Jetro ay baka puwede kong bigyan ng chance ang lalaking ito. Ang lalaking nagpapasaya sa mga anak ko. At sa tingin ko ay kaya rin niyang pasayahin ang puso ko. Bibigyan ko siya ng chance at kung hindi naman magwork ay wala na akong magagawa.“Tim, ibaba mo na ako. Nakakahiya na,” sabi ko sa kanya dahil may mga nakatingin sa amin.“Sorry, masa
ZENNARA Bumili kaming dalawa ng drinks dahil alam ko na nauuhaw na rin ang mga anak ko. Binitiwan lang niya ang kamay ko nang binigay na sa amin ang orders namin. Bumalik na kaming dalawa sa mga bata at pagkatapos ay lumabas na kami para kumain sa food court.Mabuti na lang at hindi nagrereklamo itong si Timothy. Kahit pa nakasuot siya ng sumbrero ay malalaman pa rin na gwapo siya kahit pa yumuko siya o kahit na wala siyang gawin ay ganun pa rin. Ang gwapo naman kasi niya, matangkad at halatang lalaking lalaki ang tindig.Pero teka lang pinupuri ko ba siya? Bakit ko naman siya pinupuri? Kanina ko pa yata siya pinupuri kaya kahit ako ay naiinis na rin sa sarili ko. Lalo na kapag nakikita ko na inaalagaan niya ang mga anak ko ay parang ang gwapo niya sa paningin ko. I hate this kind of feeling dahil lagi na lang niyang nakukuha ang atensyon ko. Sa totoo lang ay kanina pa mabilis ang t*bok ng puso ko.“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin.“I’m good, punta lang ako sa banyo.” paalam ko
ZENNARA “Thank you sa paghatid sa amin.” sabi ko sa kanya after niyang ihatid sa loob ng bahay ang dalawang bata. Nasa tabi na siya ngayon ng sasakyan niya at paalis na. “See you tomorrow,” nakangiti na sabi niya at hinalikan ako sa noo. “See you–” Nagulat ako dahil hinalikan na naman niya ako sa labi. Bigla naman akong nahiya sa ginawa niya. Tapos parang ayaw pa niyang bitiwan ang kamay ko. “Sige na umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya. “Pwede ba akong matulog dito?” tanong niya sa akin. “Hindi puwede, saka tigilan mo nga ako. Ang bilis ng mga galawan mo.” sabi ko sa kanya. “Mas gusto ko kasi ng mabilisan,” sabi niya sa akin. “Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya. “Gusto kitang kasama eh.” “In love na in love ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya. “Oo,” mabilis na sagot niya sa akin na hindi man lang nagdalawang isip sa sagot niya. “Tsk! Bahala ka nga,” sabi ko sa kanya. “Okay po, aalis na ako. Good night, dadalaw ako sa panaginip mo,” nakangisi na sabi niya sa akin. Dahil s
ZENNARAPababa ako ngayon para sana magluto ng agahan ng mga anak ko pero nagulat ako sa taong bumungad sa akin dito sa kusina.“Why are you here? At anong ginagawa mo?” kunot noo na tanong ko sa kanya.“Good morning,” nakangiti na bati niya sa akin at lumapit pa siya para humalik sa noo ko.Kaagad naman na uminit ang mukha ko sa ginawa niya. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at naka-apron pa.“Marunong ka bang magluto?” Tanong ko sa kanya.“Not really, pero mabilis naman akong matuto.” Sagot niya sa akin.“Tulungan na lang kita baka mamaya sunugin mo ang bahay ni mama.” Sabi ko sa kanya.Tumawa lang siya sa sinabi ko na para bang tuwang-tuwa pa siya. Hindi naman ako nagbibiro pero tumatawa siya. Inirapan ko na lang siya dahil naiinis ako sa kanya. Ang aga naman kasi niyang mang-asar.“Ikaw ang nagbibiro pero ikaw naman ang naasar,” narinig ko na sabi niya.“Tsk! Tigilan mo ako, dahil hindi ako nagbibiro.” mataray ko na sabi ko sa kanya.“Hindi ka ba nagbibiro, sorry po.” nakangisi na
ZENNARA “Okay ka lang ba?” Tanong ko kay Timothy.“I’m good, sorry hindi ko kasi napansin na red light na naman pala ulit.” Sagot niya sa akin kaya napatingin naman ako sa stop light. At tama siya naka-stop na naman pala. Medyo nag-overthink ako na baka may ibang ibig sabihin ang pag-preno niya. Malapit na kaming makarating sa office mga ten minutes na lang siguro. Naging tahimik siya kaya hindi na lang din ako nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng building.Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pintuan dahil bumaba na agad ako. Nauna na rin akong pumasok sa kanya kahit pa alam ko na nasa akin ang atensyon ng mga tao dito. Hindi ko na lang sila pinansin pa dahil alam ko naman ang iniisip nila. Iniisip nila na may relasyon na kami ni Timothy at hahayaan ko na lang sila. Baka isang araw ay maging totoo na rin naman kaya hindi ko na kailangan pang itago.Akmang sasakay na ako sa elevator nang bigla na lang niya akong hilain papunta sa private elevator niya.“W
ZENNARA “Tumigil ka na. Kung hindi ka pa titigil ay magagalit ako sa ‘yo at hindi na talaga kita sasagutin.” wala sa sarili na sabi ko at bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko ang sinabi ko. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil nakangiti na naman siya. Halatang masaya siya sa narinig niya mula sa akin. “Ibig sabihin talaga ay malaki talaga ang chance ko.” nakangisi na sabi niya sa akin. “Lumabas ka na nga doon.” nakanguso na sabi ko sa kanya pero hindi man lang niya ako inintindi at hinalikan pa niya ako ulit. Dahil sa ayaw ko na siyang itulak kaya hinayaan ko na lang. Makulit pa rin naman siya at patuloy niya akong kukulitin. “Break time na, babe. Labas na tayo,” sabi niya sa akin. “May trabaho akong ginagawa. Kung ikaw hindi busy, ako naman ang busy kaya magbreak time ka na doon.” sabi ko sa kanya para naman magawa ko ang dapat kong gawin. “Ako ang boss kaya ako ang masusunod,” sabi niya sa akin. “Wala akong pakialam kung boss kita.” sabi ko naman sa kanya.
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy
TIMOTHYNapa-buntong hininga na lamang ako. Gustuhin ko man na pumasok sa loob ay nawalan na ako ng lakas ng loob lalo na ramdam ko talaga ang galit sa akin ni Zen. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa kotse ko. Siguro ay kailangan ko na munang makuntento sa kung ano lang muna ang meron sa ngayon.Nakasama ko na kanina ang mga anak ko kahit pa maikling oras lang. Sumakay ako sa kotse ko at sa condo ko na ako umuwi. Habang nasa daan ay napamura ako dahil hindi ko man lang naalala na kunan ng litrato ang mga ako. Sobrang sinulit ko kasi ang oras kaya nawala na sa isip ko na magpicture kami.“Okay lang, may susunod pa naman.” kausap ko sa sarili ko.Nang makarating na ako sa condo ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam pero kahit na ang pakiramdam ko ay pagod ako pero hindi ako makatulog. Bumangon ako para kumuha ng alak pero wala na pala akong alak sa fridge. Kaya nagpasya ako na lumabas na lang para bumili. Maganda rin ito na maglakad-lakad ako.Paglabas ko sa building
TIMOTHYNang makita ko ang text message ay mabilis akong tumayo. Wala akong pakialam sa party na ito dahil ang inaasahan ko talaga ay makita ang mag-ina ko. Lumabas ako sa venue para tawagan ang number na nagtext sa akin.“Hello, Zevi?”“Hello po, daddy.” narinig ko ang boses niya kaya bigla na lang pumatak ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na talaga ang mga anak ko.“Yes, boss. I’m here, nasaan ka? Puwede ba tayong magkita? Si Zian kasama mo ba? Ang mommy mo kasama mo rin ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Where are you po, daddy?”“Nandito ako sa labas. Lumabas muna ako kasi gusto ko na makausap ka ng maayos.”“Wala ka po dito sa loob?” tanong niya sa akin.“Wala po, dito ako sa labas. Gusto mo bang puntahan kita d’yan?” tanong ko sa kanya.“Ako na lang po ang pupunta. Kasama ko po si Zian,” sagot niya sa akin.“Okay, I’ll wait here.” sabi ko sa kanya.Nawala na ang tawag. Ako naman itong lakad ng lakad dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero mas lamang ang ex
THREE MONTHS LATERTIMOTHY “Sir, here's the monthly sales report.” Sabi sa akin ni Ryan at nilapag niya sa harap ko ang mga reports.“Thank you,” malamig na turan ko sa kanya.“Kapag po may kailangan ka ay tawagin mo na lang po ako.” “Ryan, alam ko. Matagal ka na sa akin. Matagal na kitang kasama, pinagkakatiwalaan kita.”“Lagi lang akong nasa tabi mo, Sir.” Sabi niya sa akin. “Huwag na, mas gusto ko na gawin mo na ang lahat ng nais mo. Magbagong buhay ka na,” sabi ko naman sa kanya.“Bakit naman ako magbabagong buhay, Sir?”“Alam ko na ang lahat, alam ko na ang totoo. Bakit? Bakit mo ginagawa ang bagay na ‘yun? Sinira mo ang buhay ko.” Kalmado ko na tanong sa kanya kahit pa ang totoo ay gusto kong basagin ang mukha niya.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”“Hindi mo alam? Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang nag-utos sa ‘yo? All this time ay niloloko mo lang ako. Hindi ka basta secretary lang para sa akin. Kasi naging kaibigan kita pero hindi ko alam na ikaw pa pala ang sasaksak sa a
THIRD PERSON POVMalungkot na nakatingin si Mrs. Miller kay Zen. Pero alam niya na nasasaktan ito ngayon. Alam niya na hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon. Nalulungkot lang siya dahil ang buong akala niya ay magiging masaya na ito, na magkakaroon ito ng masayang pamilya.Pero may mga sitwasyon talaga na hindi kontrolado. Nalulungkot siya para sa mga bata. Alam niya na mas nasasaktan ang mga ito. Tatlong araw na ang nakalipas. “Mga apo, kumain na kayo.” saad niya sa mga bata.“Wala po kaming gana, grandma.”“Alam ko na malungkot kayo. Pero kailangan niyong kumain. Para kapag nagkita kayo ng daddy niyo ay hindi siya malungkot. Diba gusto niyo siyang makasama?” tanong niya sa mga bata.“Opo, gusto po namin. Gusto namin ng isang happy family. Alam po namin na galit si mommy. Pero gusto po namin na makasama ang daddy namin.” umiiyak na sambit ni Zevi.“Alam ko, pero bigyan natin ng time ang mommy niyo. Malay niyo kapag nakapag-isip na siya ay bumalik na kayo ulit sa Pilipinas. Makak