HELLO PO, kumusta po kayong lahat? sorry po kung ngayon ang ako nakapag-update.. Balik update na po ako dito.. maraming salamat po sa paghihintay!
ZENNARA “That’s fine. Lunch meeting naman ang pupuntahan natin at hindi party.” Masungit na sabi niya at binayaran na ang damit na pinili ko.Nauna rin siyang lumabas sa store. Sumunod na lang ako sa kanya. Dala ko pa rin ang marumi kong damit dahil sayang naman kung itatapon ko na lang.“Bakit dala-dala mo pa ‘yan?” Tanong niya sa akin.“Bakit itatapon ko na lang ba? Marumi lang naman ito at pwede ko pang labhan.” Sagot ko sa kanya.“Tsk!” Asik niya sa akin.“Ano bang problema mo? Hindi naman ikaw ang maglalaba.” Naiinis na ako sa kanya.“Amoy kape ang loob ng kotse ko.” Reklamo niya kaya natameme ako.“Tiisin mo, kagagawan naman ng asawa mo eh.” Sabi ko sa kanya na para bang balewala lang sa akin na mangamoy kape ang kotse niya.Hindi siya nag-salita at nagmaneho na lang siya. Tahimik kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa restaurant kung saan ang lunch meeting. Pagpasok namin ay hinatid kami ng staff sa VIP room. Nang pumasok kami ay bumungad sa akin ang taong kilala ko.“Mr
THIRD PERSON POV“Kambal, galit ka pa rin ba kay mommy?” tanong ni Zian kay Zevi.“Hindi naman ako galit kay mommy. Nagtatampo lang ako,” sagot ni Zevi sa kanyang kapatid.“Pero sigurado ka ba na daddy natin ang nakita mo?”“I'm a hundred percent sure na daddy natin siya. Ang mga mata niya ay katulad sa mga mata natin. Malakas ang kutob ko na siya ang daddy natin.” sambit ni Zevi.“Pero paano natin siya mahahanap? Alam mo ba ang pangalan niya?” tanong ni Zian.“Hindi ko alam pero naniniwala ako na magkikita pa kami ulit. At kapag nakita ko ulit siya ay papatunayan ko kay mommy na siya ang daddy natin. Sa ngayon ay kailangan kong maghintay kung kailangan ko ulit siya makikita.”“Sana makita ko rin siya para naman malaman ko rin kung totoo ba ang sinasabi mo. Gusto ko rin kasi na makilala ang daddy natin.” Sambit naman ni Zian.“Kailangan natin siyang mahanap para mabuo ang pamilya natin. Mas gusto ko pa rin ang daddy natin kaysa kay Tito Jetro. He’s nice pero iba pa rin ang daddy natin.
ZENNARA“Congratulations to us, guys!” masaya na sabi ko sa ka-team ko dahil natapos na namin ang new product at successful ang ginawa naming project.Naging magaan ang lahat ng trabaho dahil nagtutulungan kaming lahat. “Miss Zen, totoo ba na ito ang una at huling project mo dito? Aalis ka na ba talaga?” tanong sa akin ng isang ka-work ko.“Hindi ko pa alam,” sagot ko sa kanya.“Diba naging mabait na sa ‘yo si Sir. Hindi na kaya siya masungit at kung ano man po ang chismis na ipinapakalat nila sa ‘yo lang kami naniniwala. Alam namin na hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa ‘yo.” “Thank you, guys. Pero hayaan niyo sila. Kung doon sila masaya ay hayaan mo. huwag na kayong makipag-away ulit,” sabi ko sa kanila dahil noong nakaraan ay muntik na silang makipag-sabunutan sa mga alipores ni Olivia.“Pero kasi ang sasama ng mga ugali. Mabait ka at kilala ka namin. Hindi nila alam kung gaano tayo naghirap para lang matapos natin ang project na ito.”“Hayaan niyo na lang sila ang mahala
ZENNARA“Hindi ko pa alam kung matutuloy ba ang pag-alis ko,” saad ko kay Jetro.“Alam ko na may dahilan ka kaya ka nagdadalawang isip. Pero kung ano man ‘yan ay sana mabuti ang dulot sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Thank you, Jet.” Habang nasa daan kami ay nagkukwentuhan kaming dalawa. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Hindi na siya pumasok dahil may gagawin pa raw siya. Pagpasok ko ay tahimik ang buong bahay. Ang sabi ng kasambahay ay nasa taas raw ang mga anak ko. Pagpasok ko sa room nila ay mahimbing silang natutulog.Niligpit ko ang mga gamit nila dahil mukhang nagdrawing na naman si Zevi. Pagkatapos kong iligpit ay lumabas na rin ako para magluto ng hapunan. Umalis raw si mama kaya kami lang ang nandito. Bukas ay launching na at may party na magaganap. Habang nagluto ako ay nakita ko ang sarili ko sa salamin na nandito sa kusina. Kailangan ko na yatang pumunta sa salon bukas ng umaga.Medyo na-stress kasi ako nitong mga nakaraan kaya hindi na ako nakapag-ayos ng
ZENNARA“Sir,” tawag ko sa kanya.Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nilabas ko sa pouch ko ang resignation letter ko.“Magreresign na po ako,” sabi ko sa kanya.Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kinuha niya ang resignation letter ko at binasa niya ito. Muli siyang tumingin sa akin.“I won’t accept it, hindi ako papayag.” seryoso niyang pinunit ang resignation letter ko.“I’m sorry pero aalis pa rin ako,” sabi ko sa kanya at mabilis akong tumayo para umalis na.Habang naglalakad ako ay nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin.“What are you doing?” tanong ko kay Timothy.“Let’s talk,” sabi niya sa akin.“Wala naman tayong dapat pag-usapan,” saad ko sa kanya.“Meron, hindi ako payag. Hindi ako pumapayag na umalis ka. My company needs you,” sabi niya sa akin kaya bigla akong tumawa.“Really? As I remembered ay ayaw mo nga sa akin diba. You don’t like my work. Tapos ngayon gusto mong mag-stay ako? I’m sorry pero buo na ang loob k–”“Magkano ang kailangan mo para l
ZENNARA“Lumayo ka nga sa akin,” sabi ko at tinulak ko siya palayo sa akin.“Bakit ka namumula? Siguro gwapo ako noh?” mukhang inaasar niya ako.“Feeling,” masungit na sabi ko sa kanya.“Ayaw mo pang aminin na gwapo talaga ako.” sabi pa niya.“Alam mo magdrive ka na lang d’yan. Babaan mo naman ang upuan mo kasi ang taas masyado eh.” sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.“Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka,” sabi niya sa akin kaya biglang nawala ang ngiti ko.Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko na para bang kinakabahan ako. May kung ano rin sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Mas pinili ko na tumahimik na lang. Wala akong balak na magsalita dahil hindi na ako komportable. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. “Ang tahimik mo?” tanong niya sa akin.“Gusto ko lang,” sagot ko sa kanya at inayos ko ang coat niya na suot ko.“Aalis ka ba talaga? Hindi na ba kita mapipigilan? Gusto ko pa kasi sanang magkaroon ng maraming projec
THIRD PERSON POVHindi makatulog ang batang si Zevi. Nakatingin lang siya sa kanyang kakambal na ngayon ay mahimbing na natutulog. Naiinis siya, ayaw niya sa ibang lalaki para sa mommy niya. Isang tao lang ang gusto niya at iyon ang daddy niya. Wala siyang balak na tanggapin ang ibang lalaki. Ayaw niya ng ibang daddy. His tito Jetro is kind and caring pero iba pa rin kapag ang tunay niyang daddy ang mag-aalaga sa kanya. Mas gusto niya ‘yun/ mas gusto nila ni Zian ng ganun. Mabilis niyang kinuha ang drawing na nasa ilalim ng kanyang unan. Pinagmasdan niya ng mabuti ang drawing niya. Sigurado siya na ito ang mukha ng kanyang ama. Malakas ang pakiramdam niya na ito ang daddy nila. Pareho ang kulay ng mga mata nila. Ginawa niya ang lahat para maging maganda ang drawing niya. Para makuha niya ang mukha ng lalaki na nakita noong nasa mall sila. Ilang araw at linggo na ang lumipas pero malinaw pa rin sa alaala niya ang mukha nito.Kahit pa sabihin ng kanyang mommy na patay na ang daddy nila
ZENNARA “Mommy!” tawag niya ulit sa akin.Mabilis mo namang sinalubong ang anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na muna binigyan ng pansin ang taong kasama niya dahil ang mahalaga sa akin ay ang anak ko. Sobrang nag-aalala at natatakot ako habang naghihintay ako dito. Kaya naman mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.“I can’t breathe, mom.” sabi niya sa akin.“Baby, saan ka ba nagpunta? Bakit ka umalis? Nag-aalala si mommy. Please, ‘wag mong gawin ito ulit ha. Promise me, Zevi.” umiiyak na kausap ko sa kanya.“I’m sorry, mommy.” Umiiyak niya akong niyakap ulit.“Promise me, hindi mo na ito gagawin.” sabi ko sa kanya.“Promise po, mommy. Mabuti na lang po at nakita ako ni uncle.” sabi niya sa akin sabay turo kay Timothy.“Thank you, Tim. Thank you kasi ikaw ang nakahanap sa anak ko.” sabi ko sa kanya.“Masaya ako na makatulong,” sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.Ngumiti ako sa kanya dahil nagpapasalamat talaga ako. Kung kanina ay hindi ko na alam kung ano
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy
TIMOTHYNapa-buntong hininga na lamang ako. Gustuhin ko man na pumasok sa loob ay nawalan na ako ng lakas ng loob lalo na ramdam ko talaga ang galit sa akin ni Zen. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa kotse ko. Siguro ay kailangan ko na munang makuntento sa kung ano lang muna ang meron sa ngayon.Nakasama ko na kanina ang mga anak ko kahit pa maikling oras lang. Sumakay ako sa kotse ko at sa condo ko na ako umuwi. Habang nasa daan ay napamura ako dahil hindi ko man lang naalala na kunan ng litrato ang mga ako. Sobrang sinulit ko kasi ang oras kaya nawala na sa isip ko na magpicture kami.“Okay lang, may susunod pa naman.” kausap ko sa sarili ko.Nang makarating na ako sa condo ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam pero kahit na ang pakiramdam ko ay pagod ako pero hindi ako makatulog. Bumangon ako para kumuha ng alak pero wala na pala akong alak sa fridge. Kaya nagpasya ako na lumabas na lang para bumili. Maganda rin ito na maglakad-lakad ako.Paglabas ko sa building
TIMOTHYNang makita ko ang text message ay mabilis akong tumayo. Wala akong pakialam sa party na ito dahil ang inaasahan ko talaga ay makita ang mag-ina ko. Lumabas ako sa venue para tawagan ang number na nagtext sa akin.“Hello, Zevi?”“Hello po, daddy.” narinig ko ang boses niya kaya bigla na lang pumatak ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na talaga ang mga anak ko.“Yes, boss. I’m here, nasaan ka? Puwede ba tayong magkita? Si Zian kasama mo ba? Ang mommy mo kasama mo rin ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Where are you po, daddy?”“Nandito ako sa labas. Lumabas muna ako kasi gusto ko na makausap ka ng maayos.”“Wala ka po dito sa loob?” tanong niya sa akin.“Wala po, dito ako sa labas. Gusto mo bang puntahan kita d’yan?” tanong ko sa kanya.“Ako na lang po ang pupunta. Kasama ko po si Zian,” sagot niya sa akin.“Okay, I’ll wait here.” sabi ko sa kanya.Nawala na ang tawag. Ako naman itong lakad ng lakad dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero mas lamang ang ex
THREE MONTHS LATERTIMOTHY “Sir, here's the monthly sales report.” Sabi sa akin ni Ryan at nilapag niya sa harap ko ang mga reports.“Thank you,” malamig na turan ko sa kanya.“Kapag po may kailangan ka ay tawagin mo na lang po ako.” “Ryan, alam ko. Matagal ka na sa akin. Matagal na kitang kasama, pinagkakatiwalaan kita.”“Lagi lang akong nasa tabi mo, Sir.” Sabi niya sa akin. “Huwag na, mas gusto ko na gawin mo na ang lahat ng nais mo. Magbagong buhay ka na,” sabi ko naman sa kanya.“Bakit naman ako magbabagong buhay, Sir?”“Alam ko na ang lahat, alam ko na ang totoo. Bakit? Bakit mo ginagawa ang bagay na ‘yun? Sinira mo ang buhay ko.” Kalmado ko na tanong sa kanya kahit pa ang totoo ay gusto kong basagin ang mukha niya.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”“Hindi mo alam? Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang nag-utos sa ‘yo? All this time ay niloloko mo lang ako. Hindi ka basta secretary lang para sa akin. Kasi naging kaibigan kita pero hindi ko alam na ikaw pa pala ang sasaksak sa a
THIRD PERSON POVMalungkot na nakatingin si Mrs. Miller kay Zen. Pero alam niya na nasasaktan ito ngayon. Alam niya na hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon. Nalulungkot lang siya dahil ang buong akala niya ay magiging masaya na ito, na magkakaroon ito ng masayang pamilya.Pero may mga sitwasyon talaga na hindi kontrolado. Nalulungkot siya para sa mga bata. Alam niya na mas nasasaktan ang mga ito. Tatlong araw na ang nakalipas. “Mga apo, kumain na kayo.” saad niya sa mga bata.“Wala po kaming gana, grandma.”“Alam ko na malungkot kayo. Pero kailangan niyong kumain. Para kapag nagkita kayo ng daddy niyo ay hindi siya malungkot. Diba gusto niyo siyang makasama?” tanong niya sa mga bata.“Opo, gusto po namin. Gusto namin ng isang happy family. Alam po namin na galit si mommy. Pero gusto po namin na makasama ang daddy namin.” umiiyak na sambit ni Zevi.“Alam ko, pero bigyan natin ng time ang mommy niyo. Malay niyo kapag nakapag-isip na siya ay bumalik na kayo ulit sa Pilipinas. Makak