THIRD PERSON POV
“Honey, are you okay?” tanong ni Timothy sa kanyang asawa ng tuluyang mawala sa paningin niya ang babae.
“Do I look okay?” naiinis na sagot ni Olivia sa kanyang asawa.
Naiinis siya dahil nahuli niya ang asawa niya na nakatitig sa papalayong likod ng babae.
“Let’s go,” napabuntong hininga na lang ang lalaki dahil sa napansin niya sa kanyang asawa.
“Bakit mo hinayaang maka-alis ang babaeng ‘yon?” naiinis na tanong ni Olivia.
“She’s just a waste of time kaya hayaan mo na lang siya. Ibibili na lang kita ng maraming ganyan,” sabi ni Timothy sa kanyang asawa.
“Sana hinayaan mo na lang muna ako na pahirapan siya. Napahiya ako sa mga tao dito,” galit na turan ng babae.
“Hahayaan kita kung wala tayo sa public place. Naisip mo ba kung ano ang mangyayari kung sakaling may lumabas na video? Masisira ako, tayo. At hindi ko hahayaan ang nais mo. Don’t worry dahil kakausapin ko ang management dito,” sabi ni Timothy.
“Tsk!” asik nito at hindi na lang pinatulan ni Timothy. Naisip rin niya na galit ito dahil sa nangyari sa damit nito.
Habang nasa daan sila pauwi ay hindi mawala sa isipan niya ang babae. Ang babaeng nakaaway ng kanyang asawa. Sa tingin niya ay nakita na niya ito noon. Hindi lang niya maalala kung saan. Sa tingin niya ay kilala niya ito dahil sobrang pamilyar ang mga mata nito. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng babae na umaayaw sa pera.
Halos lahat ng nakilala niyang babae ay gold digger at hindi umaayaw sa pera ngunit iba ang babae. Pinunit nito ang pera na binigay niya na para bang walang halaga ang isang daang libong peso.
“Honey, are you listening?” tanong ni Olivia dahil napansin niya na parang may iniisip ang asawa niya.
“May sinasabi ka?”
“Wala,” galit na sabi nito.
Hindi na lang ito pinansin ni Timothy at pumikit na lang siya dahil malayo pa naman sila sa bahay nila. Napansin naman ito ni Olivia kaya mas lalo siyang nainis. Muli na naman niyang naalala ang dahilan kung bakit nasira ang araw niya. At may kutob siya na may kakaiba sa babaeng ‘yon. Hindi niya alam kung ano ito pero aalamin niya. Hahanapin niya ito dahil hindi siya makapapayag na ang isang mababang babae lang ang tatalo sa kanya. Nang makarating na ang dalawa sa bahay nila ay hindi siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse kaya naman padabog na lumabas si Olivia.
Dumiretso naman si Timothy sa kanyang office dahil may kailangan siyang gawin. Habang nagtatrabaho siya ay bigla na lang niya naalala ang dati niyang asawa. Hindi niya inaasahan na mamatay ito noong pinalayas niya ito sa bahay niya.
Wala siyang balak na hiwalayan ang babae ngunit nalaman niya na niloloko siya nito. At iba’t-ibang lalaki ang naging kalaguyo nito kaya walang dahilan para pakisamahan pa niya ito. Aminado siya na naging busy siya pero tinapos lang niya ang mga kailangan niyang gawin ngunit mali ang desisyon niya na bumalik.
At ngayon ay may babaeng gumugulo sa isipan niya. O baka hindi lang matanggap ng ego niya na may babaeng kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Dahil ni minsan ay walang babaeng may lakas ng loob na tingnan siya sa mata.
*******
ZENNARA
Maaga akong gumising dahil kailangan kong magluto ng breakfast para sa mga anak ko. Ito rin ang unang araw ko sa trabaho. Sa totoo lang ay wala akong balak na pumasok sa company na ito pero ang boss ko mismo na si Tiffany Miller ang nagpasok sa akin sa planning department.
Business partner raw niya ito at nangangailangan ito ng pansamantalang tauhan. Dahil sa kabutihan niya sa akin ay nahihiya akong tumanggi. Wala akong balak na bumalik sa Pilipinas ngunit dahil sa trabaho na tinanggap ko ay napauwi ako ng wala sa oras.
“Good morning, mom.” nakangiti na bati sa akin ni Zian.
“Good morning, baby. Kumusta ang sleep niyo?” tanong ko sa kanila dahil ang aga rin nilang nagising.
“Okay naman po, mommy.”
“Mabuti naman kung ganun. Upo na kayo para magbreakfast na tayo. May work na si mommy kaya magbehave kayo dito sa Tita Chena niyo.” sabi ko sa kanila.
“Okay po, mommy. Behave lang po kami ni kuya.”
“Good morning, frenny. Kumusta ang tulog niyo?” tanong sa akin ng kaibigan ko.
“Okay na okay, frenny.” sagot ko sa kanya.
“Ngayon na ba ang first day mo sa trabaho?” tanong niya sa akin.
“Oo, kailangan na agad magwork. Alam mo naman para sa future,” pabiro na sagot ko sa kanya.
“Ako na muna ang magbabantay sa kanila ngayon. Bukas pa naman ang work ko at mamaya na darating ang makakasama niyo dito,” sagot sa akin ng bestfriend ko na si Chena.
“Thank you, frenny. Naiiwan na silang dalawa dahil mabait naman ang mga anak ko.”
“Malambing na gwapo pa,” sabi ng kaibigan ko at kinurot ang pisngi ng mga anak ko.
Masaya kaming kumain ng breakfast pagkatapos ay naghanda na ako para pumasok sa trabaho ko. Nagbook na lang ako ng sasakyan papunta sa TIMR Corp. Medyo malayo ito sa bahay namin pero sa mga susunod na araw ay bibili na rin ako ng sasakyan para gamitin sa pagpasok sa trabaho at para na rin hindi ako mahirapan sa pagbook palagi.
Nang makarating ako sa company ay kaagad na binigay sa akin ang ID ko. At sinamahan rin ako ng HR department papunta sa magiging workplace ko.
“Good morning, Miss Reyes,” nakangiti na bati sa akin ng mga bago kong ka-trabaho.
“Good morning,” nakangiti na sabi ko sa kanila.
Nagsimula na kaming magtrabaho at masasabi ko na magaling rin talaga sila. Alam ko na maninibago sila sa akin lalo na ako na ang nagpalit sa dati nilang head. Pero nandito ako para gawin ng maayos ang trabaho ko.
Sa unang araw ko sa trabaho ay may mga nakakausap na ako. Naging magaan ang trabaho ko kasama sila. Masasabi ko na okay naman ang environment ng bago kong trabaho. Maaga rin akong umuwi dahil balak kong pumunta sa grocery para bumili ng mga ibang kailangan namin sa bahay.
Habang nag-ikot ikot ako ay hindi sinasadyang may nabangga ako.
“Sorry,” sabi ko sa kanya at hindi na sana ako lilingon ngunit.
“Tanga ka b—Zennara?”
Halatang nagulat siya na muli akong makita. Na para bang nakakita siya ng multo sa nakikita niya ngayon.
“Kumusta ka na ….”
ZENNARA“Tanga ka b—Zennara?” Halatang nagulat siya na muli akong makita. Na para bang nakakita siya ng multo sa nakikita niya ngayon.“Kumusta ka na, mommy?” tanong ko sa kanya.“B–Buhay ka?”“Dapat po ba patay na ako? Hindi ka po ba masaya na nakabalik na ako?” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya pero bigla na lang niya akong tinulak.“Huwag mo nga akong hawakan.” “Wala naman po akong nakakahawang sakit. Galit pa rin po ba kayo sa akin? Limang taon na po ang lumipas, mommy.” sabi ko sa kanya.“Dahil sa ‘yo kaya nawala ang lahat sa amin. Wala kang utang na loob,” sabi niya sa akin.“Mommy, tinuring niyo man lang ba akong anak?” tanong ko sa kanya.“Hindi,” mabilis na sagot niya sa akin.Inaasahan ko na ito na ang magiging sagot niya sa akin kaya hindi ganun kasakit. Simula ng bumalik ako dito ay ihinanda ko na ang sarili ko. Sa loob kasi ng limang taon ay hindi man lang siya nagbago. Wala pa rin pa lang nagbago sa ugali niya.“Sige po, mauna na ako sa inyo.” sabi ko sa kanya at
ZENNARAWalang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan silang dalawa ngayon. Inayos ko muna ang mga binili ko bago ako pumunta sa room nilang dalawa. Hindi na ako kumatok dahil iniisip ko na baka tulog silang dalawa.Nang binuksan ko ang pinto ay nakaupo silang dalawa sa kama nila. Papasok na sana ako ngunit narinig ko silang dalawa na nag-uusap.“Sa tingin mo makikilala na natin ang daddy natin?” tanong ni Zian sa kakambal niya.“Hindi ko alam, pero hindi naman natin alam ang name niya. Kung alam natin ay mabilis lang natin siya mahahanap lalo na nasa Pilipinas na tayo.” sabi naman ni Zevi.“Pero hindi naman sinasabi ni mommy kung sino ang daddy natin kaya hindi natin alam, kuya. Pero ayaw ko rin na umiyak si mommy. Ayaw kong magtanong dahil alam ko na iiyak na naman siya.” bakas sa boses ni Zian ang pag-aalala.“Hayaan na lang muna natin. Kasi kung may daddy talaga tayo ay dapat hinahanap niya tayo. Sana ay hinahanap niya at hindi niya sana hin
ZENNARA (CONTINUATION OF FLASHBACK) “Zen, ang gwapo mga anak mo.” “Please po, ‘wag mo silang ilapit sa akin.” sabi ko sa kanya. “Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Anak mo sila at hindi nila kasalanan ang kasalanan ng ama nila. Kaya please lang ‘wag mo silang idamay sa galit mo,” sabi niya sa akin. Sa una ay binalewala ko ang mga sanggol na nasa harapan ko pero ng umiyak sila ay bigla na lang akong umiyak. Gusto ko silang pabayaan pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang marinig na umiiyak sila. Humagulgol ako at ilang ulit kong sinampal ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil naging masama ako sa mga anak ko. “Sorry mga anak ko,” umiiyak na sabi ko sa kanila ng ibigay na sila sa akin. Tumigil na sila sa pag-iyak pero hindi ako. Ngayon ako natauhan sa mga ginawa ko sa anak ko. Naging masama akong ina sa kanila. Alam ko sa sarili ko na wala silang kasalanan pero dinamay ko sila sa galit ko. “Papalakihin ko kayo kahit pa mahirapan ako. Simula ngayon ay mamahalin ko kayong
ZENNARA“Hindi mo ako puwedeng pa-alisin sa company na ito,” sabi ko sa kanya.“At sino ka naman para magsabi niyan? Ako ang asawa ng may-ari ng company na ito. Ako ang magdedecide kung sino ba ang dapat na manatili at kung sino ba ang dapat na umalis,” galit ang mga mata na sabi niya sa akin.“Really? Pero may kontrata ako dito at nakasaad rin sa kontrata na kailangan niyo akong bayaran ng 10 million kapag umalis ako dito o kapag pinaalis niyo ako ay puwede akong mag-demand ng double the price,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Kalokohan!” sigaw niya sa akin.“Kailangan ko pa bang ipakita sa ‘yo ang kontrata?” nakangisin na tanong ko sa kanya.“Hindi ka puwede dito, hindi!” sigaw niya sa akin.“Bakit naman hindi? Maayos akong magtrabaho at isa pa ikaw ang may mali dito. Kahit saan tayo dalhin na dalawa ay ipagtatanggol ko siya. Wala kang karapatan na manakit dahil sa gusto mo lang,” sabi ko sa kanya.“Pakialamera ka! Humanda ka kapag nalaman ito ng asawa ko. Siya mismo ang magpapaalis
ZENNARAPagkatapos kong magbihis ay nagtrabaho na ulit ako. Lumabas ako dahil may kailangan akong kunin sa isa kong ka-trabaho. Hindi ko binigyang pansin ang tingin sa akin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Wala akong pakialam sa kanila at hindi rin ako nagsisisi na ipinagtanggol ko ang babae kanina.“Let’s talk,” sabi sa akin ni Ryan.“About what?” Tanong ko sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng office. Nang makapasok kami ay agad kong binawi ang kamay ko.“Why are you here?” Tanong niya sa akin.“Bakit? Bawal ba ako dito?” Tanong ko rin sa kanya.“Alam mo ang sagot d’yan. Sa tingin mo ba matutuwa si Sir Timothy kapag nalaman niya na nandito ka? Kaya please lang magresign ka na.”“Matagal na kaming tapos kaya wala ng dahilan para mag-aalala ka. Ginagawa ko lang ang trabaho ko at labas ang personal kung buhay sa trabaho ko. Wala akong balak na magresign dahil may kontrata ako,” saad ko sa kanya.“Huwag kang magpapakita sa kanya kung ayaw mong masira ang
ZENNARA“Good morning, Miss Reyes.” malamig na bati sa akin ni Timothy habang nakaupo siya sa upuan ko.“Good morning, Sir.” magalang na bati ko sa kanya.“So, you’re the new employee from abroad? Ikaw pala ang pinadala dito ni Mrs. Miller?” tanong niya sa akin habang diretso na nakatingin sa akin.“Yes, Sir.” sagot ko at yumuko ako dahil ayaw kong salubungin ang malamig niyang mga mata. “I think maling tao ang pinadala nila sa akin.”“Paano mo nasabi ‘yan, Sir? Hindi mo pa naman nakita kung paano ako magtrabaho. Balak mo na ba akong tanggalin sa trabaho ko?” tanong ko sa kanya sabay angat ng ulo ko.“Hindi ako magbabayad ng ilang milyon para sa breach of contract. Will see kung paano ka ba talaga magtrabaho, Miss Reyes.” mahina ang boses niya pero alam ko na may ibang ibig sabihin siya.Tumayo siya at inayos niya ang necktie niya. Akamang lalabas na sana siya sa pinto pero bigla na lang siyang nagsalita.“Pagsisihan mo na dito ka pa sa company ko pumasok. Next time hindi na kita haha
ZENNARAHindi ko inaasahan na sa pagdating namin sa bahay ay may kotse na ako. Ang bilis talaga ni Mrs. Miller. “Hindi niyo po ito kailangang gawin,” sabi ko sa kanya dahil may kasama pang driver ang binigay niya.“Ayaw ko na mapagod ka sa trabaho mo. Ewan ko ba sa ‘yo, may pera ka naman pero bakit ayaw mong bumili ng sasakyan.” “Bibili naman po ako pero sa weekend pa,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Ang tagal pa nun.”“Thank you po,” malambing na sabi ko dahil alam ko naman na magtatampo siya agad kung hindi ko ito tatanggapin o kung umangal pa ako.“Mamita!” sigaw ng mga anak nang makita nila si Mrs. Miller.“Kumusta ang mga gwapong apo ko.”“We’re good po. How about you, mamita? Napagod ka po ba sa flight mo? Bakit naman hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana sinundo ka namin ni mommy.” madaldal na sabi ni Zian.“Na-miss ko talaga ang pagiging madaldal mo.”“Me too, mamita. I miss you so much. Marami po akong kwento sa ‘yo. Alam niyo po ba noong dumating kami dito ay may witch na nana
ZENNARA Nahuhuli ko minsan si Timothy na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko lang siya. Nagpatuloy ako sa pagpresent sa harap nila. “I don’t like your presentation,” sabi niya sa akin. “Really? Why, Sir? Ano po ba ang gusto niyo? Sino po ba talaga ang target market niyo? Kasi sa 50 samples na binigay ko sa ‘yo ay wala ka man lang kahit isang nagustuhan? Puwede mo naman sigurong sabihin kung ano talaga ang gusto mo para naman alam namin.” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Are you questioning me, Miss Reyes?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Yes, Sir. Gusto ko kasi malaman kung alin ba ang hindi mo nagustuhan. So we can do some adjustments,” sabi ko sa kanya. “Lahat ng gawa mo ay pangit,” sagot niya sa akin like ang harsh ng pagkakasabi niya. “Okay, iba pala ang taste mo.” balewala na sabi ko sa kanya. “Next time ay ayusin niyo na ang presentation niyo para hindi masayang ang oras ko. You’re wasting my time with your trash presentation.” sa
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy