ZENNARA
5 YEARS LATER Kakalapag lang ng eroplano namin ngayon. Sa loob ng limang taon ay ngayon na lang ulit ako babalik dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive pero masasabi ko na malaki na ang nagbago sa akin sa loob ng limang taon. At ang mga pagbabagong iyon ay ginawa ko para sa sarili ko. To be the best version of myself. “Mommy, nasa Philippines na po ba tayo?” tanong sa akin ng limang taong gulang kong anak na si Zian. “Yes, baby. Nasa Pilipinas na tayo,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Excited na po ako, mommy.” kitang-kita sa mga mata niya na excited na siya. “Behave lang kayo okay. Umuwi tayo dito dahil may trabaho si mommy. At kapag nagustuhan niyo dito ay puwede na tayong mag-stay for good.” “Really, mommy? Dito na rin po ba kami mag-aaral?” tanong pa ulit sa akin ni Zian. “Opo,” sagot ko sa kanya. “Mommy, napansin mo po ba na sa ‘yo nakatingin ang ibang mga tao dito?” tanong sa akin ni Zevi habang nakakunot ang noo. Kaya naman napangiti ako. “Baby, don’t mind them.” sabi ko sa kanya habang hila ko ang maleta namin. “Pero nakatingin po sila sa ‘yo–” “Kuya, baka nagandahan lang po sila kay mommy. Ang ganda-ganda po kasi ni mommy,” nakangiti naman na wika ni Zian sa kanyang kakambal. Tumawa naman ako dahil may pagka-possessive itong anak ko. Ayaw na ayaw niyang may tumitingin sa akin. Kaya nga ni isa ay walang nanliligaw sa akin dahil sa anak ko. Aaminin ko na malaki ang nagbago sa akin. Mas lalo akong pumuti at medyo nagkalaman na rin ako ngayon. Hindi tulad ng dati na sobrang payat ko. I learned to love myself kaya habang inaalagaan ko ang mga anak ko ay inaalagaan ko rin ang sarili ko. Para sa akin ay hindi ko sila mapapalaki ng maayos kung ako mismo ay hindi kayang alagaan ang sarili ko. “Mommy, pee po ako.” sabi sa akin ni Zian. “Zevi, stay here. Sasamahan ko lang ang kapatid mo sa restroom. Tandaan mo lagi ang sinasabi ko sa ‘yo. Don’t talk to strangers,” paalala ko sa kanya. “Yes, mommy.” sagot niya sa akin. “Let’s go na, baby.” sabi ko sa anak ko. Naglakad kaming dalawa papunta sa banyo. Wala sa sarili na napa-tingin ako sa isang pamilyar na sulok dito sa airport. Ang lugar kung saan nawala sa akin ang lahat. Hinding-hindi ko ito makalimutan. Bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko habang nakatingin sa direksyon na ito. “Mommy, are you okay?” Napatingin ako sa anak ko. Huminga ako ng malalim bago kami dumiretso sa loob ng banyo. Nais ko ng kalimutan ang lahat pero hindi ang mga taong nanakit sa akin. Ang focus ko ngayon ay sa mga anak ko muna at saka ko sila babalikan kapag may pagkakataon na ako. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala ko kung paano nila ako palayasin noong mga panahon na kailangan ko sila. Noong mga panahon na takot na takot ako dahil sa nangyari sa akin. Pero hindi sila naawa sa akin at pinalayas nila ako. Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Pinakalma ko ang sarili ko at hinintay ko na lang ang anak ko na matapos. “Mommy, I’m done.” nakangiti na sabi niya sa akin kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. “Wait lang, baby. Pee lang rin ako,” sabi ko sa kanya. “Okay po,” sagot niya sa akin at hinintay niya ako. Kambal ang anak ko. Si Zevi at Zian para sa akin ay blessing sila sa buhay ko kahit pa hindi maganda ang nangyari sa akin. Mahirap ang dalawang taon ng buhay ko. Doon ko naranasan ang postpartum at muntik na akong sumuko pero dahil sa kanila ay pinili ko pa rin na lumaban. Habang lumalaki sila ay may mga tanong sila sa akin na hindi ko masagot sa ngayon pero isa lang ang alam ko. Mamahalin at ipaglalaban ko sila dahil akin sila. Anak ko sila at walang sinuman ang puwedeng kumuha sa kanila sa akin. **** THIRD PERSON POV Nakatayo lang si Zevi at hinihintay niya ang kanyang mommy. Nasa labas lang siya ng restroom ng may biglang bumangga sa kanya na ikinagulat niya. “What the fvck?! Are you blind?!” galit na sigaw ng babae na ngayon ay may maruming damit. Nagtataka naman na nakatingin si Zevi sa babae. “You ruined my dress!” Galit na sigaw nito sa bata. “I’m sorry, Madam.” “Nasaan ba ang magulang mo para magpakalat-kalat ka dito?!” “Sorry po, pero nakatayo lang naman po ako dito at kayo po ang bumangga sa akin.” paliwanag ng bata. “So, anong sinasabi mo? Na kasalanan ko? How dare you?!” Galit na sambit ni Olivia at mabilis niyang kinurot ang bata. “Opo, kasalanan niyo naman po talaga.” sambit ni Zevi at tiniis ang hapdi ng kurot ng babae. “At sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na sagot sagutin ako?” “Dahil mali po kayo. Kayo po talaga ang bumangga sa akin, Madam.” “At talaga sumasagot ka pa.” galit na sambit ni Olivia at muli niyang sinaktan ang bata. “Aray po, nasasaktan po ako.” “Masasaktan ka talaga! Ilabas mo ang mga magulang mo!” sigaw ni Olivia at nakuha na niya ang atensyon ng mga tao sa paligid. “Nasasaktan na po ako, Madam.” Binitiwan ni Olivia ang bata dahil nakita niya na tumatawag ang kanyang asawa. “Hello, honey are you there na ba?” tanong ng kanyang asawa. “Yes, honey at may sumira ng araw ko. He ruined my dress,” sumbong ni Olivia sa kanyang asawa. “What? Just wait for me at malalagot sa akin ang taong ‘yan.” “Okay, honey. Bilisan mo ha, nahihiya na ako eh. Ang dumi ng damit ko,” maarte na sambit nito. “Okay, malapit na kami.” Nang mawala ang tawag ay muling binalingan ni Olivia ang bata. Habang nakatingin siya sa bata ay para itong walang kinakatakutan dahil hindi man lang ito umiiyak. Mas lalo lang siyang nairita sa bata kaya mabilis niya itong nilapitan at piningot niya ang tainga nito. “Bayaran mo ang damit ko. Ilabas mo ang mga magulang mo!” galit na sambit niya. “Aray po, child ab*se na po kayo.” sambit ni Zevi. “Kilala mo ba kung sino ako? Kung hindi mo ako kilala ay magpapakilala ako sa ‘yo.” sabi niya at sinipa niya ang bata. “Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!” sigaw ni Zian na tumatakbo papunta sa kanyang kakambal. “At may isa pang bwisit!” asik ni Olivia at akmang itutulak niya ang bata pero may biglang pumigil sa kanya. “Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na saktan ang anak ko?” nanlilisik ang mga mata na tanong ni Zennara sa babae.ZENNARAPalabas na kami ng banyo pero bigla na lang bumitiw sa kamay ko si Zian at tumakbo. Hinayaan ko na lang siya dahil baka gusto na niyang puntahan ang kapatid niya. Pero nang tumingin ako sa direksyon kung saan ko iniwan si Zevi ay kumunot ang noo ko.Ngayon ay alam ko na kung bakit tumatakbo ng mabilis si Zian kaya naman ay mabilis rin akong lumapit sa kanila dahil nakita ko ang babae na sinipa ang anak ko. Nang akmang itutulak rin niya si Zian ay pinigilan ko siya.“Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na saktan ang anak ko?” nanlilisik ang mga mata na tanong ko sa kanya.“So, ikaw pala ang mommy ng batang ito?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.“Ako nga at wala kang karapatan na saktan ang anak ko.” sabi ko sa kanya at sinampal ko siya.“Sana sinabihan mo rin ang anak mo na manahimik sa tabi para hindi siya nakaka-perwisyo sa iba. Nakikita mo ba itong damit ko? Sa tingin mo, kaya mong bayaran ang damit ko?!” galit na sigaw niya sa kain habang hawak ang pisngi niya.
ZENNARA“T–Timothy?” tanong ko sa sarili ko.Limang taon na ang lumipas pero sigurado ako na siya si Timothy na siya ang dati kong asawa. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga ang ex-husband ko kahit pa isang beses ko lang siyang nakita noon.“Honey, sinaktan niya ako.” umiiyak na sumbong ng babae.“Anong ginawa mo sa asawa ko?” galit na tanong niya sa akin.“Siya ang unang nanakit,” sagot ko sa kanya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Is that true?” tanong niya sa babae.“No, siya ang unang nanakit sa akin. Nakikita mo ba itong damit ko. Ang anak niya ang may gawa nito.” sagot ng babae at napatingin naman si Timothy sa damit ng babae.“Ibibili na lang kita ng bago,” sabi niya sa babae.“No, honey gusto ko na siya ang bumili ng bagong damit ko. Ang anak niya ang may kasalanan kaya dapat lang na siya ang magpalit nito.”“Miss, pay her dress. Bayaran mo ang maruming damit ng asawa ko.” sabi niya sa akin.Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya ako nakikilala? Tanong ko sa sarili ko. K
THIRD PERSON POV“Honey, are you okay?” tanong ni Timothy sa kanyang asawa ng tuluyang mawala sa paningin niya ang babae.“Do I look okay?” naiinis na sagot ni Olivia sa kanyang asawa.Naiinis siya dahil nahuli niya ang asawa niya na nakatitig sa papalayong likod ng babae.“Let’s go,” napabuntong hininga na lang ang lalaki dahil sa napansin niya sa kanyang asawa.“Bakit mo hinayaang maka-alis ang babaeng ‘yon?” naiinis na tanong ni Olivia.“She’s just a waste of time kaya hayaan mo na lang siya. Ibibili na lang kita ng maraming ganyan,” sabi ni Timothy sa kanyang asawa.“Sana hinayaan mo na lang muna ako na pahirapan siya. Napahiya ako sa mga tao dito,” galit na turan ng babae.“Hahayaan kita kung wala tayo sa public place. Naisip mo ba kung ano ang mangyayari kung sakaling may lumabas na video? Masisira ako, tayo. At hindi ko hahayaan ang nais mo. Don’t worry dahil kakausapin ko ang management dito,” sabi ni Timothy.“Tsk!” asik nito at hindi na lang pinatulan ni Timothy. Naisip rin
ZENNARA“Tanga ka b—Zennara?” Halatang nagulat siya na muli akong makita. Na para bang nakakita siya ng multo sa nakikita niya ngayon.“Kumusta ka na, mommy?” tanong ko sa kanya.“B–Buhay ka?”“Dapat po ba patay na ako? Hindi ka po ba masaya na nakabalik na ako?” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya pero bigla na lang niya akong tinulak.“Huwag mo nga akong hawakan.” “Wala naman po akong nakakahawang sakit. Galit pa rin po ba kayo sa akin? Limang taon na po ang lumipas, mommy.” sabi ko sa kanya.“Dahil sa ‘yo kaya nawala ang lahat sa amin. Wala kang utang na loob,” sabi niya sa akin.“Mommy, tinuring niyo man lang ba akong anak?” tanong ko sa kanya.“Hindi,” mabilis na sagot niya sa akin.Inaasahan ko na ito na ang magiging sagot niya sa akin kaya hindi ganun kasakit. Simula ng bumalik ako dito ay ihinanda ko na ang sarili ko. Sa loob kasi ng limang taon ay hindi man lang siya nagbago. Wala pa rin pa lang nagbago sa ugali niya.“Sige po, mauna na ako sa inyo.” sabi ko sa kanya at
ZENNARAWalang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan silang dalawa ngayon. Inayos ko muna ang mga binili ko bago ako pumunta sa room nilang dalawa. Hindi na ako kumatok dahil iniisip ko na baka tulog silang dalawa.Nang binuksan ko ang pinto ay nakaupo silang dalawa sa kama nila. Papasok na sana ako ngunit narinig ko silang dalawa na nag-uusap.“Sa tingin mo makikilala na natin ang daddy natin?” tanong ni Zian sa kakambal niya.“Hindi ko alam, pero hindi naman natin alam ang name niya. Kung alam natin ay mabilis lang natin siya mahahanap lalo na nasa Pilipinas na tayo.” sabi naman ni Zevi.“Pero hindi naman sinasabi ni mommy kung sino ang daddy natin kaya hindi natin alam, kuya. Pero ayaw ko rin na umiyak si mommy. Ayaw kong magtanong dahil alam ko na iiyak na naman siya.” bakas sa boses ni Zian ang pag-aalala.“Hayaan na lang muna natin. Kasi kung may daddy talaga tayo ay dapat hinahanap niya tayo. Sana ay hinahanap niya at hindi niya sana hin
ZENNARA (CONTINUATION OF FLASHBACK) “Zen, ang gwapo mga anak mo.” “Please po, ‘wag mo silang ilapit sa akin.” sabi ko sa kanya. “Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Anak mo sila at hindi nila kasalanan ang kasalanan ng ama nila. Kaya please lang ‘wag mo silang idamay sa galit mo,” sabi niya sa akin. Sa una ay binalewala ko ang mga sanggol na nasa harapan ko pero ng umiyak sila ay bigla na lang akong umiyak. Gusto ko silang pabayaan pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang marinig na umiiyak sila. Humagulgol ako at ilang ulit kong sinampal ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil naging masama ako sa mga anak ko. “Sorry mga anak ko,” umiiyak na sabi ko sa kanila ng ibigay na sila sa akin. Tumigil na sila sa pag-iyak pero hindi ako. Ngayon ako natauhan sa mga ginawa ko sa anak ko. Naging masama akong ina sa kanila. Alam ko sa sarili ko na wala silang kasalanan pero dinamay ko sila sa galit ko. “Papalakihin ko kayo kahit pa mahirapan ako. Simula ngayon ay mamahalin ko kayong
ZENNARA“Hindi mo ako puwedeng pa-alisin sa company na ito,” sabi ko sa kanya.“At sino ka naman para magsabi niyan? Ako ang asawa ng may-ari ng company na ito. Ako ang magdedecide kung sino ba ang dapat na manatili at kung sino ba ang dapat na umalis,” galit ang mga mata na sabi niya sa akin.“Really? Pero may kontrata ako dito at nakasaad rin sa kontrata na kailangan niyo akong bayaran ng 10 million kapag umalis ako dito o kapag pinaalis niyo ako ay puwede akong mag-demand ng double the price,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Kalokohan!” sigaw niya sa akin.“Kailangan ko pa bang ipakita sa ‘yo ang kontrata?” nakangisin na tanong ko sa kanya.“Hindi ka puwede dito, hindi!” sigaw niya sa akin.“Bakit naman hindi? Maayos akong magtrabaho at isa pa ikaw ang may mali dito. Kahit saan tayo dalhin na dalawa ay ipagtatanggol ko siya. Wala kang karapatan na manakit dahil sa gusto mo lang,” sabi ko sa kanya.“Pakialamera ka! Humanda ka kapag nalaman ito ng asawa ko. Siya mismo ang magpapaalis
ZENNARAPagkatapos kong magbihis ay nagtrabaho na ulit ako. Lumabas ako dahil may kailangan akong kunin sa isa kong ka-trabaho. Hindi ko binigyang pansin ang tingin sa akin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Wala akong pakialam sa kanila at hindi rin ako nagsisisi na ipinagtanggol ko ang babae kanina.“Let’s talk,” sabi sa akin ni Ryan.“About what?” Tanong ko sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng office. Nang makapasok kami ay agad kong binawi ang kamay ko.“Why are you here?” Tanong niya sa akin.“Bakit? Bawal ba ako dito?” Tanong ko rin sa kanya.“Alam mo ang sagot d’yan. Sa tingin mo ba matutuwa si Sir Timothy kapag nalaman niya na nandito ka? Kaya please lang magresign ka na.”“Matagal na kaming tapos kaya wala ng dahilan para mag-aalala ka. Ginagawa ko lang ang trabaho ko at labas ang personal kung buhay sa trabaho ko. Wala akong balak na magresign dahil may kontrata ako,” saad ko sa kanya.“Huwag kang magpapakita sa kanya kung ayaw mong masira ang
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy
TIMOTHYNapa-buntong hininga na lamang ako. Gustuhin ko man na pumasok sa loob ay nawalan na ako ng lakas ng loob lalo na ramdam ko talaga ang galit sa akin ni Zen. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa kotse ko. Siguro ay kailangan ko na munang makuntento sa kung ano lang muna ang meron sa ngayon.Nakasama ko na kanina ang mga anak ko kahit pa maikling oras lang. Sumakay ako sa kotse ko at sa condo ko na ako umuwi. Habang nasa daan ay napamura ako dahil hindi ko man lang naalala na kunan ng litrato ang mga ako. Sobrang sinulit ko kasi ang oras kaya nawala na sa isip ko na magpicture kami.“Okay lang, may susunod pa naman.” kausap ko sa sarili ko.Nang makarating na ako sa condo ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam pero kahit na ang pakiramdam ko ay pagod ako pero hindi ako makatulog. Bumangon ako para kumuha ng alak pero wala na pala akong alak sa fridge. Kaya nagpasya ako na lumabas na lang para bumili. Maganda rin ito na maglakad-lakad ako.Paglabas ko sa building
TIMOTHYNang makita ko ang text message ay mabilis akong tumayo. Wala akong pakialam sa party na ito dahil ang inaasahan ko talaga ay makita ang mag-ina ko. Lumabas ako sa venue para tawagan ang number na nagtext sa akin.“Hello, Zevi?”“Hello po, daddy.” narinig ko ang boses niya kaya bigla na lang pumatak ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na talaga ang mga anak ko.“Yes, boss. I’m here, nasaan ka? Puwede ba tayong magkita? Si Zian kasama mo ba? Ang mommy mo kasama mo rin ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Where are you po, daddy?”“Nandito ako sa labas. Lumabas muna ako kasi gusto ko na makausap ka ng maayos.”“Wala ka po dito sa loob?” tanong niya sa akin.“Wala po, dito ako sa labas. Gusto mo bang puntahan kita d’yan?” tanong ko sa kanya.“Ako na lang po ang pupunta. Kasama ko po si Zian,” sagot niya sa akin.“Okay, I’ll wait here.” sabi ko sa kanya.Nawala na ang tawag. Ako naman itong lakad ng lakad dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero mas lamang ang ex
THREE MONTHS LATERTIMOTHY “Sir, here's the monthly sales report.” Sabi sa akin ni Ryan at nilapag niya sa harap ko ang mga reports.“Thank you,” malamig na turan ko sa kanya.“Kapag po may kailangan ka ay tawagin mo na lang po ako.” “Ryan, alam ko. Matagal ka na sa akin. Matagal na kitang kasama, pinagkakatiwalaan kita.”“Lagi lang akong nasa tabi mo, Sir.” Sabi niya sa akin. “Huwag na, mas gusto ko na gawin mo na ang lahat ng nais mo. Magbagong buhay ka na,” sabi ko naman sa kanya.“Bakit naman ako magbabagong buhay, Sir?”“Alam ko na ang lahat, alam ko na ang totoo. Bakit? Bakit mo ginagawa ang bagay na ‘yun? Sinira mo ang buhay ko.” Kalmado ko na tanong sa kanya kahit pa ang totoo ay gusto kong basagin ang mukha niya.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”“Hindi mo alam? Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang nag-utos sa ‘yo? All this time ay niloloko mo lang ako. Hindi ka basta secretary lang para sa akin. Kasi naging kaibigan kita pero hindi ko alam na ikaw pa pala ang sasaksak sa a
THIRD PERSON POVMalungkot na nakatingin si Mrs. Miller kay Zen. Pero alam niya na nasasaktan ito ngayon. Alam niya na hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon. Nalulungkot lang siya dahil ang buong akala niya ay magiging masaya na ito, na magkakaroon ito ng masayang pamilya.Pero may mga sitwasyon talaga na hindi kontrolado. Nalulungkot siya para sa mga bata. Alam niya na mas nasasaktan ang mga ito. Tatlong araw na ang nakalipas. “Mga apo, kumain na kayo.” saad niya sa mga bata.“Wala po kaming gana, grandma.”“Alam ko na malungkot kayo. Pero kailangan niyong kumain. Para kapag nagkita kayo ng daddy niyo ay hindi siya malungkot. Diba gusto niyo siyang makasama?” tanong niya sa mga bata.“Opo, gusto po namin. Gusto namin ng isang happy family. Alam po namin na galit si mommy. Pero gusto po namin na makasama ang daddy namin.” umiiyak na sambit ni Zevi.“Alam ko, pero bigyan natin ng time ang mommy niyo. Malay niyo kapag nakapag-isip na siya ay bumalik na kayo ulit sa Pilipinas. Makak