ZENNARA
“Magpapakasal ka na,” para akong nabingi sa narinig kong sinabi sa akin ng daddy ko. “M—Magpapakasal po?” nauutal na tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Oo, magpapakasal ka kay Timothy.” sagot sa akin ni daddy. “Daddy, hindi ko po siya kilala at hindi ko po siya mahal. I don't love him!” naiiyak na sambit ko. “Hindi ka pwedeng tumanggi. Wala kang karapatan na tumanggi sa nais namin,” galit na turan ni daddy sa akin. “Kahit po ba hindi ko siya mahal? Bakit po? Bakit niyo po ba ito ginagawa sa akin, daddy?” umiiyak na tanong ko sa kanya. “It’s for our business. Kapag naikasal ka sa isa sa mga Richmon ay makakabangon ang company natin. Kaya sundin mo na ako at ‘wag ka ng mag-inarte pa!” galit na turan niya sa akin. “Paano po kung tumanggi po ako? Hindi ko po siya mahal. Hindi ko siya kilala kaya paano ako magpapakasal sa kanya? Please, don’t do this to me. Mom, dad please. Just let me marry the man that I love.” umiiyak na pakiusap ko sa kanila. “You have no right to refuse,” pinal na desisyon ni daddy. “Ito ang magiging kabayaran mo sa amin sa paghupkop namin sa ‘yo. Pinalaki ka namin kaya suklian mo ang kabutihan namin sa ‘yo,” galit na sambit ni mommy at iniwan na nila akong dalawa dito sa silid ko. I’m adopted at nagpapasalamat ako sa kanila dahil pinalaki nila ako. Pero ni minsan ay hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Malamig ang pakikitungo nila sa akin kapag narito kami sa bahay. Ngunit iba kapag nasa labas kami. Kapag nasa labas ay ipinapakita nila sa lahat kung gaano nila ako kamahal. Maraming tao ang nagsasabi na ang swerte ko dahil sila ang naging magulang ko. Pero masasabi ko nga ba na swerte ako? Siguro oo, dahil naibibigay nila ang lahat na kailangan ko. Pero hindi nila kayang ibigay ang pinaka-kailangan ko. At iyon ang pagmamahal. Ang pagmamahal na dapat nararamdaman ng isang anak mula sa kanyang mga magulang. Gusto ko rin na maging normal. Maging normal na babae at maging normal na anak. Ang lahat ay kontrolado nila. Gusto ko lang naman ng pagmamahal. Minsan ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pa nila ako inampon? Kung ganito lang pala ang gagawin nila sa akin. Ano pa ang saysay ng pag-ampon nila kung hindi naman anak ang tingin nila sa akin? Ni hindi ko puwedeng ipakita na may nagugustuhan akong lalaki. Tapos ngayon ay bigla na lang nila akong ipapakasal sa lalaking hindi ko mahal. Sobrang nagulat ako sa nais nila. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na lang ako. Kinabukasan ay nagulat ako dahil bigla na lang akong ginising ni mommy. “Bumangon ka na d’yan!” Galit na sigaw sa akin ni mommy. “Bakit po?” Naalimpungatan na tanong ko sa kanya. “Anong bakit?! Bumangon ka na dahil mahuhuli na tayo sa simbahan.” “Po? Simbahan po? Bakit po? Ano pong gagawin natin sa simbahan?” sunod-sunod at naguguluhan na tanong ko sa kanya. “Ngayon kayo ikakasal ni Timothy.” Sagot niya sa akin. “Mom?” “Ano?! Hindi ka pa ba kikilos d’yan? Gusto mo ba na kaladkarin kita papunta sa banyo para maligo?!” Sigaw niya sa akin at bigla na lang akong kinaladkad papunta sa banyo. “Mommy, nasasaktan po ako!” Umiiyak na sabi ko sa kanya dahil ang higpit ng hawak niya sa braso ko. “Masasaktan ka lalo kapag kukupad-kupad ka!” sigaw na naman niya sa akin. “Mommy, kaya ko naman po maligo mag-isa. Pangako po, bibilisan ko po.” Saad ko sa kanya. “Dapat lang dahil nakakahiya kung tayo pa ang hihintayin nila.” Sabi niya sa akin at lumabas na siya. Ako naman ay naligo na habang patuloy na tumatangis. Hindi ako makapaniwala na ganito niya ako gigisingin ngayon. Hindi na ba talaga anak ang turing niya sa akin. Binilisan ko ang kilos ko dahil ayaw kong magalit pa siya lalo sa akin. Nang makalabas na ako sa banyo ay bigla na lang niyang binato sa mukha ko ang wedding gown na isusuot ko. “Bilisan mo ang kilos at ‘wag pabagal-bagal.” sabi niya sa akin bago siya lumabas sa room ko. Umiiyak kong dinampot ang wedding gown at mabilis ko naman itong sinuot. May pumasok na babae at siya na ang naglagay ng make-up sa akin. Nang matapos na kami ay nakatulala lang akong nakatingin sa mukha ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na talaga ako ngayon. Na ikakasal na ako sa lalaking hindi ko kilala. Sa lalaking hindi ko mahal. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kasal? Kung hindi mo naman mahal ang lalaking papakasalan mo. May saysay pa ba ang buhay ko? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa salamin. May pumatak na luha sa mga mata ko pero kaagad ko rin itong pinunasan. Ayaw kong magalit sa akin ang parents ko kapag nasira ang make-up ko. “Tanggapin mo na, tanggapin mo na ito na ang kapalaran mo ngayon. Umasa ka na lang na magiging maayos ang buhay mo.” Lumabas na ako sa silid ko at tahimik na bumaba sa may hagdan. Hinihintay na nila ako. Kaya naman bumiyahe na agad kami papunta sa simbahan. Habang nasa daan ay marami ang sinasabi sa akin ng parents ko. “Huwag na ‘wag mo akong ipahiya sa mga Richmon dahil malilintikan ka sa akin. Nakikinig ka ba sa akin?” pagbabanta sa akin ni daddy. “Opo,” sagot ko sa kanya at tumingin an lang ako sa labas ng bintana. Nang makarating na kami sa simbahan ay nagtataka ako dahil wala pa ang groom. Isa o dalawang oras na akong naghihintay pero wala siya. Katunayan ay naiinip na ang mga magulang ko at panay mura na lang ang naririnig ko na lumalabas sa bibig ng daddy ko. Hanggang sa may dumating na isang lalaki na nagpakilalang secretary siya ni Timothy Richmon. May pinapirmahan siya sa akin na mga papel. “Sign it,” utos niya sa akin. Balak ko pa sanang basahin ngunit nagmamadali na ang parents ko kaya pinirmahan ko na lang ito lahat. At sa isang iglap ay kasal na ako sa lalaking Richmon kahit pa hindi siya dumating sa araw ng kasal naming dalawa. Ang bilis ng pangyayari dahil isa na akong ganap na Mrs. Richmon kahit pa ako lang mag-isa dito sa simbahan. ***** 2 years later… Ngayon ang araw na uuwi na ang asawa ko. Masaya ako at pinaghandaan ko ito. Sa loob ng dalawang taon ay hindi pa kami nagkita na dalawa. Hindi naman niya ako pinabayaan. Minsan ay pumupunta sa bahay ang kanyang secretary para kumustahin ako at ibigay ang lahat ng kailangan ko. Sa loob ng dalawang taon ay kumportable naman ang buhay ko kahit pa mag-isa ako. Tahimik ang buhay ko dahil hindi naman ako binibisita ng parents ko. Kapag pupunta ako sa kanila ay ayaw nila dahil sa busy raw sila. Nakaahon na kasi ang negosyo namin at dahil ‘yon sa tulong ng asawa ko. He’s very busy kaya hindi na ito nakauwi sa Pilipinas. Suot ang isang simpleng bestida ay bumiyahe na ako papunta sa airport. Habang papasok ako sa airport ay kinakabahan ako ng sobra. Kaya naman nagdesisyon ako na pumunta muna sa restroom. Nang palabas na ako ay nagulat ako dahil may bigla na lang humila sa akin na lalaki at dinala ako sa isang madilim na lugar. “A–Anong gagawin mo sa akin?” natatakot na tanong ko sa kanya.WARNING: MATURE CONTENT! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!ZENNARA“A–Anong gagawin mo sa akin?” natatakot na tanong ko sa kanya.Hindi ito nagsalita. Nais kong makawala sa kanya ngunit malakas siya. Sisigaw sana ako pero nanlaki ang mga mata ko dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko. At nang ma-realize ko kung ano ito ay nagpupumiglas ako. Ngunit sadyang malakas siya at hindi ako makawala sa kanya. Wala na akong lakas para makatakas sa kanya.“Damn it! Ang init!” narinig ko na sabi niya.“Maawa ka sa akin, please.” mahina na sabi ko at naiiyak na ako.“Fvck! I want you,” bulong nito at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.Bigla namang bumilis ang t*bok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin, kung paano ba ako makakawala sa kanya.“Don’t shout or else I’ll kill you.” bulong pa niya kaya lalo akong natakot sa kanya.Hindi ko ito nais na gawin ngunit wala akong laban sa kanya. Naramdaman ko ulit ang labi niya sa labi
ZENNARA5 YEARS LATERKakalapag lang ng eroplano namin ngayon. Sa loob ng limang taon ay ngayon na lang ulit ako babalik dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive pero masasabi ko na malaki na ang nagbago sa akin sa loob ng limang taon. At ang mga pagbabagong iyon ay ginawa ko para sa sarili ko. To be the best version of myself.“Mommy, nasa Philippines na po ba tayo?” tanong sa akin ng limang taong gulang kong anak na si Zian.“Yes, baby. Nasa Pilipinas na tayo,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Excited na po ako, mommy.” kitang-kita sa mga mata niya na excited na siya.“Behave lang kayo okay. Umuwi tayo dito dahil may trabaho si mommy. At kapag nagustuhan niyo dito ay puwede na tayong mag-stay for good.”“Really, mommy? Dito na rin po ba kami mag-aaral?” tanong pa ulit sa akin ni Zian.“Opo,” sagot ko sa kanya.“Mommy, napansin mo po ba na sa ‘yo nakatingin ang ibang mga tao dito?” tanong sa akin ni Zevi habang nakakunot ang noo. Kaya naman napangiti ako.“Baby,
ZENNARAPalabas na kami ng banyo pero bigla na lang bumitiw sa kamay ko si Zian at tumakbo. Hinayaan ko na lang siya dahil baka gusto na niyang puntahan ang kapatid niya. Pero nang tumingin ako sa direksyon kung saan ko iniwan si Zevi ay kumunot ang noo ko.Ngayon ay alam ko na kung bakit tumatakbo ng mabilis si Zian kaya naman ay mabilis rin akong lumapit sa kanila dahil nakita ko ang babae na sinipa ang anak ko. Nang akmang itutulak rin niya si Zian ay pinigilan ko siya.“Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na saktan ang anak ko?” nanlilisik ang mga mata na tanong ko sa kanya.“So, ikaw pala ang mommy ng batang ito?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.“Ako nga at wala kang karapatan na saktan ang anak ko.” sabi ko sa kanya at sinampal ko siya.“Sana sinabihan mo rin ang anak mo na manahimik sa tabi para hindi siya nakaka-perwisyo sa iba. Nakikita mo ba itong damit ko? Sa tingin mo, kaya mong bayaran ang damit ko?!” galit na sigaw niya sa kain habang hawak ang pisngi niya.
ZENNARA“T–Timothy?” tanong ko sa sarili ko.Limang taon na ang lumipas pero sigurado ako na siya si Timothy na siya ang dati kong asawa. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga ang ex-husband ko kahit pa isang beses ko lang siyang nakita noon.“Honey, sinaktan niya ako.” umiiyak na sumbong ng babae.“Anong ginawa mo sa asawa ko?” galit na tanong niya sa akin.“Siya ang unang nanakit,” sagot ko sa kanya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Is that true?” tanong niya sa babae.“No, siya ang unang nanakit sa akin. Nakikita mo ba itong damit ko. Ang anak niya ang may gawa nito.” sagot ng babae at napatingin naman si Timothy sa damit ng babae.“Ibibili na lang kita ng bago,” sabi niya sa babae.“No, honey gusto ko na siya ang bumili ng bagong damit ko. Ang anak niya ang may kasalanan kaya dapat lang na siya ang magpalit nito.”“Miss, pay her dress. Bayaran mo ang maruming damit ng asawa ko.” sabi niya sa akin.Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya ako nakikilala? Tanong ko sa sarili ko. K
THIRD PERSON POV“Honey, are you okay?” tanong ni Timothy sa kanyang asawa ng tuluyang mawala sa paningin niya ang babae.“Do I look okay?” naiinis na sagot ni Olivia sa kanyang asawa.Naiinis siya dahil nahuli niya ang asawa niya na nakatitig sa papalayong likod ng babae.“Let’s go,” napabuntong hininga na lang ang lalaki dahil sa napansin niya sa kanyang asawa.“Bakit mo hinayaang maka-alis ang babaeng ‘yon?” naiinis na tanong ni Olivia.“She’s just a waste of time kaya hayaan mo na lang siya. Ibibili na lang kita ng maraming ganyan,” sabi ni Timothy sa kanyang asawa.“Sana hinayaan mo na lang muna ako na pahirapan siya. Napahiya ako sa mga tao dito,” galit na turan ng babae.“Hahayaan kita kung wala tayo sa public place. Naisip mo ba kung ano ang mangyayari kung sakaling may lumabas na video? Masisira ako, tayo. At hindi ko hahayaan ang nais mo. Don’t worry dahil kakausapin ko ang management dito,” sabi ni Timothy.“Tsk!” asik nito at hindi na lang pinatulan ni Timothy. Naisip rin
ZENNARA“Tanga ka b—Zennara?” Halatang nagulat siya na muli akong makita. Na para bang nakakita siya ng multo sa nakikita niya ngayon.“Kumusta ka na, mommy?” tanong ko sa kanya.“B–Buhay ka?”“Dapat po ba patay na ako? Hindi ka po ba masaya na nakabalik na ako?” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya pero bigla na lang niya akong tinulak.“Huwag mo nga akong hawakan.” “Wala naman po akong nakakahawang sakit. Galit pa rin po ba kayo sa akin? Limang taon na po ang lumipas, mommy.” sabi ko sa kanya.“Dahil sa ‘yo kaya nawala ang lahat sa amin. Wala kang utang na loob,” sabi niya sa akin.“Mommy, tinuring niyo man lang ba akong anak?” tanong ko sa kanya.“Hindi,” mabilis na sagot niya sa akin.Inaasahan ko na ito na ang magiging sagot niya sa akin kaya hindi ganun kasakit. Simula ng bumalik ako dito ay ihinanda ko na ang sarili ko. Sa loob kasi ng limang taon ay hindi man lang siya nagbago. Wala pa rin pa lang nagbago sa ugali niya.“Sige po, mauna na ako sa inyo.” sabi ko sa kanya at
ZENNARAWalang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan silang dalawa ngayon. Inayos ko muna ang mga binili ko bago ako pumunta sa room nilang dalawa. Hindi na ako kumatok dahil iniisip ko na baka tulog silang dalawa.Nang binuksan ko ang pinto ay nakaupo silang dalawa sa kama nila. Papasok na sana ako ngunit narinig ko silang dalawa na nag-uusap.“Sa tingin mo makikilala na natin ang daddy natin?” tanong ni Zian sa kakambal niya.“Hindi ko alam, pero hindi naman natin alam ang name niya. Kung alam natin ay mabilis lang natin siya mahahanap lalo na nasa Pilipinas na tayo.” sabi naman ni Zevi.“Pero hindi naman sinasabi ni mommy kung sino ang daddy natin kaya hindi natin alam, kuya. Pero ayaw ko rin na umiyak si mommy. Ayaw kong magtanong dahil alam ko na iiyak na naman siya.” bakas sa boses ni Zian ang pag-aalala.“Hayaan na lang muna natin. Kasi kung may daddy talaga tayo ay dapat hinahanap niya tayo. Sana ay hinahanap niya at hindi niya sana hin
ZENNARA (CONTINUATION OF FLASHBACK) “Zen, ang gwapo mga anak mo.” “Please po, ‘wag mo silang ilapit sa akin.” sabi ko sa kanya. “Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Anak mo sila at hindi nila kasalanan ang kasalanan ng ama nila. Kaya please lang ‘wag mo silang idamay sa galit mo,” sabi niya sa akin. Sa una ay binalewala ko ang mga sanggol na nasa harapan ko pero ng umiyak sila ay bigla na lang akong umiyak. Gusto ko silang pabayaan pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang marinig na umiiyak sila. Humagulgol ako at ilang ulit kong sinampal ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil naging masama ako sa mga anak ko. “Sorry mga anak ko,” umiiyak na sabi ko sa kanila ng ibigay na sila sa akin. Tumigil na sila sa pag-iyak pero hindi ako. Ngayon ako natauhan sa mga ginawa ko sa anak ko. Naging masama akong ina sa kanila. Alam ko sa sarili ko na wala silang kasalanan pero dinamay ko sila sa galit ko. “Papalakihin ko kayo kahit pa mahirapan ako. Simula ngayon ay mamahalin ko kayong
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy