Pagkatapos buksan ni Gino ang sulat ni Ynnah para kay Yaya Dolores at makita ang address na nilagay nito sa baba, agad siyang umalis para puntahan ito.Nalaman niya na nasa sementeryo ang kaibigan at kahit pa beinte minuto mahigit bago marating 'yon, wala siyang pakialam.Hindi maintindihan ni Gino kung bakit ang isang dating maaliwalas at masayahing tao na si Ynnah ay bakit sa daang ito napadpad. Subalit hindi niya na 'yon inisip pa at nagpatuloy sa kanyang pag-alis.Bukod naman kay Gino, papunta na rin sa sementeryo ang ina ni Ynnah na si Claudia subalit iba naman ang pakay niya. Nagpunta ito roon para kunin si Ynnah para ipakasal kapalit ng tatlong daang milyon.Sa Maynila North Cemetery, malakas ang buhos ng ulan.Sa puntod ng ama, bumigay ang katawan ni Ynnah. Basang-basa na ang kanyang katawan, maging ang suot niyang damit ay basa na rin. Halos hindi na siya makilala at sa isang malakas na hangin, alam niyang liliparin na siya palayo.Sa kabila ng malakas na ulan, sinuong iyon ni
Read more