Hindi na napigilan ni Benjamin ang sarili at napasigaw na siya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa lahat ng mga nalaman niya.Nagtaka naman ang kanyang assistant kaya nagtanong ito.“Ano pong nangyari, Sir?”Tumingin siya sa kanyang assistant pagkatapos niyang mapakalma ang sarili. Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.“Tatanungin kita, kapag may nagligtas sa buhay mo at hindi mo alam kung sino pagkatapos ay kinalaban mo siya sa ibang mga dahilan, bakit kaya hindi nila sinasabi na niligtas ka niya? At kapag alam mo, sigurado hindi mo naman siya kakalabanin?”Hindi kaagad nakasagot ang kanyang assistant dahil nag-iisip pa ito nang mabuti.“Pwedeng may rason po kung bakit. Unang rason, baka naman po dahil iniligtas ka niya ay alam mo na kung sino ang nagligtas sa 'yo at dahil hindi ka nagtanong, siguro inisip niya na lang na siguro hindi mo alam kung paano papalitan ang kanyang kabutihan kaya hindi niya na sinabi...”Nakinig siya nang mabuti sa kanyang assistant.“Pangalawang
Baca selengkapnya