Hindi pa tapos sa pagpapaliwanag si Benjamin nang biglang may mga guwardiyang dumating habang may hila-hilang isang matandang lalaki at pinahirapan ito sa loob.Nalaman ni Adrien kamakailan lang na ang ina at nakababatang kapatid ni Ynnah na ngayon ay nasa ibang bansa ipinagkasundo si Ynnah sa isang Mr. Santiago. Kaya naman pinahanap 'yon ni Adrien. Hinuli at pinarusahan ito ng mga tauhan ni Adrien para makakuha siya ng impormasyon.Tikom pa rin ang bibig ni Mr. Santiago sa kabila ng pagpaparusa mula umaga hanggang gabi. Hindi pa rin nito sinasabi kung saan nagtatago si Ynnah.“Are you still going to marry Ynnah Cervantes?” malamig na tanong ni Adrien sa matanda.Mabilis na umiling ang matanda. “H-Hindi ko na babalakin pang magpakasal sa kanya. H-Hindi na...”Kinaladkad naman si Mr. Santiago at ito ang nakatadhana para sa kanya.Mahirap basahin ang ekspresyon ni Adrien nang lumingon siya kay Benjamin. “You were saying something about Ynnah a while ago?”Bigla namang natigilan si Benjam
Nang marinig naman 'yon ni Lucas, nagdesisyon siyang lapitan ang mga ito hindi dahil sa kanyang kursyudad, kung hindi dahil sa kanyang trabaho.Si Adrien naman ay abala sa kanyang dalawang misyon. Una, ang hanapin si Ynnah at ang pangalawa ay pigilan si Gino sa kanyang mga plano. Malakas naman ang kutob ni Lucas na ang matinding pokus ni Adrien sa dalawang misyon nito ay magdadala sa kanya sa matinding galit para kay Ynnah.Ang paghahanap naman ni Adrien kay Ynnah ay hindi tumigil sa paglipas ng panahon.Ngayon ay ang araw ng bagong taon. Iba't-ibang fireworks ang nagliliparan sa kalangitan at nagbigay iyon ng magandang tanawin sa taas. Subalit para kay Adrien, iba ang taong ito.Ito ang unang pagdaraos na wala si Ynnah sa tabi niya. Sa tuwing bagong taon kasama ni Adrien sa mansyon si Ynnah pero ngayon, mag-isa siyang pupunta. Ang dating ginagawa nilang pagtaas ng kanilang mga baso ay isa rin sa nagdadala sa okasyon na ito ngunit napalitan ito ngayon ng katahimikan.Ang katahimikang b
Mula sa bintana ng eroplano, tahimik na pinagmasdan ni Ynnah ang ganda ng bughaw na kalangitan. Kasabay no’n ang kaniyang pagbabalik-tanaw sa nangyari, apat na taon na ang nakakalipas. Sobra siyang nasaktan noon na kinailangan niyang humingi ng tulong mula kay Gino. Pineke niya ang kaniyang pagkamatay saka nangibang bansa. Doon niya isinilang ang kaniyang kambal na mga anak. Akala niya ay maayos na ang lahat sa buhay nilang mag-iina. Ngunit hindi niya inaasahang nitong Marso, taong kasalukuyan, ang kaniyang anak na si Caleb ay mada-diagnose sa sakit na leukemia. Sa magkambal, ito ang pinakasakitin. Dala kasi ito ng pagiging premature baby niya. Ang sabi ng doktor, maaaring magamot ang anak niya sa pamamagitan ng umbilical cord blood hematopoietic stem cell transplantation.Kaya naman nitong mga nakaraang buwan, halos hindi siya magkandaugagang gumawa ng mga paraan para makakuha ng sperm ni Adrien. Ngunit wala ni isa sa mga ‘yon ang gumana. Kailangan nang maisagawa ang transp
“Mommy, kailan ka po babalik dito?” dugtong na tanong ni Casper kay Ynnah. Mapait na napangiti si Ynnah. “Hindi ko pa alam, baby eh. Pero susubukan kong makabalik agad. Miss na miss ko na kayo agad ni Caleb eh,” nangungulila niyang sambit. “Miss na miss na rin po namin kita, mmy.”Ramdam na ramdam ni Ynnah ang lungkot. Unang beses niyang malalayo sa kambal nang matagal-tagal. Kung hindi lang sana importante, hindi siya aalis sa tabi ng mga ito. “Ngayong wala ka rito, huwag mong kakalimutang uminom muna ng warm milk bago matulog, okay?”Bumalik sa ulirat si Ynnah nang marinig ang bilin ni Casper. “And don’t forget to take your vitamins. At lagi kang magkukumot kapag matutulog so you won’t catch a cold.”“At saka ‘yong favorite naming puppets ni Caleb, nilagay ko sa ro’n sa red na maleta mo. Kapag hindi ka makatulog, itabi mo sila sa ‘yo,” dagdag na bilin ni Casper. Hindi talaga nagsasalita si Casper kapag hindi niya gusto. Pero kapag nagsalita naman ito, tatalak ito nang wa
Bago pa man makarating si Ynnah sa Intercontinental Hotel, naroon na si Adrien. Pinili nito ang pinakamagandang VIP box sa loob ng auction hall. Tinted and glass wall nito kaya naman hindi kita ng mga nasa baba kung sino ang nasa loob no’n. Pero na-inform na beforehand si Ynnah ng kaniyang private investigator kaya naman nakapamili na rin siya ng pwesto kung saan pwede niyang makita ang VIP box na kinaroroonan ni Adrien. Hindi sadya ni Ynnah na mapatingin sa itaas. Kagyat lamang ‘yon ngunit hindi makikitaan ng pagkatinag ang mga mata niya. Samantala, sa loob ng VIP box, napanganga ang assistant ni Adrien sa nakita. Para siyang nakakita ng multo. “Ma’am Ynnah!” gulat nitong sambit. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang alam niya, patay na ang asawa ng amo niya. Kaya sino ang babaeng nasa baba na kamukhang-kamukha nito?“Cancel the bid,” biglang utos ni Adrien sa kaniya. Nabalik siya sa ulirat dahil sa malamig na boses ng amo. “Right away, sir.”Agad siyang tumalima at ini
Ayaw nang makipag-usap pa ni Ynnah kay Adrien. Kaya naman dali-dali niyang kinuha ang cheke na nasa pouch niya at saka padabog na inabot sa lalaki. “I already paid for the item. Pwede ko naman sigurong kunin na ‘to.” Agad niyang dinampot ang box ng kwintas at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Naiwan naman si Adrien na parang tangang nakatingin lang sa pintong pinaglabasan ni Ynnah. Nang masigurado niyang nakalayo na ang babae ay saka niya tiningnan ang cheke na binigay nito. Pinatunog niya ang kaniyang dila. Kasunod no’n ay pumasok sa kwarto ang kaniyang assistant. “Keep an eye on her,” utos niya rito. …..Sa Mansion 9…Kakauwi lang ni Ynnah galing sa charity auction event. Sa sobrang stress na nararamdaman ay hindi niya napigilang mapatambay sa teresa ng mansyon habang sumisimsim ng wine. Hindi niya naman ugaling uminom dati, nang nasa Pilipinas pa siya, sa poder ni Adrien. Pero nang nangibang bansa siya, natuto na rin siyang lumagok nito. Ito ang naging karamay ni
Nanghihina man ay pinilit pasiglahin ng bata sa kabilang screen ang kaniyang boses. Gusto pa nitong lawakan pa ang kurba sa kaniyang mga labi ngunit sobra na siyang nanghihina. Namumutla rin ang mukha nito. Nanlambot si Ynnah sa nakita. “Caleb, may problema ba?” nag-aalala niyang tanong. Ngumuso si Caleb kasabay ng pagkalukot ng kaniyang mukha. “Hindi mo po ako tinawagan kahapon, mommy. Hindi mo ako binati ng good morning,” reklamo nito. Kabaliktaran ni Casper, na madalas ay tahimik lamang at parang matanda kung umasta, si Caleb ay isang normal na batang sabik sa atensyon ng kaniyang ina.Napatampal sa noo si Ynnah. “I’m sorry, baby. Nakalimutan ni mommy. Pagod kasi sa biyahe kagabi,” paliwanag niya. “‘Wag ka nang magalit sa mommy, please?”Dahil sa kondisyon ni Caleb, mas binibigyan ito ni Ynnah ng espesyal na atensyon. Umismid si Caleb. “Papatawarin po kita ngayon. Pero hindi na kita papatawarin sa susunod,” pagsusungit niya. Ang makita ang ka-cute-an ng anak ay nagpagaan
Parang may bumara sa lalamunan ni Adrien. May kakaiba ring kislap sa mga mata nito. Hindi man siya nagsalita ay naintindihan na ‘yon ni Lucas. Lalabas siya. Samantala, sa business department ng Alleje Corporation…Umugong ang usapan sa buong department dahil sa nasagap nilang balita. “Ang dinig ko, may parating daw na high-profile executive para mag-donate ng malaking halaga pangsuporta sa Hope Project ng Alleje Corporation,” balita ng isang empleyado. Naging sanhi ito para magkumpulan ang mga magkatrabaho. “Talaga ba? Sino naman daw kaya ‘yon?”“Hindi ko alam eh. Siguro isang 4M na wala nang mapaglagyan ng pera.”“Balita ko, galing pa raw ‘yong ibang bansa.”“Eh ‘di baka ibang lahi ‘yon.”“Baka nga.”Sa kabilang banda, nakarating na sina Ynnah at Mando sa harap ng Alleje Corporation. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Tinatanaw niya ang naging pagbabago sa kompanya sa kasalukuyan. Napakalaki ng ipinagbago nito. Hindi hamak na mas lumawak at nadagdagan pa