Parang may bumara sa lalamunan ni Adrien. May kakaiba ring kislap sa mga mata nito. Hindi man siya nagsalita ay naintindihan na ‘yon ni Lucas. Lalabas siya. Samantala, sa business department ng Alleje Corporation…Umugong ang usapan sa buong department dahil sa nasagap nilang balita. “Ang dinig ko, may parating daw na high-profile executive para mag-donate ng malaking halaga pangsuporta sa Hope Project ng Alleje Corporation,” balita ng isang empleyado. Naging sanhi ito para magkumpulan ang mga magkatrabaho. “Talaga ba? Sino naman daw kaya ‘yon?”“Hindi ko alam eh. Siguro isang 4M na wala nang mapaglagyan ng pera.”“Balita ko, galing pa raw ‘yong ibang bansa.”“Eh ‘di baka ibang lahi ‘yon.”“Baka nga.”Sa kabilang banda, nakarating na sina Ynnah at Mando sa harap ng Alleje Corporation. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Tinatanaw niya ang naging pagbabago sa kompanya sa kasalukuyan. Napakalaki ng ipinagbago nito. Hindi hamak na mas lumawak at nadagdagan pa
Nabasa na ni Adrien ang tungkol sa medical report ni Ynnah. Kaya alam nito na nagkaroon ng severe depression ang babae. At alam niya rin na maaaring mag-lead ‘yon to memory loss. Pero hindi nito inaasahan na sa lahat ng makakalimutan nito ay siya pa. Magkakilala na sila ng sampung taon!Nang mapansin ni Ynnah ang pagkapipi ni Adrien ay binato niya ito ng tanong. “Siguro isa ka sa mga taong nanakit sa ‘kin noon. Kasi kung hindi, bakit hindi kita maalala?”Ang mga salitang ‘yon ay parang mga kutsilyong tumarak sa puso ni Adrien. Ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig niya pero walang namutawing mga salita ro’n. Ilang sandali pa bago siya nakabuo ng sasabihin. “Masyado ka atang nag-iisip, Ms. Cervantes. We just met by chance,” pagsisinungaling nito. Dahil pinapanindigan ni Ynnah ang pagpapanggap, napagdesisyunan na lamang ni Adrien na hayaan ito. Sasakyan niya na lamang ang trip nito. Tutal ay hindi niya naman naramdaman na naging mag-asawa silang dalawa simula’t sapul pa lan
Walang salitang makakapagpaliwanag sa nadarama ngayon ni Benjamin. Dumagundong ang tibok ng puso niya na halos mabingi na siya rito. Hindi niya alam kung anong unang sasabihin kay Ynnah. Napuno ang utak niya ng napakaraming tanong. Pero anong una niyang gagawin?Hihingi ba muna siya ng tawad?O tatanungin niya ito kung saan ito napunta all these years? O iba pa?Pero bago pa siya makabuo ng mga salita, nilampasan na siya ni Ynnah nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Natigalgal si Benjamin sa kaniyang kinatatayuan. At nang makabawi na siya sa pagkatulala, agad niyang nilingon si Ynnah para sana ay tawagin ito. Ang kaso, nakasakay na ito sa kaniyang sasakyan. “Tara na, Mando,” mahinahong sambit ni Ynnah. Wala nang nagawa si Benjamin kundi ang panoorin ang pag-alis ng kotseng may sakay kay Ynnah. At nang hindi niya na ito matanaw ay saka siya bumalik sa kaniyang ulirat. Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tatawagan na sana si Adrien. Pero nang ida-dial ni
Sumama ang timpla ng mukha ni Monique. Hindi niya kasi matukoy kung ano bang nangyari kay Benjamin. Ang laki ng pinagbago nito nitong mga nakaraang taon. Tila naging ibang tao na ito. Hindi na siyang ‘yong Benjamin na kilala niya dati. Hindi na nito pinapagbigyan ang lahat ng kahilingan niya. Tungkol naman kay Adrien, hindi sigurado si Monique kung tutulungan siya nito. Ngunit wala na siyang pakialam do’n. There was nothing that she wanted that she didn’t get.“Kailangan mong humanap ng paraan. Gawin mo ang lahat ng kailangan mong gawin para mapasakamay ko ang kanta ng Miss Y na ‘yon,” nagngingitngit na utos niya sa agent. …..Matapos niyang babaan ng tawag ang agent ng EchoWave Media, bumakas sa mga mata ni Ynnah ang matinding determinasyon. Wala nang iba pang nakakakilala kay Monique higit pa sa kaniya.Noon pa man, alam niya na kung gaano kabulok ang ugali ni Monique. Napakamapagpanggap nitong tao. Nagnanakaw ito ng mga gawa ng iba at sinisira ang career ng kung sinoman
Kinuyom ni Ynnah ang kaniyang mga kamao nang maramdaman ang paggalugad ng labi ni Adrien sa labi niya. Natuod siya dahil nagpoprotesta ang puso niya sa nangyayari. Pero agad niya ring kinastigo ang sarili. Naghihintay sa kaniya sina Casper at Caleb. Kaya kailangan niyang makuha ang pakay niya sa lalong madaling panahon. Ito ang gusto niyang mangyari. Sinadya niyang huwag palitan ang kaniyang roba dahil balak niyang akitin si Adrien.At ang pagpapaalis niya rito kanina? Parte rin ‘yon ng plano niya na hindi niya inaakalang gagana. Akala niya ay peke ang pagbabagang nakita niya sa mga mata ni Adrien nang galugarin siya nito ng tingin matapos niya itong pagbuksan. Naglakas-loob lang talaga siya.Napagtanto niya na mas lalo siyang mapapatagal sa Pilipinas kung ipagpipilitan niyang makakuha ng sperm nito nang walang physical contact na mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Kaya naman isinaksak niya sa kokote niya na ito na ang pinakamadaling paraan. ‘Yong gamitin niya ang kaniy
Palihim na nilagyan ni Ynnah ng gamot ang red wine na hinanda niya bago siya bumalik sa living room. Nakapagpalit na rin siya bago bumaba. Agad niyang pinagbuhos ng wine si Adrien. Pilit niyang pinapatatag ang boses niya. Pero tinatraydor siya ng kaniyang mga mata. “Please,” aniya sabay abot ng basong may wine kay Adrien. Tinanggap iyon ni Adrien. Ngunit hindi niya iyon ginalaw. Sa halip ay muli itong nagsalita. “Bumalik ka sa Pilipinas galing abroad noong sampung taong gulang ka pa lang. ‘Yon ‘yong unang beses na nagkakilala tayo.”Nanlaki ang mga mata ni Ynnah. Hindi niya inaakalang naaalala pa ni Adrien ang una nilang pagkikita. Gulat man ay muli niyang ibinalik ang normal na ekspresyon ng kaniyang mukha saka niya muling itinulak ang baso ng wine papunta kay Adrien. Ngunit hindi niya inaasahan na itutulak ito pabalik ni Adrien sa kaniya. “You drink first,” aniya. Para maiwasang pagdudahan siya ng lalaki, kinuha ni Ynnah ang baso ng wine at saka iyong tinungga. Agad ni
Nasaksihan ni Mando kung paanong namaluktot si Ynnah sa may bathtub. Basang-basa ang manipis nitong pares ng pajamas. At punong-puno ng sugat ang mga braso nito. Nagmamadali niyang isinara ang faucet ng bathtub at saka binalot ng twalya ang katawan ni Ynnah. Agad niya itong binuhat patungo sa kama. “Ma’am? Ano pong nangyari? Ayos lang po ba kayo?” Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nagkamalay ang dalaga. Nanghihinang tiningala ni Ynnah si Mando at saka marahang tumango. “Ayos lang ako.” Halos walang boses na namutawi sa bibig niya. “Dadalhin ko po kayo sa ospital,” ani Mando at akmang bubuhatin na ang nanlalantang katawan ng amo ngunit agad siya nitong pinigilan. Umiling si Ynnah. “Hindi pwede. Hindi na kailangan. Ayos lang talaga ako, Mando.”Ayaw niyang maisugod sa kahit aling ospital sa bansang ‘to. Dahil alam niya na halos lahat ng ospital dito ay may koneksyon sa mga Alleje. At ngayong alam na ni Benjamin ang tungkol sa pagba
Iyon lamang ang mga katagang naabutan ni Monique nang makarating siya sa tapat ng pinto ng opisina ni Adrien. At ang marinig ang mga katagang ‘yon ay nagdala ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Sinubukan niya pang kulitin si Lucas para sabihin kung ano ba talagang pinag-usapan nila ng kaniyang boss pero nanatiling tikom ang bibig nito. Hindi nito sinabi ang tungkol sa pagbabalik ni Ynnah sa bansa. Nang mapagtantong wala siyang mahihita kay Lucas, hindi na muli pang nagtanong si Monique. Nainis na rin kasi siya sa pagiging madamot nito. Dumiretso na lang siya sa loob ng opisina ni Adrien. “Adrien, malapit na ang 60th birthday ng mama mo. Sabi rin pala ni tita, roon daw tayo mag-dinner sa mansyon niyo mamayang gabi.”Lumabas sa kabilang tainga ni Adrien ang imbitasyon ni Monique. Alam kasi niyang kaya na naman sila inimbitahan ng ina para roon sa kanila maghapunan ay para kulitin silang dalawa ni Monique na magpakasal na at magkaanak. Hindi niya pinagkaabalahang tapunan ng t