Share

Kabanata 41

Sumama ang timpla ng mukha ni Monique. Hindi niya kasi matukoy kung ano bang nangyari kay Benjamin. Ang laki ng pinagbago nito nitong mga nakaraang taon. Tila naging ibang tao na ito.

Hindi na siyang ‘yong Benjamin na kilala niya dati. Hindi na nito pinapagbigyan ang lahat ng kahilingan niya.

Tungkol naman kay Adrien, hindi sigurado si Monique kung tutulungan siya nito. Ngunit wala na siyang pakialam do’n.

There was nothing that she wanted that she didn’t get.

“Kailangan mong humanap ng paraan. Gawin mo ang lahat ng kailangan mong gawin para mapasakamay ko ang kanta ng Miss Y na ‘yon,” nagngingitngit na utos niya sa agent.

…..

Matapos niyang babaan ng tawag ang agent ng EchoWave Media, bumakas sa mga mata ni Ynnah ang matinding determinasyon.

Wala nang iba pang nakakakilala kay Monique higit pa sa kaniya.

Noon pa man, alam niya na kung gaano kabulok ang ugali ni Monique. Napakamapagpanggap nitong tao. Nagnanakaw ito ng mga gawa ng iba at sinisira ang career ng kung sinoman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erna Gabuat
nakakaexcite ang story salamat sa update author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status