Tahimik lang na pinagmasdan ni Monique ang ginawang pagtipa ni Adrien sa kaniyang cellphone. Nang makita niyang ibinalik na ni Adrien ang cellphone niya sa bulsa, saka siya nangusisa.“Si tita ba ‘yong nag-text? Baka naiinip na naman ‘yon kakahintay sa ‘tin.” Natawa pa siya bandang huli. Umismid si Adrien at saka sumagot. “Hindi.”Gusto pa sanang itanong ni Monique kung sino iyon kaso ay hindi niya na magawang ibuka ang bibig niya nang makitang ibinaling ng lalaki ang tingin sa bintana ng sasakyan. Napadaan ang sasakyan ni Adrien sa entrance ng Golden Moon Hotel. Eksaktong may isang sasakyan na pumarada roon. Mula sa loob ng sasakyan ay lumabas ang isang babae at isang batang lalaki. Natuon ang kaniyang mga mata sa batang lalaki. Nakasuot ito ng sumbrero at mask kaya hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito. Ngunit may bumalot sa kaniyang kakaibang pakiramdam. Para bang kilala niya ang batang iyon. Pinanood niyang pumasok ang dalawa sa loob ng hotel.“Stop the car,” big
Lalong namula ang mukha ni Casper sa sinabi ng mama niya. Para na siyang isang overripe na kamatis. Napaubo pa siya at saka hininaan ang boses bago magsalita. “Mommy, hindi na po ako bata. At saka… and’yan lang po si Tita Cass oh.”Dahil sa reklamo ni Casper ay muling gumaan ang ambiance ng silid. Nawala na ang tensyon na nararamdaman nina Cassandra at Ynnah. Unang beses na nakita ni Cassandra na mamula sa hiya ang kaniyang inaanak na si Casper. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling asarin ito. “May napalo na pala rito oh!”Agad siyang binalingan ng tingin ni Casper at tinarayan. “Hindi po ah!”Sa ganitong reaksyon ni Casper, nagmumukha siyang normal na bata para sa kaniyang edad. Tiningnan ni Ynnah ang kaniyang anak na hirap magpaliwanag kanina. Ang galit na naramdaman niya nang ibalita sa kaniya ni Cassandra na pumuslit ito para sumabay sa pagbalik nito ng Pilipinas ay naglaho na. Sina Casper at Caleb ay itinuturing niyang tanging yaman na bigay sa kaniya ng Diyos. Hi
Pagkatapos marinig ni Casper ang mga salitang 'yon mula sa kanya, pakiramdam niya ay hindi na garantisado ang kanyang kalinisang-puri.Nang matapos siya maligo at magbihis ng damit ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto upang magpahinga.****Sa kasalukuyan, sa mansyon ng mga Alleje...Nakatanggap ng isang tawag si Adrien mula sa tauhan niya. Pagkatapos niyang kumain sa restaurant ay agad siyang umuwi ng mansyon.Nang dahil sa kanyang malalim na pag-iisip, bigla naman itong napansin ni Monique at ng kanyang ina na si Alona.“Mabuti naman at nagpunta ka dito, Monique. Dito ka na matulog dahil babalik na bukas ang tito mo, ang ama ni Adrien. Ang sabi niya ay gusto ka niyang makilala,” ani Alona kay Monique.Ang ama ni Adrien ay isang alibughang anak, ngayon ay nasa katamtamang gulang na, mapagbigay, at bihira na kung umuwi.“S-Sige po,” nahihiyang sagot ni Monique kay Alona.Wala namang pakialam si Adrien sa pag-uusap nila na ngayon ay kalmado lang na kumakain. Agad din naman siyang t
“The CEO of the Alleje's Group, the young and most promising heir of the Alleje Family...”Agad namang nahanap ni Casper ang lokasyon ng kumpanya ng mga Alleje at ang tirahan nila. Tahimik niyang isinulat ang address na kanyang nakuha.Ilang sandali pa, isa na namang nakaka-intrigang balita ang lumabas sa screen ng computer ni Casper.“Si Monique Salcedo at ang presidente ng Alleje's Group ay magkasamang umuwi upang makilala ang buong pamilya. Nalalapit na ang kanilang pagsasama.”Nang basahin 'yon ni Casper, bigla na lamang nandilim ang kanyang reaksyon. Nagsimula na naman siyang maghanap ng impormasyon tungkol kay Monique Salcedo at sa isang pribadong page, nakita ni Casper ang ilan sa mga rebelasyon tungkol kay Monique. Ang mga ito ay mas iskandaloso kaysa sa mga huling balita tungkol sa kanya.Napasimangot naman si Casper dahil doon. Iniisip niya na ang kanyang walang kwenta na ama ay totoong kasuklam-suklam.Iniisip naman ni Casper na ilabas ang mga rebelasyon tungkol sa babae sub
Ilang sandali lang ay bigla namang nakatanggap ng tawag si Benjamin mula sa kanyang ama na si Gilbert kaya agad niya itong sinagot.“Gusto mo ba talagang mamatay!?” galit na sigaw nito sa kanya. “Sinong nagsabi sa 'yong tumakas ka sa isang blind date?”Galit na galit ang matanda sa kanya kaya naman ay nanghina si Benjamin at sinabing, “Marami akong ginagawa.”“Marami kang ginagawa? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na masyado kang abala sa mga tusong mga kaibigan mo araw-araw!?” ani Gilbert na may kaonting pasensya na lamang. “Bumalik ka na dito baka gusto mong tanggalin ko lahat ng mana mo?”Walang ibang nagawa si Benjamin kung hindi ang umuwi na lamang dahil alam niya kung ano ang kayang gawin ng matanda kapag hindi niya ito sinunod.Samantala, sa loob naman ng kumpanya ng mga Alleje, dumiretso si Ynnah sa pinakataas na floor ng kumpanya nang makarating siya.Ang assistant na si Lucas, hindi napigilang mapatitig sa elegante at magandang si Ynnah Cervantes, na ngayon ay sopistikada na
Ang mga mata ni Adrien ay nababalot ng emosyon na hindi maintindihan ni Ynnah.“Sa loob ng limang taon, paano ka nakakuha ng ganyan kalaking pera para sa charity. Kay Gino ba galing 'yon?” tanong ni Adrien sa kanya.Walang kaalam-alam si Ynnah na simula pala noong umalis siya, hindi nakakatulog nang maayos si Adrien. Noong mga nakalipas na araw din ay nahihirapan sa pagtulog si Adrien sa gabi dahil ang isip nito ay puno ng mga imahe ni Ynnah at Gino na magkasama.“Gino and I are just friends. I earned that money on my own and—”Bago pa man matapos ni Ynnah ang kanyang sasabihin, naramdaman niya ang malalaking kamay ni Adrien sa kanyang balikat at dahan-dahan itong bumababa.“Paano mo nakuha 'yon? Sa ganitong paraan ba?” tanong ni Adrien sa kanya.“Anong sabi mo!?” gulat na tanong ni Ynnah habang nakatingin kay Adrien.Malamig ang mga palad nito pero mas malamig ang mga salitang binitawan ni Adrien.Pakiramdam ni Ynnah ay sumikip ang kanyang dibdib kaya naman napakuyom siya ng kamay han
Nang dahil sa biglang pagdating ni Monique, biglang nagbago ang atmosphere sa loob ng opisina. Sinubukan naman ni Adrien na lumapit ulit kay Ynnah subalit humakbang palayo si Ynnah dahilan para makaramdam ng hapdi sa puso si Adrien.Noon ay si Ynnah ang kusang lumalapit sa kanya pero ngayon, nagbago na ang lahat.“Anong negosyo ang gusto mong pag-usapan natin, Mr. Alleje?” tanong ni Ynnah sa kanya.Kasalukuyang kaharap ni Ynnah ang hindi mahulaan na si Adrien habang inaalala niya ang kanyang kabiguan, alam ni Ynnah ang aksidenteng 'yon ay dahan-dahan rin na maaayos.Tinitigan naman siya ni Adrien nang mabuti dahil pakiramdam niya ay may tinatago si Ynnah sa kanyang sarili.“Hindi ba gusto mo ang mga charities? Pumunta ka bukas at dadalhin kita doon,” ani Adrien kay Ynnah.Walang ibang rason para tanggihan ito ni Ynnah kaya naman umayon siya saka tumalikod para umalis na.Nang itulak niya ang pinto, nadatnan niya sa harap ng pinto si Monique na naghihintay. Agad namang hinarangan ni Mon
“Ang payo ko lang sa 'yo, Ynnah, na 'yong mga tao na hindi ka minahal noon, malabong mamahalin ka ngayon. Magpanggap ka man na bingi o hindi nakakaalala, hindi ka pa rin magugustuhan ni Adrien.”Mataman na nakikinig si Ynnah sa mga sinabi ni Monique sa kanya habang ang kanyang mga mata ay blanko lang.“Tapos ka na ba magsalita?” tanong ni Ynnah kay Monique.Bakas ang gulat sa mukha ni Monique dahil sa kanyang narinig mula kay Ynnah. Napatayo si Ynnah mula sa pagkakaupo at tinitigan niya si Monique na ngayon ay nakaupo pa rin.“Kung sigurado ka naman na mahal ka niya, bakit ka pa pumunta sa akin na parang galit na galit ka?” ani Ynnah at pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis siya na nakangisi.Habang pinapanood ni Monique na mawala sa paningin niya si Ynnah, bigla niyang naalala kung gaano karangya ang buhay ng anak ng mga Cervantes na si Ynnah noon.Biglang nainis si Monique nang maalala niya kung paano niya pinakitunguhan si Ynnah noon para lang makuha ang suporta ng pamilya Cervante