Share

Kabanata 49

Tahimik lang na pinagmasdan ni Monique ang ginawang pagtipa ni Adrien sa kaniyang cellphone. Nang makita niyang ibinalik na ni Adrien ang cellphone niya sa bulsa, saka siya nangusisa.

“Si tita ba ‘yong nag-text? Baka naiinip na naman ‘yon kakahintay sa ‘tin.” Natawa pa siya bandang huli.

Umismid si Adrien at saka sumagot. “Hindi.”

Gusto pa sanang itanong ni Monique kung sino iyon kaso ay hindi niya na magawang ibuka ang bibig niya nang makitang ibinaling ng lalaki ang tingin sa bintana ng sasakyan.

Napadaan ang sasakyan ni Adrien sa entrance ng Golden Moon Hotel. Eksaktong may isang sasakyan na pumarada roon. Mula sa loob ng sasakyan ay lumabas ang isang babae at isang batang lalaki.

Natuon ang kaniyang mga mata sa batang lalaki. Nakasuot ito ng sumbrero at mask kaya hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito. Ngunit may bumalot sa kaniyang kakaibang pakiramdam.

Para bang kilala niya ang batang iyon.

Pinanood niyang pumasok ang dalawa sa loob ng hotel.

“Stop the car,” big
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status