Share

Kabanata 57

“Bakit ngayon ko lang ito napansin?”

Samantala, sumabat naman bigla si Casper. “Ang pagkatao ni Uncle Mando ay masyadong misteryoso. Nagpapakita lamang ito kapag nasa peligro ang buhay ni Mommy.”

“Kaya pala noong na sa ibang bansa pa ako, naririnig kong may mga bodyguards na nasa paligid mo pero hindi ko naman sila nakikita,” ani Cassandra habang kumakain ng suman.

Mayroon ding mga special bodyguards si Ynnah subalit nasa sampung metro ang layo ng mga ito mula sa kanya at makikita lamang ito sa malayo.

Dahil na rin sa trabaho ni Gino sa ibang bansa, apektado ang mga taong malalapit sa kanya kaya naman nagpadala ito ng mga tao para protektahan si Ynnah at ang kanyang buong pamilya.

Pagkatapos ng sampung minuto, biglang lumabas sa pinto si Mando, nakasuot ng isang pormal na suit at ang buong presensya nito ay talagang nakakapigil-hininga kaya naman walang dapat sumubok na pasukin sila.

Nang makita naman ni Cassandra ang lalaki, biglang nagliwanag ang kanyang mata.

“Ang gwapo...” ani Cass
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status