Kinabukasan, pagsapit ng alas singko ng umaga ay sinamahan ni Ynnah sa labas si Cassandra. Bago umalis, nagsimula na kabahan si Cassandra.“S-Sa tingin mo okay lang ba ang suot ko, Ynnah?” tanong ni Cassandra sa kanya.Maayos lang naman ang nilagay na foundation ni Cassandra sa mukha niya, may dalawang pares na apricot na mga mata, may heart-shaped na hugis ng mukha, mahinhin, at maganda ito.“You are beautiful, Cassandra,” ani Ynnah sa nakangiting mukha.“S-Salamat at ang isipin na makikita ko siya ay sobrang nagpapakaba sa akin. Nag-aalala ako na baka hindi—”“Hindi 'yan, sigurado ako,” sabat naman ni Ynnah kay Cassandra bago pa nito matuloy ang sasabihin at nagpatuloy, “Nagmula tayo sa pamilya na magaganda kaya siguradong walang hindi magkakagusto.”Napatango na lamang si Cassandra bilang tugon sa sinabi niya. Umalis na rin ito pagkatapos panoorin ni Ynnah na umalis si Cassandra bumalik siya sa kanyang kwarto.“Mommy?” tawag ni Casper sa kanya.Naglakad si Ynnah patungo kay Casper a
“Anong klaseng Miss Castro ang nakaharap natin? Ang taba at parang kinakalawang na lagari na lakas-loob magpunta sa blind date?”“Ang sabihin mo para itong isang dinosaur na kapag naglalakad, ang buong bahay ay parang guguho!”“At ito pa, 'yong huling babae na parang nag-aapoy sa sobrang pula ang labi ngunit para namang isang multo!”“Sino naman ngayon ang susunod?”“I think it's the daughter of the Alvarez family who I heard just arrived from abroad.”“You mean from abroad? She must be very open and extravagant!”“Pasasayawin ko siya at kapag maayos sumayaw, siya na ang pipiliin ko!”Ilan lamang ito sa mga malalaswang salita na narinig ni Ynnah pagpasok niya sa loob na siyang naging dahilan para mapasimangot siya.Ngayon mas naiintindihan niya kung bakit gaoon na lang kagalit ang mga babae ng lumabas sila mula sa loob pagkatapos ng blind date.Ang lalaking nag-prepare ng blind date na ito ay hindi nagpunta para doon kung hindi para gawin niyang katatawanan kasama ng mga kaibigan niya.
Nang magawi ang tingin ni Benjamin sa malinaw at galit na mga mata ni Ynnah, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.Sigurado si Benjamin na si Ynnah nga ang nakita niya ngunit hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito sa ginanap na blind date ngayon dito.Bago pa man siya makabawi sa kanyang pagkagulat, narinig niyang nagsalita si Ynnah.“Umalis na tayo, Mando,” sambit nito sa pangalan ng kanyang bodyguard. Sinabayan naman ni Mando si Ynnah na makaalis sa lugar.“Huwag ka munang umalis! Hintayin niyo ako!” sigaw ng lalaki na nasipa ni Mando at hanggang ngayon ay pinapagalitan niya ang sarili.Mabilis naman na sumunod ang iba at minaliit ang nasuntok na lalaki kanina.“Natamaan ka ng sobra at sigurado ka ba na kaya mo pang lumaban, Joshua Mendez!?”“Oo, at huwag kang sumigaw!” sagot naman ni Joshua.Ang lalaking may apelyedo na Mendez ay may gustong gawin kay Mando subalit ang sipa ng lalaki kanina ay siyang dahilan upang mahirapan itong makatayo.Hindi niya matanggap ang
Nalaman ni Adrien mula sa kanyang mga tauhan kaninang umaga na nagpunta sa isang sikat na restaurant sa Batangas si Ynnah.“Ano naman ang ginagawa niya sa Chef Chateau Restaurant?” tanong ni Adrien.Sa pagkakaalam ni Adrien, ang lugar na 'yon ay madalas na pinupuntahan ng mga kalalakihan tuwing araw para uminom at masyadong makalat ang mga ito sa loob.Tila bigla namang nabalisa ang mga tauhan niya pero agad din naman siyang sinagot. “Parang blind date po 'yon, Boss.”Tila bahagyang naningkit ang mata ni Adrien at parang humina ang pressure ng hangin sa paligid niya. Naalala niyang may sinabi ito sa kanya na pupuntahan niya muna.‘Sa blind ba ang punta niya?’ tanong ni Adrien sa kanyang isip.Dahil diyan, pinabilid na naman siya ni Ynnah. Pakiramdam ni Adrien ay biglang nandilim ang kanyang mukha.Ang tauhan naman ni Adrien ay dahan-dahang lumabas ng opisina dahil alam niya ang ugali ng amo.Sa pagsapit ng alas dos ng hapon...May biglang kumatok sa pinto ng opisina ni Adrien.“Mr. Al
Pakiramdam ni Ynnah ay bigla siyang namanhid dahil sa galit. Tinikom niya ang kanyang bibig, pilit pinipigilan ang sarili habang ang hapdi sa kanyang palad ay hindi niya na maramdaman.Ang grupo ng pamilya Cervantes ay nasa pamumuno ng kapatid ni Ynnah na si Yvo at paulit-ulit na nawala ang pera sa kamay nito pero mabuti na lang ay nariyan pa rin. Ngunit ngayon, lahat ng mga nagpapaalala sa ama niya sa kanya ay tuluyang nawala.Alam ni Ynnah na ginagawa ito ni Adrien dahil gusto niyang maghiganti.Muling napatitig si Ynnah sa lugar na ngayon ay wala ng silbi. Pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan at halos gusto niya na umiyak.“Ikaw ang president ng pamilya Alleje kaya ikaw rin ang may kakayahang magdesisyon,” ani Ynnah kay Adrien.Hindi napansin ni Ynnah na ang kanyang boses ay malat na pala. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin inaasahan ni Adrien na ayaw pa rin aminin ni Ynnah na wala itong amnesia.Ang buong akala niya ay tatanungin siya ni Ynnah, magwawala ito, iiyak at
Walang ganang kumain ngayon si Benjamin at pagkatapos malaman ng kanyang ama ang ginawa niya kaninang umaga. Pinapapunta siya nito sa restaurant para dumalo sa isang dinner pero ang totoo, nagpunta siya para makipagkaibigan sa mga babaeng anak na dadalo ngayon.Ilang sandali lang na makarating siya sa loob, agad naman siyang tinawag ng ama para paalalalahanan.“This is the Alleje's celebration and you don't want to cause trouble here, do you?” tanong ni Gilbert.Mabilis lamang nitong makitaan ng butas si Benjamin at dahil diyan, walang ibang nagawa si Benjamin kung hindi ang maupo sa isang sulok ng private restaurant.Nababalot ng malamig na reaksyon ang mukha ni Benjamin ngayon at ramdam iyon ng iba. Kung sino ang magtatangkang lumapit sa kanya ay para na rin silang lumapit kay kamatayan dahil sa dilim ng awra niya.Hindi naman napansin ni Benjamin na may nagmamasid sa kanya simula pa kanina.Mayroong host sa dinner celebration na pinahanda ng pamilya Alleje at higit sa lahat, nandito
Maraming mata na nakamasid sa paligid at pakiramdam ni Benjamin na kapag nagtagal siya dito, maaaring siya ang maging pokus ng atensyon.Baka isipin ng iba na nang-aapi siya ng bata. Naglakad na papuntang banyo si Benjamin para linisin ang kanyang pantalon.Pagkaalis naman ni Benjamin, agad na nawala ang kawawang reaksyon sa mukha ni Casper at saka kinuha ang kanyang cellphone para tignan ito. Nakahanap siya ng magandang posisyon at saka kinuhanan niya ng picture ang nakakahiyang si Benjamin.Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat dahil sinundan niya si Benjamin papunta sa banyo. Samantala, bigla namang napansin ni Alona ang bata sa hindi kalayuan at biglang lumambot ang kanyang puso.Uminom muna siya ng wine bago magsalita kay Monique na ngayon ay nasa isang tabi.“Ang gwapong bata, inosente, at mabait. Kung may anak sana kayo ni Adrien, sigurado ay pareho sa batang 'yan,” ani Alona kay Monique.Nang dahil lang sa mukha ng batang iyon ay biglang nagbago ang reaksyon ni Alona na tila b
“Si Cassandra Alvarez ay anak ng isang Alvarez at si Ynnah Cervantes ay magkaklase sa kolehiyo. Pagkatapos niyang maka-graduate nagpunta agad ito ng ibang bansa. Bumalik lamang ito nang umuwi rin si Ynnah mula sa United States.”Huminga muna nang malalamin ang assistant ni Benjamin bago ito magpatuloy sa pagsasalita.“Base sa mga nakalap kong impormasyon, may isang lalaki lamang sa buhay ni Cassandra na kaklase din nila noon na nagngangalang Sebastian Alejandro,” sambit ng assistant at saka nagpatuloy, “Sa tingin ko ang dahilan kung bakit si Ynnah ang pinapunta niya sa blind date ay dahil diyan sa lalaking si Sebastian, Sir Benjamin.”Sinabi na lahat ng assistant kay Benjamin ang kailangan niyang impormasyon kaya naman ay napatango si Benjamin.Nagpalit ulit siya ng damit at saka bumaba kung saan nakita niya sa baba sina Adrien at Monique na magkasama. Kung titignan ay parang napakagandang pares ng dalawa.Tila nagdalawang-isip ng ilang sandali si Benjamin ngunit nagdesisyon siyang hin