Share

Kabanata 56

“Ang payo ko lang sa 'yo, Ynnah, na 'yong mga tao na hindi ka minahal noon, malabong mamahalin ka ngayon. Magpanggap ka man na bingi o hindi nakakaalala, hindi ka pa rin magugustuhan ni Adrien.”

Mataman na nakikinig si Ynnah sa mga sinabi ni Monique sa kanya habang ang kanyang mga mata ay blanko lang.

“Tapos ka na ba magsalita?” tanong ni Ynnah kay Monique.

Bakas ang gulat sa mukha ni Monique dahil sa kanyang narinig mula kay Ynnah. Napatayo si Ynnah mula sa pagkakaupo at tinitigan niya si Monique na ngayon ay nakaupo pa rin.

“Kung sigurado ka naman na mahal ka niya, bakit ka pa pumunta sa akin na parang galit na galit ka?” ani Ynnah at pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis siya na nakangisi.

Habang pinapanood ni Monique na mawala sa paningin niya si Ynnah, bigla niyang naalala kung gaano karangya ang buhay ng anak ng mga Cervantes na si Ynnah noon.

Biglang nainis si Monique nang maalala niya kung paano niya pinakitunguhan si Ynnah noon para lang makuha ang suporta ng pamilya Cervante
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status