“Ang payo ko lang sa 'yo, Ynnah, na 'yong mga tao na hindi ka minahal noon, malabong mamahalin ka ngayon. Magpanggap ka man na bingi o hindi nakakaalala, hindi ka pa rin magugustuhan ni Adrien.”Mataman na nakikinig si Ynnah sa mga sinabi ni Monique sa kanya habang ang kanyang mga mata ay blanko lang.“Tapos ka na ba magsalita?” tanong ni Ynnah kay Monique.Bakas ang gulat sa mukha ni Monique dahil sa kanyang narinig mula kay Ynnah. Napatayo si Ynnah mula sa pagkakaupo at tinitigan niya si Monique na ngayon ay nakaupo pa rin.“Kung sigurado ka naman na mahal ka niya, bakit ka pa pumunta sa akin na parang galit na galit ka?” ani Ynnah at pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis siya na nakangisi.Habang pinapanood ni Monique na mawala sa paningin niya si Ynnah, bigla niyang naalala kung gaano karangya ang buhay ng anak ng mga Cervantes na si Ynnah noon.Biglang nainis si Monique nang maalala niya kung paano niya pinakitunguhan si Ynnah noon para lang makuha ang suporta ng pamilya Cervante
“Bakit ngayon ko lang ito napansin?”Samantala, sumabat naman bigla si Casper. “Ang pagkatao ni Uncle Mando ay masyadong misteryoso. Nagpapakita lamang ito kapag nasa peligro ang buhay ni Mommy.”“Kaya pala noong na sa ibang bansa pa ako, naririnig kong may mga bodyguards na nasa paligid mo pero hindi ko naman sila nakikita,” ani Cassandra habang kumakain ng suman.Mayroon ding mga special bodyguards si Ynnah subalit nasa sampung metro ang layo ng mga ito mula sa kanya at makikita lamang ito sa malayo.Dahil na rin sa trabaho ni Gino sa ibang bansa, apektado ang mga taong malalapit sa kanya kaya naman nagpadala ito ng mga tao para protektahan si Ynnah at ang kanyang buong pamilya.Pagkatapos ng sampung minuto, biglang lumabas sa pinto si Mando, nakasuot ng isang pormal na suit at ang buong presensya nito ay talagang nakakapigil-hininga kaya naman walang dapat sumubok na pasukin sila.Nang makita naman ni Cassandra ang lalaki, biglang nagliwanag ang kanyang mata.“Ang gwapo...” ani Cass
Ayaw niyang mag-isa lamang ang kanyang ina na alagaan sila. Para kay Casper ay okay naman ang Tito Gino niya subalit masyado itong delikado. Ang gusto niya para sa mommy niya ay sa isang ligtas na lalaki.Hindi naman makapaniwala si Cassandra na pagtutuunan ito ng pansin ng isang maliit na bata tulad ni Casper.“Kahit pa man gusto ng dad ko na ipakasal ako sa isang tao mula sa mundo ng business, sigurado naman na maayos ang mga ito,” sabat naman ni Cassandra.“Sige, pero...” ani Ynnah at saka napatingin kay Casper. “Ako ang pupunta sa blind date imbes ang Tita Sandra mo pero hindi para hanapan ka ng ama.”“Naiintindihan ko po,” sagot ni Casper na walang pakialam sa rason ng kanyang ina.Naaalala niya kasi ang napapanood niyang mga romantic na palabas sa telebisyon kung saan ang pag-ibig ay bigla na lamang nangyayari sa hindi inaasahan at sa ganitong pagkakataon mas madalas nagsisimula ang pag-iibigan.Siya at si Caleb ay mga bata pa para protektahan ang kanilang mommy. Subalit naisip n
Kinabukasan, pagsapit ng alas singko ng umaga ay sinamahan ni Ynnah sa labas si Cassandra. Bago umalis, nagsimula na kabahan si Cassandra.“S-Sa tingin mo okay lang ba ang suot ko, Ynnah?” tanong ni Cassandra sa kanya.Maayos lang naman ang nilagay na foundation ni Cassandra sa mukha niya, may dalawang pares na apricot na mga mata, may heart-shaped na hugis ng mukha, mahinhin, at maganda ito.“You are beautiful, Cassandra,” ani Ynnah sa nakangiting mukha.“S-Salamat at ang isipin na makikita ko siya ay sobrang nagpapakaba sa akin. Nag-aalala ako na baka hindi—”“Hindi 'yan, sigurado ako,” sabat naman ni Ynnah kay Cassandra bago pa nito matuloy ang sasabihin at nagpatuloy, “Nagmula tayo sa pamilya na magaganda kaya siguradong walang hindi magkakagusto.”Napatango na lamang si Cassandra bilang tugon sa sinabi niya. Umalis na rin ito pagkatapos panoorin ni Ynnah na umalis si Cassandra bumalik siya sa kanyang kwarto.“Mommy?” tawag ni Casper sa kanya.Naglakad si Ynnah patungo kay Casper a
“Anong klaseng Miss Castro ang nakaharap natin? Ang taba at parang kinakalawang na lagari na lakas-loob magpunta sa blind date?”“Ang sabihin mo para itong isang dinosaur na kapag naglalakad, ang buong bahay ay parang guguho!”“At ito pa, 'yong huling babae na parang nag-aapoy sa sobrang pula ang labi ngunit para namang isang multo!”“Sino naman ngayon ang susunod?”“I think it's the daughter of the Alvarez family who I heard just arrived from abroad.”“You mean from abroad? She must be very open and extravagant!”“Pasasayawin ko siya at kapag maayos sumayaw, siya na ang pipiliin ko!”Ilan lamang ito sa mga malalaswang salita na narinig ni Ynnah pagpasok niya sa loob na siyang naging dahilan para mapasimangot siya.Ngayon mas naiintindihan niya kung bakit gaoon na lang kagalit ang mga babae ng lumabas sila mula sa loob pagkatapos ng blind date.Ang lalaking nag-prepare ng blind date na ito ay hindi nagpunta para doon kung hindi para gawin niyang katatawanan kasama ng mga kaibigan niya.
Nang magawi ang tingin ni Benjamin sa malinaw at galit na mga mata ni Ynnah, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.Sigurado si Benjamin na si Ynnah nga ang nakita niya ngunit hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito sa ginanap na blind date ngayon dito.Bago pa man siya makabawi sa kanyang pagkagulat, narinig niyang nagsalita si Ynnah.“Umalis na tayo, Mando,” sambit nito sa pangalan ng kanyang bodyguard. Sinabayan naman ni Mando si Ynnah na makaalis sa lugar.“Huwag ka munang umalis! Hintayin niyo ako!” sigaw ng lalaki na nasipa ni Mando at hanggang ngayon ay pinapagalitan niya ang sarili.Mabilis naman na sumunod ang iba at minaliit ang nasuntok na lalaki kanina.“Natamaan ka ng sobra at sigurado ka ba na kaya mo pang lumaban, Joshua Mendez!?”“Oo, at huwag kang sumigaw!” sagot naman ni Joshua.Ang lalaking may apelyedo na Mendez ay may gustong gawin kay Mando subalit ang sipa ng lalaki kanina ay siyang dahilan upang mahirapan itong makatayo.Hindi niya matanggap ang
Nalaman ni Adrien mula sa kanyang mga tauhan kaninang umaga na nagpunta sa isang sikat na restaurant sa Batangas si Ynnah.“Ano naman ang ginagawa niya sa Chef Chateau Restaurant?” tanong ni Adrien.Sa pagkakaalam ni Adrien, ang lugar na 'yon ay madalas na pinupuntahan ng mga kalalakihan tuwing araw para uminom at masyadong makalat ang mga ito sa loob.Tila bigla namang nabalisa ang mga tauhan niya pero agad din naman siyang sinagot. “Parang blind date po 'yon, Boss.”Tila bahagyang naningkit ang mata ni Adrien at parang humina ang pressure ng hangin sa paligid niya. Naalala niyang may sinabi ito sa kanya na pupuntahan niya muna.‘Sa blind ba ang punta niya?’ tanong ni Adrien sa kanyang isip.Dahil diyan, pinabilid na naman siya ni Ynnah. Pakiramdam ni Adrien ay biglang nandilim ang kanyang mukha.Ang tauhan naman ni Adrien ay dahan-dahang lumabas ng opisina dahil alam niya ang ugali ng amo.Sa pagsapit ng alas dos ng hapon...May biglang kumatok sa pinto ng opisina ni Adrien.“Mr. Al
Pakiramdam ni Ynnah ay bigla siyang namanhid dahil sa galit. Tinikom niya ang kanyang bibig, pilit pinipigilan ang sarili habang ang hapdi sa kanyang palad ay hindi niya na maramdaman.Ang grupo ng pamilya Cervantes ay nasa pamumuno ng kapatid ni Ynnah na si Yvo at paulit-ulit na nawala ang pera sa kamay nito pero mabuti na lang ay nariyan pa rin. Ngunit ngayon, lahat ng mga nagpapaalala sa ama niya sa kanya ay tuluyang nawala.Alam ni Ynnah na ginagawa ito ni Adrien dahil gusto niyang maghiganti.Muling napatitig si Ynnah sa lugar na ngayon ay wala ng silbi. Pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan at halos gusto niya na umiyak.“Ikaw ang president ng pamilya Alleje kaya ikaw rin ang may kakayahang magdesisyon,” ani Ynnah kay Adrien.Hindi napansin ni Ynnah na ang kanyang boses ay malat na pala. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin inaasahan ni Adrien na ayaw pa rin aminin ni Ynnah na wala itong amnesia.Ang buong akala niya ay tatanungin siya ni Ynnah, magwawala ito, iiyak at