Share

Kabanata 54

Ang mga mata ni Adrien ay nababalot ng emosyon na hindi maintindihan ni Ynnah.

“Sa loob ng limang taon, paano ka nakakuha ng ganyan kalaking pera para sa charity. Kay Gino ba galing 'yon?” tanong ni Adrien sa kanya.

Walang kaalam-alam si Ynnah na simula pala noong umalis siya, hindi nakakatulog nang maayos si Adrien. Noong mga nakalipas na araw din ay nahihirapan sa pagtulog si Adrien sa gabi dahil ang isip nito ay puno ng mga imahe ni Ynnah at Gino na magkasama.

“Gino and I are just friends. I earned that money on my own and—”

Bago pa man matapos ni Ynnah ang kanyang sasabihin, naramdaman niya ang malalaking kamay ni Adrien sa kanyang balikat at dahan-dahan itong bumababa.

“Paano mo nakuha 'yon? Sa ganitong paraan ba?” tanong ni Adrien sa kanya.

“Anong sabi mo!?” gulat na tanong ni Ynnah habang nakatingin kay Adrien.

Malamig ang mga palad nito pero mas malamig ang mga salitang binitawan ni Adrien.

Pakiramdam ni Ynnah ay sumikip ang kanyang dibdib kaya naman napakuyom siya ng kamay han
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status