Share

Kabanata 43

Palihim na nilagyan ni Ynnah ng gamot ang red wine na hinanda niya bago siya bumalik sa living room.

Nakapagpalit na rin siya bago bumaba.

Agad niyang pinagbuhos ng wine si Adrien. Pilit niyang pinapatatag ang boses niya. Pero tinatraydor siya ng kaniyang mga mata.

“Please,” aniya sabay abot ng basong may wine kay Adrien.

Tinanggap iyon ni Adrien. Ngunit hindi niya iyon ginalaw. Sa halip ay muli itong nagsalita.

“Bumalik ka sa Pilipinas galing abroad noong sampung taong gulang ka pa lang. ‘Yon ‘yong unang beses na nagkakilala tayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Ynnah. Hindi niya inaakalang naaalala pa ni Adrien ang una nilang pagkikita. Gulat man ay muli niyang ibinalik ang normal na ekspresyon ng kaniyang mukha saka niya muling itinulak ang baso ng wine papunta kay Adrien.

Ngunit hindi niya inaasahan na itutulak ito pabalik ni Adrien sa kaniya. “You drink first,” aniya.

Para maiwasang pagdudahan siya ng lalaki, kinuha ni Ynnah ang baso ng wine at saka iyong tinungga. Agad ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status