Iyon lamang ang mga katagang naabutan ni Monique nang makarating siya sa tapat ng pinto ng opisina ni Adrien. At ang marinig ang mga katagang ‘yon ay nagdala ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Sinubukan niya pang kulitin si Lucas para sabihin kung ano ba talagang pinag-usapan nila ng kaniyang boss pero nanatiling tikom ang bibig nito. Hindi nito sinabi ang tungkol sa pagbabalik ni Ynnah sa bansa. Nang mapagtantong wala siyang mahihita kay Lucas, hindi na muli pang nagtanong si Monique. Nainis na rin kasi siya sa pagiging madamot nito. Dumiretso na lang siya sa loob ng opisina ni Adrien. “Adrien, malapit na ang 60th birthday ng mama mo. Sabi rin pala ni tita, roon daw tayo mag-dinner sa mansyon niyo mamayang gabi.”Lumabas sa kabilang tainga ni Adrien ang imbitasyon ni Monique. Alam kasi niyang kaya na naman sila inimbitahan ng ina para roon sa kanila maghapunan ay para kulitin silang dalawa ni Monique na magpakasal na at magkaanak. Hindi niya pinagkaabalahang tapunan ng t
Bilang isang ulilang lubos, ang pinakahuling bagay na gusto niyang maranasan mula pa pagkabata niya ay ang maliitin siya ng ibang tao!Dahil sa mga salitang binitawan ni Benjamin kanina, naalala ni Monique ang unang beses niyang makisalamuha sa mga matatapobreng mayayaman. Ipinamukha lang naman ng mga ito kung gaano siya kapangit at kababang tao. At sobrang napahiya siya noong mga panahong ‘yon.“Tingnan lang nating kung mamaliitin niyo pa rin ako kapag naging isang Alleje na ‘ko!”…..Hindi nabanggit ni Monique si Ynnah. Mukhang hindi nito alam ang ginawang pagbabalik ng babae. Para siyang nabunutan ng tinik sa natuklasan. Nanatili silang nakamanman sa labas ng bahay ni Ynnah. “Sir Benjamin, hindi ko pa rin po nakikitang lumabas si Ms. Ynnah sa bahay niya ngayong araw,” untag ng bodyguard niya. “Gusto niyo po bang katukin ko na?” alok nito. Umiling si Benjamin. “Huwag. Hintayin na lang nating lumabas siya.”Matapos malaman na bumalik na si Ynnah kahapon, tumubo ang pagk
Ayaw nang magkaroon ng koneksyon ni Ynnah sa lalaking hindi matukoy kung anong tama at mali at higit sa lahat ay mahilig maghiganti. “Pasensya ka na. Nagkaroon kasi ako ng sakit kaya may mga tao akong hindi maalala,” paliwanag ni Ynnah saka tinalikuran si Benjamin. Naglakad siya pabalik sa mansyon. Naiwan naman doon si Benjamin na nabato na sa kinatatayuan. “Hindi niya maalala?” Nilingon ni Benjamin si Ynnah. At kahit pa nakapasok na ito sa loob ay nanatili pa ring nakatingin si Benjamin doon. Nakatanaw lang sa kaniya ang kaniyang bodyguard. Hinayaan siya nitong iproseso kung ano man ang nararamdaman niya sa mga sandaling ‘yon. Nakaramdam ng matinding pagod si Ynnah nang makabalik siya sa loob ng mansyon. Pasalampak siyang humiga sa sofa. Ang hindi niya alam, sa mga sandaling ‘yon ay nasa airport na ng States ang kaniyang best friend na si Cassandra. Bibyahe na ito pauwing Pilipinas. At mamayang gabi lamang ay makakarating na ‘to rito. Samantala, nakahanap ng paraan si C
“Hindi na ako naniniwalang bata ka. Alam mo kung ano ka? Isa kang matanda na sumanib sa katawan ng isang bata,” asar na maktol ni Cassandra. Tinapik lang ni Casper ang balikat niya. “Huwag po kayong mag-alala. Hindi magagalit sa inyo si mommy. Ako na pong bahalang magpaliwanag sa kaniya,” paniniguro nito. Gustong maiyak ni Cassandra nang marinig ‘yon. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng bulinggit na ito. Gustuhin niya man, hindi niya pwedeng pabalikin si Casper sa States mag-isa. “Dito ka lang. Tatawagan ko lang ang mommy at lola mo. Baka nag-aalala na ‘yong mga ‘yon,” stressed na bilin ni Cassandra kay Casper. “Huwag po kayong mag-alala, Tita Cass. Nag-iwan po ako ng sulat sa kwarto ko. Sabi ko po ro’n, kasama kita. Sigurado naman po akong makikita ‘yon ni Lola Dolores,” saad ni Casper. Nagtagis ang bagang ni Cassandra. “You little witch,” ngitngit nito. Pakiramdam niya ay maaga siyang tatanda dahil sa inaanak. Tinalikuran niya na ito bago pa siya tuluyang panawan ng kat
Tahimik lang na pinagmasdan ni Monique ang ginawang pagtipa ni Adrien sa kaniyang cellphone. Nang makita niyang ibinalik na ni Adrien ang cellphone niya sa bulsa, saka siya nangusisa.“Si tita ba ‘yong nag-text? Baka naiinip na naman ‘yon kakahintay sa ‘tin.” Natawa pa siya bandang huli. Umismid si Adrien at saka sumagot. “Hindi.”Gusto pa sanang itanong ni Monique kung sino iyon kaso ay hindi niya na magawang ibuka ang bibig niya nang makitang ibinaling ng lalaki ang tingin sa bintana ng sasakyan. Napadaan ang sasakyan ni Adrien sa entrance ng Golden Moon Hotel. Eksaktong may isang sasakyan na pumarada roon. Mula sa loob ng sasakyan ay lumabas ang isang babae at isang batang lalaki. Natuon ang kaniyang mga mata sa batang lalaki. Nakasuot ito ng sumbrero at mask kaya hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito. Ngunit may bumalot sa kaniyang kakaibang pakiramdam. Para bang kilala niya ang batang iyon. Pinanood niyang pumasok ang dalawa sa loob ng hotel.“Stop the car,” big
Lalong namula ang mukha ni Casper sa sinabi ng mama niya. Para na siyang isang overripe na kamatis. Napaubo pa siya at saka hininaan ang boses bago magsalita. “Mommy, hindi na po ako bata. At saka… and’yan lang po si Tita Cass oh.”Dahil sa reklamo ni Casper ay muling gumaan ang ambiance ng silid. Nawala na ang tensyon na nararamdaman nina Cassandra at Ynnah. Unang beses na nakita ni Cassandra na mamula sa hiya ang kaniyang inaanak na si Casper. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling asarin ito. “May napalo na pala rito oh!”Agad siyang binalingan ng tingin ni Casper at tinarayan. “Hindi po ah!”Sa ganitong reaksyon ni Casper, nagmumukha siyang normal na bata para sa kaniyang edad. Tiningnan ni Ynnah ang kaniyang anak na hirap magpaliwanag kanina. Ang galit na naramdaman niya nang ibalita sa kaniya ni Cassandra na pumuslit ito para sumabay sa pagbalik nito ng Pilipinas ay naglaho na. Sina Casper at Caleb ay itinuturing niyang tanging yaman na bigay sa kaniya ng Diyos. Hi
Pagkatapos marinig ni Casper ang mga salitang 'yon mula sa kanya, pakiramdam niya ay hindi na garantisado ang kanyang kalinisang-puri.Nang matapos siya maligo at magbihis ng damit ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto upang magpahinga.****Sa kasalukuyan, sa mansyon ng mga Alleje...Nakatanggap ng isang tawag si Adrien mula sa tauhan niya. Pagkatapos niyang kumain sa restaurant ay agad siyang umuwi ng mansyon.Nang dahil sa kanyang malalim na pag-iisip, bigla naman itong napansin ni Monique at ng kanyang ina na si Alona.“Mabuti naman at nagpunta ka dito, Monique. Dito ka na matulog dahil babalik na bukas ang tito mo, ang ama ni Adrien. Ang sabi niya ay gusto ka niyang makilala,” ani Alona kay Monique.Ang ama ni Adrien ay isang alibughang anak, ngayon ay nasa katamtamang gulang na, mapagbigay, at bihira na kung umuwi.“S-Sige po,” nahihiyang sagot ni Monique kay Alona.Wala namang pakialam si Adrien sa pag-uusap nila na ngayon ay kalmado lang na kumakain. Agad din naman siyang t
“The CEO of the Alleje's Group, the young and most promising heir of the Alleje Family...”Agad namang nahanap ni Casper ang lokasyon ng kumpanya ng mga Alleje at ang tirahan nila. Tahimik niyang isinulat ang address na kanyang nakuha.Ilang sandali pa, isa na namang nakaka-intrigang balita ang lumabas sa screen ng computer ni Casper.“Si Monique Salcedo at ang presidente ng Alleje's Group ay magkasamang umuwi upang makilala ang buong pamilya. Nalalapit na ang kanilang pagsasama.”Nang basahin 'yon ni Casper, bigla na lamang nandilim ang kanyang reaksyon. Nagsimula na naman siyang maghanap ng impormasyon tungkol kay Monique Salcedo at sa isang pribadong page, nakita ni Casper ang ilan sa mga rebelasyon tungkol kay Monique. Ang mga ito ay mas iskandaloso kaysa sa mga huling balita tungkol sa kanya.Napasimangot naman si Casper dahil doon. Iniisip niya na ang kanyang walang kwenta na ama ay totoong kasuklam-suklam.Iniisip naman ni Casper na ilabas ang mga rebelasyon tungkol sa babae sub