Share

Kabanata 36

Ayaw nang makipag-usap pa ni Ynnah kay Adrien. Kaya naman dali-dali niyang kinuha ang cheke na nasa pouch niya at saka padabog na inabot sa lalaki.

“I already paid for the item. Pwede ko naman sigurong kunin na ‘to.”

Agad niyang dinampot ang box ng kwintas at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naiwan naman si Adrien na parang tangang nakatingin lang sa pintong pinaglabasan ni Ynnah. Nang masigurado niyang nakalayo na ang babae ay saka niya tiningnan ang cheke na binigay nito. Pinatunog niya ang kaniyang dila.

Kasunod no’n ay pumasok sa kwarto ang kaniyang assistant.

“Keep an eye on her,” utos niya rito.

…..

Sa Mansion 9…

Kakauwi lang ni Ynnah galing sa charity auction event. Sa sobrang stress na nararamdaman ay hindi niya napigilang mapatambay sa teresa ng mansyon habang sumisimsim ng wine.

Hindi niya naman ugaling uminom dati, nang nasa Pilipinas pa siya, sa poder ni Adrien. Pero nang nangibang bansa siya, natuto na rin siyang lumagok nito. Ito ang naging karamay ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status