Share

Kabanata 38

Parang may bumara sa lalamunan ni Adrien. May kakaiba ring kislap sa mga mata nito.

Hindi man siya nagsalita ay naintindihan na ‘yon ni Lucas.

Lalabas siya.

Samantala, sa business department ng Alleje Corporation…

Umugong ang usapan sa buong department dahil sa nasagap nilang balita.

“Ang dinig ko, may parating daw na high-profile executive para mag-donate ng malaking halaga pangsuporta sa Hope Project ng Alleje Corporation,” balita ng isang empleyado.

Naging sanhi ito para magkumpulan ang mga magkatrabaho.

“Talaga ba? Sino naman daw kaya ‘yon?”

“Hindi ko alam eh. Siguro isang 4M na wala nang mapaglagyan ng pera.”

“Balita ko, galing pa raw ‘yong ibang bansa.”

“Eh ‘di baka ibang lahi ‘yon.”

“Baka nga.”

Sa kabilang banda, nakarating na sina Ynnah at Mando sa harap ng Alleje Corporation. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Tinatanaw niya ang naging pagbabago sa kompanya sa kasalukuyan.

Napakalaki ng ipinagbago nito. Hindi hamak na mas lumawak at nadagdagan pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mangs Elay
Ang Ganda nang story po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status