Mula sa bintana ng eroplano, tahimik na pinagmasdan ni Ynnah ang ganda ng bughaw na kalangitan. Kasabay no’n ang kaniyang pagbabalik-tanaw sa nangyari, apat na taon na ang nakakalipas. Sobra siyang nasaktan noon na kinailangan niyang humingi ng tulong mula kay Gino. Pineke niya ang kaniyang pagkamatay saka nangibang bansa. Doon niya isinilang ang kaniyang kambal na mga anak. Akala niya ay maayos na ang lahat sa buhay nilang mag-iina. Ngunit hindi niya inaasahang nitong Marso, taong kasalukuyan, ang kaniyang anak na si Caleb ay mada-diagnose sa sakit na leukemia. Sa magkambal, ito ang pinakasakitin. Dala kasi ito ng pagiging premature baby niya. Ang sabi ng doktor, maaaring magamot ang anak niya sa pamamagitan ng umbilical cord blood hematopoietic stem cell transplantation.Kaya naman nitong mga nakaraang buwan, halos hindi siya magkandaugagang gumawa ng mga paraan para makakuha ng sperm ni Adrien. Ngunit wala ni isa sa mga ‘yon ang gumana. Kailangan nang maisagawa ang transp
“Mommy, kailan ka po babalik dito?” dugtong na tanong ni Casper kay Ynnah. Mapait na napangiti si Ynnah. “Hindi ko pa alam, baby eh. Pero susubukan kong makabalik agad. Miss na miss ko na kayo agad ni Caleb eh,” nangungulila niyang sambit. “Miss na miss na rin po namin kita, mmy.”Ramdam na ramdam ni Ynnah ang lungkot. Unang beses niyang malalayo sa kambal nang matagal-tagal. Kung hindi lang sana importante, hindi siya aalis sa tabi ng mga ito. “Ngayong wala ka rito, huwag mong kakalimutang uminom muna ng warm milk bago matulog, okay?”Bumalik sa ulirat si Ynnah nang marinig ang bilin ni Casper. “And don’t forget to take your vitamins. At lagi kang magkukumot kapag matutulog so you won’t catch a cold.”“At saka ‘yong favorite naming puppets ni Caleb, nilagay ko sa ro’n sa red na maleta mo. Kapag hindi ka makatulog, itabi mo sila sa ‘yo,” dagdag na bilin ni Casper. Hindi talaga nagsasalita si Casper kapag hindi niya gusto. Pero kapag nagsalita naman ito, tatalak ito nang wa
Bago pa man makarating si Ynnah sa Intercontinental Hotel, naroon na si Adrien. Pinili nito ang pinakamagandang VIP box sa loob ng auction hall. Tinted and glass wall nito kaya naman hindi kita ng mga nasa baba kung sino ang nasa loob no’n. Pero na-inform na beforehand si Ynnah ng kaniyang private investigator kaya naman nakapamili na rin siya ng pwesto kung saan pwede niyang makita ang VIP box na kinaroroonan ni Adrien. Hindi sadya ni Ynnah na mapatingin sa itaas. Kagyat lamang ‘yon ngunit hindi makikitaan ng pagkatinag ang mga mata niya. Samantala, sa loob ng VIP box, napanganga ang assistant ni Adrien sa nakita. Para siyang nakakita ng multo. “Ma’am Ynnah!” gulat nitong sambit. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang alam niya, patay na ang asawa ng amo niya. Kaya sino ang babaeng nasa baba na kamukhang-kamukha nito?“Cancel the bid,” biglang utos ni Adrien sa kaniya. Nabalik siya sa ulirat dahil sa malamig na boses ng amo. “Right away, sir.”Agad siyang tumalima at ini
Ayaw nang makipag-usap pa ni Ynnah kay Adrien. Kaya naman dali-dali niyang kinuha ang cheke na nasa pouch niya at saka padabog na inabot sa lalaki. “I already paid for the item. Pwede ko naman sigurong kunin na ‘to.” Agad niyang dinampot ang box ng kwintas at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Naiwan naman si Adrien na parang tangang nakatingin lang sa pintong pinaglabasan ni Ynnah. Nang masigurado niyang nakalayo na ang babae ay saka niya tiningnan ang cheke na binigay nito. Pinatunog niya ang kaniyang dila. Kasunod no’n ay pumasok sa kwarto ang kaniyang assistant. “Keep an eye on her,” utos niya rito. …..Sa Mansion 9…Kakauwi lang ni Ynnah galing sa charity auction event. Sa sobrang stress na nararamdaman ay hindi niya napigilang mapatambay sa teresa ng mansyon habang sumisimsim ng wine. Hindi niya naman ugaling uminom dati, nang nasa Pilipinas pa siya, sa poder ni Adrien. Pero nang nangibang bansa siya, natuto na rin siyang lumagok nito. Ito ang naging karamay ni
Nanghihina man ay pinilit pasiglahin ng bata sa kabilang screen ang kaniyang boses. Gusto pa nitong lawakan pa ang kurba sa kaniyang mga labi ngunit sobra na siyang nanghihina. Namumutla rin ang mukha nito. Nanlambot si Ynnah sa nakita. “Caleb, may problema ba?” nag-aalala niyang tanong. Ngumuso si Caleb kasabay ng pagkalukot ng kaniyang mukha. “Hindi mo po ako tinawagan kahapon, mommy. Hindi mo ako binati ng good morning,” reklamo nito. Kabaliktaran ni Casper, na madalas ay tahimik lamang at parang matanda kung umasta, si Caleb ay isang normal na batang sabik sa atensyon ng kaniyang ina.Napatampal sa noo si Ynnah. “I’m sorry, baby. Nakalimutan ni mommy. Pagod kasi sa biyahe kagabi,” paliwanag niya. “‘Wag ka nang magalit sa mommy, please?”Dahil sa kondisyon ni Caleb, mas binibigyan ito ni Ynnah ng espesyal na atensyon. Umismid si Caleb. “Papatawarin po kita ngayon. Pero hindi na kita papatawarin sa susunod,” pagsusungit niya. Ang makita ang ka-cute-an ng anak ay nagpagaan
Parang may bumara sa lalamunan ni Adrien. May kakaiba ring kislap sa mga mata nito. Hindi man siya nagsalita ay naintindihan na ‘yon ni Lucas. Lalabas siya. Samantala, sa business department ng Alleje Corporation…Umugong ang usapan sa buong department dahil sa nasagap nilang balita. “Ang dinig ko, may parating daw na high-profile executive para mag-donate ng malaking halaga pangsuporta sa Hope Project ng Alleje Corporation,” balita ng isang empleyado. Naging sanhi ito para magkumpulan ang mga magkatrabaho. “Talaga ba? Sino naman daw kaya ‘yon?”“Hindi ko alam eh. Siguro isang 4M na wala nang mapaglagyan ng pera.”“Balita ko, galing pa raw ‘yong ibang bansa.”“Eh ‘di baka ibang lahi ‘yon.”“Baka nga.”Sa kabilang banda, nakarating na sina Ynnah at Mando sa harap ng Alleje Corporation. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Tinatanaw niya ang naging pagbabago sa kompanya sa kasalukuyan. Napakalaki ng ipinagbago nito. Hindi hamak na mas lumawak at nadagdagan pa
Nabasa na ni Adrien ang tungkol sa medical report ni Ynnah. Kaya alam nito na nagkaroon ng severe depression ang babae. At alam niya rin na maaaring mag-lead ‘yon to memory loss. Pero hindi nito inaasahan na sa lahat ng makakalimutan nito ay siya pa. Magkakilala na sila ng sampung taon!Nang mapansin ni Ynnah ang pagkapipi ni Adrien ay binato niya ito ng tanong. “Siguro isa ka sa mga taong nanakit sa ‘kin noon. Kasi kung hindi, bakit hindi kita maalala?”Ang mga salitang ‘yon ay parang mga kutsilyong tumarak sa puso ni Adrien. Ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig niya pero walang namutawing mga salita ro’n. Ilang sandali pa bago siya nakabuo ng sasabihin. “Masyado ka atang nag-iisip, Ms. Cervantes. We just met by chance,” pagsisinungaling nito. Dahil pinapanindigan ni Ynnah ang pagpapanggap, napagdesisyunan na lamang ni Adrien na hayaan ito. Sasakyan niya na lamang ang trip nito. Tutal ay hindi niya naman naramdaman na naging mag-asawa silang dalawa simula’t sapul pa lan
Walang salitang makakapagpaliwanag sa nadarama ngayon ni Benjamin. Dumagundong ang tibok ng puso niya na halos mabingi na siya rito. Hindi niya alam kung anong unang sasabihin kay Ynnah. Napuno ang utak niya ng napakaraming tanong. Pero anong una niyang gagawin?Hihingi ba muna siya ng tawad?O tatanungin niya ito kung saan ito napunta all these years? O iba pa?Pero bago pa siya makabuo ng mga salita, nilampasan na siya ni Ynnah nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Natigalgal si Benjamin sa kaniyang kinatatayuan. At nang makabawi na siya sa pagkatulala, agad niyang nilingon si Ynnah para sana ay tawagin ito. Ang kaso, nakasakay na ito sa kaniyang sasakyan. “Tara na, Mando,” mahinahong sambit ni Ynnah. Wala nang nagawa si Benjamin kundi ang panoorin ang pag-alis ng kotseng may sakay kay Ynnah. At nang hindi niya na ito matanaw ay saka siya bumalik sa kaniyang ulirat. Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tatawagan na sana si Adrien. Pero nang ida-dial ni