“Hindi na ako naniniwalang bata ka. Alam mo kung ano ka? Isa kang matanda na sumanib sa katawan ng isang bata,” asar na maktol ni Cassandra. Tinapik lang ni Casper ang balikat niya. “Huwag po kayong mag-alala. Hindi magagalit sa inyo si mommy. Ako na pong bahalang magpaliwanag sa kaniya,” paniniguro nito. Gustong maiyak ni Cassandra nang marinig ‘yon. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng bulinggit na ito. Gustuhin niya man, hindi niya pwedeng pabalikin si Casper sa States mag-isa. “Dito ka lang. Tatawagan ko lang ang mommy at lola mo. Baka nag-aalala na ‘yong mga ‘yon,” stressed na bilin ni Cassandra kay Casper. “Huwag po kayong mag-alala, Tita Cass. Nag-iwan po ako ng sulat sa kwarto ko. Sabi ko po ro’n, kasama kita. Sigurado naman po akong makikita ‘yon ni Lola Dolores,” saad ni Casper. Nagtagis ang bagang ni Cassandra. “You little witch,” ngitngit nito. Pakiramdam niya ay maaga siyang tatanda dahil sa inaanak. Tinalikuran niya na ito bago pa siya tuluyang panawan ng kat
Read more