After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas. Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob
อ่านเพิ่มเติม