Share

CHAPTER 3

After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas.

Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob ng seven years, walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa akin, ang mga magulang ko, ang mga kapatid at lalung-lalo na si Robert maliban ke James. Para bang naglaho akong bigla sa balat ng lupa.

Tumuloy kami ni Steven sa Immigration counter para magpaclear. Pilipino ang passport ko samantalng si Steven ay US passport dahil sa States siya ipinanganak. Tinanong ng Immigration Oficer si Steven, “How are you young man?” “ I am fine.” Magandang umaga po!” magalang na sabi ni Steven. Nagulat ang Immigration Officer sa greetings ni Steven. “Aba marunong mag-tagalog ang bata!” wika ng Immigration Officer. Ang sabi ko ay tinuturuan ko sya ng basic Tagalog words, ang kultura natin, pati na ng mga pagkaing Pinoy. Dali-daling tinatakan ng Immigration Officer ng aming mga passports.

Paglingon ko ke Steven ay wala na ito sa tabi ko. Bigla akong kinabahan dahil napakalaki ng airport para hanapin ko ito. Bitbit ang aming luggages, nilibot ko ang loob ng airport para hanapin siya. Twenty munutes na akong paikot-ikot sa lobby ng airport subalit walang Steven akong makita. Natataranta na ako at tinawagan ko si James sa pag-aakalang naghihintay na ito sa labas ng airport upang kami ay sunduin. Nang sagutiin ni James ang cellphone, “ Hello, Megan, parating pa lang ako sa airport. Sobrang traffic kahit sa skyway na ako diumaan.” sagot ni James.

“Hello James, si Steven, nawawala! Pasigaw kong sabi sa cellphone. Nataranta na rin si James. “Pumunta ka sa information ng airport at sabihin mong nawawala si Steven para ipahanap sya sa mga airport security, baka me nakakita sa kanya.” sabi ni James. Bigla kong naalala na me name tag si Steven na naka-kuwintas sa kanya kung saan nakalagay ang pangalan nya at address.

Samantala, si Steven pala ay gumala sa airport lobby at me nakitang pinagkakaguluhang mga tao. Isang Pilipina-Chinese socialite kasama ang boyfriend nito ang iniinterview ng mga media people. Sumingit sa Steven sa mga tao at ng makita ang boyfriend ng socialite ay pasigaw nitong tinawag na, “Daddy! Daddy! Daddy!” sabay hawak sa kamay ng lalaki. “You are my Daddy! , pasigaw na sabi ni Steven.

“What?!?, pagulat na tanong ng lalaki. “Yes, you are my Daddy! I saw your picture in my Mommy's wallet.” I am not lying! You are him!”, excited na sambit ni Steven. Ang mga media people naman ay nagulat sa bata at tahimik na pinakikingan ang nangyayaring pag-uusap ng boyfriend ng socialite at ng bata. Panay naman ang bulungan ng mga media people. Ang mga press photographer naman ay panay rin ang kuha ng mga litrato. Ang dalawang tao pala na pinagkakaguluhan ng mga media people ay ang socialite na si Charlotte Liu at ang boyfriend nitong si Robert Chen, ang President and CEO ng Chen Holdings Company.

Napansin ni Robert ang name tag ni Steven na nakasabit sa leeg nito at binasa. “So you are Steven Reyes. I think you are lost, young man.” ani ni Robert. “What is your Mommy's name?” tanong ni Robert.

Bibo namang sumagot ang bata ng, “ My Mommy is Doctor Megan Reyes.”

Nagulat at namutla si Robert sa narinig. “Doctor Megan Reyes?” pabulong niyang nasambit. “Pero kung coincidence lang na Dr. Megan Reyes nga ang ina nito, hindi kaya si Megan niya ang ina nitong bata at ito kanilang anak? Ahhh, matagal nang wala si Megan.” sabi ni Robert sa sarili.

Matamang pinagmasdan ni Robert ang bata at hindi maikakailang kahawig niya ito. Si Charlotte naman ay abala sa pagsagot sa mga tanong ng mga media people kaya hindi niya napapansin ang nangyayari sa pagitan nina Robert at Steven.

Patuloy ako sa paghahanap sa aking anak kasama na ang isang security officer ng airport. Napadako kami sa mga kulumpon ng tao sa lobby at nagbabakasakaling nandoon si Steven. True enough, nakita ko si Steven na me kausap na lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakilala. Patakbo akong lumapit sa kanila at biglang niyakap si Steven. Halos paiyak kong siyang tinanong, “ Where did you go? I've been looking for you all over the place! I am worried sick that I may not find you!” sabi ko.

“Mommy, I just went over here and then I saw Daddy! wika ni Steven.

“Daddy???” Sinong Daddy? , tanong ko. Noon ko lang napansin ang lalaking kausap ni Steven. Para akong binuhusan ng suka, namutla at nanghina ang mga tuhod ko dahil ang kausap pala ni Steven ay si Robert!

“Hello, Megan. Long time no see!” sabi ni Robert. “You still look good! In fact more beautiful, sophisticated and confident than before!” sabi pa ni Robert na parang sarcastic ang tono.

“Common Son, your Uncle James is waiting for us!” sabi ko sabay talikod palayo kina Robert.

“Wait!” pasigaw na sabi ni Robert. Lakad, takbo ang ginawa ko palayo ke Robert habang hila-hila ko sa kamay si Steven.

Nagring ang cellphone ko, si James pala. “Hello, Megan. Nandito na ako sa Bay number 3. Mercedes Benz na kulay pulang kotse ang hanapin mo. Nakita mo na si Steven?” sabi ni James.

“Okay! We'll be there! Nakita ko na si Steven!” wika ko naman. Sa Bay number 3, nakita kong naghihintay si James at kumakaway. “

Welcome home!” sabi ni James paglapit namin ni Steven sabay yakap at halik sa pisngi.

Lingid sa kaalaman ko, makita pala ni Robert ang paghalik sa akin ni James habang ito naman ay sakay ng kanyang kotse kung saan kasama nito si Charlotte. Biglang tapak sa preno ng kotse si Robert, sumimangot ito at parang nagalit. Masakit sa loob nito ang nakita at hindi nya kayang makiita si Megan na hinahalikan ng ibang lalaki. Mukhang mestiso ang lalaki, matangkad, matikas at halos kasing-edad ko. Ito kaya ang ipinalit sa akin ni Megan? Bigla na lang syang nawala sa bahay ng mga magulang ko noong dapat ay ipakikila ko sya sa mga ito.” saloob-loob ni Robert.

“Hey! What is wrong Robert? Something is bugging you?” nagtatakang tanong ni Charlotte.

“Nothing. I just saw someboby familiar but it's not him.” pasinungaling na sabi ni Robert. “Common, I'll take you home. You must be tired.” dagdag pa ni Robert.

Samantalla, ipinakilala ni Megan ang anak niyang si Steven ke James. “Steven, this is your Uncle James.” pakilala ko ke James. Nagmano si Steven ke James na ikinagulat nito.

“Aba marunong magmano!” pamanghang nasabi ni James.

“Natural! Tinuturuan ko yan ng kaugalian nating mga Pilipino.” pagmamalaki kong sinabi.

“Halika na at ng maihatid ko na kayo sa condo nyo. Me mga binili na rin akong almusal para sa atin.” sabi ni James. Sumakay na kami sa Mercedes Benz ni James patungo sa Mckinley Park Residences sa Bonifacio Global City, Taguig. Dito ko naisipang kumuha ng tirahan upang malapit ako sa hospital na papasukan ko, ang St Luke's Hospital sa BGC at para malapit rin sa papasukan eskwelahan ni Steven.

Maganda ang condo, kumpleto sa mga amenities, me swimming pool na alam kong gustong-gusto ni Steven at higit sa lahat malapit sa mga malls at pasyalan. Napa-wow si Steven sa bago niyang titirahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status