Share

Chapter 7

CHAPTER 7

Hatingabi na hindi pa rin ako makatulog. Umiisip ako ng paraan kung paano ako makikipagkita kina Tatay at Nanay. Bigla kong naisip na anibersaryo pala ng kasal nila isang linggo mula ngayon. Tamang-tama ang okasyong iyon para makipagkita sa kami ni Steven sa kanila at maipakikilala ko rin ang aking anak. Tinawagan ko si James sa cellphone nito.

“Hello, Megan. Me problema ba? Hatingabi na!” parang inaantok pang sagot ni James.

“So sorry James sa pagtawag ko ng dis-oras ng gabi. Naisip kong wedding anniversary pala nina Tatay at Nanay sa 19th ng buwang ito. Di ba napagandang okasyon iyon para makipagkita na kami ni Steven sa kanila?” excited na sabi ko.

“Okay, I will arrange the venue on the 19th at sekreto kong kakausapin ang kapatid mong si Andy. Siya naman ang lagi kong kausap tuwing magbibigay ako ng pera para sa kanila na galing sa iyo.” sabi ni James na tila wala pa sa wisyo.

“I will drop by at your place tomorrow para mapag-usapan natin ang details. Goodnight. Ay good morning na pala.” paalam ni James.

“Goodnight and thank you!” paalam ko rin.

Paghiga sa kama, pinagmasdan ko si Steven na himbing na himbing sa pagkakatulog nito. “Hay, kamukhang-kamukha nga siya ng Daddy niya. Engage to be married na pala sina Robert at Charlotte, malungkot kong naisip. Sabagay, iyon naman ang gusto ng mga magulang ni Robert, isang babaeng nabibilang sa alta-sosyedad, mayaman at kilala ang pamilya, hindi tulad ko na mahirap at unknown ang pamilya. Almost five years na pala silang engaged. Bakit ang tagal magpakasal???” tanong ko sa sarili.

Hayyyy, Megan. Tumigil ka na nga sa mga iniisip mo! Pitong taon na kayong magkalayo ni Robert. Ni hindi ka nga nya hinanap, di ba?” pabulong kong nasabi sa sarili. Sa kakaisip, nakatulog din ako.

Kinabukasan, after lunch dumating si James para pag-usapan namin ang surprise Wedding Anniversary celebration ng mga magulang ko.

“Balak ko sa Vikings Buffet Restaurant ito sa may SM-MOA. Accessible rin ito para sa mga magulang at mga kapatid mo.” paliwanag ni James.

“Ikaw na ang bahala! Alam mo namang limited pa lang ang mga places na alam ko dito sa kamaynilaan. Napakalaking pagbabago ang mga nakikita ko ngayon. Pero, para hindi na sila mag-commute o mag-taxi, i-book mo na lang sila ng isang van sa grab o uber papunta at pauwi mula sa Vikings.” sabi ko. Idagdag mo na rin ang flowers para kay Nanay at anniversary wedding gift namin ni Steven. Sabayan mo na ang envelopes na me P10,000.00 each para sa mga kapatid ko at P50,000.00 para kina Tatay at Nanay.”

“Good idea! Parang pasalubong mo na rin sa kanila” sagot ni James.

“Kaya lang James, nangagamba akong hindi nila kami tangapin. Baka ipagtabuyan nila kami at mapapahiya kami ni Steven sa maraming tao doon.” may pag-alalang sabi ko.

“Hindi naman siguro. Let's cross the bridge when we get there. Kasama nyo naman ako. Hindi ko kayo pababayaan.” sabi ni James.

Hapon na ng matapos ang pagpaplano namin ni James ng biglang nag ring ang doorbell. Tinignan naman ni Ate Rose kung sino at pagpasok nito sa living room kung saan kami naroroon ni James ay may bitbit itong napakalaking floral arrangement wrap in red paper. Isang dosenang American Red Roses!

Sabay kaming napalingon ni James at nagtaka sa bitbit ni Ate Rose ang napakaeleganteng floral arrangement. “Ate Megan, flower delivery po para raw sa inyo!” tuwang-tuwa na nasabi ni Ate Rose.

“Flowers for me?” pagtataka kong nasabi.

“There' a card attached. Why don't you find out who your secret admirer is!”parang inis na sabi ni James.

“Wow!!!!!! Mommy, those are very nice flowers.” sigaw ni Steven ng lumabas ito ng kuwarto.

“Sino naman ang magpapadala sa akin ng espesyal at mamahaling bulaklak? Ilang araw pa lang ako sa Pilipinas!” may pagtataka kong sabi. Binasa ko ang card, “Welcome Home! From R.”

“Ke Robert pala galing yan! Is he trying to rekindle something?” parang galit na nasabi ni James.

“No, no, no! Perhaps, he just wants to welcome me home. Di ba naikwento ko na sa iyo ang twice na encounter namin ni Robert? First was at the airport nang siya ang nakakita ke Steven and second sa pool ng mag-swimming kami ni Steven. Other than that ay wala na. Apparently, dito sa condong ito rin sya nakatira, sabi nya sa penthouse daw.” mahabang paliwanag na sabi ko ke James. “Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo, ano problema mo?!?” nagtatakang tanong ko ke James.

“Wala naman. It's just that I don't want you to get hurt again! You know.... Also, eveyrbody in the ultra rich crowd knows that Robert Chen and Charlotte Liu are already engaged. “ emphasize ni James.

“I know! I am sorry for being so mean to you. Alam mo namang you are my lifesaver, my saviour and bestfriend! Napaka-ungrateful ko naman!” wika ko.

“I am sorry too! Its just that I am concern with your welfare. That's all!” sabi ni James. “ O sige I'll go ahead. I have a very big meeting tomorrow regarding a company take-over for a full audit.” I will call you before the 19th for your parents Wedding Anniversary plans.” dagdag pa ni James.

Hinatid ni Megan si James sa me pinto ng condo. Niyakap ni Megan si James sabay sabing “Thank you for everything.”

Hindi napansin ng dalawa na palabas si Robert ng elevator, papunta sa condo unit ni Megan upang alamin kung natangap nito ang pinadala niyang bulaklak. Nakita nito ang pagyayakapan nina Megan at James. Biglang dumilim ang paningin ni Robert sabay biglang pindot sa close button ng elevator. “Nandoon na naman ang lalaking iyon! Sino ba sya?!? Ano ba siya ni Megan?!?” naisip ni Robert.

Bago sumapit ang 19th ng buwan, tumawag si James para ipaalam na all is set na para sa Wedding Anniversary ng parents ni Megan. Mula sa food, cake at gifts para sa mga ito. Isang set ng wedding ring na napapa-ikutan ng diamonds ang binili ni James para gift sa mga magulang ni Megan pati na rin ang mga envelopes na me lamang pera para sa Tatay, Nanay at mga kapatid ni Megan.

Ng araw ng selebrasyon, kinakabahan si Megan kasama si Steven at James habang papasok sa Vikings restaurant. Natanaw nya sa malayo ang kanyang mga magulang pati na ang lima niyang mga kapatid na pulos lalaki. Masaya silang nagkukwentuhan. Hawak ko sa kanan si Steven samantalang nasa kaliwa ko si James na inaalalayan ako. Malamig ang kamay, kinakabahan at ang scenario na baka mga masasakit na salita ang maririnig ko at itakwil nila akong muli ang mga naglalaro sa isipan ko. Mapapahiya kami dito sa Vikings.

Pagsapit namin sa mesa nila, “Tatay, Nanay.” ang nasabi ko habang mangiyak-giyak..

Sabay lumigon ang mga magulang ko at nagulat sa kanilang nakita. “Megan, anak!” halos sabay nilang sabi. Kapwa sila umiiyak na niyakap ako.

“Tatay, Nanay, Happy Anniversary po! Patawarin po ninyo ako.” paiyak kong sabi.

“Anak, kaytagal ka naming hinanap! Alalang-alala kami sa iyo pero, hindi ka namin matagpuan. Patawarin mo rin ako sa pagbuhat ng kamay at mga masasakit na sinabi ko sa iyo noon.” sabi ni Tatay.

Habang nagkaka-iyakan kami ay naalala ko si Steven. Nakita kong nakamata lang sa min ang bata na parang nagtataka. “Steven, these are my parents, your lolo and lola.” sabi ko.

Lolo, lola, why are you all crying? Did somebody die?” sabi ni Steven. Nagmano siya sa mga ito sabay halik.

“No, anak. Nobody died. These are tears of joy! We are so happy to see both of you after so many years.” paliwanag ng Nanay ko. Tuwang tuwa naman ang mga matanda ke Steven dahil sa kabibuhan at kagwapuhan nito at dahil ito rin ang unang apo nila. “Aba, marunong magmano! Pinoy nga ito!” sabi ni Tatay. Nagmano rin si Steven sa mga uncles nya.

Ipinakilala ko rin si James na kaibigan ko. “Kaibigan o ka-ibigan? Pabulong na tanong ni Tatay.

“Tay, bestfriend ko po sya. Siya po ang tumulong sa akin noon at patuloy na tumutulong hanggang ngayon.” sabi ko ke Tatay. “Saka ko na po ipaliliwanag sa inyo ang mga nangyari at pinagdaanan ko sa buhay nitong nakalipas na pitong taon. Alam lahat ni Andy ang pinagdaanan kong pagsubok” dagdag ko pa.

“Ano? Alam lahat ni Andy ang mga nangyari sa iyo? Wala naman itong sinasabi o ibinabalita sa amin ng Nanay mo ang kapatid mo!” gulat na sagot ni Tatay.

Naging masaya ang selebrasyon lalo na ng ibigay ko ang regalo ko sa kanilang wedding ring. “Aba, anak, napakamahal namang regalo ito!” sabi ni Nanay.

“Nay, wala yan kumpara sa mga pagsasakripisyo ninyo para sa akin. Kulang pa iyan. Ito pa po ang ibang ragalo ko sa inyo at sa mga kapatid ko.” sabay kuha kay James ng mga envelopes.

Isa-isang iniabot ko kina Tatay, Nanay at mga kapatid ko ang mga envelopes at namangha sila sa laman nito.

“Ate, ng laki ng laman nito! Salamat ha!” sabi ng bunso kong kapatid na si Tony.

Tatay, ito po ang cellphone number ko. Kung may kailangan po kayo tawag lang po kayo at pupunta po ako sa bahay sa Linggo” sabi ko.

Natapos ang selebrasyon iyon na bawat isa sa amin ay may ngiti sa labi, lalung-lalo na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status