Chapter 15Dahil busy sa ospital at pagdating sa bahay ay aasikasuhin ko pa si Steven, nakalimutan ko na 25th na pala ng buwan. Kung hindi pinaalala ni Dr. Aquino kanina ang Foundation event ay nawala na ito sa isip ko. Nang gabing iyon ay hinalungkat ko ang mga damit ko. Ang mga damit ko ay blouses, pantalon, bestida, blazer at doctor's coat o lab coat. Tatatlo lang ang formal gown ko na tatlo o apat na taon na yata magmula ng binili ko ang mga ito. Dadalawa ang mga formal high heels shoes ko dahil ang ginagamit ko sa ospital ay flat shoes o yung mid-heels closed-shoes para hindi masakit sa paa at sa height kong 5'6”, hindi ko na kailangang mag-heels pa. Chineck ko ang mga gowns at sapatos. Puwede pa ang mga ito. Ang napili kong isuot sa event ay isang dark blue gown na gawa ni Vera Wang. Spaghetti strap ito na may plunging neckline at backless. Ang skirt nito ay baloon na flowing. Kitang-kita ang kaputian at kaseksihan ko sa gown na ito. Ang shoes naman ay isang gold na stilleto
Chapter 16Nag-umpisa na ang programa ng Foundation at nagkaroon ng video presentation kung paano at bakit itinayo ang bagong wing ng Foundation clinic at kung sinong mga pasyente ang makikinabang dito. Ipinahayag rin ng master of ceremony na major benefactor sa pagpapatayo ng bagong wing ay ang Chen Holdings na pinangugunahan ng kanilang President and CEO na si Robert Chen.Umakyat ng entablado sina Chairman para ibigay ang Appreciation Plaque kay Robert Chen. Pagkatapos nito ay pinasinayaan at nag-ribbon cutting na sa bagong wing ng Foundation clinic. Siyempre katabi ni Robert si Charlotte.Ng matapos ang ribbon-cutting ay bumalik na kami sa aming mesa. Sa aming paglalakad ay nakatabi ko si Charlotte. Hindi naman kami nagkakalayo sa tangkad, ganda at kaseksihan. Kinausap niya ako. “Aren't you the one I met at the airport and at the restaurant? What a small world! Doktora ka pala? Di ba anak mo yung nawala noon na nakita ni Robert? Sino ang asawa mo? Doktor din?” usisa ni Charlot
CHAPTER 17Isang linggo na ang nakalipas magmula noong foundation event. Pagpasok ko sa aking kuwarto sa ospital ay nakita kong may isang babae na naka-upo sa mesa ni Dr. Aquino. “Good morning! Are you waiting for Dr. Aquino?” bati ko.“Good morning too! No, I am not waiting for Dr. Aquino. I am Dr. Brianna Lee also an internist. I was assigned here by Miss Bartolome.” sabi nito. “Oh, good to have you on board! You will like it here!” sagot ko naman. Dahil maaga pa naman, pinuntahan ko ang office ni Dr. Tan, ang aming Department Chief.“Good morning, Dr. Tan.” bati ko.“Good morning Dr. Megan. Anything I can do for you?” tanong nito.“I was wondering, I have a new colleague, Dr. Brianna Lee? What happened to Dr. Aquino?” usisa ko.“Dr. Aquino is no longer connected with this hospital. The night after the foundation event, Mr. Robert Chen called up our Chairman regarding the conduct unbecoming of a doctor against Dr. Aquino for sexual harassment and molestation. Apparently,
Chapter 18Samantala, si Robert ay tinawagan ng kayang Mama sa kanyang opisina. “Robert you have to come home this evening about 8pm. Your Baba and I will have something to say to you.” sabi ng Mama ni Robert.“Okay Mama, I will be there.” sabi ni Robert sa cellphone.“Ano kaya ang sasabihing importatnte ng mga parents ko? Me problema kaya sa bahay o sa negosyo? Baka naman me sakit si Baba?” tanong ni Robert sa sarili. Hindi magpapapunta ang Mama nya sa bahay nito sa Dasmarinas, Makati kung hindi mahalaga.Pagsapit ng 8pm ay nasa bahay na siya ng mga magulang niya. Nakita niya sa labas na me nakaparada na isang Lexus SUV. Parang kina Charlotte ang kotseng ito ah. Pagpasok niya sa bahay ay nasa Dining Room na pala ang Baba at Mama niya kasama sina Charlotte at ang mga magulang nito na naghahapunan. “What a surprise! Good evening Mr. and Mrs. Liu! Charlotte?” bati ko sa kanila. Humalik ako sa baba at Mama ko.“Take a seat besides Charlotte, hijo and join us for dinner!” sabi ni
Chapter 19Halos dalawang buwan na ang nakalilipas magmula ng muli kaming magtalik ni Robert. Balik na naman sa isang boring na pang araw-araw na pamumuhay ang routine namin ni Steven, School, ospital, bahay, ospital, school , bahay. Si Robert ay hindi rin nagpapakita o tumatawag. Hindi rin siya nakikipagkita kay Steven. “Iniiwasan na kaya niya kami?” tanong ko sa sarili. “Well and good! Wala ng kumplikasyon sa buhay namin ni Steven. Subalit sa sulok ng puso ko ay may kirot akong nararamdaman.” sabi ko sa sarili. Isang umaga pagpasok ko sa lobby ng ospital at habang sumusulat sa logbook ay may napansin akong isang matandang lalaki ng biglang nahimatay habang ang kasama naman nitong isang matandang babae ay umiiyak at humihingi ng tulong. Bigla akong napatakbo palapit sa mga ito upang tulungan sila habang sumisigaw ako na kailangan ko ng emergency staff sa lobby. Sinuri ko ang mga vital signs ng matandang lalaki. Humihinga pa naman pero mahina ang pulso. Tinignan ko kung me sug
CHAPTER 20Halos one year na kami ni Steven sa Pilipinas. Naayos ko na ang mga dapat kong ayusin. Ang trabaho ko bilang doktor, ang pag-aaral ni Steven, ang relasyon namin ng mga magulang ko at ang relasyon nina Steven at Robert bilang mag-ama. Isa na lang ang tila mailap at imposibleng ayusin, at iyan ay ang relasyon namin ni Robert. Tapos na ang pinagawa kong bahay nina tatay at nanay sa Tondo. Isang four storey na bahay na may pitong kuwarto at walong bathroom/toilet. Medyo maliit lang kasi ang lote ng kinatatayuan ng lumang bahay namin kung kaya't hanggang forth floor ang pinagawa. Halos tatlong buwang ginawa ang bahay. Mabilis itong natapos dahil kumpleto sa gamit at tao ang contractor at ganun din ang mga materyales. Nangupahan muna sina Tatay sa isang apartment na katapat lang ng ginagawang bahay. Ngayong tapos na ito ay nagdatingan naman ang mga bagong appliances at furnitures para pagsapit ng house blessing ay ayos na ayos na ito. Ingit na ingit ang mga kapitbahay nina
Chapter 21Limang taon akong nakitira sa mga foster parents ko na sina Mr. an Mrs. John Williams sa New York. Sila ang nagmungkahi na sa kanila na ako tumuloy ng palayasin ako ni Tatay. Patuloy pa rin ang komunikasyon namin ng foster parents ko kahit nagtapos na ako ng medisina kung kaya't sa kanila ko naihinga ang aking problema, lalo na ang pagbubuntis ko. Maluwag akong tinanggap sa pamamahay nina Mr. and Mrs Williams. Napag-alaman ko na wala pala silang anak. Me mga negosyo sila pero hindi ko alam kung gaano kalaki ng mga ito. Ang Foundation ni Mrs. Williams ang tanging pinagkakaabalahan nito. Ito rin ang foundation na sumuporta sa aking pag-aaral ng medisina sa Pilipinas. Mayaman ang mag-asawa, ayaw nila akong patulungin sa mga gawaing-bahay dahil daw buntis ako. Nagpasya akong mag-review para kumuha ng US Medical Licensing Exams at license galing sa New York State Department of Education para nakapag-practice ng medisina sa New York. Dalawang buwan bago ako nanganak kay St
CHAPTER 22Isang buwan magmula ng malaman ko ang tungkol sa mga mana namin ni Steven ay kinontak ko si James. Siya nasa Pilipinas, ako nasa New York. Palagi naman kaming nag-uusap ni James sa messenger ...wala lang, kumustahan lang. Ang palagi kong tinatanong sa kanya noon ay kung may girlfriend na siya dahil tumatanda na siya, Magkasing-edad lang sila ni Robert. Ipinagtapat ko kay James ang tungkol sa pamana ng mga foster parents ko, Nagulat siya ng mapag-alaman na napakalaking halaga ng mana lalung-lalo na kung i-coconvert ito sa peso.“Oh wow! God must be finally smiling on you! Pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan mo, sinusuwerte ka na! Now I can call you Donya Megan Reyes, secret heiress! Pautang naman dyan!” tuwang-tuwa na sabi ni James. “Hindi ka na mamaliitin ng biyenan mong hilaw! You will need a financial adviser to manage that amount of money,” wika pa niya.“Ito naman magkano ang kailangan mo? Sabihin mo lang! Ako pa rin ang dating Megan na mahirap noon. Anong
Chapter 133 - I am done with this marriage thing!Nagkaroon na kami ng pre-trial hearing sa korte ng kasong annulment laban kay Trevor two months after ng pagsampa nito. Dito natiyak na ng lawyer o prosecutor sa panig ni Trevor at ng gobyerno na hindi kami nagsabwatan para makapag-file ng annulment. Napag-usapan rin ang child custody at support, pati na rin ang visitation privileges ni Trevor. Nakita ng judge na ayaw ko ng makipagbalikan kay Trevor at may sapat akong ebidensya at testigo para ituloy na ang paglilitis ng kaso. Sa unang trial hearing sa Office of the City Prosecutor, Muntinlupa City ay pinatawag si Trevor ng korte kung sumasang-ayon siya na ituloy ang Petition for Annulment na isinampa ko. “Hindi po ako tumututol sa petition for declaration of nullity of marriage ni Dr. Megan Tee.” pahayag ni Trevor. Kaya tuloy ang kaso.Pagkatapos ng unang trial hearing, nakiusap si Trevor kung puwede akong makausap ng solo. “Bakit para ano pa? Nakasampa na ang kaso!” sabi ko.
Chapter 132 - Yan lang ba ang kayang mong sabihin? I'm sorry?“So, indirectly, inamin mo na rin na may anak ka sa labas! Sabi mo noong una kang nambabae, hindi mo na uulitin ang ginawa mo. Remember? Nasa simbahan pa tayo noon ng humingi ka ng tawad sa akin. Ngayon, ginawa mo ulit at may anak ka pa! This is an improvement from the first one.” sumbat ko kay Trevor. “I'm sorry!” sabi ni Trevor.“Yan lang ba ang kayang mong sabihin? I'm sorry?” ngumisi ako. “ Alam mo? Marami akong katanungan sa aking sarili kung bakit nagawa mong akong pagtaksilan! Ako ba ang may diperensya? Kulang ba ang pagmamahal na binibigay ko sa iyo? Nagpabaya ba ako sa pamilya natin? Hindi ba kita inaalagaan ng mabuti? Hindi ko ba nagampanan ang obligasyon ko sa iyo bilang asawa? Am I not enough for you? Sumagot ka!”“You are the perfect wife for me and the best mother to our children.” pag-amin ni Trevor.“Pero bakit nagawa mo ito sa akin?!? maluha-luha kong tanong sa kanya. “Patawarin mo ako, Megan!” pags
Chapter 131 - Alin ng hindi mo sinasadya? Ang pagkakaroon mo ng anak sa labas?Inumpisahan ko na rin ang kasong annulment laban kay Trevor. Nag meeting na kami ng lawyer na inirekomenda ni James mula sa Sycip Law firm. Dapat ay sasamahan ako ni Robert sa naturang meeting na ginanap sa opisina ng lawyer, pero susunod na lang daw siya sa akin.“Good morning! I am Atty. Respicio.” bati nito.“Good morning too! I am Dr. Megan Tee. We already spoke on the phone. You were referred to me by James Sy, a senior partner at the Sycip Accounting firm.” kinamayan ko siya habang nagpapakilala ako.Bigla namang dumating si Robert. “Atty. Respicio! Long time no see panyero!” bati ni Robert. Apparently, kilala pala niya si Atty. Respicio dahil classmate pala niya ito sa law school noon.“Ah... Atty. Robert Chen! Good to see you!” bati rin ni Atty. Respicio kay Robert. “Anything I can do for you?”“I am just accompanying Dr. Megan here, who happens to be my ex-girlfriend, for her possible annulme
Chapter 130 - Once a cheater, always a cheaterSa wakas, sinagot ko na rin ang tawag ni Trevor sa akin sampung araw matapos akong maaksidente. Lumabas ako ng kuwarto para hindi maistorbo ang tulog ng mga anak ko.“Hello.....” sagot ko sa cellphone.“Hello, Megan! Nasaan ka? Nasaan ang mga bata?!? tanong ni Trevor. “Susunduin ko kayo!”“Huwag mo na kaming hanapin pa Trevor. Okay ang mga anak mo, kasama ko sila.” sagot ko.“Megan, mag-usap tayo! Please!” pakiusap ni Trevor.“Makikipag-usap ako sa iyo pero hindi pa ngayon. Ayaw ko pang makita ka.” matigas kong sabi. “Kung hindi ka makatiis, iuwi mo dyan sa bahay mo ang babae mo, pati na rin ang anak mo!”“Megan, please!” pagmamakaawa ni Trevor.Hindi ko na hinintay ang iba pang sasabihin ni Trevor at pinindot ko na ang end call. “Ang walanghiyang ito! Ang kapal ng mukha! Nakikiusap na naman na mag-usap kami! Ulol! Dalawang beses mo na akong niloloko. Tama nga ang kasabihang, 'Once a cheater, always a cheater' kay Trevor.” sabi ko
Chapter 129 - Nawawala rin ang pagmamahal kung paulit-ulit kang niloloko.Sabado, walang pasok sa opisina si Robert. Pinakiusapan ko siya kung puwede akong paliguan ni Ate Nena. dahil halos isang linggo na akong hindi naliligo.“Naku, wala si Ate Nena! Inutusan ko sa supermarket kasama si Sgt. Esguerra para mamili ng mga pagkain para dito sa bahay!” sabi ni Robert. “Bihira lang kasi akong kumain dito.”“Sige, hihintayin ko na lang siya. Mamaya na lang ako maliligo!” sagot ko.“Kung gusto mo, doon ka na lang maligo sa kuwarto ko. May bathtub ang banyo ko. Pwede kang magsoak sa hot water para mawala ang sakit ng katawan mo at naka-angat ang ulo at kaliwa braso mo para hindi mabasa.” alok ni Robert. “Sige, ihahanda ko ang bathtub.”Sinamahan ako ni Robert sa banyo na nasa loob ng master's bedroom. Nakahanda na ang bathtub. Sinubukan kong hubarin ang aking t-shirt pero hindi ko talaga kaya dahil sa nakasemento kong kamay at braso kaya si Robert na ang naghubad ng mga suot ko pati und
Chapter 128 - E, ngayon, mahal mo pa rin ako?Nakatulog ako buong araw. Nagising lang ako ng may humahaplos sa aking noo. “Megan, gising na! Gabi na! Hindi ka nananghalian kanina.” paalala ni Robert. “Umiiyak ka rin habang natutulog ka! Halika na kakain na tayo ng hapunan.”“Robert? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa bahay ko! Remember?” sagot ni Robert. “Halika nang kumain.”Inalalayan ako ni Robert para bumangon. Sa hapag kainan, sinalinan pa ako ni Robert ng kanin at ulam sa aking plato. “Gusto mo subuan kita?” tanong ni Robert.“Diyos ko, Robert! Hindi pa naman ako totally baldado!” sagot ko. “May isa pa akong kamay, o!”Pagkatapos kumain, lumabas ako sa main door ng bahay at tinignan ang paligid nito. Sumunod pala si Robert. “Malaki pala itong bahay mo! Mas malaki kaysa sa amin. Uy! May swimming pool ka rin! Gusto ni Steven iyan! Sumali nga siya sa swimming competition nila sa school at nanalo siya!”“Talaga?!? Marami na rin akong na miss na mga milestones sa
Chapter 127 - Why, that son of a bitch, two-timer!50th birthday party ni Trevor na ginanap sa garden ng bahay namin sa Ayala-Alabang. Ayon sa balita ni James sa akin, masaya at successful naman ang party. Yun nga lang, marami ang naghahanap sa akin. Nasaan daw ba ako? Bakit daw wala ako? Hinanap ako ng mga magulang ko at mga biyenan ko, lalo na si Trisha na kapatid ni Trever. “It is your 50th birthday! It's unlikely of her to be absent!” sabi ni Trisha sa umpukan nila ng kanyang mga magulang at kapatid. “Saan ba siya nagpunta?”“May 3-days medical convention sila sa Davao City. Baka bukas pa iyon makauwi!” sabi ni Trevor. “Pero siya naman ang nag-ayos ng party.”Iyun at iyun din ang sinasabi ni Trevor kapag may nagtatanong kung nasaan daw ako sabi ni James. Iyon din ang sinabi ni Trevor kay Steven.Sa umpukan naman ng mga magkukumpare, kasama na si James na nag-iinuman, “Pare, singkuwenta ka na! Matanda ka na! Ang papatol na lang sa iyong babae ay yung ang habol sa iyo ay pera.
Chapter 126 - Tarantado pala yang asawa mo!Madaling araw na ng maalimpugatan ako. Masakit ng buo kong katawan. Itinaas ko ang kamay kong naka-plaster cast ng mapansin kong katabi ko sa kama ang tulog na si Robert. “Robert?” paggising ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang noo.“Megan? Bakit? Gutom ka na ba? Ano ang masakit sa iyo?” pag-aalala ni Robert.“Masakit lang ang ulo at buong katawan ko. Salamat at sinamahan mo ako dito.” sabi ko. “Nauuhaw ako!”Pinainom ako ng tubig ni Robert at inalalayan pa niya ang ulo ko habang umiinom ako. “Salamat!” sabi ko.“You put me to hell, Megan! Nanghina ako ng makitang kitang nire-revive sa ER kagabi. At duguan ang mukha mo.” sabi ni Robert. “Hindi ko kayang mawala ka! Ano ba talaga ang nangyari?”Muli na naman akong umiyak, “Si Trevor, nakita ko kahapon sa Glorietta, May kasamang babae at may anak pa! Tinawagan ko siya sa cellphone at sabi niya nasa opisina siya. Kaya tinanong ko siya kung sino ang babaeng katabi niya na binilihan pa
Chapter 125 - Hello, love? Nasaan ka na?Fifty years old na si Trevor, two weeks from now. Napagpasyahan kong bigyan siya ng birthday bash sa bahay namin. Inimbita ko ang mga kaibigan, ka-opisina at mga kamag-anak naming dalawa. Konti lang ang invited mga singkwenta siguro para medyo private ang party. Areglado na ang catering service na kinuha ko at sila na ang bahala sa lahat. Mula sa set-up ng mesa at upuan, pagkain, inumin, cakes at décor sa garden kung saan gagawin ang party.Three days bago ang birthday ni Trevor, pagka-off ko sa ospital ay pumunta ako sa Makati para bilihan siya ng regalo. Big bike ang dala kong sasakyan para mabilis at walang trapik. Pumarada ako sa Glorrieta dahil wala namang ibang paradahan sa Makati na malapit sa Cartier store. Balak ko kasing regaluhan siya ng isang Santos de Cartier watch. Bumaba ako sa level 1 ng Glorietta 4 at naglakad palabas dito papuntang Cartier store. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Trevor na may kasamang isang babae na ma