CHAPTER 20Halos one year na kami ni Steven sa Pilipinas. Naayos ko na ang mga dapat kong ayusin. Ang trabaho ko bilang doktor, ang pag-aaral ni Steven, ang relasyon namin ng mga magulang ko at ang relasyon nina Steven at Robert bilang mag-ama. Isa na lang ang tila mailap at imposibleng ayusin, at iyan ay ang relasyon namin ni Robert. Tapos na ang pinagawa kong bahay nina tatay at nanay sa Tondo. Isang four storey na bahay na may pitong kuwarto at walong bathroom/toilet. Medyo maliit lang kasi ang lote ng kinatatayuan ng lumang bahay namin kung kaya't hanggang forth floor ang pinagawa. Halos tatlong buwang ginawa ang bahay. Mabilis itong natapos dahil kumpleto sa gamit at tao ang contractor at ganun din ang mga materyales. Nangupahan muna sina Tatay sa isang apartment na katapat lang ng ginagawang bahay. Ngayong tapos na ito ay nagdatingan naman ang mga bagong appliances at furnitures para pagsapit ng house blessing ay ayos na ayos na ito. Ingit na ingit ang mga kapitbahay nina
Chapter 21Limang taon akong nakitira sa mga foster parents ko na sina Mr. an Mrs. John Williams sa New York. Sila ang nagmungkahi na sa kanila na ako tumuloy ng palayasin ako ni Tatay. Patuloy pa rin ang komunikasyon namin ng foster parents ko kahit nagtapos na ako ng medisina kung kaya't sa kanila ko naihinga ang aking problema, lalo na ang pagbubuntis ko. Maluwag akong tinanggap sa pamamahay nina Mr. and Mrs Williams. Napag-alaman ko na wala pala silang anak. Me mga negosyo sila pero hindi ko alam kung gaano kalaki ng mga ito. Ang Foundation ni Mrs. Williams ang tanging pinagkakaabalahan nito. Ito rin ang foundation na sumuporta sa aking pag-aaral ng medisina sa Pilipinas. Mayaman ang mag-asawa, ayaw nila akong patulungin sa mga gawaing-bahay dahil daw buntis ako. Nagpasya akong mag-review para kumuha ng US Medical Licensing Exams at license galing sa New York State Department of Education para nakapag-practice ng medisina sa New York. Dalawang buwan bago ako nanganak kay St
CHAPTER 22Isang buwan magmula ng malaman ko ang tungkol sa mga mana namin ni Steven ay kinontak ko si James. Siya nasa Pilipinas, ako nasa New York. Palagi naman kaming nag-uusap ni James sa messenger ...wala lang, kumustahan lang. Ang palagi kong tinatanong sa kanya noon ay kung may girlfriend na siya dahil tumatanda na siya, Magkasing-edad lang sila ni Robert. Ipinagtapat ko kay James ang tungkol sa pamana ng mga foster parents ko, Nagulat siya ng mapag-alaman na napakalaking halaga ng mana lalung-lalo na kung i-coconvert ito sa peso.“Oh wow! God must be finally smiling on you! Pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan mo, sinusuwerte ka na! Now I can call you Donya Megan Reyes, secret heiress! Pautang naman dyan!” tuwang-tuwa na sabi ni James. “Hindi ka na mamaliitin ng biyenan mong hilaw! You will need a financial adviser to manage that amount of money,” wika pa niya.“Ito naman magkano ang kailangan mo? Sabihin mo lang! Ako pa rin ang dating Megan na mahirap noon. Anong
Chapter 23 - Secret HeiressSino ba ako? Ako si Dr. Megan Reyes, M.D., Internist, lumaki sa Tondo, isang dalagang-ina and I am proud of it. Pinapunta ako ng aking mga foster parents sa New York noong ako nabuntis at itinakwil ng aking mga magulang. Sila ang kumalinga sa akin hanggang sa ako ay manganak, nakatapos ng aking residency at tuluyan makapagpraktis ng medisina roon. Dahil sa pamana nila kaya ako ay naging isang secret heiress! Aba! Bilyonaryo na pala ako! Pero, dahil sanay ako sa isang praktikal at simpleng pamumuhay kaya itinago ko ang kayamanang ipinamana sa akin. Hindi ako yung tipong yayamanin na makikita mo sa mga social gatherings kung saan ang dapat na suot mo ay signature na damit at namumutiktik sa alahas ang katawan. Tanging si James Sy na aking bestfriend, ang nakakaalam nito. Siya rin ang aking financial administrator and advisor. Si James ang nakakaalam kung saan ko iinvest ang aking pera, anong klaseng negosyo ang papasukin ko at iba pang paraan kung paan
Chapter 24 - Charity/Fashion ShowIsang umaga, pagdating ko sa aking clinic sa ospital ay may natanggap akong imbitasyon na nasa aking mesa. Para sa isang charity fashion show event ang imbitasyon at galing sa St. Luke's Medical Foundation. “Ahh, alam kasi nila na malapit ang loob ko sa mga nangagailangan.” sabi ko sa sarili. Ang charity fashion show ay inorganize ng foundation na may pamagat na Young and Old: A Charity Fashion Show kung saan ang mga malilikom na pera ng show ay mapupunta sa Hospicio de San Jose, ampunan ng mga bata at ang San Lorenzo Ruiz, Home for the Aged. May ticket na nagkakahalaga ng Php10,000.00 bawat isa at dalawa ang nakalakip na tickets sa imbitasyon at sa dulo raw ng ng fashion show ay maaring bilihin ng mga umattend ang mga ipinakitang mga damit sa show. Mga kilalang fashion designers ang magpaparada ng kanilang mga nilikhang damit tulad nina Josie Natori, Monique Lhuillier, Michael Cinco, Rajo Laurel at iba pa. Pero ang paborito ko ay si Monique Lhuillie
Chapter 25 – Charity/Fashion Show 2Nag-umpisa charity fashion show sa pamamgitan ng isang opening speech ng Chairman ng St. Luke”s Medical Foundation. Ipinaliwanag nito kung para saan ang event at kung kanino nakalaan ang mga malilikom na pera mula dito. Pagkatapos nito ay isa-isang ipinakilala ng MC ang mga sikat na fashion designers na sina Josie Natori, Monique Lhuillier, Michael Cinco at Rajo Laurel. Irarampa sa fashion show ang mga bagong likhang obra ng mga naturang sikat na fashion designers at pagkatapos ay ipapa-auction ito sa mga umattend ng show. Ang kikitain ng auction ay idodonate sa mga beneficiaries tulad ng Hospicio de San Jose, ampunan ng mga bata at ang San Lorenzo Ruiz, Home for the Aged.Nag-umpisa na ang fashion show. Dumilim kaunti ang paligid ng ballroom at ang tanging ilaw na natira ay yung spotlight na naka-focus sa mga lalabas na models. Magaganda lahat ang mga damit na inirampa, lalung-lalo na ang mga evening gowns. Habang nanonood kami ay panay naman a
Chapter 26 - School Family DaySi Steven na nag-aaral bilang Grade 1 sa South Cembo Elementary School ay patuloy na nanguguna sa klase. Bilib na bilib ang mga teachers, classmates maging ang principal dahil siya ang palaging ipinapadala ng kanilang school bilang representative ng Grade 1 kapag may kumpetisyon ang mga paaralan sa buong Taguig sa Math, Science at English. Madalas naman siyang manalo.Minsan pag-uwi ni Megan ay sinalubong siya ni Steven na umiiyak. Natalo raw siya sa contest sa Math. “Mommy, I only came in second in the Math competition. I did not win.” patuloy sa pag-iyak si Steven.“Steven, in every competition, there are winners and there are losers. You don't win all the time. If you don't win, then you should learn from your mistakes and try harder to improve yourself.” pag-alo ko kay Steven.Magmula noon hindi na umiiyak si Steven kapag natatalo sa mga contest sa school na sinasalihan niya. Isang araw, may iniabot sa akin si Steven na isang sulat galing sa k
Chapter 27 – KidnappingTuwing may pasok sa eskwelahan si Steven ay ako ang naghahatid sa kanya sa umaga at pagkatapos ay didiretso na ako sa ospital. Si Ate Rose naman ang sumusundo sa bata sa tanghali. Sa kabilang dako naman, si Dr. Adrian Aquino, ang duktor na ka-roommate ko sa St. Luke's na pinagresign noon dahil sa 'conduct unbecoming of a doctor' ay parating tuliro at lasing. Hindi niya matanggap na ang isang dekalibreng duktor na tulad niya ay pinatalsik ng ospital. Habang hawak ang kopita ng alak ay panay ang titig niya sa litrato nina Megan at Steven. Siya pala ang kumuha ng litrato sa mesa ko sa ospital noon.Sa tagal ng panahong lumipas ay hindi pa rin siya natatangap sa mga malalaking tertiary hospitals dito sa Metro Manila tulad ng Asian Hospital, Cardinal Santos Medical Center. Makati Medical Center at The Medical City. Sa mga naturang ospital kasi nandoon ang mga mayayamang pasyente. Kung mayroon mang tatangap sa kanya ay mga maliliit na primary hospitals lang na m