Chapter 25 – Charity/Fashion Show 2Nag-umpisa charity fashion show sa pamamgitan ng isang opening speech ng Chairman ng St. Luke”s Medical Foundation. Ipinaliwanag nito kung para saan ang event at kung kanino nakalaan ang mga malilikom na pera mula dito. Pagkatapos nito ay isa-isang ipinakilala ng MC ang mga sikat na fashion designers na sina Josie Natori, Monique Lhuillier, Michael Cinco at Rajo Laurel. Irarampa sa fashion show ang mga bagong likhang obra ng mga naturang sikat na fashion designers at pagkatapos ay ipapa-auction ito sa mga umattend ng show. Ang kikitain ng auction ay idodonate sa mga beneficiaries tulad ng Hospicio de San Jose, ampunan ng mga bata at ang San Lorenzo Ruiz, Home for the Aged.Nag-umpisa na ang fashion show. Dumilim kaunti ang paligid ng ballroom at ang tanging ilaw na natira ay yung spotlight na naka-focus sa mga lalabas na models. Magaganda lahat ang mga damit na inirampa, lalung-lalo na ang mga evening gowns. Habang nanonood kami ay panay naman a
Chapter 26 - School Family DaySi Steven na nag-aaral bilang Grade 1 sa South Cembo Elementary School ay patuloy na nanguguna sa klase. Bilib na bilib ang mga teachers, classmates maging ang principal dahil siya ang palaging ipinapadala ng kanilang school bilang representative ng Grade 1 kapag may kumpetisyon ang mga paaralan sa buong Taguig sa Math, Science at English. Madalas naman siyang manalo.Minsan pag-uwi ni Megan ay sinalubong siya ni Steven na umiiyak. Natalo raw siya sa contest sa Math. “Mommy, I only came in second in the Math competition. I did not win.” patuloy sa pag-iyak si Steven.“Steven, in every competition, there are winners and there are losers. You don't win all the time. If you don't win, then you should learn from your mistakes and try harder to improve yourself.” pag-alo ko kay Steven.Magmula noon hindi na umiiyak si Steven kapag natatalo sa mga contest sa school na sinasalihan niya. Isang araw, may iniabot sa akin si Steven na isang sulat galing sa k
Chapter 27 – KidnappingTuwing may pasok sa eskwelahan si Steven ay ako ang naghahatid sa kanya sa umaga at pagkatapos ay didiretso na ako sa ospital. Si Ate Rose naman ang sumusundo sa bata sa tanghali. Sa kabilang dako naman, si Dr. Adrian Aquino, ang duktor na ka-roommate ko sa St. Luke's na pinagresign noon dahil sa 'conduct unbecoming of a doctor' ay parating tuliro at lasing. Hindi niya matanggap na ang isang dekalibreng duktor na tulad niya ay pinatalsik ng ospital. Habang hawak ang kopita ng alak ay panay ang titig niya sa litrato nina Megan at Steven. Siya pala ang kumuha ng litrato sa mesa ko sa ospital noon.Sa tagal ng panahong lumipas ay hindi pa rin siya natatangap sa mga malalaking tertiary hospitals dito sa Metro Manila tulad ng Asian Hospital, Cardinal Santos Medical Center. Makati Medical Center at The Medical City. Sa mga naturang ospital kasi nandoon ang mga mayayamang pasyente. Kung mayroon mang tatangap sa kanya ay mga maliliit na primary hospitals lang na m
Chapter 28 - Kidnapping 2Alas otso ng gabi ng dumating ang mga pulis at kasunod nito ay ang mga taga-NBI. Sa harap ng mga ito ay pinaulit namin kay Ate Rose ang mga nangyari.“Kung case of missing person, you don't have to wait 24 hours before you report that someone is missing.” sabi ng taga-NBI.“Gagawa na rin po kami ng missing person report para agad maaksiyunan ang kasong ito.” sabi po ng Chief of Police namin dito sa Taguig, priority case daw po ito. Bubusisiin din po namin ang mga CCTV footages ng barangay para sa pagkakakilalan ng gumawa nito.” sabi ng pulis. “Pero in the meantime, kung kidnapping case nga ito, mag-iiwan po kami ng isang tauhan namin dito ngayong gabi para magset-up ng monitoring device baka sakaling tumawag ang kidnappers. Maidagdag ko lang po, may cellphone po ba anak ninyo?” tanong ng taga-NBI.“May cellphone ang anak ko. May GPS din ito. Ako mismo ang nag-activate nun noong ibinigay ko ito sa kanya.” sabi ni Robert.“Mas maige po kung ganoon. Nga
Chapter 29 - Corp FraudSa kabilang banda, gaano ba kayaman ang pamilya ni Robert at ganoon na lang kung manlait ang mga magulang nito sa mga mahihirap? Si Robert ay busy sa pagrereview ng mga financial statements ng mga company holdings nila. Bilang Presidente at CEO ng Chen Holdings Inc. kailangang nasa ayos ang pagpapatakbo ng mga kumpanya. Ang mga holdings nila ay kinabibilangan ng retail, equity ventures, petrochemicals, real estate development, at airlines. Ang Chen Holdings Inc. ay nabibilang sa ika-18 na kumpanyang mayaman sa Pilipinas na estimated networth na US$25 Billions. Ang main office nito ay nasa Chen Towers sa BGC.Sa pagrereview ni Robert ay napansin niyang bumababa ang kita sa real estate development side ng kanilang business. Bumaba ang kita ng halos 20% kumpara sa nakaraang taon. Kung tutuusin ay nasa third quarter na sila ng taon. “Bakit kaya bumababa ang kita sa real estate development? Mataas naman ang sales ng mga ito. Aba! Nag-overshoot sa gastos!” sa is
Chapter 30 - Corp fraud resultAng hinala ni Robert na may nangyayaring maanomalya sa real estate development company ng Holdings nila dahil bumaba ang revenue ng kumpanya kaya minabuti niyang magpa-comprehensive financial audit sa SGV & Co. Kinabukasan, dumating nga ang external auditor ng SGV & Co. Pinapasok ito sa loob ng opisina ni Robert ng executive secretary. “Sir, the auditor from SGV & Co. is already here.” Si Robert ay nakasubsob sa kanyang binabasa at pag-angat niya ng ulo ay nakita niya si James. Si James naman ay hindi na nagulat ng makita si Robert. Siya ang ipadala siya ng SGV & Co. sa opisina ng Chen Holdings Inc. upang makipag-usap sa presidente ng Chen Holdings at alam niya kung sino ito.Tumayo si Robert mula sa kanyang mesa at binati si James. “Hi! Ikaw pala ang best and seasoned auditor ng na sinasabi ni Mr. Sycip.” bati ni Robert sabay pakikipagkamay kay James.“Alam mo James, walang personalan ito, trabaho lang.” pambungad ni Robert kay James.“Okay!
Chapter 31 - Robert's accidentAng embezzlement case ng Chen Holdings laban kina Miss Joan Villa at Mr. Espo, mga Chiefs Accountant and Auditor ng real estate development company ay naisampa na sa korte. Isang criminal case at isang civil case. Sa civil case ay ipina-freeze ng korte lahat ng ari-arian ni Mr. Espo mula sa bahay at lupa pati ang mga kotse nito...lahat! Hindi ito pwedeng ibenta nina Mr. Espo hangga't hindi tapos ang kaso. Kung mapapatunayang me kasalanan sila Mr. Espo ay iilitin lahat ng kanyang ari-arian upang ipambayad sa P10 billion na ninakaw nito sa kumpanya sa loob ng nakalipas na limang taon.Walang kaalam-alam sina Miss Joan Villa at Mr. Espo na may kasong embezzlement laban sa kanila na inihain ng Chen Holdings. Patuloy pa rin ang dalawa sa pag-report sa kanilang trabaho. Kung kaya't dito sila nahuli ng mga pulis ng i-serve ang Warrant of Arrest laban sa dalawa.Sa kabilang dako, hindi nakapag-piyansa agad sina Miss Joan Villa at Mr. Espo sa kaso upang pansa
Chapter 32 – Robert's deathPagising sa umaga, naging ugali ko na ang makinig sa balita kaya't binubuksan ko ang TV habang inihahanda ko ang mga gamit ni Steven bago pumasok sa school samantalang si Ate Rose naman ay naghahanda ng almusal. Hindi naman ako nanonood ng TV pero nakikinig ako sa mga binabalita ng mga announcers.“Isa na namang pagpatay ang naganap kagabi. Ang negosyanteng si Robert Chen ay tinambangan at pinagbabaril ng isang riding in tandem sa Taguig City. Sa kasawiang palad, ito ay namatay habang gingamot sa St. Luke's Medical Center sa naturang siyudad. Sa ibang balita ...” pagbabalita ng newscaster.Nahagip ng pandinig ko ang ibinalita. Robert Chen sabi ng newcaster. Naghanap ako ng ibang channel na nagbabalita rin baka namali lang ako pagdinig. Sa kabilang channel ng TV ay ganoon din ang balita. Bigla akong nanghina, nauupos at tila hihimatayin. Nakita ako ni Ate Rose kaya inalalayan niya akong umupo sa sofa. “Ano po ang nangyari Ate Megan?” tanong ni Ate Rose