Chapter 31 - Robert's accidentAng embezzlement case ng Chen Holdings laban kina Miss Joan Villa at Mr. Espo, mga Chiefs Accountant and Auditor ng real estate development company ay naisampa na sa korte. Isang criminal case at isang civil case. Sa civil case ay ipina-freeze ng korte lahat ng ari-arian ni Mr. Espo mula sa bahay at lupa pati ang mga kotse nito...lahat! Hindi ito pwedeng ibenta nina Mr. Espo hangga't hindi tapos ang kaso. Kung mapapatunayang me kasalanan sila Mr. Espo ay iilitin lahat ng kanyang ari-arian upang ipambayad sa P10 billion na ninakaw nito sa kumpanya sa loob ng nakalipas na limang taon.Walang kaalam-alam sina Miss Joan Villa at Mr. Espo na may kasong embezzlement laban sa kanila na inihain ng Chen Holdings. Patuloy pa rin ang dalawa sa pag-report sa kanilang trabaho. Kung kaya't dito sila nahuli ng mga pulis ng i-serve ang Warrant of Arrest laban sa dalawa.Sa kabilang dako, hindi nakapag-piyansa agad sina Miss Joan Villa at Mr. Espo sa kaso upang pansa
Chapter 32 – Robert's deathPagising sa umaga, naging ugali ko na ang makinig sa balita kaya't binubuksan ko ang TV habang inihahanda ko ang mga gamit ni Steven bago pumasok sa school samantalang si Ate Rose naman ay naghahanda ng almusal. Hindi naman ako nanonood ng TV pero nakikinig ako sa mga binabalita ng mga announcers.“Isa na namang pagpatay ang naganap kagabi. Ang negosyanteng si Robert Chen ay tinambangan at pinagbabaril ng isang riding in tandem sa Taguig City. Sa kasawiang palad, ito ay namatay habang gingamot sa St. Luke's Medical Center sa naturang siyudad. Sa ibang balita ...” pagbabalita ng newscaster.Nahagip ng pandinig ko ang ibinalita. Robert Chen sabi ng newcaster. Naghanap ako ng ibang channel na nagbabalita rin baka namali lang ako pagdinig. Sa kabilang channel ng TV ay ganoon din ang balita. Bigla akong nanghina, nauupos at tila hihimatayin. Nakita ako ni Ate Rose kaya inalalayan niya akong umupo sa sofa. “Ano po ang nangyari Ate Megan?” tanong ni Ate Rose
Chapter 33 - Pagbabalik ni RobertMakalipas ang isang buwan mula ng mamatay si Robert ay lagi akong nakakatangap ng tawag sa aking cellphone dalawang beses kada linggo mula sa mga unregistered numbers. Kapag sinagot ko ang tawag ay wala namang sumasagot sa kabilang linya. Parang pinapakinggan lang nito ang boses ko tapos ay ibaba na ito. Iba-iba naman ang mga numero ng cellphone ng mga strange call na natatangap ko. Baka naman mali ang numerong napindot kaya hindi na sumasagot ang tumatawag o baka naman may stalker ako. Ganun ng ganun ang nangyayari. Tatawag, sasagutin ko, tapos pakikinggan ang boses ko. Siguro mga walong beses na itong tumatawag sa akin, mga isang buwan din yun. Nung huling tawag nito ay tinarayan ko na. “Hoy kung sino ka mang stalker ka, irereport kita sa NBI para ma-trace ka.” pasigaw kong sabi.“Hello, Megan!” sabi nung nasa kabilang linya.“Robert?!?” sagot kong may halong takot at excitement. Patay na si Robert! Sino itong kausap ko? Pero kaboses niya si Robe
Chapter 34 – Robert's Pagbabalik 2Sa wakas nakabalik na din si Robert sa mundo ng mga buhay. Kulang isang taon din ang itinagal niya sa pagtatago. Subalit habang siya ay incognito, nasusubaybayan pa rin niya ang kanilang negosyo lalung-lalo na kami ni Steven. Nagkaroon ng isang sensasyonal na presscon ang pamilya kasama ang mga kapulisan at NBI upang ipaliwanag ang kanyang pekeng pagkamatay. Ayon sa mga awtoridad, pinalabas na siya ay namatay upang madaling mahuli ang mga salarin at upang proteksyonan ang pamilya niya.Sa kanyang pagbabalik ay nagbago rin ang kanyang pang araw-araw na buhay. Mayroon na siyang driver/bodyguard at may back-up bodyguard pang laging nakabuntot sa kanyang sasakyan. Kung malayo-layo naman ang kanyang pupuntahan ay sa helicopter naman siya sasakay. Sa una naming pagkikita ay nagpunta siya sa condo ko ng disoras ng gabi. Nalimpungatan ako ng marinig ko ang doorbell. “Sino naman itong buwisit na nagdo-doorbell ng madaling araw?” pagalit kong sabi sa saril
Chapter 35 – Disneyland o Universal Studio?Sa paglipas ng mga unos sa aking buhay, ang pagbabalik ni Robert sa mundo ng mga buhay at ang pagkakaligtas sa aking anak mula sa kidnaping, naging panatag na naman ang kalooban ko. Nakakatulog na akong mabuti, magaling na rin ang sugat ko na naging sanhi ng pagbaril sa akin ng kidnaper, nasusubaybayan ko na ang pag-aaral ni Steven, ayos naman ang trabaho ko bilang isang duktor at higit sa lahat regular ng nagkikita ang mag-ama ko.Hindi naman nagkaroon ng trauma si Steven sa nangyari sa kanyang kidnapping at matagal na pagkawala ng kanyang ama. Pero ako bilang isang ina at duktora ay palagi ko siyang inoobserbahan.Sa paglabas-labas ng mag-ama para mag bonding tinanong ni Robert ang anak, “Do you want to go to Disneyland or Universal Studio?” Nais kasi niyang sulitin ang mga panahong magkasama silang mag-ama. Ayaw na niyang maulit ang nakaraan kung saan lagi siyang busy sa trabaho bilang Presidente at CEO ng Chen Holdings kung kaya't pa
Chapter 36 – At the Universal StudioBago mag-alas nuwebe ng umaga ay nasa Universal Studio na kami. Excited si Steven sa mga nakikita. Sa entrance ng themed park ay nagpalitrato kaming tatlo nina Robert at Steven kung saan buhat ni Robert si Steven habang ang isang kamay nito ay naka-akbay sa akin. Ako naman ay naka hawak sa beywang ni Robert. Kung titignan mo kami ay para kaming isang tunay at masayang pamilya. Una naming pinuntahan ang New York Zone kung nasaan ang Lights, Camera, Action ni Steven Spielberg. Tuwang tuwa si Steven dahil sa lugar na ito mae-experience mo kung ano ang nangyayari sa set ng pagawa ng pelikula at ang mga special effects. Parang totoo ang category 4 hurricane na naramdaman namin sa loob dahil kumpleto ito sa kulog, kidlat, malakas na ulan at pagyanig ng kapaligiran.Ikalawang binisita namin ang Sci-fi City Zone. Doon nakipag meet and greet lang si Steven sa mga Transformers. Hindi siya sumakay ng rides dahil sobrang nakakalula at nakakatakot para sa
Chapter 37 - Charlotte discovers affairThree days after theUniversal Studio travel ay biglang tumawag sa ospital phone ko sa clinic si Charlotte. “Hello, Dr. Megan here!” magalang kong bati sa phone.“Hello! This is Charlotte Liu! You little whore! Are you trying to steal my fiance? Wala ka namang ma-iioffer sa kanya! The nerve!” litanya ni Charlotte.“Charlotte calm down. What are you trying to say?” tanong ko.“Huwag ka nang magplay innocent dyan! Idinadamay mo pa ang anak mo sa pagkadalaga! Hinuhuthutan mo pa si Robert para makapunta kayo ng Singapore! You gold-digger you! Akala mo kung sinong santa santita, demonyita pala!” patuloy ni Charlotte na nanggagalaite sa galit.“Wala kang pruweba!” sagot ko.“Anong wala! Me nakakita sa inyo sa Universal Studio, Singapore last Saturday. Kinunan pa kayo ng picture nung nakakita kaya ko nalaman! Sa akala mo papatulan ka ni Robert? Sa akala mo kukupkupin ni Robert ang anak mo sa pagkadalaga? HINDI!!!!! Gagawin ka lang niyang palipasa
Chapter 38 - Fixed MarriageDalawang taon makalipas akong umalis ng Pilipinas, ipinagkasundo si Robert sa anak ng kasosyo ng Baba niya kay Charlotte Liu. Si Charlotte ay isang socialite na kilala sa lipunan ng mga alta-sosyedad. Maganda, matangkad, edukada sa Europa, at higit sa lahat mayaman ang pamilya.Isang gabi, pag-uwi ni Robert galing sa trabaho ay dumaan muna ito sa kanyang mga magulang sa Dasma Village. Dito ay nadatnan niyang kausap ng kanyang mga magulang sina Mr. and Mrs. Liu. Sa tabi ng mga ito ay may isang magandang babae na tila nagpapa-beautiful eyes pa kay Robert.“O, Robert anak. I want you to meet Mr. and Mrs. Liu kasosyo natin sa ating petrochemical company.” pakilala ng Baba ni Robert. “And this is Charlotte, their beautiful daughter.”“Kumusta po.” bati ni Robert. “Hi!” bati rin niya kay Charlotte.“Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko noon Robert na kami ng Mama mo ang pipili ng iyong mapapangasawa? At ayon sa tradisyon nating mga Chinese, dapat Chinese rin