After more than one month na pananatili ni Andrei sa ibang bansa, sa wakas ay umuwe na ito sa pilipinas. ‘Yan ang balitang agad na natanggap ni Lyca. Pero ang higit na nagpagulat sa kanya ay nang iabot sa kanya ng asawa nya ang isang papel na naglalaman ng diborsyo. “Let’s get the divorce,” malamig na sambit nito sa kanya. “Okay,” tanging tugon ni Lyca. Sabay abot sa papel sa kanyang harapan. After the divorce, hindi maiwasan ni Andrei na makita ang dating asawa na masaya sa piling ng iba. Naging matagumpay na rin sa larangan ng business industry si Lyca na noon ay sunod-sunuran lang sa kanya. Hanggang sa muling nagkasalubong ang kanilang mga landas at muli ay hiniling ni Andrei sa dating asawa ang mga katagang…. “Please come back to me, baby.”
View MoreSandaling natigilan si Lyca nang marinig ang familiar na boses. Nang lumingon siya ay nakita niya si Andrei na makahulugang nakatingin sa kanya. "Hindi ba't kausap mo pa ang grupong iyon tungkol sa trabaho? Bakit nandito ka na kaagad?" aniya sa lalaki. Nagkibit balikat lamang si Andrei bago ito nagsalita. "May taluno naman ang mga taong iyon sa asal, kaya hindi nila ako pinilit na manatili,” anito. Gulat naman si Lyca dahil hindi man ganoon ang iniisip niya, ngunit dahil sinabi na iyon ng lalaki, wala siyang balak mag-usisa pa. Ilang sandali pa at nagbago ang tunog ng musika at pumailanlang ang malamyos na awitin. Ang ilang mga bisitang kalalakihan ay nagsimula nang mag-imbita ng mga babae na inaya sa entablado para sumayaw. Tinitigan siya ni Andrei at saka nito inilahad ang kanang kamay sa kanya. “Pwede ba kitang maisayaw?” anyaya nito at nanatiling nasa harapan niya ang nakalahad nitong kamay. Natigilan si Lyca, at kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na biglang nanin
Finally, isiniwalat rin ng daddy niya ang tunay nitong hangarin. Para lamang maibsan ang galit at pagtatampo ni Trixie. Hindi mapigilan ni Lyca na tumawa nang malakas habang kaharap ang daddy niya. "Hahayaan mo si Trixie sa dinner bilang babaeng kasama ni Andrei? Hindi mo alam ang kakayahan ko, pero hindi mo rin alam ang kakayahan ni Trixie? Ilang wika ba ang alam ni Trixie? Ilang tao ba ang kilala niya sa okasyon na to ngayong gabi? Does she understand financial markets or business? O, kailangan ko pa bang ipaliwanag nang mas malinaw sa kanya? She may not even understand the most basic business contracts now, at muntik na niyang sirain ang mga imbitasyon sa kooperasyon ng Sandoval Company ng makailang beses,” mahabang lintaya niya sa kanyang ama. "Pinapanatili mo si Trixie sa mga Sandoval ngayon upang mapahiya ang iyong pinakamamahal mong anak at ang pamilya Sandoval," naiiling-iling na dagdag pa ni Lyca. Ngumiti si Lyca nang mahinahon at marahang tinapik ang mesa gamit ang kan
Pagbalik ni Trixie sa bahay ng pamilya Lopez ay agad siyang dumeretso sa kanyang silid, ni hindi na siya lumabas pa.Mahal ni Robert ang kanyang anak na babae na si Trixie. Kahit na maaaring hindi ito ang tunay na pagmamahal, kundi dahil sa nakikita niyang koneksyon sa pagitan nina Trixie at Andrei. Nakikita niya ang halaga ni Trixie na ito ang magpapaangat sa kanilang pamilya mula sa ibaba patungo sa rurok ng tagumpay.Kaya naman nang makita niyang dumating ito at malungkot ang mukha ni Trixie, ay agad niyang tinungo ang kwarto nito at binuksan ang pinto. “May problema ba? Bakit ang lungkot mo ngayon?” tanong ni Robert sa anak na si Trixie. Naabutan niyang nakaupo ang anak sa ibabaw ang kama at nakasandal sa headboard habang yakap-yakap ang mga tuhod, mukhang matamlay at kaawa-awa."Sa ribbon-cutting ceremony ng Sandoval's Resort at sa dinner mamaya, si Lyca ang magiging kasama ni Andrei,” mahinang sabi niya na tila ba isang batang nagsusumbong sa ama. "Ako ang sekretarya ni Andrei,
Sa wakas, huminto rin ang kotse sa harap ng entrance ng resort. Mabuti na lang at ang mga pumapasok at lumalabas na mga tao ay pawang mga bisita lamang na dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng resort o mga mamamahayag, kaya’t hindi makikita ng mga tauhan ng kumpanya si Lyca. Abala si Lyca sa pagmamasid sa paligid, lalo na sa entrance ng kumpanya. At handa na sana siyang bumaba sa kotse nang may maramdaman siyang mainit na hangin na dumampi sa tainga niya pababa sa kanyang leeg. Naamoy niya rin ang amoy ni Andrei. Kaya bigla siyang kinilabutan! Mabilis na humarap si Lyca at napigil ang kanyang hininga dahil sa gulat nang tumambad sa paningin niya ang mukha ni Andrei. Napakalapit ng mukha ni Andrei sa mukha niya. Halos magdikit na ang kanilang mga labi at pisngi. Ramdam na ramdam niya ang maiinit na hingina nitong tumatama sa mukha niya. Idagdag pa ang mabangong amoy ng hininga nito, dahilan upang lalo siyang matulala. Sobrang lapit kasi nila sa isa’t isa, at tinitigan niya ang mga
Tatlong taon na ang nakalilipas, mula nang maging secretary ni Andrei si Lyca. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan kaya madalas siyang maging laman ng mga usapin. Kahit pa na nakatapos siya ng kolehiyo sa loob lamang ng dalawang taon, halos perpekto ang kanyang mga marka, ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa tsismis at mapanuring mata ng mga tao. The cooperation with the resort company should have been terminated because the company had set its sights on another one, which happened to be the Sandoval’s open business rival. At that time ay nasa labas pa ng bansa si Andrei para sa negosasyon ng isa pang kontrata. Pero dahil sa masamang panahon, kaya bindi siya nakabalik sa bansa para ayusin ang sitwasyon. Habang malapit nang pumirma ang kabilang partido ng kontrata, agad na sinunggaban ni Lyca ang huling pagkakataon. Ipinakita niya ang mga pakinabang at disadvantages ng dalawang kumpanya, at ginamit ang opinyon ng publiko para talunin ang kabilang kumpanya. Kaya naman matagumpay
"Ma’am? Ma’am?" Mahimbing na natutulog si Lyca nang maramdaman niyang may gumigising sa kanya at niyuyugyog ang braso niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang isang babaeng nasa mga kwarenta na ang edad. Nakangiti itong nakatunghay sa kanya habang ginising siya. Si Auntie Stela pala. After she married to Andrei, si Auntie Stela na ang palaging nag-aalaga sa kanya. Kumunot ang noo ni Lyca at itinukod ang sarili para maupo: "Bakit po Auntie Stela, ano pong nangyari?" "Ma’am, pinapagising na po kayo ng asawa ninyo. Dahil baka raw malate kayo sa trabaho,” magalang na wika ni Auntie Stela. Saglit na natulala si Lyca bago siya tumango. Napayuko siya ng ulo, at bigla niyang napansin ang suot niyang pangtulog. Ngunit bago pa man siya makapag-react, ay ipinaliwanag na agad ni Auntie Stela ang panyayari.” Nang dalhin kaho ni Andrei rito kagabi ay mahimbing ang tulog niyo. Ayaw naman kayong gisingin ni Andrei kaya siya na ang nagpalit ng damit pantulog mo,”
Agad na inutusan ni Andrei si Joshua na maghanap ng lugar sa tabi ng kalsada upang iparada ang sasakyan. Pagkatapos, ay dinala niya si Lyca sa snack street kung. Ang snack street ay puno ng mga maliliit na kainan. Malapit ito sa University, at malinis ang mga tindahan. Sa magkabilang gilid ng daan, makikita ang mga nagtitinda ng iba't ibang pagkain tulad ng mixed cold dishes, egg pancakes, fried rice, fried noodles, barbecue, at fried skewers at iba pang dessert food. Mayroon ding maraming restaurants sa paligid. Makitid ang daan dito kaya naman talagang siksikan ang mga tao sa dami ng mga pumupunta sa lugar. Nakasuot si Andrei ng mamahalin at eleganteng suit. Seryoso ang ekspresyon ng mukha, matangkad at may makisig na pangangatawan kaya naman litaw na litaw siya at tila hindi bagay sa simpleng lugar na iyon. Samantalang si Lyca naman ay nasa tabi lang ng lalaki. Maganda ang hubog ng katawan at may kaakit-akit na mukha na talaga naman agad na makakaagaw pansin ng mga tao sa palig
Kalmado niyang sinalubong ang tingin ng lalaking nasa harapan niya. Pero sa loob niya ay may kirot sa puso niya dahil sa pambibintang nito sa kanya. Paano siya hindi malulungkot. Kung sa loob ng tatlong taon nilang magkasama araw at gabi, ay hindi pa rin pala siya lubusang kilala ni Andrei. Ni minsan hindi siya gumawa ng mga kalokohan. Tapos ngayon ito? Bigla-bigla siyang pagbibintangan ng dating asawa dahil lang sa babae nito. Ang sakit lang isipin na hindi man lang muna nito inalam ang totoo. Para sa lalaki isa lang siyang hamak sa paningin nito. Kitang-kita niya ang malamig na titig sa kanya ni Andrei. Kung pwede nga lang siguro siya nitong gawing yelo sa sobrang cold nito sa kanya ay ginawa na ng lalaki. Ni wala man lang siyang nakikita ni katiting na simpatya mula sa dating asawa. "Maganda ang relasyon niyong dalawa ni Cristy, tama?” Hindi ba at kaya siya nagagalit kay Trixie ay dahil sa ‘yo. Napiling siya sa tinuran ng lalaki. Kaya naman kinuha niya ang tinidor at tinusok it
CHAPTER 21. Patuloy na naglalakad si Trixie palabas ng Golden Restaurant, na may pagmamadali sa bawat kilos. Ngunit pagkalabas niya, sinalubong siya ng malamig na ihip ng hangin. Kaya naman awtomatiko niyang iniyakap ang mga braso sa katawan. Basa ang buhok niya, at ang malaking bahagi ng damit sa kanyang dibdib ay basang-basa rin ng tubig. Dahil sa ginawa kanina ni Cristy sa kanya. Ang damit niyang nabasa ay halos duikit na sa balat niya, idagdag pa ang malamig na ihip ng hangin na mas lalong nagpaginaw sa kanya dahilan para manginig siya sa lamig. Mas binilisan niya ang bawat hakbang, dali-dali siyang pumunta sa gilid ng daan upang mag-abang ng taxi na masasakyan. Nakayuko lang ang ulo niya at, hindi makatingin sa kahit sino, ngunit bigla siyang nabangga sa isang matigas at matipunong dibdib ng isang tao. "Trixie?" Nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki at napatingala siya rito. Bumungad sa paningin niya ang nakakunot-noong mukha ni Andrei. Marahil nagtataka ito nga
“Bumalik na si Andrei.” Habang iniinom ni Lyca ang gamot niya, kasabay niyon ay binuksan niya ang kanyang cellphone. At iyon kaagad ang mensaheng tumambad sa paningin niya mula sa kanyang matalik na kaibigan. Sandali siyang natigilan sa kinatatayuan. Pagkatapos ng isang buwan na pananatili ng kanyang asawa sa ibang bansa ay nakabalik na pala ito sa pilipinas. Ni hindi manlang nagsasalita ang kanyang asawa at ni hindi ko alam na nakabalik na pala ito. Ilang sandali pa ang lumipas at muli na naman siyang nakatanggap ng mensahe sa chat. "Bumalik siya at sa pagkakataong ito hindi siya nag-iisa, kundi may kasama siyang isang batang babae." Iniscroll pa niya ang pataas ang mensahe at sa ibaba nito ang nakita niya ang isang larawan. Larawan na kamukhang-kamukha niya ang batang babae. "Trixie." Si Trixie. Ang kapatid niyang babae sa ama. Ipinadala ito sa ibang bansa para doon palakihin at pag-aralin, ngayon ay nagbalik na ito. Patuloy sa pagpapadala bg mensahe ang matalik niyang kai...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments