Share

CHAPTER 2.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2024-12-05 16:43:07

Kumuha ng isang linggong sick leave si Lyca. Pagakatapos niyang gumaling mula sa sakit ay bumalik na siya sa kumpanya.

Noon niya lang nalaman ang tungkol sa paglipat.

Makahulugang nagtsismisan ang isang kasamahan niya. "Manager, Lopez, alam mo na ba? May bagong hired na secretary ang ating kumpanya, si Ms. Trixie Lopez, isang babae at bata pa."

Nagulat naman si Lyca, pero saglit lamang iyon.

Talaga bang inilipat ni Andrei si Trixie sa pwesto niya?

Lumipas ang ilang sandali at ipinatawag ni Andrei si Lyca sa kanyang opisina.

Agad na natuon ang mga mata ni Andrei sa kanya pagkapasok niya. "Dahil gusto mong manatili sa kumpanya, ang posisyon mo bilang personal secretary ay hindi na nararapat pa para sa 'yo. Ang manager ng departamento ng proyekto ay inilipat sa ibang sangay, at nagkataong may bakante. Kaya ikaw ang inilipat doon."

Talagang napakalinaw palagi ni Andrei tungkol sa mga bagay-bagay.

Tinanggap na lamang niya iyon dahil ayaw niyang maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan ni Trixie.

"Mabuti naman kung ganun," tanging nasabi niya asawa. Asawa dahil wala pa naman ang sertipiko ng kanilang divorce papers na nagpapatunay na sila ay hiwalay na. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Andrei at tinawag siya.

"Katatapos lang ni Trixie at wala pa siyang masyadong alam sa trabaho."

Napasulyap si Lyca sa suot niyang kwintas sa kanyang leeg. Matagal na niyang gusto ang kwintas na ito.

Napasulyap siya kay Andrei at nagtanong. "Gusto ba ng lahat ng maliliit na babae ang mga katulad nitong alahas?" wala sa sariling naitanong niya.

Ang kwintas na ito pala ay inihanda para kay Trixie, pero sa kanya ibinigay noon ni Andrei.

"Whatever." Sagot ni Andrei at tumalikod.

Napayuko ng ulo si Lyca upang itago ang mga emosyon mula sa kanyang mga mata.

Paglabas ni Lyca sa opisina ng CEO ay sumalubong sa kanya si Trixie. "Huwag mo lang ipagpaliban ang iyong trabaho ngayon. Marami ka pang dapat na matutunan."

Ngumiti lamang ng matamis si Trixie sa kanya at walang salitang namutawi mula rito.

Kinuha ni Lyca si Trixie at tinuruan ito upang maging pamilyar sa trabaho at mga proseso nito. Ngunit sa huli ay tinawag ni Trixie ang atensyon niya.

"Ate, ayaw mo ba sa akin? Dahil ba kay Mr. CEO?"

Napabuntong hininga si Lyca.

Ngumiti ulit si Trixie at nagsalita. "Ate, mahirap sabihin kung ano ang tama o mali tungkol sa damdamin. Ganun din sa pagitan noon ng aking ina at ama. Pero, ate, kahit ano pa man, gusto ko pa ring maging kaibigan mo...."

Ngunit bago pa man matapos sa pagsasalita si Trixie ay, pinutol na ito ni Lyca sa pamamagitan ng pagtataas ng kanyang kamay, pero sa mahinahon na boses. "Anumang relasyon ay nakatali sa moralidad, kung hindi. Hindi ka sana naipadala sa ibang bansa noon. Gawin mo ang tama sa iyong sarili at tratuhin ng tama ang iba, hindi iyong gawin sila na parang tanga," makahulugan niyang sambit.

Ipinanganak noon si Trixie matapos magloko ng kanyang ama.

Kahit na namatay na ang kanyang ina, mahirap pa rin para sa kanya na patawarin ang ina ni Trixie.

At ano ang nais nitong ipabatid na mahirap sabihin kung ano ang tamao mali?

Tinalikuran ni Lyca si Trixie at umalis. Bumalik siya sa opisina ni Andrei. "Mr. Sandoval, may oras ka ba para kunin ang divorce certificate ngayon?"

Pagsapit ng hapon ay agad na siyang naghanda para umalis. Paglabas niya ng kumpanya ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Nakasuot pa rin siya ng palda na hanggang tuhod. Bagsak ang kanyang maitim at mahabang buhok at mababanaag ang malamig at maamo niyang mukha.

Pagsakay niya sa loob ng sasakyan ni Andrei ay pinasadahan siya nito ng tingin. Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa malayo. Pinaandar ang sasakyan at nagmaneho palayo. "Mukhang nagmamadali ka 'ata at hindi na nakapagbihis pa," kapagkuway komento nito.

Ano bang pakialam ng lalaking ito sa kanya at pati suot nya kung nakapagbihis siya ay pinuna nito. "Hindi naman ako nagmamadali," aniya.

Sandaling natigilan si Lyca at muling nagsalita. "Nakaalis na tayo, at isa pa wala ng oras para magbihis pa at ipagpaliban ang lakad na ito."

Hindi na nagsalita pa si Andrei hanggang sa makarating sila sa ahensya para kunin ang divorce certificate.

Matapos nilang pumirma at makuha ang nasabing sertipiko ay lumabas na sila. Agad na nagsindi ng sigarilyo di Andrei at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Magaling ka na ba?" tukoy nito sa sakit niya nakaraan.

"Oo," tugon ni Lyca at tumango.

Aalis na sana siya nang magsalita si Andrei. Malalim ang mga tingin nito sa kanya na wari ay binabasa siya. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Sakay na, ibabalik kita," anito.

Saglit na nag-aalangan si Lyca kung sasakay ba siya o hindi. Tatanggi na sana siya, pero nakaramdam siya ng kaunting pagsusuka at sakit ng tiyan.

She retched subconsciously.

Nang sandaling humupa ang nararamdaman, nakita niya ang nakapikit na mga mata ni Andrei at nakakunot ang noo, sabay sabing. "Buntis ka ba?"

Kinabahan siya sa narinig at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Ang huling beses ng p********k nilang mag-asawa ay isang buwan na ang nakakalipas. Todo bigay siya noon, at iyong ginawa niya ng husto.

Pero paanong nagkataon lang ito. Paano kung...

"Hindi," sagot ni Lyca sa dating asawa. Hindi sinasadyang naikuyom niya ang mga palad.

May gusto pa sanang sabihin si Andrei ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkatapos niya itong sagutin ay bahagyang nakakunot ang noo niya.

"Bumalik na tayo at may gagawin pa ako sa kumpanya," aniya sa lalaki.

Napabuga ng usok si Andrei mula sa hinihithit na sigarilyo at tinignan siya ng makahulugan. "Hiling ko na sana ay hindi tayo magkakaanak. Sana nagkataon lang ito."

Sumikip ang dibdib ni Lyca sa narinig at parang kinurot ang kanyang puso. Pinilit niyang tumahimik at hindi na nagsalita pa.

Sa loob ng tatlong taon mula nang ikasal siya kay Andrei, ay maingat ang lalaki upang hindi siya mabuntis. Ngunit hindi sa huling beses na may namagitan sa kanila, dahil ng mga oras na iyon ay nakaligtaan niyang uminom ng pills.

Imbes na sumakay sa sasakyan ni Andrei ay pinili ni Lyca na mag taxi na lamang pabalik sa kumpanya.

Pagdating niya sa kumpanya ay bumungad sa kanya ang napakababa na presyon ng hangin sa opisina. Lumapit naman sa kanya ang isang kasamahan at mababakas ang problema sa mukha nito, takot na ipinaalala sa kanya ang problema.

"Ma'am, nagkaroon ng problema sa pag-abot ng batch ng mga materyales sa ibang kumpanya. Ang DR corporation o mas kilalang Dela Rama corporation. Basta na lamang kasi itong pinirmahan ng bagong secretary na si Ma'am Trixie ang papers ng mga materyales nang hindi binibilang ang mga ito kung tama ba o may kulang.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Lyca at sumimangot siya.

Mahigpit niyang sinabi kay Trixie na suriin ng mabuti ang lahat ng mga materyales bago pumirma para sa handover.

Mahirap pa naman kausap ng DR company. Kaya naman hindi lang isa o dalawang beses niyang pinaalalahan ang babae na ayusing mabuti ang trabaho.

Pagkaraan ng ilang sandali, muli siyang pinaalalahanan ng assistant niya ukol sa pagpapatawag ng CEO sa kanya. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Mr. Sandoval sa kanyang opisina."

Huminga nang malalim si Lyca bago niya binuksan ng dahan-dahan ang pinto ng opisina ng CEO at gumawa ng maliit na awang.

Nakita niya sa loob ng opisina ang half-sister niyang si Trixie. Kinakagat nito ang labi, namumula ang dulo ng ilong at mukhang nakakaawa. Nakakaawa o nagpapa cute.

Napakunot ang noo ni Lyca sa narinig na sinabi ni Trixie.

"Paumanhin, Mr. CEO. Hindi ko alam na lahat ng mga materyales ay kailangang suriin sa oras ng paghahatid. Sinabi lang sa akin ni Manager Lopez na kailangan itong suriin, ngunit hindi niya ipinaalala sa akin na kailangan talaga itong inspeksyuning mabuti at hindi niya sinabi na gagawa pala ng ganito ang taga DR corporation. Kasalanan ko ang lahat," mahabang lintaya ng babae.

Tila nagpantig ang tainga ni Lyca sa narinig mula sa kanyang kapatid. Kaya di sinasadya na itinulak niya ang pinto at pumasok ng tuluyan sa loob. Malamig siyang tinitigan ni Andrei. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito.

"Kakatapos lang ni Trixie magpaliwanag at wala siyang alam. Dapat alam mo ang pamamaraan ng DR corp. Bakit ni hindi mo man lang siya pinaalalahanan?" agarang sita ni Andrei kay Lyca.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 3.

    Bahagyang nakaramdam ng kirot si Lyca sa kanyang puso, ngunit mahinahon siyang nagsalita. "Hindi ako nagkulang sa paalala kay Trixie, tungkol sa pagpapadala ng mga materyales Mr. Sandoval. Mayroong surveillance camera ang opisina ng kumpanya. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, maaari nating imbestigahan at i-verify ito," wika niya sa harapan ng dating asawa at sabay sulyap kay Trixie na tila namutla ang mukha sa sinabi niya. Pinunasan pa nito ng luha ang pilikmata at nagmukhang nakakaawa sa harapan nila. "Ate Lyca, siguro na distract ako sandali at hindi narinig ang mga sinabi mo, kaya nagkamali ako," anito sabay singhot ng ilong na tila sinisipon. Hindi pinansin ni Lyca si Trixie bagkus sumimangot na lang. "Sa sampu-sampung milyong mga materyales, imposibleng hayaan ng mga DR corp., na hindi tignan iyon kung tama ba ang natanggap nila. Ang kumpanya ay may mga patakaran. At ang mga resposibilidad ni Trixie sa kumpanya ay may kaukulang parusa." Tumalikod na si Lyca at umalis

    Last Updated : 2024-12-05
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 4.

    Mahigpit na hinawakan ni Lyca ang pregnancy test kit at tumugon. "Hindi ako sigurado." Subalit ang kanyang regla ay hindi pa dumadating para sa buwang ito. Ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya noong mga nakaraan, hanggang ngayon ay naghatid sa kanya ang kakaibang hinala. "Kung totoo man 'yan, ano 'ng plano mo?" Ani Althea at alanganing tumingin sa kanya. "Sasabihin mo ba ito kay Andrei?" Iniyuko ni Lyca ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata. Ayaw ni Andrei sa batang ipapanganak niya. Subalit kung totoo mang buntis nga siya, ang batang ito ang maging labis niyang kasiyahan. "Hindi!" Sagot ni Lyca. Matagal pa bago siya nagsalita. "Wala naman ng saysay pa para malaman niya ang tungkol dito kung sakali man," aniya na desisdido sa naging pasya. Tatlong taon niyang hinintay na magkaroon ng anak, at ngayong nasisilip na niya na posibleng magkatoo ay nagdiwang ang kalooban niya. Masama ang pakiramdam ni Lyca kinabukasan pagpasok niya sa opisina. Muli naalala niya ang tungkol sa pr

    Last Updated : 2024-12-05
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 5.

    Tumingin si Lyca kay Andrei at mahinahong nagsalita. "Hindi ko kasalanan kung tanga iyang si Trixie. Na pati sa paglakad na-sprain pa ang paa," nanunuyang wika ni Lyca. "Sa trabaho, senior niya lang ako. Sa personal na buhay, walang na loob ang nanay ko sa kanya, at ako. Nang magpakasal ang tatay niya sa ibang babae, dumating si Trixie sa buhay nila. Walang tatanggap sa illegitimate na anak ng tatay niya kaya ipinadala nila ito ng nanay niya sa ibang bansa. Tumulong din pati siya sa mga bayarin at gastuhin ng babae sa pamumuhay nito. Kaya wala siyang utang dito. At hindi niya iisipin ang lahat para rito. Kaya bakit siya iiwas dito?" Tahimik ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Bumaling sa kanya ang mga mata ni Andrei. Nakasuot siya ng napakasimpleng ngunit mahabang palda. May balingkinitang baywang, at kilay na laging nakataas at malinaw na mga mata. Siya si Lyca, simple ngunit may malamig na ugali, matalino at nakakasilaw na ganda. Subalit hindi iyon pansin ng mga tao. Pagkaraan

    Last Updated : 2024-12-06
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 6.

    Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento. “Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man. Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga. Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na lab

    Last Updated : 2024-12-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 7.

    Nanigas ang katawan ng guwardiya, at nang magbalik siya sa ulirat, balak na sana niyang paalisin si Trixie mula sa silid-pulong. Ngunit mabilis na pumasok si Trixie sa loob ng silid at agad lumapit kay Lyca. "Ate, hindi mo dapat gawin ito sa akin,” ani ni Trixie. Ate? Nagpapatawa ba ang babaeng ito? Napakahusay naman ng pag-arte niya para magmukhang inosente at kawawa habang tinatawag siyang "ate." "Trixie, sa pagkakaalam ko. Ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako karapat-dapat tawagin mong kapatid,” walang bakas ng emosyon sa mukha na saad ni Lyca. "Ngayon ay nakikita mong may meeting ako with project team. Kaya secretary Trixie, kung wala kang mahalagang sasabihin, maaaring umalis ka na at huwag kaming gambalain sa trabaho." "Ate, hindi ako naparito para manggulo. Nandito lang ako para humingi ng tawad!" pagmamatigas ni Trixie at tumangging umalis. Marahang napabuntong hininga si Lyca. “Hindi mo ba nakikita na busy ako ngayon Trixie? May meeting kami at wala akong

    Last Updated : 2024-12-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 8.

    Sa kabilang kamay ng delivery man ay may hawak itong isang hollow na kahon ng alahas na gawa sa mahogany, nakaukit ang pattern ng phoenix. Ito ay maliwanag, maselan, marangya, at napakagandang tingnan. Sa loob ng kahoy na kahon ay isang pulang agatang kuwintas. Ang kulay nitong pula ay napakatingkad at nakakasilaw, na kapag nakita mo, ay mahihirapan kang alisin ang iyong tingin dito. May isang card din sa kahon na may nakasulat na note at may pirma ito ni Dean Bautista. (May you be as bright and radiant as the rising sun in winter.) Hindi naakit si Lyca sa nakikitang alahas at bulaklak sa kanyang harapan, bagkus mas nakatuon ang kaniyang mga mata sa nakasulat sa kasamang note. Ngunit napatingin siya sa isang lalaking papalapit sa kinaroroonan niya, walang iba kundi si Andrei. “What a pity,” anito sa nanunuyang tono. "Mr. Sandoval, ibig niyo bang sabihin ay bawal tumanggap ng regalo sa kumpanya? Kung ganoon, aalis na ako at hindi ko na ito tatanggapin pa,” aniya sa lalaki.

    Last Updated : 2024-12-15
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 9.

    Her facial features are delicate, her eyebrows and eyes are beautiful and bright, with a sense of fragility,coldness and nothingness. And at this moment, the red agate necklace makes her eyes and eyebrows look even more beautiful. May ngiti sa kanyang labi, na tila ba mas nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon kumpara noon. Ngayon tila ba nakaramdam siya ng ginhawa at kapayapaan “Maganda ba ang kwintas na ito sa akin? Bagay ba?” tanong ni Lyca kay Andrei. Her slender long fingers hooked the heavy and expensive agate stone on her neck, stroking it with her fingertips. Madilim ang mga mata ng lalaki na tumingin sa kanya bago nagsalita. “ No, hindi bagay sa ‘yo,” malamig na sagot ng lalaki. “Hindi bagay? So ano pala ang bagay sa kanya?” bulong niya sa isip. Lumapad ang ngiti sa labi ni Lyca at tiningnan ang dating asawa na para bang nang-aasar dito. “No problem, it doesn’t matter naman kung bagay ba ito sa akin or hindi. Gusto ko ito at iyo

    Last Updated : 2024-12-16
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 10.

    Seeing that she seemed to be about to explode, Dean, somehow thought of a the black-footed cat wandering in the wild, which was very wild but also extremely aggressive. Nakikita kasi niya na sobra na ang inis ni Lyca dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya naman naisip niyang ibaling sa iba ang kanilang usapan. "Take a look at this information. Gusto kong malaman kung interesado ba rito si Manager Lopez,” aniya ni Dean at inabot ang isang dokumento kay Lyca. Pagkakita pa lang ni Lyca sa unang bahagi ng dokumento ay sandaling umangat ang tingin niya sa binata. Bahagya namang tumango ang lalaki na tila sinasabing ipagpatuloy niya ang pagbabasa. Muling ibinalik ni Lyca ang kanyang paningin ngunit sa loob niya, was shocked by the man’s innovation. He actually wanted to conduct research in the field of holography, which is a very expensive research area. Gusto nito ng makabagong ideya, nagunit napakamahal. "Mr. Bautista, if I remember correctly, may mas marami ng propesyonal na mga

    Last Updated : 2024-12-17

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 83.2

    Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago muling nagsalita ni Dean. "Napagdaanan na natin ang mga bagay na ito noong bata pa tayo. Ayaw mong lumaki ang anak mo sa isang pamilyang walang ama o sa isang sirang pamilya, hindi ba? Hindi mo na kailangang alalahanin ang mga bagay na ‘yan kapag kasama mo ako. Dahil sa magkatulad ang ating naging karanasan hanggang sa lumaki tayo kaya alam kong lubos natin siyang mauunawaan. Kapag sumama ka sa akin ay magiging mabuting asawa ako sa ’yo at magiging mabuting ama ako sa iyong anak. Pangako ko ‘yan sa ’yo,” madamdaming wika ni Dean. Hindi maikakaila na marunong magplano at maglaro ng emosyon si Dean. Ang mga sinabi niya ay eksaktong tumutugma sa mga bagay na matagal nang iniisip ni Lyca Naalala bigla ni Lyca ang sinabi ni Dr. Paolo sa kanya na hindi niya maaaring ipalaglag ang bata dahil maaari itong magdulot ng habambuhay na pagkabaog nya. Dahil sa sinabi nito ay pansamantala niyang itinuturing na siya at ang bata ay

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 83.1

    "Kailangan ko ng isang maganda at perpektong asawa. At ikaw, kailangan mo ng isang 'kasintahan' na magagamit mo, hindi ba? Kung nagawa mong pakasalan si Andrei noon ay kaya mo rin siguro akong pakasalan,” sabi ni Dean kay Lyca, ang boses nga niya ay banayad lamang ngunit tila ba nang-aakit. "Pag-isipan mo itong mabuti Lyca. Gumawa ka ng desisyon na sa tingin mo ay tama. Tandaan mo na maibibigay ko sa 'yo ang lahat ng emosyonal na halagang kailangan mo. Ako ang magiging kasintahang magpapasaya sa ‘yo,” pagpapatuloy pa ni Dean. Matalino talaga si Dean. Ni hindi nito binanggit kung gaano siya nito kamahal o kung gaano siya nito kagusto. Sa halip ay sinabi lamang nito na siya ang magiging kasintahan na kayang punan ang kakulangan sa buhay. Pero sa huli ay hindi pa rin niya matakasan ang katotohanan na ito ay isang transaksyon lamang. Napa kurap-kurap naman ng kanyang mata si Lyca at hindi siya nakasagot kaagad dito. Sa halip ay iniwas niya ang tingin rito at itinuon ang kanyang paning

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 82.

    Alam naman ni Lyca na ang puso niya ay matagal nang patay. Akala niya ay rasyonal siya. Pero kapag ang isang taong rasyonal ay umibig, hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang damdamin. Inialay niya ang lahat ng kanyang pagmamahal noon kay Andrei. At kahit hindi na niya ito mahal ngayon ay tila naubos na rin ang kakayahan niyang magmahal ng iba. Masasabi niya na isang mabuting tao talaga si Dean at maaasahan pa. Kung tungkol sa kasunduan sa negosyo lang ang kanilang pag-uusapan ay kaya niyang pumayag pa roon. Pero kung ito ay tungkol na sa pag-ibig, ni minsan ay hindi pa iyon sumagi sa isipan ni Lyca. "Huwag kang mag-alala Thea. Alam ko naman ang ginagawa ko," sabi ni Lyca. ************ Pagdating ni Lyca sa opisina nya sa kumpanya ni Andrei ay ramdam na ramdam naman nya ang kakaibang tingin sa kanya ng mga empleyado na naroon. Pero imbes na panghuhusga ang tingin nila kay Lyca ay nangibabaw pa rin ang pag respeto at paggalang nila rito. Alam naman nila ang katotohanan na ang l

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 81.2

    KINABUKASAN, ang isang blog post na isinulat ni Trixie kagabi ay biglang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms. Sa loob lamang ng ilang oras ay mabilis itong kumalat at nagdulot ng matinding diskusyon. Agad na may nag upload ng litrato nina Dean at Lyca na tila nagpapakita ng kanilang pagiging malapit. Sa larawan ay makikita na magkaharap sila habang nakangiti. Bakas sa mga mata ni Dean ang puno nang paghanga kay Lyca. Ang larawang ito ay tila sumusuporta sa mga sinabi ni Trixie sa kanyang blog post. Ang mga intriga sa loob ng malalaking kumpanya at ang drama ng pamilya sa laban sa mana ay nagpa usbong ng interes ng publiko. Sa isang gabi ang blog post na iyon ay umabot na sa trending topics. Marami ang mga nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa blog post na iyon ni Trixie na ngayon ay pinagkakaguluhan at nasa trending search list na. “Grabe! Dean has always been pretending to be a losser and a playboy. After he took over the Bautista company, I thought he was

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 81.1

    Ang holography ay matagal nang pinag-aaralan ni Arthur. Ngunit sa katunayan, noong nabubuhay pa ang ina ni Lyca na si Helen ay pinag-aaralan na ng ina nito ang bagay na ito. Noong araw na iyon ay walang may nakakaalam na kung bakit may ganung mga datos si Helen. Subalit nang matapos naman na mapasakamay ni Arthur ang mga datos, ay hindi agad niya napag-aralan ang mga detalyadong bahagi nito. Patuloy lang niyang binabantayan ang lahat ng research institute na nag-aaral about sa holography, kabilang na roon ang proyekto ni Lyca. Kung nakagawa si Helen ng isang advanced na datos ilang taon bago pa man, posible rin kayang may ganung kakayahan si Lyca? At mukhang tama nga at totoo ito base sa nangyayari ngayon. Kaya naman nang malaman ni Arthur na may koneksyon si Lyca kay Dean ay agad na bumalik ng bansa si Arthur. Alam niyang isa rin si Dean sa mga tahimik na nag-aaral ng holography. Kung si Lyca ay malapit kay Dean, hindi malayong mapalapit din ito sa teknolohiyang ito. Ngay

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 80.2

    "B-bakit mo ako gustong makita? A-Ano’ng kailangan mo sa akin?" kinakabahan na tanong ni Greg kay Arthur. "W-Wala talaga akong ginawang masama! Kung pumunta ka rito para kay Lyca, sinasabi ko na wala akong masamang intensyon sa kanya. Ang totoo, maganda lang talaga siya kaya naisipan kong kuhanan siya ng video. Alam ko ang pagkatao niya at hindi ko siya kayang galawin," paliwanag pa ni Greg na labis-labis ang kabang nararamdama.. Nagpapanic na talaga si Greg at iniisip niya na pumunta si Arthur doon upang maghiganti para kay Lyca. "Relax. Wala akong balak na pag-usapan si Lyca," sagot ni Arthur kay Greg. "Kung ganon, bakit mo ako hinahanap?" tanong pa ni Greg at sa pagkakataon na iyon ay medyo nabawasan na ang ka ba na nararamdaman niya dahil sa sinabi nito, pero hindi pa rin talaga sya kampante rito. "Narinig kong dati kang konektado kay Dean at ang research institute mo ay may ginagawang pag-aaral tungkol sa holography,” sagot ni Arthur kay Greg. Nagulat namna si Greg sa

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 80.1

    Walang nagawa na pinanood na lamang ni Trixie ang papalayong sasakyan lulan sina Lyca at Dean. Naikuyom niya nang mahigpit ang mga kamao habang nangingitngit sa galit. Hindi naman na nagtagal pa roon si Trixie at umuwi na rin siya sa kanilang bahay. Agad na siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagkulong. Naupo siya sa harap ng kanyang laptop at mabilis na sinimulang magsulat, isang blog post ang binuo niya. Ang pawang mga salita niya roon ay puno ng hinanakit at sakit. Ang nilalaman ng post ay tungkol sa lihim na ugnayan nina Lyca at Dean. Ayon dito ay nagtutulungan ang dalawa upang makuha ni Dean ang kayamanan ng pamilya Bautista. Idinagdag pa niya na sinira umano ni Dean ang isang mahalagang kasunduan bilang paghihiganti para kay Lyca. Pagkatapos niyang i-post ito sa internet ay napangisi na lamang talaga si Trixie. "Tingnan natin bukas," aniya sa sarili. "Wawasakin ng blog post na ito sina Lyca at Dean!" dagdag pa ni Trixie habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. **

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 79.

    Kitang-kita sa nakaharap na surveillance camera ang malamig na ngiti ni Lyca habang nakatingin siya rito. Kahit pa nakangiti si Lyca ay ramdam niya pa rin ang sa kanyang mga ngiti labis na pangungutya niya sa mga ito. Ang lahat ng nanonood ng live broadcast sa sandaling iyon ay biglang kinabahan at desperado nh sinubukang lumabas sa site ng live broadcast. Ngunit hindi na nga nila ito magawa. Para bang biglang nasira ang mga keyboard ng kanilang phone na para bang may kumokontrol dito para hindi sila makalabas sa naturang site. Ang mga lalaki kasi na nanonood sa live broadcast na iyon ay madalas na talaga na manood ng mga ganoong live broadcast na may kalaswaan. At dahil sa takot nila dahil hindi sila makaalis sa naturang site ang iba sa kanila ay binasag ang kanilang mga phone at ang iba naman ay inihagis sa tubig ang kanilang phone sa pag aakala na makakatakas na sila roon. Ang hindi nila alam ay naipadala na ni Lyca ang kanilang mga address sa mga pulis. Hindi naman nagtagal ay

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 78.2

    Hindi lamang pala siya sinubukang kuhanan ng mga video sa lahat ng posisyon kundi live pa siyang napapanood sa isang porn site. At ang pamagat pa nga ng live stream na iyon ay ‘The Plaything of the Rich Boss in City.'Matapos siyang ilabas ni Dean mula sa silid na iyon ay napuno na ang comment section ng mga kabastusan.“Iyan ba ang boss ng City? Mukhang sabik na sabik ata sya. Wala pa bang aksyon?”“Mukha namang deserving siyang pagtawanan. Ang taas ng standards ng big boss.”“Kung mayaman lang ako ay maghahanap din ako ng ganitong laro.”“Akala niya siguro ang taas taas niya. Ni hindi makainom ng isang baso ng alak. Isa lang naman siyang laruan ng mga lalaki.”Ilan lamang ang mga iyan sa mga nabasa ni Lyca sa mga komento sa naturang live stream na iyon. Marami oa nga ang mga bastos at malalaswang komento at kahalayan ang naroon.Nang makita ito ni Dean ay lalo namang nagalit si Dean sa walang modo na lalaki na iyon."Alisin mo siya sa research team at magpatawag ka ng mga pulis," ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status