Share

CHAPTER 3.

Author: Casseyyy
last update Huling Na-update: 2024-12-05 16:44:55

Bahagyang nakaramdam ng kirot si Lyca sa kanyang puso, ngunit mahinahon siyang nagsalita. "Hindi ako nagkulang sa paalala kay Trixie, tungkol sa pagpapadala ng mga materyales Mr. Sandoval. Mayroong surveillance camera ang opisina ng kumpanya. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, maaari nating imbestigahan at i-verify ito," wika niya sa harapan ng dating asawa at sabay sulyap kay Trixie na tila namutla ang mukha sa sinabi niya.

Pinunasan pa nito ng luha ang pilikmata at nagmukhang nakakaawa sa harapan nila.

"Ate Lyca, siguro na distract ako sandali at hindi narinig ang mga sinabi mo, kaya nagkamali ako," anito sabay singhot ng ilong na tila sinisipon.

Hindi pinansin ni Lyca si Trixie bagkus sumimangot na lang. "Sa sampu-sampung milyong mga materyales, imposibleng hayaan ng mga DR corp., na hindi tignan iyon kung tama ba ang natanggap nila. Ang kumpanya ay may mga patakaran. At ang mga resposibilidad ni Trixie sa kumpanya ay may kaukulang parusa."

Tumalikod na si Lyca at umalis ng opisina. Titignan niya ang mga pagkukulang sa mga materyales.

Kinagabihan saktong alas-otso ng gabi ay agad na nag set ng appointment si Lyca para sa DR corp., ukol sa naging problema sa mga materyales.

Matapos makipag-usap ni Lyca kay Mr. Derek Bautista ay tatayo na sana siya para umalis. Hindi na niya napansin ang presesnya ng dating asawa na naroroon pala.

Bago siya tumayo ay lumapit sa kanya ang assistant at magiliw na nagsalita. "Ma'am Lyca, hinihintay ka ni Mr. Sandoval sa kanyang sasakyan" anito.

Sandaling natigilan si Lyca. "At ano naman ang ginagawa ng lalaking ito rito?" tanong niya sa isip. "Kung bakit naririto rin ito kung nasaan siya ngayon. Sinusundan ba siya nito?" mga salitang nagdagdag kaguluhan sa mga iniisip niya.

Nang hindi pa tumayo si Lyca ay sinulyapan ni Derek ang assistant, pagkatapos ay tumingin sa kanya. Naka-angat ang kalahating labi nito na animoy nakangiti. "Ms. Lopez, kung hindi ka komportable na manatili sa bahay ni Sandoval ay maari kang umalis. At kung hindi ka na rin komportable sa kanyang kumpanya ay pwede kang lumipat sa kumpanya ko," wika ng lalaki at tiningnan siya. Naiilang pa siya sa malagkit na mga titig nito sa kanya na para bang tagos sa buto kung titigan siya.

Hindi na nagbitiw ng ano mang salita si Lyca, bagkus ay nagpaalam na lamang siya ng maayos kay Mr. Bautista.

Mayaman at gwapo rin ang lalaki, pero napepreskuhan siya rito, lalo na kung magsalita ito.

Sumunod siya sa assistant niya at tinungo kung nasaan ang sasakyan ni Andrei, agad siyang sumakay sa loob ng kotse.

Alas onse na pala ng gabi at medyo malamig na ang simoy ng hangin sa gabi.

Nang sumakay si Lyca sa kotse ay halos namumutla ang hitsura niya at matamlay ang katawan niya na para bang nakakaawa siya tingnan.

Kumunot ang noo ni Andrei. Marahil nagtataka sa hitsura niya lalo pa at mukhang nangangayayat siya ng mga oras na ito.

"Tapos ka na ba sa DR corp?" kaswal na tanong ni Andrei.

Tanging tango lang ang itinugon ni Lyca sa lalaki. Mababakas sa kanyang mga mata ang antok at pagod. "Hindi ganun kadali kausap ang taga DR corp., ngunit nangako na lamang ako na papalitan ang mas mababang mga gamit, kaya kailangan ko lang oras para roon," aniya.

Muli siyang sinulyapan ni Andrei at nagsalita. "Masyado pang bata si Trixie at ignorante sa bagay na iyon. Kaya hindi siya lubos na masisisi sa pangyayaring ito," depensa ni Andrei sa babae.

Napatigil si Lyca at sinagot ang dating asawa. "Ikaw ang presidente ng sarili mong kumpanya. Kung ano man ang gusto mong gawin ay depende sa sarili mong kagustuhan."

Bata pa? Ngumiti siya ng mapakla. Nang pumasok siya noon sa pamilya Sandoval ay mas bata siya kaysa kay Trixie.

Gayunpaman, di Andrei ay palaging gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng pampubliko at pribadong mga bagay.

"Hindi ko pa nababanggit kay Lolo ang tungkol sa hiwalayan," sambit ni Andrei.

Nagpapagaling si Lolo sa bahay nitong mga nakaraang taon at hindi niya matiis ang excitement kahit na mahina ang kapit ng relasyon ng dalawa. Natatakot marahil ito na baka marinig ang balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Ibinaba ni Lyca ang ulo, at marahang ipinikit ang mga mata. "Alam ko ang sasabihin ko kay Lolo, kapag tama na ang oras," aniya sabay idinilat ang mga mata.

Hindi naman na nagsalita si Andrei sa tinuran niya.

Uminom ng tubig si Lyca, medyo humapdi ang sikmura niya dala ng hindi siya kumain kanina pa. Isinandal niya ang ulo sa upuan at hindi nagtagal ay nakatulog siya sa kotse.

Ngunit kalaunan ay agad naman siyang nagising. Medyo namumutla ang mukha niya. Bagay na napansin agad sa kanyan ni Andrei. Na tila ba nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nasaan na tayo?" tanong niya sa medyo paos na boses.

Mahinang nagsalita si Andrei. "Dadalhin kita sa ospital," seryosong wika nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Lyca sa naisip. Kaya agad niyang pinigilan ang lalaki. "Hindi na kailangan, medyo sumakit lang ang tiyan ko. Uuwe na lang ako para makapagpahinga ng maaayos," aniya.

Taimtim siyang tinitigan ni Andrei sa mga mata. Malalim ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

"Mabuti naman kung ganun," tanging sagot ng lalaki.

Sa wakas nakahinga ng maluwag si Lyca ng pumayag ito.

Pag-uwi niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niya na si Althea at nakisuyo rito. "Maaari bang bilhan mo ako ng pregnancy test kit."

Kinabukasan, sa isang salo-salo. Inimbetahan ni Marco sina Lyca at Andrei. Parehong magkaibigan ang tatlo. Tinawagan pa ni Marco si Lyca na isama si Carina sa salo-salo. Ang isa nilang kaibigan.

Matapos malaman ni Marco ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila Andrei at Lyca, ay sinadya niyang pagsamahin ang dalawa.

Nang dumating si Lyca, sa pintuan pa lamang ay naririnig na niya ang matinis boses ni Marco.

"Naghiwalay na ba talaga kayo ni Lyca? Dahil ba roon kay Trixie?" tila imbistigador na nagtatanong.

Huminto sandali si Lyca, nanginginig ang mga kamay na itinulak niya ang pinto at bumukas ito ng kaunti.

Hindi nagtagal at narinig din niyang nagsalita ang dating asawa. "Wala itong kinalaman sa kanya, sadyang hindi kami bagay ni Lyca sa isa't-isa."

"Tsk, saan banda ang hindi bagay at nararapat?" tanong ni Marco. "Maganda at matalino si Lyca. Kilala na rin siya ng pamilya Sandoval at ng ibang tao sa loob ng maraming taon. Bakit ka ganyan? Bakit mo nasasabing hindi kayo bagay? Not to mention that she saved you in the first place. There are some things that you most fear is the hindsight," lintaya ni Marco.

Nakita na rin naman niya si Trixie bata pa ito at maganda rin, pero walang-wala ito kumpara kay Lyca.

Si Lyca ay isang babaeng, matatag at kayang pagsilbihan si Andrei. Kaya kung talagang maghihiwalay ang dalawa ay natatakot siyang baka pagsisihan ito ni Andrei sa huli.

Binasag ni Andrei ang katahimikan. "Hindi natin maaaring pilitin ang mga bagay na emosyonal."

Napayuko si Lyca at napapikit ng mga mata, habang mahigpit na kuyom ang mga kamao. Hindi na siya tumuloy pa sa loob at piniling magpaalam na lamang sa chat.

Hindi nagtagal pagkatapos sabihin ni Lyca kay Marco sa chat na hindi na siya makakapunta ay pumayag naman ito. Sinabi niya sa lalaki na may gagawin pa siya at makikipagkita kay Althea at para makapagpahinga na rin agad.

Pag-uwi niya sa bahay ay naroon na si Althea at agad na iniabot sa kanya ang dala nitong pregnacy test kit. "Lyca, wala ka talaga nito di ba? Hindi ka ba talaga dinatnan?" tanong ni Althea sa kanya.

Kaugnay na kabanata

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 4.

    Mahigpit na hinawakan ni Lyca ang pregnancy test kit at tumugon. "Hindi ako sigurado." Subalit ang kanyang regla ay hindi pa dumadating para sa buwang ito. Ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya noong mga nakaraan, hanggang ngayon ay naghatid sa kanya ang kakaibang hinala. "Kung totoo man 'yan, ano 'ng plano mo?" Ani Althea at alanganing tumingin sa kanya. "Sasabihin mo ba ito kay Andrei?" Iniyuko ni Lyca ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata. Ayaw ni Andrei sa batang ipapanganak niya. Subalit kung totoo mang buntis nga siya, ang batang ito ang maging labis niyang kasiyahan. "Hindi!" Sagot ni Lyca. Matagal pa bago siya nagsalita. "Wala naman ng saysay pa para malaman niya ang tungkol dito kung sakali man," aniya na desisdido sa naging pasya. Tatlong taon niyang hinintay na magkaroon ng anak, at ngayong nasisilip na niya na posibleng magkatoo ay nagdiwang ang kalooban niya. Masama ang pakiramdam ni Lyca kinabukasan pagpasok niya sa opisina. Muli naalala niya ang tungkol sa pr

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 5.

    Tumingin si Lyca kay Andrei at mahinahong nagsalita. "Hindi ko kasalanan kung tanga iyang si Trixie. Na pati sa paglakad na-sprain pa ang paa," nanunuyang wika ni Lyca. "Sa trabaho, senior niya lang ako. Sa personal na buhay, walang na loob ang nanay ko sa kanya, at ako. Nang magpakasal ang tatay niya sa ibang babae, dumating si Trixie sa buhay nila. Walang tatanggap sa illegitimate na anak ng tatay niya kaya ipinadala nila ito ng nanay niya sa ibang bansa. Tumulong din pati siya sa mga bayarin at gastuhin ng babae sa pamumuhay nito. Kaya wala siyang utang dito. At hindi niya iisipin ang lahat para rito. Kaya bakit siya iiwas dito?" Tahimik ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Bumaling sa kanya ang mga mata ni Andrei. Nakasuot siya ng napakasimpleng ngunit mahabang palda. May balingkinitang baywang, at kilay na laging nakataas at malinaw na mga mata. Siya si Lyca, simple ngunit may malamig na ugali, matalino at nakakasilaw na ganda. Subalit hindi iyon pansin ng mga tao. Pagkaraan

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 6.

    Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento. “Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man. Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga. Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na lab

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 7.

    Nanigas ang katawan ng guwardiya, at nang magbalik siya sa ulirat, balak na sana niyang paalisin si Trixie mula sa silid-pulong. Ngunit mabilis na pumasok si Trixie sa loob ng silid at agad lumapit kay Lyca. "Ate, hindi mo dapat gawin ito sa akin,” ani ni Trixie. Ate? Nagpapatawa ba ang babaeng ito? Napakahusay naman ng pag-arte niya para magmukhang inosente at kawawa habang tinatawag siyang "ate." "Trixie, sa pagkakaalam ko. Ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako karapat-dapat tawagin mong kapatid,” walang bakas ng emosyon sa mukha na saad ni Lyca. "Ngayon ay nakikita mong may meeting ako with project team. Kaya secretary Trixie, kung wala kang mahalagang sasabihin, maaaring umalis ka na at huwag kaming gambalain sa trabaho." "Ate, hindi ako naparito para manggulo. Nandito lang ako para humingi ng tawad!" pagmamatigas ni Trixie at tumangging umalis. Marahang napabuntong hininga si Lyca. “Hindi mo ba nakikita na busy ako ngayon Trixie? May meeting kami at wala akong

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 8.

    Sa kabilang kamay ng delivery man ay may hawak itong isang hollow na kahon ng alahas na gawa sa mahogany, nakaukit ang pattern ng phoenix. Ito ay maliwanag, maselan, marangya, at napakagandang tingnan. Sa loob ng kahoy na kahon ay isang pulang agatang kuwintas. Ang kulay nitong pula ay napakatingkad at nakakasilaw, na kapag nakita mo, ay mahihirapan kang alisin ang iyong tingin dito. May isang card din sa kahon na may nakasulat na note at may pirma ito ni Dean Bautista. (May you be as bright and radiant as the rising sun in winter.) Hindi naakit si Lyca sa nakikitang alahas at bulaklak sa kanyang harapan, bagkus mas nakatuon ang kaniyang mga mata sa nakasulat sa kasamang note. Ngunit napatingin siya sa isang lalaking papalapit sa kinaroroonan niya, walang iba kundi si Andrei. “What a pity,” anito sa nanunuyang tono. "Mr. Sandoval, ibig niyo bang sabihin ay bawal tumanggap ng regalo sa kumpanya? Kung ganoon, aalis na ako at hindi ko na ito tatanggapin pa,” aniya sa lalaki.

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 9.

    Her facial features are delicate, her eyebrows and eyes are beautiful and bright, with a sense of fragility,coldness and nothingness. And at this moment, the red agate necklace makes her eyes and eyebrows look even more beautiful. May ngiti sa kanyang labi, na tila ba mas nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon kumpara noon. Ngayon tila ba nakaramdam siya ng ginhawa at kapayapaan “Maganda ba ang kwintas na ito sa akin? Bagay ba?” tanong ni Lyca kay Andrei. Her slender long fingers hooked the heavy and expensive agate stone on her neck, stroking it with her fingertips. Madilim ang mga mata ng lalaki na tumingin sa kanya bago nagsalita. “ No, hindi bagay sa ‘yo,” malamig na sagot ng lalaki. “Hindi bagay? So ano pala ang bagay sa kanya?” bulong niya sa isip. Lumapad ang ngiti sa labi ni Lyca at tiningnan ang dating asawa na para bang nang-aasar dito. “No problem, it doesn’t matter naman kung bagay ba ito sa akin or hindi. Gusto ko ito at iyo

    Huling Na-update : 2024-12-16
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 10.

    Seeing that she seemed to be about to explode, Dean, somehow thought of a the black-footed cat wandering in the wild, which was very wild but also extremely aggressive. Nakikita kasi niya na sobra na ang inis ni Lyca dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya naman naisip niyang ibaling sa iba ang kanilang usapan. "Take a look at this information. Gusto kong malaman kung interesado ba rito si Manager Lopez,” aniya ni Dean at inabot ang isang dokumento kay Lyca. Pagkakita pa lang ni Lyca sa unang bahagi ng dokumento ay sandaling umangat ang tingin niya sa binata. Bahagya namang tumango ang lalaki na tila sinasabing ipagpatuloy niya ang pagbabasa. Muling ibinalik ni Lyca ang kanyang paningin ngunit sa loob niya, was shocked by the man’s innovation. He actually wanted to conduct research in the field of holography, which is a very expensive research area. Gusto nito ng makabagong ideya, nagunit napakamahal. "Mr. Bautista, if I remember correctly, may mas marami ng propesyonal na mga

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 1.

    “Bumalik na si Andrei.” Habang iniinom ni Lyca ang gamot niya, kasabay niyon ay binuksan niya ang kanyang cellphone. At iyon kaagad ang mensaheng tumambad sa paningin niya mula sa kanyang matalik na kaibigan. Sandali siyang natigilan sa kinatatayuan. Pagkatapos ng isang buwan na pananatili ng kanyang asawa sa ibang bansa ay nakabalik na pala ito sa pilipinas. Ni hindi manlang nagsasalita ang kanyang asawa at ni hindi ko alam na nakabalik na pala ito. Ilang sandali pa ang lumipas at muli na naman siyang nakatanggap ng mensahe sa chat. "Bumalik siya at sa pagkakataong ito hindi siya nag-iisa, kundi may kasama siyang isang batang babae." Iniscroll pa niya ang pataas ang mensahe at sa ibaba nito ang nakita niya ang isang larawan. Larawan na kamukhang-kamukha niya ang batang babae. "Trixie." Si Trixie. Ang kapatid niyang babae sa ama. Ipinadala ito sa ibang bansa para doon palakihin at pag-aralin, ngayon ay nagbalik na ito. Patuloy sa pagpapadala bg mensahe ang matalik niyang kai

    Huling Na-update : 2024-12-05

Pinakabagong kabanata

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 10.

    Seeing that she seemed to be about to explode, Dean, somehow thought of a the black-footed cat wandering in the wild, which was very wild but also extremely aggressive. Nakikita kasi niya na sobra na ang inis ni Lyca dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya naman naisip niyang ibaling sa iba ang kanilang usapan. "Take a look at this information. Gusto kong malaman kung interesado ba rito si Manager Lopez,” aniya ni Dean at inabot ang isang dokumento kay Lyca. Pagkakita pa lang ni Lyca sa unang bahagi ng dokumento ay sandaling umangat ang tingin niya sa binata. Bahagya namang tumango ang lalaki na tila sinasabing ipagpatuloy niya ang pagbabasa. Muling ibinalik ni Lyca ang kanyang paningin ngunit sa loob niya, was shocked by the man’s innovation. He actually wanted to conduct research in the field of holography, which is a very expensive research area. Gusto nito ng makabagong ideya, nagunit napakamahal. "Mr. Bautista, if I remember correctly, may mas marami ng propesyonal na mga

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 9.

    Her facial features are delicate, her eyebrows and eyes are beautiful and bright, with a sense of fragility,coldness and nothingness. And at this moment, the red agate necklace makes her eyes and eyebrows look even more beautiful. May ngiti sa kanyang labi, na tila ba mas nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon kumpara noon. Ngayon tila ba nakaramdam siya ng ginhawa at kapayapaan “Maganda ba ang kwintas na ito sa akin? Bagay ba?” tanong ni Lyca kay Andrei. Her slender long fingers hooked the heavy and expensive agate stone on her neck, stroking it with her fingertips. Madilim ang mga mata ng lalaki na tumingin sa kanya bago nagsalita. “ No, hindi bagay sa ‘yo,” malamig na sagot ng lalaki. “Hindi bagay? So ano pala ang bagay sa kanya?” bulong niya sa isip. Lumapad ang ngiti sa labi ni Lyca at tiningnan ang dating asawa na para bang nang-aasar dito. “No problem, it doesn’t matter naman kung bagay ba ito sa akin or hindi. Gusto ko ito at iyo

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 8.

    Sa kabilang kamay ng delivery man ay may hawak itong isang hollow na kahon ng alahas na gawa sa mahogany, nakaukit ang pattern ng phoenix. Ito ay maliwanag, maselan, marangya, at napakagandang tingnan. Sa loob ng kahoy na kahon ay isang pulang agatang kuwintas. Ang kulay nitong pula ay napakatingkad at nakakasilaw, na kapag nakita mo, ay mahihirapan kang alisin ang iyong tingin dito. May isang card din sa kahon na may nakasulat na note at may pirma ito ni Dean Bautista. (May you be as bright and radiant as the rising sun in winter.) Hindi naakit si Lyca sa nakikitang alahas at bulaklak sa kanyang harapan, bagkus mas nakatuon ang kaniyang mga mata sa nakasulat sa kasamang note. Ngunit napatingin siya sa isang lalaking papalapit sa kinaroroonan niya, walang iba kundi si Andrei. “What a pity,” anito sa nanunuyang tono. "Mr. Sandoval, ibig niyo bang sabihin ay bawal tumanggap ng regalo sa kumpanya? Kung ganoon, aalis na ako at hindi ko na ito tatanggapin pa,” aniya sa lalaki.

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 7.

    Nanigas ang katawan ng guwardiya, at nang magbalik siya sa ulirat, balak na sana niyang paalisin si Trixie mula sa silid-pulong. Ngunit mabilis na pumasok si Trixie sa loob ng silid at agad lumapit kay Lyca. "Ate, hindi mo dapat gawin ito sa akin,” ani ni Trixie. Ate? Nagpapatawa ba ang babaeng ito? Napakahusay naman ng pag-arte niya para magmukhang inosente at kawawa habang tinatawag siyang "ate." "Trixie, sa pagkakaalam ko. Ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako karapat-dapat tawagin mong kapatid,” walang bakas ng emosyon sa mukha na saad ni Lyca. "Ngayon ay nakikita mong may meeting ako with project team. Kaya secretary Trixie, kung wala kang mahalagang sasabihin, maaaring umalis ka na at huwag kaming gambalain sa trabaho." "Ate, hindi ako naparito para manggulo. Nandito lang ako para humingi ng tawad!" pagmamatigas ni Trixie at tumangging umalis. Marahang napabuntong hininga si Lyca. “Hindi mo ba nakikita na busy ako ngayon Trixie? May meeting kami at wala akong

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 6.

    Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento. “Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man. Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga. Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na lab

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 5.

    Tumingin si Lyca kay Andrei at mahinahong nagsalita. "Hindi ko kasalanan kung tanga iyang si Trixie. Na pati sa paglakad na-sprain pa ang paa," nanunuyang wika ni Lyca. "Sa trabaho, senior niya lang ako. Sa personal na buhay, walang na loob ang nanay ko sa kanya, at ako. Nang magpakasal ang tatay niya sa ibang babae, dumating si Trixie sa buhay nila. Walang tatanggap sa illegitimate na anak ng tatay niya kaya ipinadala nila ito ng nanay niya sa ibang bansa. Tumulong din pati siya sa mga bayarin at gastuhin ng babae sa pamumuhay nito. Kaya wala siyang utang dito. At hindi niya iisipin ang lahat para rito. Kaya bakit siya iiwas dito?" Tahimik ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Bumaling sa kanya ang mga mata ni Andrei. Nakasuot siya ng napakasimpleng ngunit mahabang palda. May balingkinitang baywang, at kilay na laging nakataas at malinaw na mga mata. Siya si Lyca, simple ngunit may malamig na ugali, matalino at nakakasilaw na ganda. Subalit hindi iyon pansin ng mga tao. Pagkaraan

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 4.

    Mahigpit na hinawakan ni Lyca ang pregnancy test kit at tumugon. "Hindi ako sigurado." Subalit ang kanyang regla ay hindi pa dumadating para sa buwang ito. Ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya noong mga nakaraan, hanggang ngayon ay naghatid sa kanya ang kakaibang hinala. "Kung totoo man 'yan, ano 'ng plano mo?" Ani Althea at alanganing tumingin sa kanya. "Sasabihin mo ba ito kay Andrei?" Iniyuko ni Lyca ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata. Ayaw ni Andrei sa batang ipapanganak niya. Subalit kung totoo mang buntis nga siya, ang batang ito ang maging labis niyang kasiyahan. "Hindi!" Sagot ni Lyca. Matagal pa bago siya nagsalita. "Wala naman ng saysay pa para malaman niya ang tungkol dito kung sakali man," aniya na desisdido sa naging pasya. Tatlong taon niyang hinintay na magkaroon ng anak, at ngayong nasisilip na niya na posibleng magkatoo ay nagdiwang ang kalooban niya. Masama ang pakiramdam ni Lyca kinabukasan pagpasok niya sa opisina. Muli naalala niya ang tungkol sa pr

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 3.

    Bahagyang nakaramdam ng kirot si Lyca sa kanyang puso, ngunit mahinahon siyang nagsalita. "Hindi ako nagkulang sa paalala kay Trixie, tungkol sa pagpapadala ng mga materyales Mr. Sandoval. Mayroong surveillance camera ang opisina ng kumpanya. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, maaari nating imbestigahan at i-verify ito," wika niya sa harapan ng dating asawa at sabay sulyap kay Trixie na tila namutla ang mukha sa sinabi niya. Pinunasan pa nito ng luha ang pilikmata at nagmukhang nakakaawa sa harapan nila. "Ate Lyca, siguro na distract ako sandali at hindi narinig ang mga sinabi mo, kaya nagkamali ako," anito sabay singhot ng ilong na tila sinisipon. Hindi pinansin ni Lyca si Trixie bagkus sumimangot na lang. "Sa sampu-sampung milyong mga materyales, imposibleng hayaan ng mga DR corp., na hindi tignan iyon kung tama ba ang natanggap nila. Ang kumpanya ay may mga patakaran. At ang mga resposibilidad ni Trixie sa kumpanya ay may kaukulang parusa." Tumalikod na si Lyca at umalis

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 2.

    Kumuha ng isang linggong sick leave si Lyca. Pagakatapos niyang gumaling mula sa sakit ay bumalik na siya sa kumpanya.Noon niya lang nalaman ang tungkol sa paglipat. Makahulugang nagtsismisan ang isang kasamahan niya. "Manager, Lopez, alam mo na ba? May bagong hired na secretary ang ating kumpanya, si Ms. Trixie Lopez, isang babae at bata pa."Nagulat naman si Lyca, pero saglit lamang iyon.Talaga bang inilipat ni Andrei si Trixie sa pwesto niya?Lumipas ang ilang sandali at ipinatawag ni Andrei si Lyca sa kanyang opisina.Agad na natuon ang mga mata ni Andrei sa kanya pagkapasok niya. "Dahil gusto mong manatili sa kumpanya, ang posisyon mo bilang personal secretary ay hindi na nararapat pa para sa 'yo. Ang manager ng departamento ng proyekto ay inilipat sa ibang sangay, at nagkataong may bakante. Kaya ikaw ang inilipat doon."Talagang napakalinaw palagi ni Andrei tungkol sa mga bagay-bagay.Tinanggap na lamang niya iyon dahil ayaw niyang maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaun

DMCA.com Protection Status