Chapter: CHAPTER 75."Sinabi mo na ito sa akin kanina,” kalmadong sagot ni Andrei. “I won’t do anything to your people. I can guarantee that,” dagdag pa ni Andrei. Pagkatapos sabihin iyon ay pansin ni Lyca na tumahimik ang dating asawa. Kita niya na itinaas nito ang hawak na baso at muling uminom, ngunit napagtanto ata nito na naubos na ang iniinom na alak, kaya napapalunok ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang paggalaw ng adams apple nito na kay ganda sa paningin niya. Iniabot ng lalaki ang basong wala ng laman sa isang dumadaang waiter. Binaling ni Lyca ang tingin kay Nikki sa tabi niya at akmang may sasabihin sana siya sa dalaga nang biglang mahagip ng paningin niya si Beatrice na pumasok sa loob ng bulwagan. Kitang-kita mismo ng dalawang mata niya na bigla itong nawalan ng balanse sa paglalakad at mukhang na-sprain pa ata ang paa nito. "Ah!" malakas na sigaw ni Beatrice ang umalingawngaw sa bulwagan. May hawak pang baso ang babae na may lamang red wine. Mabilis na bumuhos sa katawan nit
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: CHAPTER 74."Hindi lang binasa ni Manager Lyca ang mga notes ko, kundi hiniram pa niya ang mga ito. Binigyan din niya ako ng kanyang business card, at binigyan pa niga ako ng pagkakataong mag-internship. Nakita niyo naman iyon kahit anlayo-layo niyo kanina, hindi ba?" paliwanag ni Nikki kina Beatrice at sa mga kasama pa nito. Kaya mas lalong nagpapasalamat si Nikki kay Lyca dahil doon. Alam ni Nikki na naisip na ni Lyca ang kung ano ang maaaring kaharapin niya pagbalik. Kaya inunahan na nitong tulungan siya. Kung hindi, mas mahirap pa sana ang sitwasyong haharapin niya ngayon. Natawa naman si Beatrice sa sinabi niya. "Sinabi mo na mismo. Sa tingin mo ba talaga hindi namin napansin na papunta ka agad kay President Andrei? Eh, sa sobrang pagmamadali mo nga kanina, muntik mo nang matumba si Manager Lyca, dahil nabangga mo siya," nakangising patutsada pa ni Beatrice. Napapikit ng mga mata si Nikki at nakaramdam siya ng pagsisisi sa nangyari kanina. Akmang bubuka sana ang bibig biya, pero bago p
Last Updated: 2025-03-24
Chapter: CHAPTER 73.Tinitigan lang ni Andrei si Lyca. Tahimik lang din siyang tiningnan ni Lyca at pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon. She is very outstanding, at alam niya ito noon pa man. Pero matapos nilang makasal na dalawa ay patuloy itong nagsumikap upang patunayan ang sarili. Naging abala ito palagi sa iba’t ibang proyekto. Nagkakausap lang sila madalas sa trabaho… at sa kama. Alam niyang marunong tumugtog ng piyano si Lyca, pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang tumugtog. Suot ni Lyca ang isang nag-aapoy na pulang evening gown, at napakaliwanag nitong tingnan. Sa katunayan ay wala nang ibang nasa paningin ngayon ni Andrei, dahil ang tanging nakikita na lang niya ay si Lyca at ni hindi na niya napansin na naroon din naman ang pinsan niya na si Cristy. Mahahaba at magaganda ang mga daliri nitong mala kandila, at sa bilis ng kanyang pagtugtog ng piyano, lumilikha siya ng napakagandang musika. She’s really, very beautiful. Sa hindi kalayuan sa entablado, maraming punong loc
Last Updated: 2025-03-23
Chapter: CHAPTER 72. "Hinahangaan at mahal ka niya, kaya normal lang na maging masungit siya sa akin. Nadampian lang niya ako nang dumaan siya na nagmamadali. Nagsabi lang naman siya ng ilang katotohanang salita, at binura ang mga nagawa ko para lang makalapit sa iyo. Wala siyang anumang epekto sa akin,” sabi pa ni Lyca kay Andrei. Pinagtatanggol niya si Nikki rito. "She’s just a young school girl. How can she insult me? "Pero ikaw yata ang sumosobra kanina," dagdag pa ni Lyca. Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Lyca kay Andrei. Halatang hindi siya nasisiyahan sa lalaking nasa harapan niya. Malamig din siyang tiningnan ng lalaki, na para bang binibigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang dahilan. Nakuha agad iyon ni Lyca kaya naman muli siyang nagsalita. "Alam mong pinapanood siya ng lahat. Naghihintay silang makita siyang tumakbo palayo matapos mong hiyain, at hindi mo nga sila binigo dahil pinagtawanan mo pa siya gamit ang malamig mo na pananalita. Baka hindi mo iniintindi ang mga bagay
Last Updated: 2025-03-21
Chapter: CHAPTER 71.Nang marinig ni Nikki ang mga sinabi ni Andrei, ay biglang namutla ang kanyang mukha, nanginig ang kanyang mga labi, at hindi siya nakapagsalita agad. Paano niya magagawang sabihin na kasalanan iyon ng propesor? Labis na hinahangaan ng propesor sina Andrei at Lyca, at ito rin ang mentor ni Lyca. Lagi pa nitong ibinibida at sinasabi na sina Andrei at Lyca ang pinakamagagaling, pinakamatalino, at pinakamatapang na negosyanteng naturuan nito sa larangan ng financial. Labis na pinahahalagahan ng propesor nila si Lyca. Kung malalaman nito na binabaluktot niya ang katotohanan at sinasabi ang lahat ng ito para lamang mapasaya si Andrei, tiyak na magagalit ito sa kanya. Kaya naman hindi na nakapagsalita si Nikki at mas pinili na manahimik na lang. Pakiramdam niya lahat ng kanyang naiisip na plano ay nalantad habang may matatalim na tinging ipinupukol sa kanya. Kaya naman natakot siya at nag-panic. Lalo na at lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Alam na alam niya na mula nang lumapit s
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: CHAPTER 70.Mula sa bulwagan ay maririnig ang mababang tunog ng isang cello. Ang mga estudyante mula sa department of music ang nagtanghal sa entablado. “Malapit na siguro si Cristy,” ani Lyca kay Andrei, habang tinitingnan nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Cristy na sasamahan nga ito sa entablado para tumugtog ng piano. Bahagya namang tumango si Andrei at hindi masyadong binigyang-pansin ang pag-akyat ni Cristy sa stage. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag-alala dahil kayang-kaya naman iyon ni Cristy nang mag-isa. “Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Cristy,” sabi ni Lyca at muling tiningnan si Andrei bago sya tuluyang umalis. Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman Lyca at agad na napalingon ngunit ang nakita lang niya ay ang payat na likod ng babaeng naka backless na evening gown. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha nito at an
Last Updated: 2025-03-14