Falling for My Boss

Falling for My Boss

last updateLast Updated : 2024-03-27
By:  Lycq YeagerCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
90Chapters
17.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?

View More

Chapter 1

Chapter 1

BITBIT ko ang lumang luggage ni mama na tanging naipamana niya sa akin. Pag-alis ko ng bahay, maghahanap ako ng trabaho. Hinanda ko na rin ang sarili ko para sa hindi na pagbabalik doon sa bahay.

"Elisia, itong five hundred lang talaga ang mapapabaon ko sa'yo." Ani Auntie habang binubugahan ako ng sigarilyo.

"Salamat po, ha, Auntie." Sabi ko habang tinatanggap ang pera na agad hinablot ng kanyang asawa.

"Ano 'to? Bakit mo binibigyan ang batang 'yan ng ganito ka laking halaga ng pera?" Pinasadahan ako ng tingin ni Uncle habang nilulukot ang five hundred na hinablot galing sa kamay ko.

Lumunok ako at napagtantong hindi para sa akin ang perang iyon. Ngayong umangal na si uncle ay malabong nang mapasa akin iyon.

"Auntie, salamat na lang po-"

"Umalis ka na nga lang, Elisia! Pabigat ka lang dito!" Sigaw ni uncle sa akin.

Nahihiya at naaawang tinitingnan ako ni Auntie habang yumuyuko ako. Kung normal na araw ito ay nasagot ko na si uncle. Kung normal na araw lang sana ito ay kakayanin kong lumaban kay uncle. Kaya lang hindi ito normal na araw. Ito ang araw na aalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Narito ang mga alaala namin ni mama noon. Kahit na punong puno iyon ng mapapait na alaala ay hindi ko makakalimutan ang mga magaganda at simpleng alaala na hatid nito.

"Naku, Elisia! Pasensya ka na, ah?" Mangiyak ngiyak na sinabi ni Auntie. "Kung sana ay pwede kitang patirahin dito-"

"Mama! Paalisin niyo na ho si Elisia! Patay na naman po si Auntie. Marunong naman 'yan magtrabaho kaya 'wag niyo nang patagalin!" Sigaw ng pinsan kong si Trish..

"Nako! Okay lang po, Auntie! May pera pa naman ako dito. Sige na po. Alis na po ako!" Sabi ko.

Tumango si Auntie at inupos ang sigarilyo. "Mag ingat ka, Elisia." May bahid na pagsisisi sa kanyang boses.

Ngumiti ako, tumango, at tinalikuran ko siya.

Humakbang ako sa medyo maputik na daanan namin. Tuwing umuulan kasi ay nagiging maputi ito. Kanina ay umulan kaya ganito ang daanan ngayon. Kitang kita ko ang bawat putik na dumidikit sa lumang sapatos ko. Lalabhan ko ito sa oras na makakakita na ako ng matutuluyan. Sa ngayon, pagkakasyahin ko muna ang isang libo ko sa paghahanap ng trabaho at matutuluyan.

Sumakay ako ng dyip para magtungo sa iilang mapagaaplyan ko ng trabaho. Nakita ko sa dyaryo iyong mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho.

Kumatok ako sa isang opisina. Ayon sa dyaryong nabasa ko, kailangan daw nila ng sekretarya. Sa kasamaang palad, hanggang sekretarya lang ang ma aapplyan ko. High school lang ang tinapos ko at tungkol sa computer nakahilig ang mga subjects ko noon. Ang pagiging sekretarya o kahit saleslady sa isang ticketing office ay tama lang sa aking pinag aralan.

Pinasadahan ako ng tingin ng security guard. Tinitigan niya ang maputik kong sapatos at ang damit kong inaayos ko agad ang mga gusot.

"Anong kailangan mo, miss?" Ngumisi siya sa akin.

Ibinalandra ko sa harap niya ang dyaryo. "Nakita ko po sa dyaryo na ito na kailangan niyo raw ng-"

Pinutol na ako ng babaeng naka-mini skirt at may I.D sa ticketing office na iyon. Ngumunguya siya ng bubble gum at pinasadahan niya ako ng tingin. "Walang hiring dito, miss. Doon ka na lang kaya sa club?"

"Ah? Pero sabi kasi dito sa-"

"Miss, ang sabi ko, wala nga. Kahapon nakakuha na kami ng isa kaya don ka na sa club! Sige na at madudumihan lang ang tiles namin dito! Layas!"

Padabog na sinarado ng babae ang pintuan ng ticketing office. Bumuntong hininga ako at tumingin sa aking sarili. Siguro ay huhugasan ko na lang muna itong sapatos ko at magpapalit lang ng mas pormal na damit.

Naghanap ako ng pampublikong CR. Tiniis ko ang baho sa loob. para lang maging maayos ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking t-shirt at nag palit ako ng blouse na hindi kumportable ngunit pormal. Pinalitan ko rin ang pantalon ko ng mas maayos at iyong walang putik.

Kung hindi ako makakahanap ng trabaho hanggang alas tres ng hapon ay mag hahanap na ako ng matutuluyan para mamayang gabi. Ngunit paano kung hindi ako makakahanap ng matutuluyan? Mag hahanap na ba ako ng parke? Sa Luneta? Saan ako matutulog?

Umiling ako at inisip na may isang libong piso ako. Makakahanap ako ng matutuluyan. Siguro naman ay may magpapatulog sa akin, isang apartment o isang hotel sa halagang 500 pesos?

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Sinubukan ko ang mga fast food chain na panay ang direkta sa akin sa isang malaking kumpanya. Pangatlong Jollibee ko na ito sa araw na ito. Manager ang palaging kumakausap sa akin habang tinuturo ang malaking building sa malayo.

"Miss, wala po kaming hiring dito ngayon. Ang mabuti pa, doon ka mag apply sa Coleman Group of Companies dahil mass hiring doon ngayon. May job fair pa nga!" Anang Manager.

Tinitigan ko ang rooftop ng napakalaking gusaling iyon sa malayo. Matayog iyon at pakiramdam ko ay hindi ako matatanggap doon.

"Tatanggap po ba sila ng High School graduate?"

"Aba, miss, high school graduate ang hanap nila!"

Napangiwi ako sa sinabi ng babae na manager. Hindi ko alam kong totoo ba iyon o binobola niya lang ako para makaalis na ako sa kanila. Ganunpaman ay tumango na lang ako. Wala na akong choice.

"Maraming salamat po." Sabi ko at napatingin ako sa mga kumakain ng malulutong na fried chicken.

Napalunok ako at napagtanto kong ala una na nga pala at wala pa akong almusal at tanghalian.

Tumingala ako sa menu ng fast food chain na iyon para tingnan kung magkano iyong mga kinakain ng mga tao rito.

Sa huli ay nagdesisyon na lang akong umalis doon.

Bumili ako ng pandesal sa nagtitinda sa labas at nagsimulang maglakad sa building na sinasabi pa kanina ng mga Manager na nadadaanan ko.

Habang naglalakad ay kumakain ako. At kahit kumakain ako ay kumakalam parin ang sikmura ko. Kaya 'to, Elisia! Mamaya, pag nagkaroon na ako ng trabaho ay kakain ako ng marami! lyon ang pangako ko sa aking sarili.

Hindi pa nakakaabot sa building na iyon ay natoon na agad ang pansin ko sa isa pang fast food chain na nangangailangan ng daw ng crew. Kinuha ko ang pape na nakapaskil sa kanilang pintuan at dumiretso na sa loob. Humalimuyak ang amoy ng fried chicken sa loob. Mas lalong kumalam ang sikmura ko. Pinilit kong huwag sumilip sa mga plato ng mga kumakain doon at dumiretso na sa loob.

"Nandito po ba ang Manager niyo?" Tanong ko sa mukhang iritadong crew.

"Nasa loob siya, teh." Aniya sabay turo sa isang pintuan na may nakalagay: Authorized Person Only.

Pumasok ako sa loob ng pintuang iyon at inilahad ko kaagad ang aking resume. Pinapanood ko ang Manager na nasa cellphone.

"O... Okay. Got it!" Anang lalaking manager.

Sumulyap siya sa akin ng dalawang beses at para siyang nakakita ng multo. Binaba niya agad ang kanyang cellphone.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, miss?" Tanong niya.

Ibinalandra ko ang papel na nakapaskil kanina sa pintuan nila. "Nakita ko po ito sa labas."

Kinuha niya ang resume ko.

"Kasi... pang apat ko na 'tong fast food chain. May experience na po ako sa fast food-"

"Walang hiring dito." Aniya pagkatapos pasadahan ng tingin ang aking resume.

"Po? E, nakapaskil 'to sa labas?"

Hinablot niya ang papel na dala dala ko at pinunit iyon sa harapan ko. "Wala dito. Sa Coleman lang!" Aniya.

Tumango ako. "Okay po. Salamat!"

Tumalikod ako ngunit hindi ko napigilang umirap. Kitang kita na kailangan nila ng crew. Bigla na lang walang hiring? Ang malas ko naman talaga ngayong araw na ito! Alas dos na at ipinangako ko pa naman sa sarili ko na pag tungtong ng alas tres ay maghahanap na ako ng matutuluyan. Last shot na itong Coleman na ito. Kapag hindi ako nakahanap ay bukas na lang ulit. Hindi ako susuko. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
90 Chapters
Chapter 1
BITBIT ko ang lumang luggage ni mama na tanging naipamana niya sa akin. Pag-alis ko ng bahay, maghahanap ako ng trabaho. Hinanda ko na rin ang sarili ko para sa hindi na pagbabalik doon sa bahay."Elisia, itong five hundred lang talaga ang mapapabaon ko sa'yo." Ani Auntie habang binubugahan ako ng sigarilyo."Salamat po, ha, Auntie." Sabi ko habang tinatanggap ang pera na agad hinablot ng kanyang asawa."Ano 'to? Bakit mo binibigyan ang batang 'yan ng ganito ka laking halaga ng pera?" Pinasadahan ako ng tingin ni Uncle habang nilulukot ang five hundred na hinablot galing sa kamay ko.Lumunok ako at napagtantong hindi para sa akin ang perang iyon. Ngayong umangal na si uncle ay malabong nang mapasa akin iyon."Auntie, salamat na lang po-""Umalis ka na nga lang, Elisia! Pabigat ka lang dito!" Sigaw ni uncle sa akin.Nahihiya at naaawang tinitingnan ako ni Auntie habang yumuyuko ako. Kung normal na araw ito ay nasagot ko na si uncle. Kung normal na araw lang sana ito ay kakayanin kong l
last updateLast Updated : 2024-02-19
Read more
Chapter 2
TUMINGALA AKO sa napakalaking building sa harapan ko. May malaking paskil na Job Fair sa first floor.Maraming tao at pakiramdam ko dito na ako makakahanap ng trabaho!Sumabog ang mahaba kong buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Binitiwan ko ang aking luggage para sikupin ang buhok ko bago ako naglakad papasok sa loob ng building. Chineck ng security guard ang bag ko ngunit hindi na ako mapakali dahil sa mga trabahong nag aantay sa akin sa loob."Hetong I.D, miss o. Nandito ka para sa job fair?" Tanong ng guard."Opo, Sir!""Naku! Ba't ngayon ka lang? Ubusan na siguro ng trabaho ngayon? Baka wala na."Namutla ako sa sinabi ng guard. Maaaring tama siya. Pinagmasdan ko ang mga umaalis at masasayang tao dahil nakakuha na ng trabaho."Oh my God! We're officemates!" Tili ng isang babaeng naka mini skirt sa naka corporate attire."Oo nga! I can't believe this! Dream job ko ito!"Anaman ng naka corporate attire na babae.Napalunok ako at napatingin sa pintuan kung nasaan angjob fair. Naki
last updateLast Updated : 2024-02-19
Read more
Chapter 3
KINALKAL ang basurahan para maghanap sa aking resume. Mabilis ko naman itong nakita. Medyo nagusot kaya inayos ko ito. Tatayo na sana ako para makaalis na sa building na iyon. Oo, masakit ang nangyaring iyon pero wala na akong panahon para dibdibin ang lahat. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung saan ako makakatulog sa gabing iyon.Nagulat ako nang may isang kamay akong nakita na nakalahad para sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Kusa akong tumayo at napatingin sa lalaking nakangiti sa harap ko. Maputi siya at pulang pula ang kanyang labi."Sorry sa inasal ng pinsan kong si Lance Coleman. Badtrip lang siguro siya kaya gano'n. I'm Vince." Lahad ulit niya ng kamay sa akin.Tiningnan ko ang kamay niya at mabilis ko itong tinanggap."Elisia po." Sagot ko. "Salamat, pero kailangan ko nang umalis."Luminga linga ako sa paligid at nakita kong bumalik na sa dati ang eksena sa likod. Nawala nga lang si Miggy at iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakita ko si Mr. Lance Coleman na umiigtin
last updateLast Updated : 2024-02-21
Read more
Chapter 4
ALAS DOSE na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Coleman. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Coleman ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doom Hindi matanggal sa isip ko ang naging daing ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong Plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero ma
last updateLast Updated : 2024-03-04
Read more
Chapter 5
HINDI MATANGGAL sa akin ang takot na naramdaman ko kanina nang kinompronta ako ni Lance. Naaalala ko ang panggagalaiti niya sa inis dahil nakita ko siya sa gabing iyon Kung pu-pwede lang baguhin ang nangyari ay pipiliin ko na hindi ko iyon nakita dahil aside sa napapapikit ako tuwing naaalala ko iyon, may sekreto pa akong kailangang itago."Huy, Elisia!" Tawag ni Bea sa akin nang naabutan niya akong tulala sa Lounge.Handa na ako sa part time na sinasabi niya. Naniniwala naman akong hindi ito pagbibenta ng laman dahil may ipinakita siyang mga pictures sa akin sa kanyang cellphone."Ready ka na ba? Mga dadalhin mo?" Tanong niya.Kakarating niya lang. Alas singko na ng hapon at kanina pa ako handa para sa part time na iyon. Aniya'y madalas alas Otso ang alis namin ng grupo patungo sa iba't ibang bar."Anong dadalhin? Akala ko ba may damit na doon?" Sabi ko.Naka simpleng t-shirt lang ako at short pants. Inasahan kong may damit na doon kaya hindi ko inisip na may dadalhin pa ako."Pumps?
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more
Chapter 6
PARANG mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Bea sa kanan,"Bea, wala ka bang-""Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Bea sa isang matandang naninigarilyo.Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Bea."Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo."Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya."Keep the change." Malutong niyang sinabi.Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda roon at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi nama
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more
Chapter 7
NANG dumating ang ala una ay pagod na pagod na ako. Hindi pala biro ang ganitong trabaho. Kaya naman pala isang libo sa isang gabi ay dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito.Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ibigay kay Ma'am ang benta ko. Maligaya si Ma'am dahil marami kaming na benta. Masaya rin ako dahil mas malaki pa sa isang Iibo ang kita ko sa tip. Nakakayaman pala ang trabahong ito."Ayos ka lang?" Ngiti ni Bea na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ang kanyang katawan.Tumango ako at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang Iibo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako ng Iugar kung saan ako titira nang sa ganon ay hindi na ako mag titiyaga sa Coleman Building."Nag ngiting aso si Bea sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang titig."Kanina ko pa napapansin ang pagkakatulala mo." Aniya nang nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa sakayan."Inaantok kasi ako." Sabi ko
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 8
"HINDI mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong Ialaki."Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya."Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala.'Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. 'Alam mo pala na
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 9
SIGURADO akong nagkamali lang si Lance sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong kumin ng lunch ngayon. Empleyado niya lang ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho."Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka-puting v-neck t-shirt na lang siya ngayon. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue."Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Anong plano mo sa akin, Sir. Tatanggalin mo ba ako?""Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig d
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more
Chapter 10
NGUMUSO siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Elisia, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito! "Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles. Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya. Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako. "Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig. Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?" "Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera." Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko! "Ano
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status