ALAS DOSE na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Coleman. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Coleman ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.
Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doom Hindi matanggal sa isip ko ang naging d***g ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.
Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong Plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.
Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero madalas sa kanila ay matatanda na pala. Nakilala ko si Mang Carding, si Aling Nenita, at marami pang iba. Halos lahat sa kanila ay pamilyado at may edad na. Mayroon din namang katulad ni Bea na ka-edad ko lang pero mailap din sila.
"Bibilisan ko ang paglilinis ngayon. Binyag ng apo ko, e." Tumawa si Mang Carding.
Nagulat ako dahil alam kong matanda na si Mang Carding ngunit hindi ko inasahang may apo pala siya!
'May apo na po kayo? Hindi halata!" Nakangisi kong sinabi.
Nakikinig ang ibang mga crew sa amin. May isang kumukuha na ng mga gamit tulad ng mop, basurahan, at iba pa.
"Alam mo naman ang mga bata ngayon, Elisia." Buntong hininga ni Aling Nenita.
"Opo, e. Disisais pa lang 'yong anak ko, may anak na rin. Halakhak at iling ni Mang Carding. "Wala tayong magagawa, anak 'yan e."
Napalunok ako. Bata pa pala ang anak ni Mang Carding at may anak na rin ito. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng kumuha ng mop sa tabi ni Bea.
Half day lang pag Sabado. Lilinisin mo lang ng kaonti dahil wala na namang pumapasok kapag weekends. Ang tanging pumapasok na lang ay 'yong may mga importanteng gagawin at 'yong may mga hindi pa natatapos na mga gawain.
"Tapos na ako!" Sambit noong isang Ialaking pinakamaagang nakarating.
Mabuti pa siya. Naglilinis siya ng mop at kinukuha ang plastic para mailagay na doon sa basurahan sa baba. Nag madali ako sa pagkuha ng gamit at iniisip na nandoon kaya si Mr. Coleman sa taas ngayon? Hindi ko alam,
Pabalik balik na dinilaan ni Bea ang kanyang labi pagkatapos mag lagay ng lipstick. Nakatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
"Elisia..." Hinarap niya ako.
Napatingin ako sa kanya habang tinutulak ang cart kong may lamang mop at iyong mga supply para makapag linis na ako.
"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Dito lang ako."
Ngumisi siya at mabilis siyang lumapit sa akin. "Kasi ganito... may part time job ako kada Friday at Saturday." Aniya. Para siyang batang excited sa sasabihing kwento.
Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka. Kung ito ay patungkol sa pagbebenta ng laman ay aayaw na agad ako pero ang part time job na pagkakakitaan ng pera ay nakakapukaw ng kuryosidad.
"Anong part time job 'yan?"
"Revel at the palace" Aniya.
"Ano 'yan club?" napangiwi ako sa sinabi niya.
"Oo, teh. Mag bibenta tayo ng mga sigarilyo at magse-serve ng alak sa mga bar. Kasi pwede ka, e. Mahaba ang binti mo at atsaka makinis. Pwede ka doon! Kaya lang..." Sumimangot siya habang kinukuha na rin ang cart niya.
Sabay kaming lumabas sa lounge at naghintay kami na umakyat ang elevator.
"Ano? Ano bang gagawin kk?" Tanong ko.
"Magbibenta ng sigarilyo at magse-serve nga mga malalaking bar kung saan-saan. Isang grupo tayo niyan ng mga babae. Magsusuot tayo nong damit nila. Yung maiksi? Tapos magbibenta tayo sa high end bars. Ikaw lang ang maoofferan ko kasi alam mo na, matatanda na 'yong iba at kailangan ng medyo bata. Isang libo ang gabi no'n, eh."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang pera. Hindi ako makapaniwala sa perang mahahakot ko para don! Kulang isang libo na lang ang pera ko ngayon at ang makakuha ulit ng isa pang libo ay nakakaengganyo para sa akin. Malayo pa ang 15 at doon lang ako makakakuha ng apat na libo kaya ang isang libo kada gabi ay sadyang nakakaakit.
"Oh? Edi sige!" Excited kong sinabi.
"Kaya lang baka hindi ka pwede kasi masyado kang bata. Ilang taon ka ba?'
Tumunog ang elevator at nagulat ako nang ang nasa loob roon ay si Mr. Coleman o kasama ang mga pinsan niyang si Vince at Roble. Nag uusap sila at naputol ito nang pumasok kami sa loob. Naestatwa si Bea kaya kinailangan ko pa siyang hilahin para makapasok na kami at makapunta na sa aming mga floor.
Nanlalaki ang mga mata ni Bea pagkasakay namin at pagkasarado ng elevator.
"Saan kayo mga miss?" Tanong ni Vince sa likod namin.
Pareho kaming nasa harap ni Bea. Humakbang si Vince sa harap namin at bahagyang tumabi si Mr. Coleman.
"40th ako. Hindi ko alam kay Bea. Saan sa'yo?" Tanong ko.
"30th sa F-Finance." Nauutal niyang sambit.
Tumahimik ako at yumuko. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang titig ni Mr. Coleman sa akin. Hindi ko naproseso agad ang kanyang suot. Hindi tulad kahapon na sobrang pormal niya, ngayon ay nakaitim na shorts siya at naka puting v neck na t shirt. Dinungaw ko ang kanyang sapatos na may malaking check sa gilid.
Tahimik lang kaming lima. Nanatili parin akong nakayuko at nanatili naman ang mga mata ni Mr. Coleman sa akin. Sa akin ba talaga? O baka naman nakatitig siya sa kay Mia na nasa gilid ko? Humalukipkip siya. Sa galaw niyang iyon ay unti unti ko siyang nilingon at nagulat ako nang sa akin nga nakatitig ang mabibigat niyang mga mata.
Halos tumigil ako sa pag hinga at mabilis akong yumuko ulit. Bakit siya nakatitig sa akin? May narinig akong halakhak sa likod at alam kong si Roble iyon dahil siya na lang ang nasa likod namin ni Bea.
Tumunog ang elevator at bumukas ito. May nakita akong Financial Dept. sa taas at nakuha kong dito na baba si Mia na hindi parin gumagalaw sa sobrang gulat. Ano bang ikinagugulat nito?
"Bea-" Sabay Siko ko sa kanya.
Napatalon siya at mabilis na umalis doon. Ngumuso si Vince sa inasta ni Bea. Kitang-kita ko ang pula niyang mukha habang umaalis. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong hindi ko nga pala siya nasagot.
"Bea! Twenty na ako! Pwede na ako doon!" Sabi ko at tumango siya bago sumara ang pintuan ng elevator,
Mabilis pa ang pintig ng puso ko dahil sa huli kong sinabi kay Bea. Mukha ba akong bata sa paningin niya? Sa bagay, kakabente ko lang naman.
"Oh, twenty ka na, Elisia? Tanong ng nasa likod kong si Roble.
Nilingon ko siya at nginitian. "Opo, Sir. Kakatwenty ko lang.
"Wag mo na ako tawaging sir. I'm not your boss. Pinsan lang kami ni Lance." Aniya at nilingon niya si Mr. Coleman.
Tumango ako at nag iwas ng tingin kay Mr. Lance Coleman. Hindi ko siya matingnan dahil naaalala ko iyong nangyari kagabi. Hindi ko talaga magawa. Hinigpitan ko ang kapit ko sa cart habang naghihintay sa 40th floor.
Napansin kong silang tatlo pala talaga ang naka sports attire. May dala pang malaking bag si Vince na may malaking check din.
Tumingala ako at naghintay ulit. Iginala ko na lang ang paningin ko sa mga sulok ng elevator.
"I said I won't be here." Ani Vince at humalukipkip.
"Come on, dude. Just until next week." Ani Roble sa likod ko.
"Aalis ako. May gig lang bukas kaya ako nandito." Ani Vince.
Habang nag uusap sila ay batid ko ang mga titig ni Lance sa gilid ko. Kung hindi lang tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan ay iisipin ko nang tulala siya sa akin. Nagulat ako nang una siyang lumabas. Mabilis at matigas ang bawat hakbang niya habang tinatapon ang bag sa sofa. Dumiretso siya sa kanyang table.
Tinulak ko ang cart at nag isip kung saan ako magsisimula. Pano nga ba ito? Nandito nga pala sila? Siguro ay magpupunas na lang ako ng bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang malalaking salamin mula kisame hanggang sahig.
lyon nga siguro ang gagawin ko.
"Kainis ka naman. Ang arte mo." Ani Roble.
Humalakhak si Roble. "Lance will be there, anyway. Don't be a baby, Roble."
Nag asaran ang dalawa. Mukha atang hindi masyadong nagsaalita si Mr. Coleman ah? Nilingon ko ang kanyang mesa at nakita kong nakatukod ang dalawa niyang kamay doon habang nakatayo siya at nakatingin sa akin. Bumagsak ang tingin niya nang naabutan ko siyang tumitingin. Pinagmasdan ko na lang ang hawak kong wiper at glass cleaner. Ano yon? Ba't siya nakatingin.
"Damn, Lance. Wala kang tubig sa fridge mo?" bagot na sinabi ni Roble habang tinitingnan ang loob ng malaking ref ni Lance.
"Ano?" Sigaw ni Roble at lumapit sa ref na nakatayo sa malayong gilid.
"I forgot." Matigas na sinabi ni Mr. Coleman. "Ipapahatid ko na lang dito." Aniya at mabilis na nilagay ang telepono sa kanyang tainga.
Mr. Coleman. Kumuha ako ng matutungtungang stool at para makapagsimula na sa paglilinis ng salamin.
Si Mr. Coleman. Hindi bagay sa kanya ang tawaging ganon.
Mukha namang hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.
Kakutya-kutya na may sinasabi na siya sa stock market sa ganong edad. Ibang klase talaga pag ipinanganak kang mayaman. Wala nang problema sa trabaho at pera. Pero ang Lance... nababagay sa kanya. Bagay dahil mukha siyang Iaging galit.
Naiirita ako sa malaki at medyo maluwang kong pants. Baka mamaya pagkatungtong ko sa stool ay matalisod pa ako dahil dito, Lance, huh.
"Lance, matagal pa ba iyan? Madedehydrate ako nito." Ani Vince.
"Wait for me downstairs, then! I'm checking the database, Matatagalan pa ang tubig." Malamig na sinabi ni Lance habang may tinitingnan sa kanyang laptop.
Nakita niya na naman akong nakatingin sa kanya kaya tumingin ulit siya sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin
Natatawa na si Roble at parang may binubulong siya kay Vince.
"Oh no, you don't-" Natatawang sinabi ni Vince.
"Jesus, Vince! Just get out of my office and drink your milk downstairs! Susunod ako in fifteen minutes!" Ani Lance.
Humahagikhik si Roble habang kinukuha ang kanyang bag at pinipindot ang elevator. Si Vince ay tamad na naglalakad at nanunuya pa kay Lance,
"Go away!" Ani Lance habang nag tatype sa kanyang laptop.
"Whatever you say, cousin." Ani Vince at sumunod na kay Roble sa elevator.
Nagtatawanan silang dalawa. Hindi maipagkakaila na magpinsan nga ang tato. May kakaibang pang dayuhang mga features sila sa mukha na hindi ko mailarawan. Kakaiba ang kulay ng mga mata ni Vince, matangkad siya, malaki ang pangangatawan, matangos ang ilong at maganda ang ngiti. Si Roble naman ay may buhok na mukhang kahit anong gulo niya ay maganda parin ang kalalabasan, expressive ang kanyang mga mata Ialo na pag ngumingiti.
Halatang marami na siyang nabibihag na babae dahil doon. At syempre... si Lance...
"You were here last night?"
Napatalon ako sa tanong niya. Binaba ko ang wiper at nagkunwari akong hinuhugasan ito habang sinasagot siya.
"Opo. Naglinis." Mariin kong sinabi.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nakita ko siyang sinarado ang kanyang laptop. May kinuha siya sa drawer at may kung anong sinulat sa papel.
Bumaba ako sa stool para linisan ang babang parte ng salamin. Mahirap palang linisin ang opisina niya kasi ang laki ng mga salamin.
"Don't lie to me, Elisia." Malamig niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatayo at nakahilig siya ngayon sa harap ng kanyang mesa. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin niya sa akin.
Doon yong pinangyarihan mismo ng nangyari kagabi kasama 'yong... 'yong girlfriend niya!
Napakurap kurap ako nang naalala ko ulit iyon. Mas Ialong nag dilim ang kanyang titig sa akin.
"You saw me." Aniya.
Nangangapa ako ng salita. Hindi niya naman ako nilingon kagabi, imposibleng nakita niya ako! Paano niya ako nakita? Hindi ko alam.
"Ang sabi ni Mrs. Chiu, wala ng tao dito pagdating ng alas diyes kaya umakyat ako ng 1 0:15." Paliwanag ko.
Humakbang siya palapit sa sofa at pinulot niya ang kanyang bag.
Magaling, Elisia! Kakasimula mo pa lang ay mukhang matatanggal ka na ng lintek na Lance na 'yan sa trabaho! Magaling! Ngayon, itatapon na ako at maghahanap na ako ng dyaryong ilalatag ko sa Luneta para higaan mamayang gabi!
"H-Hindi ko naman sasabhin 'yung mga nakita ko, Sir. Wala po akong pakealam kung anong gagawin ninyo ng girlfriend niyo. Sa susunod po, alas onse na ako aakyat para makasigurado." Mabilis kong sinabi sa takot na balibagin niya ako sa trabahong ito.
"Stay away." Aniya. "Kagabi..." Lumunok siya. "Hindi ako makatulog dahil alam kong nakatingin ka habang ginagawa ko iyon sa kanya. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa'yo. And she's not my girlfriend. I don't have a girlfriend, Elisia."
Shit! Nagkamali pa ako? Lagot na talaga ako nito! Baka kakasuhan niya ako ng libel dahil sa pagsasabi ng mga bagay na hindi naman pala totoo.
"Sorry po, hindi ko alam na hindi mo 'yon girlfriend, Sir. Hindi na po mauulit 'yong panonood ko. Hindi ko rin po talaga sasabihin sa iba." Sabi ko at nanginginig na ang buong sistema ko sa takot na mawalan ako ng trabaho!
Nanliit ang mga mata ni Lance at nag igting ang kanyang panga. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Just stay the fuck away."
Nanlaki ang mga mata ko at pinanood ko siyang parang napapasong umaalis ng opisina niya. Hindi pa niya ako tinatanggal. Stay away, iyon lang ang naging bilin niya sa akin! Thank you, Lord!
HINDI MATANGGAL sa akin ang takot na naramdaman ko kanina nang kinompronta ako ni Lance. Naaalala ko ang panggagalaiti niya sa inis dahil nakita ko siya sa gabing iyon Kung pu-pwede lang baguhin ang nangyari ay pipiliin ko na hindi ko iyon nakita dahil aside sa napapapikit ako tuwing naaalala ko iyon, may sekreto pa akong kailangang itago."Huy, Elisia!" Tawag ni Bea sa akin nang naabutan niya akong tulala sa Lounge.Handa na ako sa part time na sinasabi niya. Naniniwala naman akong hindi ito pagbibenta ng laman dahil may ipinakita siyang mga pictures sa akin sa kanyang cellphone."Ready ka na ba? Mga dadalhin mo?" Tanong niya.Kakarating niya lang. Alas singko na ng hapon at kanina pa ako handa para sa part time na iyon. Aniya'y madalas alas Otso ang alis namin ng grupo patungo sa iba't ibang bar."Anong dadalhin? Akala ko ba may damit na doon?" Sabi ko.Naka simpleng t-shirt lang ako at short pants. Inasahan kong may damit na doon kaya hindi ko inisip na may dadalhin pa ako."Pumps?
PARANG mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Bea sa kanan,"Bea, wala ka bang-""Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Bea sa isang matandang naninigarilyo.Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Bea."Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo."Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya."Keep the change." Malutong niyang sinabi.Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda roon at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi nama
NANG dumating ang ala una ay pagod na pagod na ako. Hindi pala biro ang ganitong trabaho. Kaya naman pala isang libo sa isang gabi ay dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito.Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ibigay kay Ma'am ang benta ko. Maligaya si Ma'am dahil marami kaming na benta. Masaya rin ako dahil mas malaki pa sa isang Iibo ang kita ko sa tip. Nakakayaman pala ang trabahong ito."Ayos ka lang?" Ngiti ni Bea na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ang kanyang katawan.Tumango ako at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang Iibo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako ng Iugar kung saan ako titira nang sa ganon ay hindi na ako mag titiyaga sa Coleman Building."Nag ngiting aso si Bea sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang titig."Kanina ko pa napapansin ang pagkakatulala mo." Aniya nang nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa sakayan."Inaantok kasi ako." Sabi ko
"HINDI mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong Ialaki."Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya."Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala.'Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. 'Alam mo pala na
SIGURADO akong nagkamali lang si Lance sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong kumin ng lunch ngayon. Empleyado niya lang ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho."Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka-puting v-neck t-shirt na lang siya ngayon. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue."Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Anong plano mo sa akin, Sir. Tatanggalin mo ba ako?""Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig d
NGUMUSO siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Elisia, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito! "Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles. Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya. Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako. "Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig. Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?" "Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera." Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko! "Ano
GUSTO kong isipin na paranoid lang si Bea at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Bea kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Bea tungkol kay Lance pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Lance sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin."670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Chiu sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Bea, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan."Naku, ganon po ba?"Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa h
SA MGA huling sinabi niya, naramdaman ko ulit ang agwat ng mundo naming dalawa. Tama si Bea, kahit kailan ay hindi magiging magkapareho ang mundo naming dalawa.Matayog siya, mababa ako. Hibang na ako kung iisipin kong posible ang mga bagay na iyon dahil lang sa mga ipinapakita sa TV."Elisia," Nagulat ako nang napadpad si Mrs. Chiu sa Lounge.Madalas kasi siyang busy sa mga payroll ng mga crew at kung anu-ano pang mga bagay sa kanyang trabaho. Ang makita siya sa 15 floor ay nakakagulat. Mabilis na tumatayo ang mga nakaupo sa sofa sa takot na masabihan ni Mrs. Chiu na walang ginagawa."PO?" Tumayo rin ako sa gulat na nandito siya,"Ang sabi ng secretary ni Mr. Coleman maaga daw siya uuwi ngayon. Baka wala na siya by seven." Ngiti ni Mrs. Chiu sabay ayos sa kanyang salamin.Tumango ako.Nilagpasan niya ako para kausapin ang isang Ialaking crew din na ani Bea ay palaging nag Ii-leave nitong mga nakaraang araw. Sinundan ko siya ng tingin. Natigil lang ako nang sikuhin ako ni Bea."30 Mi
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al