INTERESADO si Bea sa anyaya ni Roble sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng address ng bahay na pupuntahan namin kahit na mukha siyang windang habang kinakausap si Roble. 'May boyfriend ka na Bea!" Paalala ko sa kanya nang nanginginig ang kamay niya habang binabasa iyong sinulatan ni Roble ng address."Oo, meron, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako pwedeng pumunta sa party, Elisia. Ang saya kaya nito atsaka minsan lang tayo maimbitahan sa party-ing pang mayaman!"Ngumiwi ako. "Kaya nga ayaw kong pumunta. Magmumukha tayong yaya don!" Sabi ko."Ano ka?" Napatingin siya sakin. "Hahayaan ko ba 'yon? Syempre hindi pwedeng mangyari satin 'yon! Tsaka hindi tayo magtatagal. Kung ala una tayo matapos bukas edi magbibihis tayo ng damit tapos diretso na tayo sa party."Marami pa siyang sinabing plano tungkol sa party. Panay naman ang ngiwi ko dahil ayaw kong pumunta. Lahat ng alibi ay sinabi ko na sa kanya para lang hindi ako makapunta."Wala akong dress." Sabi ko,"Ako meron." Aniya."Edi ik
IRITADO ako sa lahat. Sa pagsulpot ni Lance, sa babaeng nang mamaliit sa akin, sa lahat ng mga nakatingin sa akin ngayon Nakakahiya."Bitiwan mo ako." Nabuo ko pa ang mga salitang iyan sa gitna ng paghatak niya sa akin.Parang wala siyang narinig nang hinatak niya ako papasok sa loob ng bahay. Nakita ko na sinundan kami ng tingin ni Roble habang naka upo siya sa sofa. Natigil lang si Lance sa paglalakad nang may humarang na babae sa amin."Lance, sino 'yang kasama mo?" Napangiwi ang babae sa akin.Itinago ko ang takong sa likod ko. Inayos ko rin ang tayo ko pero nakita niya parin na nasira ang pumps ko. Amoy sigarilyo na sa loob ng living room ng bahay. Hindi lang iyon, abala pa ang mga tao sa pagsasayaw at masasabi kong mas grabe pa ang nangyayari dito kumpara sa nangyayari sa mga bar."Just my employee, Lea." Ani Lance.Humigpit ang hawak niya sa pulso ko. Napatingin ako sa pagngiwi ni Lea sa akin. Just. My. Employee. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko lang maiwasang hindi makar
"IBABA mo na ako." Sabi ko ngunit parang wala siyang narinig.Gamit ang kamay niyang nakahawak sa binti ko ay binuksan niya ang pintuan ng isang maliwanag na kwarto. Nagulat ako nang nakita ko ang laman ng kwartong iyon. Puno iyon ng mga equipments na madalas ay makikita mo sa isang gym May treadmill kami sa bahay namin noon ni mama kaya alam kong mukhang gym ito sa parte ng bahay ni Lance. lilang equipment ang nakalatag sa gilid.Binaba niya ako sa ring ng boxing. Umamba akong tatayo pero hindi ko nagawa dahil lumuhod siya at hinubad niya ang sira kong pumps. Ngayong naliwanagan na ang pumps na iyon ay nakita ko na halos mag fade na ang kulay nito. Wala na iyon sa magandang kundisyon. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko parin iyong suotin kahit na hindi na pala non kaya ang isa pang gabi.Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood ko ang pagtabi niya ng pumps sa gilid ng ring. Umayos ako sa pag upo nang tumayo siya ngunit naramdaman ko sa likod at ulo ko ang lubid na nakapalibot sa b
PINAPANOOD niya lang ako habang tinitingnan ko ang mga nagsasayaw sa dancefloor. Kung sana ay tulungan niya na lang akong mahanap si Bea ay maaayos na ang lahat ng ito. Wala yata siyang planong tumulong dahil nakatingin lang siya sa akin.Tatakpan ko sana ng palad ko ang aking labi ngunit napagtanto kong masyadong malaki pala itong pinasuot niyang jacket sa akin kaya naamoy ko ang bango ng cuffs nito. Humikab ako at gusto ko kaagad magpasalamat sa kanya sa jacket na pinasuot. Nilalamig ako kanina pero hindi ko lang iniinda, at ngayong may jacket na, nawala na ang lamig na naramdaman ko."Wait here. Kunin ko si Bea sa gitna." Sabi niya nang namataan namin si Bea na nagsasayaw na parang baliw sa gitna.Hindi na ako nakaangal. Tumayo na lang ako doon. Batid ko ang mga titig ng mga tao kanina. Hindi ko alam kung natatakot ba silang punahin na magkasama kami ni Lance o ano pero kita sa mga mata nila ang hindi pag sang ayon sa pagsama niya sa akin."Elisia! Andito ka lang pala!" Maligayang
NAPATINGIN ulit ako sa likod at nakita kong tulog na si Bea ng nakangiti. Patay ako kay Eric nito pag nakita niyang umuwi si Bea na lasing. Alam naman kaya ni Eric na nagpunta kami ng party? Paano kung hindi? Ugh!"Alam mo kung saan ang bahay nila?" Tanong ni Lance sa akinUmiling ako. "Ang alam ko lang ay kina Aling Nenita siya tumitira." Sabi ko.Tumango si Lance at niliko niya agad ang kanyang sasakyan. "Alam ko kung saan 'yon."Mabuti naman pala kung ganon. Hindi na namin kailangang gisingin si Bea para magtanong. Hinayaan ko lang na matulog si Bea nang sa ganon ay pag nakarating na kami ay mahimasmasan na siya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan ni Lance. Halos may marinig na akong mga insekto kung saan saan dahil sa katahimikan naming dalawa."I-I m sorry for What happened." Basag niya sa katahimikan.Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry o para saan. Ang dapat na magsorry ay ako. "Sorry dahil nagpunta pa kami."Narinig ko na naman ang malakas niyang buntong hininga. "Invited
TULUYAN akong pumasok sa opisina. Nakita ko kaagad sa sofa na naka number 4 na upo si Roble, pinapanood ako. Sa gilid niya ay si Kid na pagkakita sa akin ay agad lumapit.Uminit ang pisngi ko. Ngayong naka uniporme ako ng pang janitress at nagtutulak ng cart na kulay yellow ay mas lalong naisigaw ang agwat ko sa kanilang Iahat. Si Kid ay naka kulay sky blue na polo shirt, si Roble ay naka kulay grey na vneck, at si Lance ay naka longsleeve na nakatupi hanggang siko."Thanks, Tam. You may go." Ani Lance sa babaeng kausap."Hi, Elisia!" Panimula ni Kid habang nilalapitan ang cart ko.Hindi ako makatingin sa kanya. Nag simula na lang akong mag walis sa sahig, "Hello, Sir!""You busy?" Tanong ni Kid."Obviously, Kid." Iritadong sinabi ni Lance galing sa kanyang table.Hindi ako nag angat ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Ito ang nag papaalala sa akin kung saan talaga ako nababagay. Sampal ng katotohanan. Kung bakit ako nangangarap nitong mga nakaraang araw na sana ay iba
HINDI ko napawi ang ngiti ko habang pababa ng 15th floor. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Naaalala ko ang galit na mukha ni Lance ay mas lalo akong napapangisi. Kinagat ko ang labi ko. Kung ano man iyong iniiwasan kong bitag ay pakiramdam ko tuluyan ko ng naapakan.Tumunog ang elevator sa kabila, halos kasabay ng paglabas ko. Tinulak ko ang cart habang iniisip pa rin ang lahat ng nangyari kanina.Walang tao sa corridor. Siguro ay naglilinis ang lahat sa kani kanilang floor. ltutulak ko na sana ang pintuan papasok sa Lounge nang biglang hinila ang kamay ko at ibinaon sa dingding. Napapikit ako sa gulat. Nang dumilat ako ay nalaglag ang panga ko nang nakita ko si Lance na hinahabol ang hininga."You can't date my friend, Eli." Mariin niyang sinabi.Tinikom ko ang bibig ko at agad kong binawi ang kamay kong ibinaon niya sa dingding. "Bakit?"Nagulat siya sa tanong ko. Kung akala niyang papayag na lang ako sa gusto niya dahil boss ko siya ay nagkakamali siya. Kailangan ko
BUMABAGABAG sa akin ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Una ay iyong tungkol kay Eric, sunod naman ay iyong tungkol kay Kid, at pang huli ay iyong kay Lance.Tama kaya ang desisyon kong ito? Tama kaya na pupunta ako kina Lance para sa dinner na sinasabi ni Kid? Wala ng oras sa pag iisip. Ilang minuto na lang ay bababa na si Bea para makapag ayos na at makababa na kami sa building. Susunduin daw kami ni Kid. Maagang umuwi si Lance kaya kanina ko pa natapos ang paglilinis sa kanyang opisina.Kinuha ko kaagad ang jacket na pinahiram niya sa akin nong birthday ni Roble. Kailangan ko itong isoli sa kanya. Mukhang mamahalin at nahihiya na nga ako dahil medyo matagal nang naibalik ko ito. Pahirapan kasi sa paglalaba dito sa Lounge. Nahihiya akong gumamit ng tubig. Minsan lang ako nakakapag laba kaya halos ubusan ng damit ang nangyayari sa akin araw-araw.Mabuti na lang at may natitira pa akong damit. Naka maong na pants ako at isang simpleng puting sleeveless. Bumukas ang pintuan at bumun
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al