HINDI ko napawi ang ngiti ko habang pababa ng 15th floor. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Naaalala ko ang galit na mukha ni Lance ay mas lalo akong napapangisi. Kinagat ko ang labi ko. Kung ano man iyong iniiwasan kong bitag ay pakiramdam ko tuluyan ko ng naapakan.Tumunog ang elevator sa kabila, halos kasabay ng paglabas ko. Tinulak ko ang cart habang iniisip pa rin ang lahat ng nangyari kanina.Walang tao sa corridor. Siguro ay naglilinis ang lahat sa kani kanilang floor. ltutulak ko na sana ang pintuan papasok sa Lounge nang biglang hinila ang kamay ko at ibinaon sa dingding. Napapikit ako sa gulat. Nang dumilat ako ay nalaglag ang panga ko nang nakita ko si Lance na hinahabol ang hininga."You can't date my friend, Eli." Mariin niyang sinabi.Tinikom ko ang bibig ko at agad kong binawi ang kamay kong ibinaon niya sa dingding. "Bakit?"Nagulat siya sa tanong ko. Kung akala niyang papayag na lang ako sa gusto niya dahil boss ko siya ay nagkakamali siya. Kailangan ko
BUMABAGABAG sa akin ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Una ay iyong tungkol kay Eric, sunod naman ay iyong tungkol kay Kid, at pang huli ay iyong kay Lance.Tama kaya ang desisyon kong ito? Tama kaya na pupunta ako kina Lance para sa dinner na sinasabi ni Kid? Wala ng oras sa pag iisip. Ilang minuto na lang ay bababa na si Bea para makapag ayos na at makababa na kami sa building. Susunduin daw kami ni Kid. Maagang umuwi si Lance kaya kanina ko pa natapos ang paglilinis sa kanyang opisina.Kinuha ko kaagad ang jacket na pinahiram niya sa akin nong birthday ni Roble. Kailangan ko itong isoli sa kanya. Mukhang mamahalin at nahihiya na nga ako dahil medyo matagal nang naibalik ko ito. Pahirapan kasi sa paglalaba dito sa Lounge. Nahihiya akong gumamit ng tubig. Minsan lang ako nakakapag laba kaya halos ubusan ng damit ang nangyayari sa akin araw-araw.Mabuti na lang at may natitira pa akong damit. Naka maong na pants ako at isang simpleng puting sleeveless. Bumukas ang pintuan at bumun
MAS namangha ako sa bahay ni Lance nang pumasok kami. Kulay dark brown at cream ang kumbinasyon ng kulay sa buong bahay. Marami din ang glass tulad na lang ng malaking glass door sa living room palabas doon sa may pool. Dark brown ang carpet. Sobrang Iiwanag dahil sa mga ilaw. Hindi tulad ng una kong pagpunta dito, umaalingawngaw ngayon ang stereo nila ng mga instrumental music. Tumambad agad sa akin si Roble na naka sleeveless na mukhang gutay gutay habang nag bi-billiard sa may malaking living room. May kasama siyang dalawang makikinis na babae na parehong mukhang mabait, elegante, at anak mayaman. "Jacq, good shot! You're amazing!" Naabutan namin siyang pinupuri iyong mahinhing nakapasok ng billiard ball, "Roble!" Sabi ni Kid sabay high five sa kaibigan. "Uyy! Nandito na pala kayo! Bilisan mo, I'm hungry." Ani Roble sabay tingin sa akin at ngisi. "Kat, Jacq!" Nag beso si Kid sa dalawang kasama ni Roble. "Give me thirty minutes in the kitchen." Tawa ni Kid. Luminga linga ako s
HINDI ko siya maintindihan. Gusto niyang lumayo ako sa kanya pero siya na mismo ang nagbibigay sa akin ng motibo para lumapit. Ang hirap hirap niyang basahin dahil sobrang misteryoso ng kanyang mga kilos.Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng ideya na nahuhulog na ako sa kanya. Nakikita ba iyon sa mukha ko? Sa kilos ko? Hindi ko alam. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang iwasan siya dahil naiirita ako sa pagiging misteryoso niya."Oh? Namumutla ka?" Nag taas ng kilay si Bea nang nakababa na ako."Ah, wala 'to." Sambit ko at umupo na sa tabi niya doon sa sofa."Asan si Sir Lance, nahanap mo?" Tanong niya.Tumango ako at lumunok. Napagtanto kong dalawang linggo na lang ay aalis na rin naman ako sa Coleman kaya di ko na siya makikita. Magiging maayos din ako!"Saan? Bakit di bumababa?" Tanong ni Bea."Ayon, nag ji-gym." Sagot ko naman habang kinukuha sa bulsa ko ang cellphone na binigay ni Kid.Binuksan ko iyon at nagreklamo agad dahil walang sim.Kailangan ko palang bumili ng sim. May
GAYUNPAMAN ay hindi ako tinigilan ni Kid. Habang nag uusap silang lahat sa hapag ay nilapit niya ang ulo niya sa akin para bumulong."What are your plans? Saan ka magtatrabaho?"Uminom ako ng juice bago siya sinagot. "Doon sa club. May plano kasi akong mag aral.""Oh, that's good! A good plan." Namangha si Kid sa akin kaya napangiti ako sa kanya."Kid. ' Mariing sinabi ni Lance habang nilalapag ang iniinom na tubig.Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya kay Kid."Pagkatapos nating kumain, let's play pool?" Damon ni Lance.Tumawa si Kid. "Pwedeng kayo na lang ni Roble, Lance. I want to spend quality time with Elisia here." sabay angat niya sa mukha ko at ngisi.Hindi ako sanay sa mga paghaplos niya sa akin ngunit di ako umangal."Are you scared, Kid?" Nagtaas ng kilay si Lance at tumindig ang balahibo ko sa tanong niya.Nilingon agad siya ni Kid nang nakakunot ang noo. Kitang kita ko ang tangos ng ilong ni Kid sa kinauupuan ko. At alam ko kung ano ang ginagawa ni Lance. Gust
TUMIGIL ako sa paglalaro. Ibinigay ko kay Kid ang taco at maligaya naman niyang tinanggap iyon. Kahit na umangal si Lance sa ginawa ko ay mas nangibabaw ang determinasyon ni Kld na manalo kay Lance.Umupo ako sa tabi ni Bea. Naka ngiting aso siyang pinapanood ako sa gilid ng aking mga mata. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil naka pirmi ang titig ko sa kay Lance na tuwing nakaka score ay sumusulyap at ngumingisi sa akin.Yabang!"Kid!" Sigaw ni Bea sa seryosong tumitirang si Kid.Nilingon siya ni Kid pagkatapos tumira at naka score. "Bilisan mo na diyan, mas mabilis kang matapos, mas makakapag usap kayo ni Elisia."Ngumuso agad si Lance sa narinig kay Bea.Sumang ayon si Kid kay Bea, dahilan kung bakit mas lalong lumaki ang ngisi ni Bea pabalik sa akin. Umiling ako sa kanya ngunit wala na yata talagang makakapigil sa bibig niya.Nakita kong hinaplos ni Jacq ang braso ni Lance. May binulong siya sa tainga ni Lance pagkatapos ay ngumisi. Hindi man lang natinag ang ekspresyon nl La
NANG dumating ang Biyernes ay naging abala ulit ako sa pag poproseso ng mga papeles. Ginawan ako ng schedule sa Sabado ng exam at sa Lunes ay Pwede na akong mag enrol.Dalawang linggo na lang at sisimulan na ang pasukan sa September kaya kinailangan ko na ring gumawa ng resignation letter. Ipapasa ko na ito kay Mrs Chiu at ilalagay ko lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa pag alis ko.Bago pa lang ako dito at hindi ko maipagkakailang maganda makitungo ang management. Talagang matayog lang ang pangarap ko para tumigil na lang dito.lyon ang naging laman ng utak ko buong gabi ng pag du-duty kasama si Bea. Tuwing nakikita ko rin nga si Bea ay naaalala ko ang nakitang si Eric noong isang araw. Lagi kong binabantayan ang ekspresyon niya tuwing nagkikita kami sa umaga, kung maayos ba siya o mukhang may problema. So far, wala naman siyang problema kaya inisip ko baka hindi nga si Eric ang nakita ko noong isang araw."Okay, I hour dito." Sabi ni Ma'am nang nakarating kami sa parehong s
BINAWI ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Lance. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para gawin iyon kahit na kinakabahan ako at nanghihina sa harap niya. Wala siyang karapatang gawin iyon! Dahil hinding hindi ko siya kailanman maiintindihan. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya patungo sa akin. Ayokong isipin na dahil iyon sa estado ng aking buhay pero iyon lang ang tangi kong nahihinuha.Hindi niya na ako sinundan nang umalis ako. Siguro ay nalaman niya rin ang pagkakamali ng mga sinabi niya sa akin.Nang datnan ako ni Bea ay nagmadali na kaming umalis doon.Lumipas ang ilang araw at nagpasalamat ako dahil madalas akong itext ni Kid. Nakakalimutan ko ang pangyayaring iyon. Mas naiirita lang ako sa kanya dahil sa opisina ay madalas halos hindi niya ako tingnan."Good morning, Lance!" Umalingawngaw ang boses ni Kid sa loob ng opisina habang nag lilinis ako.Nasa loob rin ang ibang head ng mga offices at kanina pa sila nag uusap tungkol sa isang inverstor na ayaw papa
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al