NANG dumating ang Biyernes ay naging abala ulit ako sa pag poproseso ng mga papeles. Ginawan ako ng schedule sa Sabado ng exam at sa Lunes ay Pwede na akong mag enrol.Dalawang linggo na lang at sisimulan na ang pasukan sa September kaya kinailangan ko na ring gumawa ng resignation letter. Ipapasa ko na ito kay Mrs Chiu at ilalagay ko lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa pag alis ko.Bago pa lang ako dito at hindi ko maipagkakailang maganda makitungo ang management. Talagang matayog lang ang pangarap ko para tumigil na lang dito.lyon ang naging laman ng utak ko buong gabi ng pag du-duty kasama si Bea. Tuwing nakikita ko rin nga si Bea ay naaalala ko ang nakitang si Eric noong isang araw. Lagi kong binabantayan ang ekspresyon niya tuwing nagkikita kami sa umaga, kung maayos ba siya o mukhang may problema. So far, wala naman siyang problema kaya inisip ko baka hindi nga si Eric ang nakita ko noong isang araw."Okay, I hour dito." Sabi ni Ma'am nang nakarating kami sa parehong s
BINAWI ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Lance. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para gawin iyon kahit na kinakabahan ako at nanghihina sa harap niya. Wala siyang karapatang gawin iyon! Dahil hinding hindi ko siya kailanman maiintindihan. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya patungo sa akin. Ayokong isipin na dahil iyon sa estado ng aking buhay pero iyon lang ang tangi kong nahihinuha.Hindi niya na ako sinundan nang umalis ako. Siguro ay nalaman niya rin ang pagkakamali ng mga sinabi niya sa akin.Nang datnan ako ni Bea ay nagmadali na kaming umalis doon.Lumipas ang ilang araw at nagpasalamat ako dahil madalas akong itext ni Kid. Nakakalimutan ko ang pangyayaring iyon. Mas naiirita lang ako sa kanya dahil sa opisina ay madalas halos hindi niya ako tingnan."Good morning, Lance!" Umalingawngaw ang boses ni Kid sa loob ng opisina habang nag lilinis ako.Nasa loob rin ang ibang head ng mga offices at kanina pa sila nag uusap tungkol sa isang inverstor na ayaw papa
KINABAHAN agad ako nang nakita ko ang titig ni Lance sa akin. Nag iwas ako ng tingin kay Kid at hindi niya namalayan na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Binati niya lang si Lance. Sa kaba ko ay nagmadali na ako sa elevator."Done for today, Lance? Uuwi ka na?" Narinig kong maligayang tanong ni Kid nang nakapasok na ako sa elevator.Pareho silang dalawang nakatingin sa akin. Si Kid ay nakangiti habang si Lance naman ay nakabusangot. Bago pa nakasagot si Lance kay Kid ay sumarado na ang pintuan ng elevator.Hindi ako makapag concentrate sa kahit ano. Marami akong iniisip. Tulad na lang ng kiss ni Kid, titig ni Lance, at ang hagulhol ni Bea. Ngunit nang nakapasok ako sa Lounge at narinig ko kaagad ang pag tangis ni Bea ay napalitan na agad ang mga iniisip ko sa problema niya.Nagmamascara si Bea kahit na nag lilinis kami ng building kaya kitang kita ko kung paano nalusaw iyon sa baba ng mga mata niya. Itim ang Iuha niya dahil don at namumugto ang mga mata niya.Mabilis ko siyang dina
IBIG niya bang sabihin ay gusto niya sanang halikan ako kaso hinalikan ako ni Kid? Wala akong ibang maisip kundi iyon.Ayaw kong mag assume pero iyon ang nararamdaman ko.Tahimik kami sa byahe pauwi. Saka lang siya nagsalita ulit nang natagalan kami sa traffic. Ikinagulat ko rin ang naging tanong niya."Siya ba ang first kiss mo?" Tanong niyang bigla."Uhm..." umiling ako.Dalawang beses siyang sumulyap sa akin at kumunot pa lalo ang noo niya. "Sino ang first kiss mo?""Nong highschool. Tinulak ako ng mga kaklase ko kaya ayon, aksidente." Pinanood ko ang mga mata niyang nakapirmi sa kalsada."Anong pangalan nung first kiss mo?"Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "Bakit kailangan mong malaman?""Nevermind." Sambit niya at nag iwas ng tingin sa kalsada.Hindi na ako nakapagsalita. Tahimik na rin siya hanggang sa bumaba ako sa labas ng building. Nilingon ko siya para magpasalamat ngunit hindi man lang siya tumingin sa akinNaalala ko ulit ang sinabi niya kanina. Hahalikan niya ba ak
HUMAGALPAK si Bea sa loob. Hindi ko alam kung healthy pa ba siya o nababaliw na. Normal kaya siya o hindi na? Pinapanood ko lang siya habang nagbibihis ako. Panay ang salita niya at hindi ako makapaniwalang natigil siya sa pag iyak niya."Kita mo ang mukha ni Lance? Mukha siyang nagmamaktol na ama!" Tumawa si Bea."Bea, ano ba... tumigil ka nga. Baka marinig niya tayo." Sabi ko at pinanood ko siyang tumawa ng malakas.Umiling ako at halos maisip ko na talagang baliw na siya.Saka lang nag sink in sa aking utak na kasama namin si Lance nang bumaba na kami sa building. Nakita ko siyang nakahilig ulit sa kanyang sasakyan habang pinapanood kaming lumalabas sa building. Sumimangot ulit siya nang nahagip niya kami sa tingin.Muntik halakhak ang narinig ko galing kay Bea. Nilingon ko siya ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay.Bumagsak ang paningin ni Lance sa suot ko nang nakalapit na kami. Napatingin din ako sa suot kong bandage skirt na itim at sleeveless top na pinahiram ni Bea sa ak
HINIGIT niya ako patungo sa dancefloor. Siksikan ang mga tao at kung hindi ka sasabay sa kanilang pagsasayaw ay mahihilo ka. Ni hindi ko na namalayan kung saan nakuha ni Bea 'yong vodka na bigla niyang binigay sa akin habang naroon kami sa gitna.Nilagok niya ng walang kahirap hirap iyong kanya at nagtatalon na sa pagsasayaw. Sumasayaw ang buhok niya kasabay sa pag galaw niya. May nakita akong lalaking sumasayaw sa kanyang likod. Ngumisi si Bea at hinarap iyong lalaking mestizo ngunit hindi mapag kakatiwalaan.Hindi matitino ang mga lalaki sa bar ngunit gusto kong gumaan ang pakiramdam ni Bea kahit saglit lang. Alam kong nasasaktan parin siya at ito ang paraan para makalimot siya pansamantala.Humakbang ako at narealize kong nakulong na ako sa dancefloor ng nagsasayawang mga tao. May nakita akong babaeng inangat ng kanyang mga kaibigan. Medyo lasing na sila at nagkakatuwaan na. Natawa ako sa tawanan nila habang nagsasayaw sa buong dancefloor. Namangha ako nang tumayo ang babae sa bali
HINDI ako mapakali pagkarating namin sa kotse ni Lance.Kinausap niya muli ang bouncer pagkatapos naming ilagay si Bea sa likod ng kanyang sasakyan. Naalala ko non na nailagay din namin si Bea doon noong birthday ni Roble.Hinintay ko siyang matapos. Tumatango na siya sa sinabi ng bouncer at bumaling sa akin. Halos mapatalon ako nang tinitigan niya ako habang nakikinig sa binubulong ng bouncer. Umupo ako ng maayos sa front seat at bahagya kong sinara ang pintuan."Hmmmm. Tangina mga lalaki. Men are trash talaga for real!" Bulung bulong ni Bea sa likod ng sasakyan ni Lance.Nakatulog siya nang mapaupo doon kanina. Ngayon kung anu ano na naman ang sinasabi niya.Naglakad na si Lance patungo sa sasakyan. Sinarado ko ng tuluyan ang pintuan at hinintay kong makapasok siya. Nang pumasok siya ay nag iigting ang kanyang panga habang inaayos ang kanyang seatbelt. Hinawakan niya ang manibela at huminga siya ng malalim."Uhmm, pareho kaming sa building na. Di uuwi si Bea sa kanila." Sabi ko."Sa
HINDI ko alam kung bakit hindi ko matanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Lance. Umuwi kami ni Bea sa building para makapag bihis at makapagtrabaho na. Wala kaming imikan ni Lance nang nagising na si Bea at ngising aso lang si Bea sa mga panahong iyon.Siniko niya ako nang nakarating na kami sa Lounge."Anyare sa inyo?" Halakhak niya."Ano?" Nagbubulag bulagan kong tanong."Ni Sir Lance! Alam kong may something. Nararamdaman ko ang tensyon." Tumawa ulit siya.Inilingan ko na lang siya at mabilis na akong naligo at nag bihis sa common CR. Nagmadali ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mrs. Chiu. Mabilis akong nakarating sa opisina niya at ang paksa ng pag uusap namin ang nag paalala sa akin sa dapat kong gawin mamayang lunch break."Elisia, approved na ang resignation mo." Malungkot na sambit ni Mrs Chiu habang tinatanggal ang kanyang salamin.Tumango ako."Ayaw ko man pero mabuti yung desisyon mong mag aral. Sa 15 ang effectivity." Aniya.Tumango ulit ako. "Pasensya na po talaga. Ayaw
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al