HINDI ko alam kung bakit hindi ko matanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Lance. Umuwi kami ni Bea sa building para makapag bihis at makapagtrabaho na. Wala kaming imikan ni Lance nang nagising na si Bea at ngising aso lang si Bea sa mga panahong iyon.Siniko niya ako nang nakarating na kami sa Lounge."Anyare sa inyo?" Halakhak niya."Ano?" Nagbubulag bulagan kong tanong."Ni Sir Lance! Alam kong may something. Nararamdaman ko ang tensyon." Tumawa ulit siya.Inilingan ko na lang siya at mabilis na akong naligo at nag bihis sa common CR. Nagmadali ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mrs. Chiu. Mabilis akong nakarating sa opisina niya at ang paksa ng pag uusap namin ang nag paalala sa akin sa dapat kong gawin mamayang lunch break."Elisia, approved na ang resignation mo." Malungkot na sambit ni Mrs Chiu habang tinatanggal ang kanyang salamin.Tumango ako."Ayaw ko man pero mabuti yung desisyon mong mag aral. Sa 15 ang effectivity." Aniya.Tumango ulit ako. "Pasensya na po talaga. Ayaw
NAKARAMDAM ako ng guilt sa ginawa ko kay Kid. Lalo na nang tinext niya ako na susunduin niya ako mamayang gabi pero tinanggihan ko na agad siya. Kailangan ko siyang tanggihan dahil may trabaho pa ako mamaya bilang Marlboro Girl. Naintindihan niya naman iyon pero may halong tabang ang kanyang reply.Kid:Ok, Elisia, See you tomorrow. I know you deserve better.Hindi na ako nakapagreply. Alam kong ang tinutukoy niya ay 'yong kay Lance. Hindi ko sinasabi na gusto ko si Lance pero nararamdaman niya iyon base sa reaksyon ko kanina.Tumikhim si Bea nang pumasok sa loob ng Lounge. Dalawang beses niya na akong nadatnan na nakatunganga sa sofa at hinihintay siya. Wala akong nagawa buong araw at natatakot akong malaman 'yon ni Mrs. Chiu. Kaya lang.wala akong magagawa. Hindi kaya ng sikmura ko ang umakyat sa 40th floor nang naroon parin si Lance."Hanep ka rin, ah?" Tawa ni Bea. "Okay lang kahit dito ka lang buong araw."Umismid ako at natulala. Kinwento ko na sa kanya ang nangyari kanina. Hind
UMALIWALAS ang mukha ni Roble nang nakita niya ako.Lumaki ang kanyang ngisi dahilan kung bakit napatingin rin si Vince sa akin. Umiling si Vince at sinapak si Roble. Unti-unting lumingon si Lance. Nagtama ang paningin namin at nakita ko kung paano siya umupo ng maayos"Uhm... Same orders?" Tanong ko nang nakalapit sa sofa nilaTumayo ako sa gitna ng sofa ni Vince at Lance. Kinukuha ko na ang sigarilyong natatandaan kong gusto nila."Yes, please, Elisia." hindi nilubayan ni Vince ng titig si Lance.Inabot ko kay Vince ang gusto niyang sigarilyo at inabot niya rin sa akin ang perang kasing laki ng madalas na ibinibigay ni Lance sa akin."You should rest for tonight, Elisia. Sorry sa nangyari kanina sa opisina ni Lance." Ani Vince habang nilalagay sa labi ang isang stick ng sigarilyo.Tumango ako. "Okay lang."Kinuha ko ang sigarilyong gusto ni Lance at inilahad ko sa kanya."Sana ay nandun ako!" Ani Roble. "So saan kayo pumunta ni Kid pagkatapos nung nangyari, Elisia? Sinagot mo na ba
PAGOD na pagod ako pero pinilit kong dumilat at bumaba sa flusher. Mainit ang pisngi ko at hindi ko alam kung magbabago pa ba ito. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Lance. Siya naman ay hinahanap ang mga mata ko."A-Alis na ako." Utas ko at agad inayos ang skirt kong medyo na lukot."Yeah, let's go." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko.Kinagat ko ang labi ko at mabilis akong sumunod sa kanya palabas ng cubicle. Mabuti na lang at walang tao doon kaya hindi kami nahirapan na makalabas.Nang sinalubong na ulit namin ang madilim at maingay na labas ay kinalas ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Napalingon siya sa akin. Hindi parin ako makatingin sa kanya."Is this your last bar? lhahatid na kita."Umiling ako. "0kay lang. Kasama ko naman si Bea."Tumigil siya at tumitig sa akin. Unti unti akong nag angat ng tingin sa kanya. Nang makita ko ang malalim niyang mga mata ay mas lalo lang nag huramentado ang sistema ko. Shit!Kumikirot din ang puso ko. Kumikiro
TAHIMIK kaming sumama kay Lance. Tahimik din siyang nag drive patungo sa building. Naririnig ko ang buntong hininga niya at minsan ay akala ko magsasalita siya pero hindi naman.Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis kong kinalas ang seat belt. Narinig ko ulit ang pag hinga niya ng malalim.."Elisia, kailangan niyo ba ng kama sa Lounge?"Nagulat ako sa tanong niya. Narinig ko ang singhap ni Bea sa likod. Paalis na siya ngunit natigilan din sa tanong ni Lance."Ay oo! Ang sakit na ng likod namin sa kakatulog sa sofa-"Matalim kong tinitigan ang natatawang si Bea at tumahimik siya. 'Hindi na kailangan. Tsaka, aalis din kami ni Bea don next week. Mag aaral na ako, remember?"Napaawang ang bibig niya at tumango siya. "Right!""Alis na kami. Salamat sa pag hatid." Sabi ko at lumabas na.Tumango siya at ngumuso.Sinarado ko ang pintuan ng kanyang sasakyan. Si Bea ay panay na ang ngisi sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero hindi k
BUONG araw na nakaaligid si Lance sa akin. Kung mayroon mang hindi nakakaalam sa ginagawa niyang pag pupursigi sa akin ay paniguradong alam na nila iyon ngayon. Nang umakyat pa lang ako ng building kasama niya na may dala dalang rosas ay nakumpirma na nila. At nang nagpadala siya ng lunch para sa amin ni Bea sa lounge ay halos mahiya ang mga maintenance."Uhm, excuse me, sir." Umubo-ubo pa si Mrs. Chiu nang nadatnan si Lance sa sofa, nakaupo din.Kanina niya pa pinupuna ang iilang pagkukulang sa Lounge. Kasama na doon ang kama para daw matulugan ng mga crew na agad namang diniscourage ni Bea dahil daw nag popromote iyon ng pagiging tamad habang nasa trabaho.Nagtaas ng kilay si Lance kay Mrs Chiu. Halos hindi ako maturo ni Mrs. Chiu sa pagkakaintimidate niya kay Lance."Mag papa meeting sana ako saglit sa crew para sa dadating na event ngayong Friday.""Okay." Tumango si Lance.Tinuro ulit ako ni Mrs Chiu. "Kasama po kasi dapat si Elisia."Tumikhim si Lance at napatingin kay Mrs. Chiu
MASARAP kasama si Lance kahit na madalas kong ipinapakita sa kanya na naiirita ako. Sa loob ng sinehan ay nag ooffer siya sa akin ng pop corn at lagi ko siyang tinatanggihan dahil mas gusto kong manood na lang."Open..." Bulong niya habang nilalahad ang isang pop corn sa bibig ko,Kumunot ang noo ko at binalingan ko siya. "Ang kulit mo."Humalakhak siya. "Ang sungit mo."Tinitigan ko siya sa gitna ng dilim. Kahit na madilim ay kitang kita parin kung gano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at kung paano tumawa ang kanyang mga mata."I don't normally do dates." Bulong niya.Ngumiwi ako. 'Imposible. What makes me so special."I think you deserve the places, I think you deserve more," Mas mahinahong bulong niya.Hindi na ako makapag concentrate sa pinapanood namin. Iyan mismo ang nakakatakot sa mga tulad niya. Dahil alam mong playboy siya, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi. It's safer to think that his words are full of lies but you're heart won't mind the danger. Mas
PAGKARINIG ko sa sinabi niya ay nanghina ako. Bumagsak ang mga kamay at balikat ko. Hindi ko kayang umalis.Hindi kapani paniwala. May parte sa akin na nagsasabing hindi iyan totoo. Na playboy lang siya at gusto niya lang akong mabihag kaya niya sinasabi 'yan. Ayokong maniwala. Pero ang maliit na parte sa akin ang nasusunod. lyong parteng pwede... pwedeng mahal niya ako.Tulala ako sa kanyang sasakyan habang nag dadrive siya patungo sa building. Nang nakita kami ni Bea kanina ay sinenyasan ko na lang siyang magkita na lang kami doon. Nakuha niya kaagad at siguro'y siya na rin ang nagpaliwanag kay Ma'am para sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa kanya mamaya."Sorry..." Tikhim ni Lance habang hinihinto ang sasakyan dahil sa pag pula ng traffic light,Hindi ako kumibo. Nanatili akong tulala."Sorry..." Ulit niya. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko dapat sinabi 'yon. It's too fast for you. I'm sorry, Elisia. It's true pero alam kong iniisip mo na hindi dahil masyadong mabilis."Suminghap ak
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al