HINDI MATANGGAL sa akin ang takot na naramdaman ko kanina nang kinompronta ako ni Lance. Naaalala ko ang panggagalaiti niya sa inis dahil nakita ko siya sa gabing iyon Kung pu-pwede lang baguhin ang nangyari ay pipiliin ko na hindi ko iyon nakita dahil aside sa napapapikit ako tuwing naaalala ko iyon, may sekreto pa akong kailangang itago.
"Huy, Elisia!" Tawag ni Bea sa akin nang naabutan niya akong tulala sa Lounge.
Handa na ako sa part time na sinasabi niya. Naniniwala naman akong hindi ito pagbibenta ng laman dahil may ipinakita siyang mga pictures sa akin sa kanyang cellphone.
"Ready ka na ba? Mga dadalhin mo?" Tanong niya.
Kakarating niya lang. Alas singko na ng hapon at kanina pa ako handa para sa part time na iyon. Aniya'y madalas alas Otso ang alis namin ng grupo patungo sa iba't ibang bar.
"Anong dadalhin? Akala ko ba may damit na doon?" Sabi ko.
Naka simpleng t-shirt lang ako at short pants. Inasahan kong may damit na doon kaya hindi ko inisip na may dadalhin pa ako.
"Pumps? Make Up?" Nag taas ng kilay si Bea.
Nalaglag ang panga ko. "Wala ako ng mga ganon."
"Ano?" Malaking OMG ang bibig ni Bea.
Nakapamaywang siyang tinitigan ako. Goodbye, one thousand! Hindi ka ata mapapa-sa akin sa gabing ito. Siguro ay kailangan ko ng mamili ng pumps at make up nang sa ganon ay sa Biyernes, magkakaroon na ako.
"O sige, papahiramin kita!" Aniya at may kinalkal sa locker niya.
Umaliwalas ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Sayang naman kasi ang slot kapag hindi ka makakasali ngayon.
Tumayo ako at nilapitan siya. Kitang kita ko ang kulay gold na pumps niyang medyo may kalumaan na. Kailangan kong ilagay din ang pumps sa listahan ng kailangan kong bilhin. Basta ba maganda ang resulta ng gabing ito ay sisiguraduhin ko nang bibili ako ng isang ganyan.
"Naku, Bea, sorry ah? Hindi mo naman kailangang gawin ito pero kailangan ko 'yong pera. 'di bale bibili ako ng ganto-"
"Wag mo ng alalahanin, Elisia. Medyo sira na 'yong takong niyan kaya mag ingat ka na lang. Huwag kang magtatalon." Aniya sabay lagay ng pumps sa paanan ko.
Sinubukan ko iyon. 'Kailangan bang tumalon sa trabahong ito?"
Tumawa siya. "Hindi pero baka maisipan mong tumalon at sumayaw pag nakapunta ka na sa bar na mga pupuntahan natin."
Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Bea. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa isang bar. Siguro ang pinaka malapit lang sa 'bar' na napuntahan ko ay iyong mga inuman noon sa kanto doon sa maputik na lugar nina Auntie.
Sumunod lang ako kay Bea hanggang sa nakarating kami sa isang building. llang pintuan ang pinasok namin hanggang sa nakita ko ang logo ng sikat na brand ng sigarilyo. Pumasok kami sa loob at agad kong nakita ang iilang mga babae na nag mi-make upan at naka suot ng kulay pulang damit. Maiksi iyon, iyong tipong pag ka yuko mo ng kaonti ay makikita na ang panty mo. Hindi tuloy ako sigurado kung kaya ko ba ito. Pero tuwing naiisip ko na tatayo lang naman ako at magkakaroon na ako ng isang libo ay nabubuhayan ako.
Wala ng arte-arte, Elisia.
"Magandang gabi, ma'am. May kasama po ako ngayon."
Hinila ako ni Bea.
Tiningala ako ng isang bading. 'Ma'am'. Dapat ko rin siyang tawaging ganon. "Magandang gabi, ma'am." Bati ko habang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ilang taon ka na? Nag-disi Otso ko na ba?" Tanong ng tumatayong bading.
"Twenty na po ako." Sabi ko.
"Ma'am, twenty na po siya. Nag tatrabaho na nga po ito sa Coleman. Kasama ko 'to. Janitress din." Ani Bea.
"O sige. May mga uniporme doon, naka-hanger. Kumuha ka ng sukat mo don at mag simula na kayong mag ayos. 7:30 ang alis natin. Siguraduhin niyong nakakain kayo."
Hinila agad ako ni Bea sa sulok kung saan may mga pulang unipormeng nakahanger. Medyo naibsan ang pangamba ko na baka scam itong pinasukan ko. Legit nga! May nakalagay na Cuervo sa damit na iyon!
Walang pakealamanan sa pagbibihis. Ang tanging lalaki doon ay si Ma'am na bading naman. Mabilis na hinubad ni Bea ang kanyang damit. Isang iglap lang ay naka-bra at panty na lang siya.
"Bilisan mo, Elisia!" Saway niya sa akin dahil nahihiya pa akong mag hubad.
Tinitingnan tingnan ko ang mga babaeng naroon at hindi naman Sila nanonood. Mas concerned pa Sila sa lipstick at fake eyelashes na nilalagay nila sa kanilang mga mata. Naaalala ko tuloy ang pakiramdam ko nang nilagyan ni mama ng ganon ang mga mata ko noong prom. Pakiramdam ko noon ang ganda ganda ko na. lyon nga lang, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng prom dahil inaway ako ng pinsan ko.
Nang nakapagbihis na ako, panay ang baba ko sa palda ng maiksi at sobrang kapit na damit. Tinatampal ni Bea ang kamay ko tuwing ginagawa ko iyon.
"Tumigil ka, ah? Hayaan mo na Yan. 'Yan ang nakakabenta sa atin. Tuwing maiksi 'yan, mas marami kang mabebenta." Aniya pagkatapos ay nilagyan ng mascara ang mga mata.
"Ha? Para naman tayong prostitute nito."
Kumunot ang noo ni Bea na para bang nainsulto ko siya.
"Elisia, marangal na trabaho itong pinasok mo! Pero ganyan talaga. Yan ang totoo. Ang mga bar na 'yan, punong puno ng lalaking mayayaman at nagwawaldas ng pera. Pwede silang bumili sa ibang tindahan ng sigarilyo at alak pero hihikayatin natin sila sa ating bumili dahil magaganda tayo."
Yumuko ako dahil alam kong ganoon nga ang totoo pero hindi Iang ako kumportable sa mqa iniisip ko. Siguro ay dapat isipin ko na nga lang iyong pera.
"'Yang mayayamag 'yan, naku! Konti lambing mo lang sa kanila, bibili na 'yan. 'Sir, ninigarilyo ka ba?'" Aniya sa malambing na boses.
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Want some cigars?" Kumindat siya sa akin. 'Ganon lang 'yon, Elisia. At voila! May bumili na agad. Kapag may bumiling isa, dadami ang bibili sa iyo kaya dapat ay mauna ka."
Pagkatapos niyang mag make up ako ako naman ang inartehan niya. Panay ang pangaral niya sa akin tungkol sa kung paano makakabenta ng sigarilyo sa mga bar. Kinwento niya rin sa akin na nagkakaroon daw ng tip pag nagugustuhan ka ng bumibili. Ibig sabihin, madalas doble ang makukuhang pera.
"Ang mga mayayamang 'yan, nag aaksaya lang ng pera kaya Yong sobra, sayo na." Tawa ni Bea nang natapos na ang pag mi-make up niya sa akin.
Tumango ako at nilagay lahat sa utak ko 'yong mga pangaral niya sa akin.
Pumalakpak si ma'am at agad na kaming humilera sa harapan niya. Tama si Bea at medyo sira na nga itong pumps niya kaya hindi ako masyadong naggagalaw ng biglaan.
"Same instructions, same rules! Go!" Ani ma'am at mabilis na lumabas ang halos sampung babae kasali kami ni Bea.
Hindi ko alam kung ano ang instructions at rules dahil maiksi lang ang sinabi ni ma'am. Kinailangan ko pang mag tanong kay Bea at ang sabi niya ay wala naman daw akong hindi alam alam.
"Kailan ba ibibigay 'yong pera, Bea?" Tanong ko nang nag siksikan na kami sa van.
"Dito na sa van. Hanggang alas dos lang tayo, Elisia. Pagka alas dos, balik tayo dito tapos ibibigay na ang pera at pwede na tayong umuwi."
Tumango ako at sinuot ko na iyong bag na may lamang mga sigarilyo. Pinag-aralan ko kung saan ilalagay ang pera doon sa bag.
"Okay, girls. Tatlumpung minuto tayo dito." Ani ma'am na nasa front seat pala nang tumigil ang van sa tapat ng isang square kung saan maraming tao at maingay ang music. "Hindi pa peak ng party dahil maaga pa kaya tatlumpong minuto, balik kayo agad dito."
PARANG mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Bea sa kanan,"Bea, wala ka bang-""Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Bea sa isang matandang naninigarilyo.Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Bea."Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo."Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya."Keep the change." Malutong niyang sinabi.Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda roon at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi nama
NANG dumating ang ala una ay pagod na pagod na ako. Hindi pala biro ang ganitong trabaho. Kaya naman pala isang libo sa isang gabi ay dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito.Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ibigay kay Ma'am ang benta ko. Maligaya si Ma'am dahil marami kaming na benta. Masaya rin ako dahil mas malaki pa sa isang Iibo ang kita ko sa tip. Nakakayaman pala ang trabahong ito."Ayos ka lang?" Ngiti ni Bea na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ang kanyang katawan.Tumango ako at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang Iibo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako ng Iugar kung saan ako titira nang sa ganon ay hindi na ako mag titiyaga sa Coleman Building."Nag ngiting aso si Bea sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang titig."Kanina ko pa napapansin ang pagkakatulala mo." Aniya nang nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa sakayan."Inaantok kasi ako." Sabi ko
"HINDI mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong Ialaki."Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya."Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala.'Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. 'Alam mo pala na
SIGURADO akong nagkamali lang si Lance sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong kumin ng lunch ngayon. Empleyado niya lang ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho."Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka-puting v-neck t-shirt na lang siya ngayon. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue."Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Anong plano mo sa akin, Sir. Tatanggalin mo ba ako?""Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig d
NGUMUSO siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Elisia, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito! "Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles. Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya. Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako. "Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig. Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?" "Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera." Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko! "Ano
GUSTO kong isipin na paranoid lang si Bea at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Bea kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Bea tungkol kay Lance pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Lance sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin."670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Chiu sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Bea, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan."Naku, ganon po ba?"Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa h
SA MGA huling sinabi niya, naramdaman ko ulit ang agwat ng mundo naming dalawa. Tama si Bea, kahit kailan ay hindi magiging magkapareho ang mundo naming dalawa.Matayog siya, mababa ako. Hibang na ako kung iisipin kong posible ang mga bagay na iyon dahil lang sa mga ipinapakita sa TV."Elisia," Nagulat ako nang napadpad si Mrs. Chiu sa Lounge.Madalas kasi siyang busy sa mga payroll ng mga crew at kung anu-ano pang mga bagay sa kanyang trabaho. Ang makita siya sa 15 floor ay nakakagulat. Mabilis na tumatayo ang mga nakaupo sa sofa sa takot na masabihan ni Mrs. Chiu na walang ginagawa."PO?" Tumayo rin ako sa gulat na nandito siya,"Ang sabi ng secretary ni Mr. Coleman maaga daw siya uuwi ngayon. Baka wala na siya by seven." Ngiti ni Mrs. Chiu sabay ayos sa kanyang salamin.Tumango ako.Nilagpasan niya ako para kausapin ang isang Ialaking crew din na ani Bea ay palaging nag Ii-leave nitong mga nakaraang araw. Sinundan ko siya ng tingin. Natigil lang ako nang sikuhin ako ni Bea."30 Mi
INTERESADO si Bea sa anyaya ni Roble sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng address ng bahay na pupuntahan namin kahit na mukha siyang windang habang kinakausap si Roble. 'May boyfriend ka na Bea!" Paalala ko sa kanya nang nanginginig ang kamay niya habang binabasa iyong sinulatan ni Roble ng address."Oo, meron, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako pwedeng pumunta sa party, Elisia. Ang saya kaya nito atsaka minsan lang tayo maimbitahan sa party-ing pang mayaman!"Ngumiwi ako. "Kaya nga ayaw kong pumunta. Magmumukha tayong yaya don!" Sabi ko."Ano ka?" Napatingin siya sakin. "Hahayaan ko ba 'yon? Syempre hindi pwedeng mangyari satin 'yon! Tsaka hindi tayo magtatagal. Kung ala una tayo matapos bukas edi magbibihis tayo ng damit tapos diretso na tayo sa party."Marami pa siyang sinabing plano tungkol sa party. Panay naman ang ngiwi ko dahil ayaw kong pumunta. Lahat ng alibi ay sinabi ko na sa kanya para lang hindi ako makapunta."Wala akong dress." Sabi ko,"Ako meron." Aniya."Edi ik
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al