Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento.
“Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man. Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga. Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na labas ang kalahating hita niya. Bahagyan siyang nailang sa paraan ng pagtitig sa kanya ng dating asawa. Palagi naman siyang nagsusot ng ganito sa trabaho, pero kakaiba ang mga titig nito ngayon sa kanya. O, masyado lang siyang assuming. “Nanliligaw ba sa ‘yo si Dean?” malamig ang tono na tanong ni Andrei sa kanya. Karaniwang tono sa pagitan ng isang boss at tauhan. “Nanliligaw?” aniya sa isipan. Bakit naman ito ang nasabi ng lalaking ito sa kanya. “Anong klaseng panliligaw ba ang ginagawa ni Dean?” dagdag pa nito. Ngunit imbes na pansinin ang lalaki ay hinayaan na lamang niya ito dahil wala naman siyang pakialam doon. Pagkatapos niyang ibigay ang kontrata mula sa DR Corp., ay nagpaalam na siya para umalis. Subalit bago pa siya makaalis ay biglang tumunog ang cellphone ni Andrei. Natigilan siya sandali nang marinig niya ang boses ng lolo nito. Nagdesisyon siya na lalabas na sana sa opisina nang marinig niyang tinawag ni Andrei ang pangalan niya. Napatingin siya sa dating asawa, at nagulat siya ang iharap nito ang camera ng cellphone sa kanya. Tila nanlamig ang katawan niya nang makita niya sa camera si Lolo Andres ang Lolo ng lalaki. Sa pamilyang Sandoval, napakabuti ng Lolo ni Andrei sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita pa para tumangi sana. Napapitlag pa siya nang maramdaman sa tabi niya ang lalaki. “Bakit parang hindi kayo maayos? Bakit parang nag-aaway kayo? Paano ako magkaka-apo niyan?” pabirong turan ng matanda na nakangiti. Napaiwas ng tingin si Lyca sa camera. Pasimple niyang inilagay ang palad niya sa kanyang impis na puson. Hanggang sa mahinang nagsalita si Andrei at ramdam niyang tumama ang hininga nito sa itaas ng kanyang ulo. “Lumapit ka sa akin,” mahinang salita nito na sapat lang na siya ang nakarinig sa sinabi. Utos iyon mula sa lalaki at hindi pakiusap. Bahagya siyang tumingala at sinalubong ng malamig na tingin ang mga mata ni Andrei. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng sinabi nito. Na kailangan pala nilang magkunwari sa harap ng matanda. Sumimangot si Lyca at kahit labag sa kalooban niya ay napilitan siyang mas dumikit sa tabi ng lalaki. Ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ng dating asawa. Sa sandaling nagdikit ang mga balat nila ay ramdam niya na wala na itong epekto pa sa lalaki. Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Bagay na nagdulot ng kirot sa kanyang puso. Ngunit muling naituon ang atensyon nila nang magsalitang muli si Lolo Andres at muling banggitin ang salitang apo. Mahinang bumulong si Andrei sa likod ng tainga niya. “Hayaan mo na lang,” anito sa kanya. Napapikit siya saglit sa sinabi ng lalaki. “Kung alam mo lang,” aniya sa isipan. “Anong iniisip mo?” Ang malamig na tanong ni Andrei ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Saglit na natigilan si Lyca at doon niya lang din napansin na tapos na palang tumawag ang Lolo nila. Saka niya lang din napansin na nakayapos pa pala siya sa braso ng lalaki at magkadikit pa rin ang mga balat nila. Kaya naman mabilis niyang kinalas ang mga kamay sa braso ng lalaki at bahagya itong itinulak at lumayo mula rito. “Nag-iisip lang ako tungkol sa trabaho,” kaswal niyang sagot sa tanong nito kanina sabay talikod na para umalis. Ngunit bago pa man siya makaalis ay mabilis na hinawakan ni Andrei ang kamay niya. “Gusto kang makita ni Lolo. Sumama ka sa akin pabalik sa dating bahay ngayong gabi,” walang emosyong wika ni Andrei. Hindi na siya lumingon pa, ngunit tahimik lang siyang tumango. Alam niyang nakita iyon ng lalaki. Pagkalabas ni Lyca, ay narinig naman niya ang malambing na boses ni Trixie na nagsalita. “Nakakainggit naman si Ate Lyca, pwede siyang umuwe sa dating bahay para makita si Lolo at kasama ka pa.” “Ibabalik din kita sa dating bahay balang araw. Sigurado ako na magugustuhan ka ni lolo,” walang emosyon na wika ni Andrei sa malamig na tono. Nanginig ang mga pilikmata ni Lyca dahil sa narinig niya mula sa labas matapos isara ang pinto. Sa katunayan, simula ngayon, ang tanging makakabalik sa dating bahay ng pamilyang Sandoval ay si Trixie na at hindi na siya. Sa sulok sa labas ng opisina ay ang Secretarial department, kung saan nagtatrabaho ang lahat ng empleyado ni Andrei na kabilang sa departamentong ito. Nang nasa labas na siya ay narinig naman niya ang mga taong nag-uusap nang pabulong. “Hindi ko alam kung saan kumuha ng koneksyon si Trixie. Pero palagay ko protektado siya ni Mr. CEO.” “Narinig ko na karaniwan lang ang mga grado niya, pero nakapasok siya sa University, gamit ang kanyang art major. Sa huli hindi malabong malalampasan pa tayo ng estudyanteng ito.” Ang posisyon na inuupuan ni Trixie ay napili matapos dumaan sa maraming pagsusulit para sa sekretarya at sa ilang bilyong dolyar na mga kontrata bago siya naging punong sekretarya. Paano naging kwalipikado si Trixie? "Siya ang kasintahan ni Mr. CEO. Wala tayong magagawa tungkol doon!" Paulit-ulit na nagtawanan ang lahat ng tao sa secretarial department. "Si Lyca ay nakakabigo rin. Kahit pa may hitsura siya, hindi pa rin niya nakuha ang loob ni Mr. CEO, at naakit pa ng isang baguhan.” Hindi niya alam kung sino ang nagsabi nito sa pagkadismaya. Tumigil si Lyca, sinadya niyang kunin ang kanyang cellphone at taasan ang boses. Nagbigay rin ito ng pagkakataon sa mga taga secretarial department na mag-isip at tumigil sa kanilang usapan. Biglang natahimik ang departamento ng sekretarya nang makita siya. "Hello, Manager Lopez." lahat ay bumati sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya at iniwan ang isang makahulugang pahayag bago umalis. "Kahit gaano pa karaming pagkukulang ang meron siya, dapat ninyong malaman kung sino ang nasa likod niya. Pinaghirapan niyang makuha ang posisyong ito, pero dahil sa ilang bagay na hindi niya alam ay nagkakamali siya. Ang dapat niyong gawin ay mag focus na lamang sa mga trabaho niyo at huwag sa buhay ng iba,” may diing wika ni Lyca. Iyon lang ang sinabi niya. Wala nang dapat pang ibang ipaliwanag. Lalo namang natahimik ang secretarial department. May biglang tumingin ng masama sa isa at sinabing, "Tumahimik ka na!" Pagbalik sa project team, pinangunahan ni Lyca, ang unang internal meeting. Habang nasa kasagsagan ng talakayan at napagdesisyunan na ang susunod na hakbang sa mga layunin ng kooperasyon, biglang binuksan ang pinto ng conference room. Basta na lang itong binuksan nang walang kaalaman sa mga patakaran. Natigil ang pulong. Lahat ng mata ay nakatuon sa lalaking nasa pintuan. Ang taong dumating ay walang iba kundi si Trixie. Ang "bagong paborito" ni Andrei. Na ayon sa balita, ang sekretaryang umangat sa posisyon dahil sa kanyang kanilang boss. Kalmado lamang si Lyca habang pinatay ang projector. Itinaas niya ang kilay na parang walang pakialam, at ibinaling ang tingin sa security guard na nakabantay sa pintuan ng meeting room. "Sino ang nagsabi sa iyo na papasukin siya? Kailangan ko bang ipaalala na ito ay isang project team meeting? O, kung may masiwalat na kumpidensyal na impormasyon, kaya mo bang akuin ang pananagutan?" hindi mapigilang asik ni Lyca rito dahil sa pagkadismaya.Nanigas ang katawan ng guwardiya, at nang magbalik siya sa ulirat, balak na sana niyang paalisin si Trixie mula sa silid-pulong. Ngunit mabilis na pumasok si Trixie sa loob ng silid at agad lumapit kay Lyca. "Ate, hindi mo dapat gawin ito sa akin,” ani ni Trixie. Ate? Nagpapatawa ba ang babaeng ito? Napakahusay naman ng pag-arte niya para magmukhang inosente at kawawa habang tinatawag siyang "ate." "Trixie, sa pagkakaalam ko. Ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako karapat-dapat tawagin mong kapatid,” walang bakas ng emosyon sa mukha na saad ni Lyca. "Ngayon ay nakikita mong may meeting ako with project team. Kaya secretary Trixie, kung wala kang mahalagang sasabihin, maaaring umalis ka na at huwag kaming gambalain sa trabaho." "Ate, hindi ako naparito para manggulo. Nandito lang ako para humingi ng tawad!" pagmamatigas ni Trixie at tumangging umalis. Marahang napabuntong hininga si Lyca. “Hindi mo ba nakikita na busy ako ngayon Trixie? May meeting kami at wala akong
Sa kabilang kamay ng delivery man ay may hawak itong isang hollow na kahon ng alahas na gawa sa mahogany, nakaukit ang pattern ng phoenix. Ito ay maliwanag, maselan, marangya, at napakagandang tingnan. Sa loob ng kahoy na kahon ay isang pulang agatang kuwintas. Ang kulay nitong pula ay napakatingkad at nakakasilaw, na kapag nakita mo, ay mahihirapan kang alisin ang iyong tingin dito. May isang card din sa kahon na may nakasulat na note at may pirma ito ni Dean Bautista. (May you be as bright and radiant as the rising sun in winter.) Hindi naakit si Lyca sa nakikitang alahas at bulaklak sa kanyang harapan, bagkus mas nakatuon ang kaniyang mga mata sa nakasulat sa kasamang note. Ngunit napatingin siya sa isang lalaking papalapit sa kinaroroonan niya, walang iba kundi si Andrei. “What a pity,” anito sa nanunuyang tono. "Mr. Sandoval, ibig niyo bang sabihin ay bawal tumanggap ng regalo sa kumpanya? Kung ganoon, aalis na ako at hindi ko na ito tatanggapin pa,” aniya sa lalaki.
Her facial features are delicate, her eyebrows and eyes are beautiful and bright, with a sense of fragility,coldness and nothingness. And at this moment, the red agate necklace makes her eyes and eyebrows look even more beautiful. May ngiti sa kanyang labi, na tila ba mas nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon kumpara noon. Ngayon tila ba nakaramdam siya ng ginhawa at kapayapaan “Maganda ba ang kwintas na ito sa akin? Bagay ba?” tanong ni Lyca kay Andrei. Her slender long fingers hooked the heavy and expensive agate stone on her neck, stroking it with her fingertips. Madilim ang mga mata ng lalaki na tumingin sa kanya bago nagsalita. “ No, hindi bagay sa ‘yo,” malamig na sagot ng lalaki. “Hindi bagay? So ano pala ang bagay sa kanya?” bulong niya sa isip. Lumapad ang ngiti sa labi ni Lyca at tiningnan ang dating asawa na para bang nang-aasar dito. “No problem, it doesn’t matter naman kung bagay ba ito sa akin or hindi. Gusto ko ito at iyo
Seeing that she seemed to be about to explode, Dean, somehow thought of a the black-footed cat wandering in the wild, which was very wild but also extremely aggressive. Nakikita kasi niya na sobra na ang inis ni Lyca dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya naman naisip niyang ibaling sa iba ang kanilang usapan. "Take a look at this information. Gusto kong malaman kung interesado ba rito si Manager Lopez,” aniya ni Dean at inabot ang isang dokumento kay Lyca. Pagkakita pa lang ni Lyca sa unang bahagi ng dokumento ay sandaling umangat ang tingin niya sa binata. Bahagya namang tumango ang lalaki na tila sinasabing ipagpatuloy niya ang pagbabasa. Muling ibinalik ni Lyca ang kanyang paningin ngunit sa loob niya, was shocked by the man’s innovation. He actually wanted to conduct research in the field of holography, which is a very expensive research area. Gusto nito ng makabagong ideya, nagunit napakamahal. "Mr. Bautista, if I remember correctly, may mas marami ng propesyonal na mga
Dumikit si Lyca sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa labas, inaaliw ang sarili niya sa mga nakikita niya sa kalsada. Then she looked back into the car and finally found something wrong. May nag-iba sa mga nakikita niya sa loob ng sasakyan. What she left behind is gone. Wala na ang mga bagay na iniwan niya rito sa sasakyan ni Andrei. Sa loob ng tatlong taon mula nang magpakasal siya kay Andrei, madalas din siyang sumasakay sa sasakyan ng dating asawa, dahil na rin sa pamilya Sandoval, lalong-lalo na sa Lolo Andres . Sa paglipas ng panahon, may mga naiwan na rin siyang mga bakas niya sa sasakyan ng lalaki. The dolls and jasmine-scented incense she left were all gone. Tulad niya, na bigla na lang naalis sa buhay ni Andrei. Napansin naman ni Trixie ang mga naging tingin ni Lyca, kaya nagsalita siya na parang nagsisisi. "Ate, I’m sorry. Marami talagang gamit mo sa sasakyan na ito dati, pero hindi ko gusto ang insensong amoy sampaguita, kaya sinabi ko kay Andrei na kung maaari palit
Tanggalin ang kwintas? Bakit? At para saan? Ano naman ang pakialam ng lalaking ito sa suot niyang kwintas, hindi naman ito nang aano. Hindi napigilan ni Lyca ang matawa nang marinig niya ang sinabi ni Andrei. Sa totoo lang, alam niyang napaka possessive na lalaki Andrei. Kahit noong kasal pa sila. At kahit hindi siya nito minahal bilang babae o asawa, alam niyang ayaw nito na may ibang lalaki na umaaligid sa paligid niya. Kaya noong mag-asawa pa sila, lagi siyang nag-iingat at iniiwasang makipag-ugnayan sa ibang lalaki. Dahil ayaw niya na magalit ito sa kanya at magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Ngunit ngayon… Hiwalay na sila. Anong karapatan nito para utusan siyang alisin ang kwintas na suot niya. Bakit kailangang utusan siya ng dating asawa na alisin sa leeg niya ang regalong ibinigay ng isang taong humahanga sa kanya? Tumingin si Lyca kay Andrei, seryosong nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Walang ano mang emosyon na mababanaag sa kanyang magandang mukha.Tahimik lang
“Paano magawang magsuot ng pormal na damit ng isang babae buong araw?” tanong ni Lolo Andres sabay tingin kay Lyca. Saka naman nito ibinaling ang tingin kay Andrei. "Huwag mi nang patagalin pa ito, hijo. Dalhin mo si Lyca sa mall bukas na bukas din para pumili ng mga bagong damit na bibilhin para sa asawa mo," anito sa apo. Natigilan si Andrei dahil sa sinabi ng kanyang Lolo at akmang tatanggi sana siya rito, ngunit naunahan siya ni Lyca. "Lolo, may trabaho pa akong kailangang tapusin bukas sa opisina," nakangiting wika niya. Hindi pa man tumanggi si Andrei, ay nauna na siyang tumanggi. Kita niya ang bahagyang pag-igting ng mga panga nito. "You can put off work for now. I’ll take you to the Sandoval Grand Mall to buy clothes tomorrow,” seryosong saad ni Andrei. Ang Sandoval Grand Mall ay isang high-end luxury brand na pagmamay-ari ng pamilya Sandoval. It is a high-end luxury brand ranked high in the Philippines and even in the world. Pati na rin ang mga sikat na mga celebrities n
Even though she knew that she was being forced by her ex-husband at the moment. After being with him for three years na pagsasama nila bilang mag-asawa, ay hindi ganoon kadaling mabura ang nararamdaman niya para sa dating asawa. At this moment, Lyca only felt her heart beating fast and chaotic. Ramdam niyang papalapit na si Andrei, ngunit hindi niya magawang tumingin dito. Naramdaman na lamang niya ang maiinit na labi nito na lumapat sa kanyang sentido, at ang mainit na buga ng hininga nito sa kanyang tainga na nagpatayo sa kanyang balahibo. Bahagyang siyang kinilabutan, at ang kanyang katawan ay tila nawawalan ng lakas. Sinubukan niyang itulak muli sa dibdib ang lalaki gamit ang kanyang mga kamay, ngunit nanatili itong nakatayo at hindi man lang natinag sa ginawa niya. "Andrei, wake up!" nanginginig ang boses ngunit malinaw niyang saway sa lalaki. Subalit hindi siya pinansin ni Andrei at patuloy na idinampi ang ang mga labi nitl sa balat niya habang pabulong na nagsabi. "So
Habang nakatitig si Max sa babaeng naza harap niya ay may kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o kung saan ito. Ang pakiramdam na iyon ay parehong pamilyar at estranghero sa kanya. At habang abala ang mga tao sa paroo’t parito sa paligid nila ay nanatili namang magkahinang ang kanilang mga tingin. ******* MARAHIL napansin naman ni Principal Emily na nakatuon lamang ang mga mata ni Lyca kay Max kung kaya ay may ginawa ito. Tinawag nito ang direktor upang lapitan si Max at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito sa kanya. "Lyca, ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Max Garcia, siya ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang estudyanteng nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansa na maging top science student ngayong taon," may himig pagmamalaking sabi ni Principal Emily kay Lyca. Ramdam naman ni Lyca ang labis na paghanga ni Principal Emily kay Max at tila ba nakara
CHAPTER 55 “Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Rigor kay David, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Isa siyang guro kaya alam niya ang kaakibat na bigat ng ganitong klaseng sitwasyon. Ngumiti naman si David sa ama niya at saka umiling dito. “Pa, ilang taon ka nang guro diba? Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang diyan. ‘Yong mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga ‘yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni David sa Papa niya. Subalit tila natabunan ang kanyang konsensya nang malaking halaga na ang nabanggit ng anak niya. Umakbay pa sa kanya si David na parang magkaibigan lang sila habang nag-uusap. “Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Max.” Nagpaplano ang dalawa sa sala, pero hindi man lang nila naisip na hinaan ang mga boses nila. ******** HATINGGABI na at kararating lang
Bukod kay Dean, ay wala nang ibang maisip si Lyca na gagawa nito kay Trixie. Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Kyrei. At lahit pa nasa bansa na ito, ay hindi naman ito gaganti sa ganitong paraan. About naman kay Chris, hindi nito papansinin ang isang maliit na tao na tulad ni Trixie. Wala ring alam sina Chris at si Kyrei nasa ibang bansa pa kaya wala silang ideya sa ginawa ni Trixie kay Lyca. Bukod kina Andrei at Dean, ang tanging nakakaalam ng katotohanan ay si Trixie. Pinoprotektahan ni Andrei si Trixie nang sobra, kaya malabo na siya ang nanakit sa babae. Pero hindi niya ginawa ang alinman sa mga ito, kaya ang tanging maaaring gumalaw laban kay Trixie ay si Dean. At kung ikukumpara sa ginawa ni Trixie sa kanya, mas malupit pa ito. ******* SAMANTALA, nakabalik na si Dean sa Bautista Group of Company. Nanlaki pa ang mata ng sekretarya nang makita ang pasa sa mukha niya pero hindi naman naglakas-loob na magtanong. Maingat nitong dinala ang kahon ng gamot sa op
Sa sandaling ito, parang hindi na mahalaga pa kay Trixie kung sino ang may gawa niyon sa kanya. Basta isa lang ang alam niya ang ibato ang lahat ng sisi kay Lyca dahil sa aksidenteng natamo niya. Halatang may galit talaga siya kay Lyca. Alam niyang nasaktan si Lyca noong birthday party nga daddy nila, kaya iniisip niya na naghihiganti ito sa kanya. Wala rin naman kasi siyang ibang nakaalitan kamakailan, at ang tanging tao na nakaalitan niya ay si Lyca lang naman. Kaya kung hindi si Lyca ang may gawa nito sa kanya, sino naman kaya? Wala siyang ibang masisisi rito sa nangyari sa kanya kundi si Lyca lang at wala ng iba. Gusto lang niyang magsumbong kay Andrei at ipakita kung gaano kasama ang puso ni Lyca. “Sa tingin mo ba talaga ay si Lyca ang may gawa nito sa ‘yo?” malamig ang boses na tanong ni Andrei kay Trixie. Naramdaman ni Trixie ang lamig sa boses ni Andrei at parang kinurot nang pino ang puso niya nang mapagtanto na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya. “Hindi ba a
"Mr. Bautista." Banggit ng isang sekretarya nang makita nila si Dean. Kaya natigil ang kanilang pag-uusap at pagbubulong-bulungan. Ngumiti naman si Dean sa kanila saka ito nagtanong. “Nasa opisina ba si Mr. Sandoval? “Yes po, Sir. Nasa opisina po si Boss. May kailangan po ba kayo sa kanya?” anang isang sekretarya na sumagot. Ngumiti lang si Dean dito at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinungo na niya ang opisina ni Andrei. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito at hinihilot ang noo. Naptingin si Andrei sa pinto ng opisina niya nang bigla itong bumukas at nakita niyang si Dean ang pumasok. Saglit niyang tinitigan ang lalaki at ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Andrei sa lalaki. Nagtataka kung bakit ito nasa opisina niya. "Mr. Sandoval, balita ko magaling ka raw makipaglaban. Gusto mo bang subukan natin?” nanghahamon na sabi ni Dean kay Andrei. Ibinalik ni Andrei ang
Pagkatapos lumabas at makita kung sino ang taong naghahanap kay Lyca ay bumalik na siya sa loob ng opisina. Muli siyang naupo sa office niya at inayos ang suot na salamin sa mata. Umiyak kasi siya kahapon, idagdag pa ang napuyat siya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata niya. "Hindi ako manghuhula kaya wala akong oras sa mga walang kwentang hula na yan, Dean. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na. Kung wala naman ay pwede ka nang umalis dahil busy ako,” masungit niyang sabi sa binata. Kahit pa sinabi sa kanya ni Dean na iba ito kumpara kay Andrei at huwag ikumpara ang mga iti ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayaw na niyang masaktan muli. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masasaktan kung hindi na siya magbibigay ng tunay na damdamin. Kaya, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman. "Ang sungit mo talaga sa akin, Lyca," wika ni Dean at saka nito tinanggal ang suot na salamin at lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibaba
Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan. "Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?" Umiling si Lyca bilang sagot. "Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito. "Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda. Mahigpit na tumu
Si Trixie na ang kasintahan nito ngayon, kaya hindi tama na magpatuloy sila sa ginagawa. Dahil mali ito. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin nito kapag nagpatuloy pa sila sa maling ginagawa. Na isang halik lang nito bibigay agad siya. Kaya hindi na maaari. Humugot muna siya ng hininga at buong pwersa na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Nagawa naman niya ito, pero habol hininga siya pagkatapos at itinulak palayo ang lalaki. "Andrei, divorced na tayo! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!” bulyaw niya rito. Tila natauhan naman si Andrei at natigilan ito. Napako ang tingin nito sa mukha ni Lyca na para bang binabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit saglit si Lyca bago nagsalita. "Si Trixie na ang kasintahan mo. Si Trixie, Trixie, at hindi ako,” mariin niyang bigkas habang inulit-ulit sa pabsambit ang pangalan ni Trixie. Sa wakas, ay binitiwan siya ni Andrei. Marahil dahil malinaw nitong narinig ang sinabi niya, o marahil dahil napagtanto nito kung sino siya, na hindi
Lahat sila napalingon nang marinig nila ang boses ng matanda. Lahat sila inaasahan na darating ito, kabilang na si Lyca.Bahagyang kumunot ang noo niya, perk sa pagkakataong ito, kusa siyang umupo sa tabi ni Andrei. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki, na para silang magkasintahan na naglalambingan.Kung sinumang makakita sa eksenang ito ay iisipin na silang dalawa ay isang mapagmahal na mag-asawa sa isa’t-isa. Ngunit sino ang mag-aakala na lahat ng ito ay isang palabas lamang?Nang bumukas ang pinto ay tumambad sa paningin nila si Lolo Andres. Nagulat pa ito nang makita silang dalawa ni Andrei na nakaupo sa sofa habang magkahawak kamay. Mabilis na lumapit si Marco rito at binati ang matanda nang may ngiti."Lolo, bakit naman po nagpunta po talaga kayo rito? Sinabi ko naman na po sa inyo na huwag na kayong mag-alala kay Drei, dahil nandito naman po si Lyca. Siya na po ang bahala na mag-alaga kay Andarei,” magalang na sabi ni Marco sa matanda. “Kaunting away lang po nilang mag-asawa at