Isang gabi sa piling ni Bakla

Isang gabi sa piling ni Bakla

last updateLast Updated : 2024-12-16
By:   PROSERFINA  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
34Chapters
418views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Kung hindi pa malalagay sa malalang karamdaman ang ina ni Basha, hindi niya malalaman ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi niya akalain na anak siya ng isang mayamang businessman. Sa kagustuhan na maoperahan ang kanyang Ina ay lumuwas siya ng maynila upang humingi ng tulong dito. Ngunit kahihiyan lamang ang inabot niya dahil pinagtabuyan siya nito at hindi kinilalang anak. Dahil sa kaibigan niyang si Myla nagkakilala sila ni Diego. Naghahanap kasi ito ng surrogate woman na papayag makipagtalik sa kanyang nobyo na si Thaddeus upang magkaroon ng anak at maipamana kay Thaddeus ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. Pumayag siya sa isang gabi kapiling ang isang bakla upang tuluyang mapaoperahan ang kanyang ama at dalhin ang magiging anak nito. Nakipagsiping si Basha habang nakatakip ang kanyang mga mata ay patay ang ilaw kaya hindi niya alam kung ano ang anyo ng lalaking katabi niya sa kama. Simula nang makatikim ng babae si Thaddeus ay palagi na niyang naalala ang gabing angkinin niya ang babae. Hangang sa humantong sila sa kasal at kasunduan. Mapanindigan kaya ni Basha at Thaddeus ang kunwaring pagsasama nila para sa kasal at upang mailipat kay Thaddeus ang hinahangad na mana? Magawa kaya ni Thaddeus na iwan si Diego at talikuran ang ilang taon nilang relasyon upang mas maging tahimik ang kanyang buhay at maging asawa at ama sa dinadala ni Basha?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

BASHAPabalik na ako sa kuwarto ni mama bitbit ang binili kong pagkain para sa tanghalian nang may marinig akong nag-uusap sa loob dahil naka-awang ang pinto nito. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa loob. “Bakit hindi ka na lamang humingi ng tulong sa tunay na ama ni Basha? Edna, malala na ang kundisyon mo. Paano naman ang anak mo kung hahayaan mo na lamang na mamatay ka sa sakit mo sa puso.” Narinig kong suhestyon ni Ninang Emalyn kay Mama.“Hindi ganun kadali yun, Ema. May pamilya na si Arturo at nangako ako sa kanyang hindi ko na siya guguluhin pa. At isa pa, sinabi ko kay Basha na matagal nang patay ang kanyang ama. Masasaktan lamang ito kapag nalaman niya ang totoo–” katwiran ni mama sa kanya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mata ko hangang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Ang sabi niya sa akin ipinagbubuntis pa lamang niya ako nang mamatay si papa sa sakit tapos dumadalaw pa kami sa sementeryo sa puntod ng nagngangalang Isaac dahil doon daw nakalibing ang ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MERLYN
Nice Story
2024-12-15 08:02:26
1
34 Chapters
Chapter 1
BASHAPabalik na ako sa kuwarto ni mama bitbit ang binili kong pagkain para sa tanghalian nang may marinig akong nag-uusap sa loob dahil naka-awang ang pinto nito. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa loob. “Bakit hindi ka na lamang humingi ng tulong sa tunay na ama ni Basha? Edna, malala na ang kundisyon mo. Paano naman ang anak mo kung hahayaan mo na lamang na mamatay ka sa sakit mo sa puso.” Narinig kong suhestyon ni Ninang Emalyn kay Mama.“Hindi ganun kadali yun, Ema. May pamilya na si Arturo at nangako ako sa kanyang hindi ko na siya guguluhin pa. At isa pa, sinabi ko kay Basha na matagal nang patay ang kanyang ama. Masasaktan lamang ito kapag nalaman niya ang totoo–” katwiran ni mama sa kanya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mata ko hangang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Ang sabi niya sa akin ipinagbubuntis pa lamang niya ako nang mamatay si papa sa sakit tapos dumadalaw pa kami sa sementeryo sa puntod ng nagngangalang Isaac dahil doon daw nakalibing ang
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
Chapter 2
THADDEUS“VIP Room 35.” Napatingin ako sa black card na hawak niya may nakalagay itong numero sa gilid. Nandito kami ngayon ni Diego sa isang 7 star hotel dahil dito niya nais magkita. “What's the meaning of this?” nagtatakang tanong ko sa kanya nang ipilit niyang ilagay sa kamay ko ang itim na card. “Hindi ba sinabi ko sa'yo na ako na ang gagawa ng paraan upang matapos ang problema mo? Then Do it. Ako mismo ang pumili ng babae para sa'yo. Don't worry, hindi niya makikita ang mukha mo dahil nakatakip ang mga mata niya. Just make love to her at kapag natapos ka na bumalik ka dito.”“What? Nasisiraan ka na ba Diego? Hindi ako pumunta dito para makipagkita sa babae. You said we're celebrating our anniversary, remember?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Na-upo siya sa kama at tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. “We have more time to celebrate, love. Pero hindi mo maaring palagpasin ang chance na ito. May dalawang buwan ka na lamang na palugit sa lolo mo. Kapag h
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
Chapter 3
THADDEUS “Bakit gising ka pa?” Usisa ko kay Diego nang pagbalik ko sa room namin naabutan ko pa siyang sumisimsim ng al@k. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. “Anong bakit gising ka pa? Kanina pa kita ina-antay. Inabot ka na nang tatlong oras sa kuwarto ng babaeng yun. Masyado mo naman atang inenjoy ang babaeng yun? Naakit ka din ba sa kanya?” Magkasalubong ang kilay na tanong niya sa akin. “Ikaw ang may gusto nito tapos magagalit ka sa akin?” Sinamaan ko siya ng tingin at akmang papasok na ako sa banyo upang maligo pero hinarang niya ako. “Tell me…nasar@pan ka ba sa kanya? Mas m@sarap ba siya sa ak!n?” Napa-atras ako nang tangkain niyang tangalan ng butones ang suot kong polo. “Stop it, Diego. Lasing ka na mabuti pa magpahinga ka na. Susunod na ako pagkatapos kong maligo.” Nakangisi siyang umiling sa akin. “Pinag0d mo siguro ng husto ang babaeng yun kaya mas gusto mo na lamang magpahinga. Mas mabuti pa ngang maligo ka na at naamoy ko na siya sayo. Pero tandaan mo ang
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
Chapter 4
THADDEUS“What are you doing here?” Mula kay Grandpa nalipat ang attensyon nilang dalawa sa akin ni Kristel. Pagkatapos ng ginawa niyang eskandalo sa hospital ay nagpunta pa talaga siya dito sa bahay para dalawin si lolo na kauuwi lamang din namin kanina mula sa Hospital. “Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko, kaya huwag kang assuming.” Mataray na sagot niya sa akin. “Teka? Bakit? Anong nangyari? Nag-away ba kayong dalawa?” Usisa ni Lolo. Lumipat si Kristel sa tapat ni lolo at humawak sa braso nito. “Yung apo niyo po kasi Lo, kinampihan yung babaeng umaway sa akin sa hospital. Sinigawan pa niya ako. Dapat dadalawin ko po kayo kaso pina-alis niya ako.” Sumbong niya na ikinakunot ng noo ni lolo na bumaling sa akin. “Totoo ba yun Thaddeus? Pinaalis mo si Kristel? At sino namang babae ang umaway sayo?” Balik tanong niya kay Kristel na nagpapa-awa pa sa harapan ni lolo para panigan niya. “Lo, tama lamang ang ginawa ko–”“Tumigil ka! Ganyan ba kita pinalaki Thaddeus? Ang manakit ka ng ka
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
Chapter 5
BASHANakakapanibago pala ang tumira mag-isa. Malaki nga ang tirahan ko, may pera at sapat na pagkain. Hindi ko pa rin makuha ang maging masaya. Namimiss kong alagaan si mama. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Ninang, pero iba pa rin kapag magkasama kaming dalawa. Siguro ganun din ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit kailangan namin magtiis pareho habang hindi pa lumalabas ang batang dinadala ko. Doorbell ang nagpatayo sa akin sa sofa. Tinungo ko ang pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. “Ako'to.” Nang marinig ko ang boses ni Myla ay kaagad kong pinagbuksan ng pinto. “Tuloy ka, mabuti naman dinalaw mo ako.” Niyakap ko siya at pagkatapos ay pinapasok sa loob. “Restday ko ngayon, gusto mo ba magsimba tayo?” Alok niya sa akin na ikinangiti ko. Linggo nga pala ngayon, kaya mabuti na lamang inalok ako ni Myla. “Sige, magbibihis lang ako.” Iniwanan ko siya at pagkatapos ay nagbihis muna ako ng damit. Siya ang kasama kong naglipat dito sa condo. Inaya ko nga siyang na
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
Chapter 6
THADDEUS “Paano mo nalaman na buntis ako?” Nagtatakang tanong ni Basha. “Ha? Hindi ba sayo ang pregnancy test na nadampot ko noong mag-away kayo ni Kristel? Sorry nagkamali ako ng hinala.” Pagdadahilan ko. Natigilan siya sandali parang inalala ang nangyari noong magkasalubong sila ni Kristel at muntik nang magtalo sa hospital. “Totoo, totoo na buntis ako kaya salamat sa ginawa mo kanina.” Naupo kami sa nadaanan namin na bench sa tapat ng dancing fountain. “Bakit parang malungkot ka?” Usisa ko sa kanya dahil bigla siyang nalungkot nang aminin niya sa akin na nagdadalang tao siya. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos ito kahit maliit pa naman. “Hindi naman ako malungkot, okay lang ako. Pasensya na ha? May mga bagay kasi na hindi ko puwedeng sabihin sayo.” “Ayos lang, hindi mo naman kailangan sabihin.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap pagkatapos ay inalok ko na siyang ihatid sa kanila at pumayag naman siya. Pagkatapos ay umuwi na rin ako. Pagba
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
Chapter 7
BASHANandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–”“Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka sa alok ko.” Derecho na sabi niya sa akin. Malaking halaga na ang kabuohan na sampung milyon na pagdadalang tao ko kung sakaling magiging healthy ang baby na ipapanganak ko at kung dadag-dagan pa niya ito hi
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
Chapter 8
BASHAKinabukasan maaga pa lamang ay tulala na ako sa harapan ng salamin. Sa loob ng dalawang buwan marami na ang nagbago sa buhay ko. Muntik na akong mawalan ng ina, nalaman ko ang tunay kong pagkatao at ang tunay kong ama. Nalaman ko din ang secreto na twenty three years na itinago ni ina. At ngayon, buntis na ako at ikakasal sa isang bakla. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makatulog kagabi. Madami kasing tumatakbo sa utak ko. Lalo na yung sinabi sa akin ni Thaddeus na kahit anong mangyari ay huwag na huwag ko siyang mamahalin, pati na rin ang sinabi sa akin ni Sir. Diego na hindi kayang magmahal ni Thaddeus ng isang babae. At kaya lamang niya ako ginalaw ng gabing yun ay dahil sa gamot na pina-inom sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako sa harapan ng salamin. Nagsimula akong ayusin ang sarili. Dahil mamayang alas-sais ng gabi ay susunduin niya ako at dadalhin sa bahay ng kanyang lolo na minsan ko na ring nakilala sa hospital at naka-kwentuhan.Pagkatapos kong mag
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more
Chapter 9
BASHA“Grandpa, hindi mo man lang ba itatanong kung anong klaseng pamilya meron si Basha? I mean yung background niya. Akala ko mahalaGa sa'yo na galing sa mayamang pamilya ang gusto mo para sa sa akin.” Nilingon ko siya pati na rin ng kanyang lolo. Magkatabi kaming dalawa at ang lolo naman niya ay nakaupo sa dulo ng dining table. Nagpahid ng table napkin si lolo Sa labi at bumaling sa kanya.“Nakapag-usap na kami ni Basha sa hospital. Nalaman ko ang tungkol sa kanyang ina at pati na rin ang mayaman niyang ama na ayaw siyang tangapin. Sapat na yun para sa akin Hijo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Walang problema sa akin kung kilala man ang pamilya niya o hindi ang mahalaga sa akin. Mahal ka niya at may mapag-iiwanan na ako sa'yo kapag sinundo na ako ni San pedro. Ang ayoko lang baka magkatotoo ang hinala kong lalaki ang ipapakilala mo sa akin na boyfriend mo. Bawasan mo na rin ang pakikipagbarkada diyan kay Diego. Walang magandang maidudulot sayo ang pagkak
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more
Chapter 10
THADDEUSMalakas na ingay ng club at mausok na paligid ang bumungad sa akin pagpasok ko pa lamang dito. Tinawagan ako kanina ni Diego at nagpapasundo dahil marami na daw siyang nainom. Malayo pa lamang tanaw ko na siya sa bar counter at nagpapaka-lunod sa tinutunga niyang alak. “Diego, let's go home. Tumakas lang ako sa bahay. Kailangan kong makabalik. Baka malaman ni Grandpa na umalis ako.” Pigil ko sa kanya. Kinuha ko ang baso ng alak sa kamay niya ngunit muli niya itong inagaw sa akin. “H-Huwag na, magpapahatid na lamang ako sa taxi pauwi. Bumalik ka na sa bahay mo…” Lasing na sabi niya at hindi ako tinatapunan ng tingin. “Tama na please…bakit ka ba nagkakaganito? May problema ka ba?” Na-iingayan na tanong ko sa kanya. Halatang marami na siyang nainom dahil namumula na pati ang kanyang tenga at leeg. “Problema? Himala nagtanong ka kung anong problema ko. May paki-alam ka pa pala sa akin!” Bulalas niya sabay tungga ulit ng alak sa baso. “Of course may paki-alam ako sayo. Kaya
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more
DMCA.com Protection Status