Share

Isang gabi sa piling ni Bakla
Isang gabi sa piling ni Bakla
Author: PROSERFINA

Chapter 1

Author: PROSERFINA
last update Huling Na-update: 2024-11-28 12:47:01

BASHA

Pabalik na ako sa kuwarto ni mama bitbit ang binili kong pagkain para sa tanghalian nang may marinig akong nag-uusap sa loob dahil naka-awang ang pinto nito. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa loob. 

“Bakit hindi ka na lamang humingi ng tulong sa tunay na ama ni Basha? Edna, malala na ang kundisyon mo. Paano naman ang anak mo kung hahayaan mo na lamang na mamatay ka sa sakit mo sa puso.” Narinig kong suhestyon ni Ninang Emalyn kay Mama.

“Hindi ganun kadali yun, Ema. May pamilya na si Arturo at nangako ako sa kanyang hindi ko na siya guguluhin pa. At isa pa, sinabi ko kay Basha na matagal nang patay ang kanyang ama. Masasaktan lamang ito kapag nalaman niya ang totoo–” katwiran ni mama sa kanya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mata ko hangang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Ang sabi niya sa akin ipinagbubuntis pa lamang niya ako nang mamatay si papa sa sakit tapos dumadalaw pa kami sa sementeryo sa puntod ng nagngangalang Isaac dahil doon daw nakalibing ang tatay ko tapos malalaman kong kasinungalingan lamang ang lahat? 

“At paano kapag nawala ka? Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan? Na iiwan mong mag-isa sa mundo ang anak mo? Edna, karapatan niyang malaman ang totoo. Malay mo yun ang sagot sa problema niyong mag-ina. Sigurado naman ako barya lamang kay Arturo ang pampagamot sa'yo. Kaya lumapit na tayo sa kanya. Para kay Basha, para makilala din niya ang tunay niyang ama.” Giit pa ni Ninang. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at binuksan ito. 

“B-basha…” 

Napa-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang nag-aalala niyang mga tingin sa akin.

“M-ma…totoo po ba ang lahat ng narinig ko? Totoo ba na hindi si Isaac ang tatay ko kundi ang lalaking nangangalang Arturo? Kung hindi si Isaac ang tatay ko sino siya? Sino yung palagi nating dinadalaw sa sementeryo?”

Nagkatinginan sila ni Ninang Ema at napaupo ito sa upuan habang sapo ang noo. 

“A-anak–”

“Gusto mo bang baunin habang buhay ang sekretong yan na ayaw mong malaman ko? Bakit? Bakit inilihim mo sa akin ang lahat? Bakit hindi mo ako hinayaan na makilala ang tunay kong ama? Ano ang dahilan mo?”  May panunumbat na tanong ko sa kanya. 

Nagsimulang humikbi si mama, ayaw ko man siyang pilitin na sabihin sa akin ang totoo. Ngunit kung hindi ko gagawin ito hindi ko malalaman ang lahat. 

“Ma…please…kailangan kong malaman ang totoo.” Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nagpahid siya ng luha at muli siyang tumingin sa akin. 

“Dahil isa lamang akong mababang uri ng babaeng nagtatrabaho sa club para mabuhay…naging pansamantalang aliw lamang ako ng iyong ama. May sarili siyang pamilya anak…nagbunga ang isang gabi naming dalawa…at ikaw yun…si Isaac, kaibigan ko lamang siya na nasawi sa aksidente.” pagtatapat niya sa akin na hindi ko inasahan. Napatakip ako sa aking bibig. ‘Di ko akalain na naging babaeng bayaran ang aking mama.

“Patawarin mo ako Basha…” Humihikbing sabi niya sa akin. Pati si Ninang ay nakiki-iyak na rin sa aming dalawa. 

“S-Saan ko po matatagpuan ang tunay kong ama? Sabihin niyo sa akin, kahit naging bunga pa ako ng panandaliang aliw ninyong dalawa. Siya pa rin ang tatay ko. At kailangan kong humingi ng tulong sa kanya para mapa-operahan kayo–”

“Anak, di ka niya tutulungan kahit malaman pa niya na anak ka niya. Minsan na rin niya akong pinagtabuyan noong sanggol ko pa lamang nang dalhin kita sa kompanya nila dahil hindi siya naniniwala na anak namin ang dala-dala ko. Para tigilan ko siya binigyan niya ako ng limang milyon. Ngunit naubos ko ang lahat ng yun sa'yo dahil sa pabalik-balik natin sa hospital noong naging sakitin ka. Pati na rin sa pagpapalaki ko sayo. Kaya anak,  huwag mo na lamang siyang puntahan.” 

Umiling ako sa kanya. 

“Hindi ma, kahit magmakaawa ako sa kanya. Gagawin ko…kahit hindi niya ako kilalanin na anak okay lang sa akin…pero hindi ko kayang hayaan ka na lamang na mamatay at wala akong gagawin para sa inyo. Ma, kailangan kita…ayokong maiwan mag-isa… Diba sabi ko sayo ipagpapatayo pa kita ng malaki at komportableng bahay? Yung hindi bahain at malayo sa ingay ng suidad. Tapos mamasyal tayo kahit saan mo gusto kapag naging maganda ang trabaho ko sa abroad? Diba babawi pa ako sa inyo? Kaya please…huwag kang sumuko…lumaban ka para sa akin. Para sa pangarap nating dalawa….” 

Napayakap ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Siya lamang ang meron ako at hindi sapat ang trabaho ko sa coffee shop para mapa-opera siya kaya kailangan kong humingi ng tulong kay Arturo.

“Ada, kapag nalaman ito ng mama mo paniguradong magagalit siya.” Paalala sa akin ni Ninang nang kunin ko sa kanya ang buong pangalan ng aking ama at ang kompanya na sinasabi nitong pinagtatrabahuhan ng aking ama. 

“Ninang, nauunawaan ko po…pero alam niyo naman na mahal na mahal ko ang nanay ko. Kahit ibaba ko ang sarili ko basta mapa-opera ko lamang siya dahil gusto ko pa siyang makasama. Saka ko na iisipin ang galit ni mama. Sa ngayon kaligtasan niya muna ang priority ko.” 

Napabuntong hininga siya at niyakap niya ako. Nandito kami sa prayer room at mahimbing pa na natutulog si mama nang iwan namin siya.

“Mag-iingat ka sa pagpunta mo sa Maynila. At tawagan mo ako kaagad ha?” Nangingilid ang luhang tumango ako sa kanya. Para ko na ring pangalawang ina si Ninang Ema. Pareho sila ni mama na walang asawa at may isang anak na binubuhay kaya bestfriend ko din ang kanyang anak na si Myla na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang casino sa maynila. 

Kinabukasan ay lumuwas na ako pa-Maynila. Hindi ako maaring magsayang ng oras at hintayin na lamang na atakihin ulit si mama dahil magiging dilikado na ito sa kanya.

Tirik na ang araw nang marating ko ang Makati. Mga nagtataasang building ang bumungad sa akin. Nahirapan akong tuntunin ang address kaya nag-taxi na lamang ako. 

“Dito na po tayo.” Wika ng taxi driver. Inabot ko sa kanya ang bayad at bumaba na rin ako. Napatingala ako sa malaking building na magkadikit sa itsura nito halatang mayaman ang nagmamay-ari nito. Lumapit ako sa guard upang magtanong. 

“Sir, maari ko po bang maka-usap si Mr. Arturo Garcia? Nasa loob po ba siya?” Magalang na tanong ko. Sinenyasan niya ang isang lalaki at tumango ito sa kanya pagkatapos ay muling bumaling sa akin.

“Ms? May appointment ka ba sa kanya?” 

“Po? Wala po eh, puwede po bang tawagan niyo na lamang po siya at sabihin niyo sa kanyang may naghahanap po sa kanyang anak.”

Nagkatinginan silang muli ng isa pang guwardia at lumapit na ito sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin. Simpleng pantalon at puting t-shirt lamang ang suot ko. Kaya parang nahiya ako nang hagurin niya ako ng tingin. 

“Si Ma'am!” 

Napalingon ako nang umayos sila nang tindig at bumalik sa kanilang puwesto. 

“Good morning Ma'am Kristel.” Bati nila sa babaeng sobrang ganda na papasok sa loob ng building. Binalingan niya ako ng tingin at pagkatapos ay humarap siya sa mga guwardia. 

“Who's She?” Usisa niya sa mga ito. 

Napakamot sa ulo ang kausap niya “Hinahanap po si Sir Arthuro, anak daw po niya.” 

“What?” 

Bumaling siyang muli sa akin at hinagod din ako ng tingin. Napabuntong hininga ito at masamang tingin ang ipinukol sa akin pagkatapos ay hinarap niya ako. 

“Miss? Kung sino ka man, mabuti pang umalis ka na bago pa kita ipadampot sa pulis. Walang ibang anak ang daddy ko kundi ako lang.” Naiiling niya akong tinalikuran ngunit naging mabilis ako sa pagharang sa kanya. Hangang sa hinawakan na ako ng mga guwardia. 

“Gusto ko lamang maka-usap ang papa mo! Hindi ako mangugulo, hindi ko siya pipilitin na kilalanin niya ako basta tulungan lang niya ang mama ko. Si Edna Matabungkay, kilala niya ang mama ko! Maniwala ka sa akin, anak niya din ako!” 

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong s@mpalin. 

“Anong palagay mo sa dad ko? Bangko? Hindi lang ikaw ang nagpupunta dito para magpakilalang anak niya sa labas. At isa lamang ang kailangan ninyong lahat. Pera! Mga mukha kayong pera at ginugulo niyo ang buhay namin! Kapag hindi ka pa rin umalis ipapadampot na kita sa mga pulis!” Singhal niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malakas ako sa ibang bagay pero sa mga oras na ito parang gusto kong kainin na lamang ako ng lupa sa kahihiyan na ginagawa ko. Pero kailangan ko ang tulong ni Arturo! 

Napilitan akong umalis pansamantala dahil kapag tinutoo ng babaeng yun ang sinabi niya lalo kong hindi makikita si Arturo. Pinili kong maghintay sa hindi kalayuan. Malapit sa building. Kailangan kong ma-timingan ang paglabas ng aking ama. Hindi ako uuwi hanga't hindi ko dala ang kailangan kong pera! 

THADDEUS

“Oh? Sino yang kausap mo? Ang lolo mo na naman ba?” Usisa ni Diego nang ibaba ko ang telepono. 

 Lumapit siya sa table ko at naupo. 

“Si Kristel, kailangan ko siyang sunduin ngayon para sa dinner namin.” namomoblemang sagot ko sa kanya. Kung hindi pa niya pinaalala sa akin na ngayon ang gabi na inalok ko siya ng dinner noong last time kaming nagkita sa exibit hindi ko maalala. 

“Ah, ngayon pala ang date niyo. Taman-tama kailangan ko ding umuwi sa amin dahil birthday bukas ng dad ko. Puntahan mo na siya.” Saad niya. 

Nang makita niya akong walang reaction at nakatingin sa kanya ay kumunot ang noo niya. 

“What? Akala ko ba si Kristel ang gusto ng lolo mo para sayo? Bakit parang ayaw mo siyang puntahan?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Tumayo ako at humarap sa glass wall. 

“I'm just wondering bakit parang hindi ko nararamdaman na nagseselos ka?” 

Naramdaman ko ang kanyang braso na pumaikot sa aking beywang at siniksik niya ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. 

“Kapag nagselos ako mag-aaway lang tayo diba? Kaya mabuti pang kaysa magalit ako intindihin na lamang kita. I know naman na kahit pa may mangyari sa inyo ng babaeng yun ako pa rin ang mahal mo.”   naglalambing niyang sagot sa akin. 

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking tiyan. 

“Diego, wala akong gusto kay Kristel. Alam mo naman na hindi ako attracted sa mga babae. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ako magkakaroon ng anak. We already tried IVF and surrogate but still failed. The doctor told me to try the natural way pero hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yun.” 

Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. 

“Kung ayaw mo ako na lamang–” 

“No, matalino si Grandpa. Kapag pina-DNA niya ang bata malalaman niyang hindi ko anak yun. Mas magkakaroon ako ng problema. That's why I need a child...” 

Bumitaw ako sa kanya at inayos ko ang gamit ko. 

“Ako na ang bahala sa ngayon si Kristel muna ang asikasohin mo.” 

Tumango ako sa kanya at pagkatapos ay umalis na ako sa opisina. Ilang minuto lamang nasa harapan na ako ng kompanya ni Kristel. Bumaba ako sa kotse at akmang papasok na ako sa loob nang matanaw ko silang kakalabas lamang ng elevator with her dad. 

“Thaddy!” Bulalas niya nang makita niya ako. Pinilit kong ngumiti sa kanya. 

“Hindi ka late ngayon ah?” 

Kaagad siyang humawak sa braso ko. 

“Good evening Sir.” Bati ko kay Arturo Garcia. 

“Good evening Thadeus, make sure iuuwi mo ang anak ko pagkatapos niyong magdinner okay?” 

“Dad naman! Hindi na ako bata…dalaga na po ako puwede na akong mag-asawa eh.” Nakangusong sabi nito sa kanyang ama. 

“Huwag po kayong mag-alala kakain lang po kami sa labas. Before nine nahatid ko na po siya sa inyo.” 

“Good, yan ang gusto ko sayo. Alam mo naman nag-iisang anak na babae ko si Kristel. Kaya hinihigpitan ko yan. Sige na, umali na kayo.” Taboy niya sa amin. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinasakay sa kotse. Akmang sasakay na rin ako sa driver seat nang may babaeng lumapit kay Mr. Garcia. 

“Ikaw na naman?!” 

Napalingon ako kay Kristel nang bumaba ito at dinuro ang babae. 

“Bakit? Sino siya?” Nagtatakang tanong ng ama ni Kristel sa babaeng mukhang hinang-hina na at wala sa sarili. 

“Kayo po ba si Arturo? Ako po si Basha, anak ni Edna Matabungkay. Maari ko po ba kayong makausap?” Narinig kong sabi ng babae. Hangang sa hinarap na siya ni Kristel. 

“Siguro inabangan mo talaga ang paglabas namin ano? Umalis ka na! Walang ibang anak na babae ang dad ko kundi ako lang!” 

Tinulak niya ang babae at napaupo ito sa semento. 

“K-Kailangan ko lang ang tulong mo. Wala akong intensyon guluhin kayo. Gusto ko lang tulungan mo ang mama ko na gumaling. May sakit siya ngayon sa puso at kailangan niyang maoperahan.  Kung ayaw mo akong tangapin na anak mo okay lang sa akin na itakwil mo ako. Tulungan mo lang ang mama ko. Nagmamakaawa ako sayo!” 

Awang ang labi ko nang tuluyan siyang lumuhod kahit pinagtatabuyan na siya ni Kristel. 

“Sorry, pero hindi kita kilala at lalong hindi ko kilala ang sinasabi mong ina. Mabuti pa hija sa goberno ka lumapit o sa ibang tao ka na lamang lumapit. Wala akong maibibigay sayong tulong lalo pa't wala akong ibang anak na babae kundi siya lang.” 

“Nagsisinungaling ka! Kilala mo si Edna, binigyan mo pa siya ng pera noon para hindi ka niya guluhin. Ako ang sanggol na bitbit ni Edna noon–”

“Dad, tumawag na tayo ng pulis. Baka modus lamang ang sinasabi ng babaeng yan baka myembro yan ng s!ndikato!” Sabat naman ni Kristel. 

Lumapit si Mr. Garcia sa babaeng nakatayo na ngayon at nakakaawa ang kalagayan.

“Babaeng bayaran ang nanay mo, gabi-gabi hindi lamang isang lalaki ang nakakasama niya Sa kama. Sa tingin mo madaling mabibilog mo ang ulo ko? Kahit pa tunay na anak kita binayaran ko na ang serbesyo sa akin ng nanay mo ng malaking halaga kaya umalis ka na dahil kapag nagalit ako hindi mo magugustuhan na bumalik ka pa dito para huthutan na naman ako.” 

Pagkatapos sabihin yun ni Mr. Garcia ay sumakay na ito sa kanyang kotse. 

“Let's go, Thaddy.” Hila sa akin ni Kristel kaya pumasok na rin kami sa kotse. Napatingin ako sa harapan ng sasakyan dahil nanatiling nakatayo doon ang babae at naawa ako sa kanyang kalagayan.

“Sorry but i just want to know kung bakit parang wala kang reaction sa sinabi ng dad mo sa babaeng yun?” usisa ko nang makalabas na kami sa parking lot. 

“I know my dad, hindi na mahalaga sa kanya kung anak man niya o hindi ang babaeng yun. Matanda na siya para dagdagan ang problema namin. Alam mo naman ang pinagdadaanan ng kompanya namin, Thaddy. Kaya sana matulungan mo si Dad.” 

Paki-usap niya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. 

“Okay.” Tugon ko sa kanya. Pero nasa isip ko pa din ang babae kanina. Kung totoo man na nag-aagaw buhay ang kanyang ina mas nakaka-awa siya kung hindi siya tutulungan ni Mr. Garcia.  

Pagkatapos naming magdinner ni Kristel ay umalis na din kami. 

“Ayoko munang umuwi, na-stress ako sa babaeng yun. Puwede ba uminom muna tayo kahit sandali? Okay lang naman malate ako ng uwi binibiro ka lang ni dad kanina.” Nakangiting sabi niya sa akin. May paghimas pa siya sa braso ko. 

“May morning meeting kasi ako bukas ng maaga, kaya kailangan ko na din magpahinga.” Sagot ko sa kanya. Itinigil ko ang kotse dahil nag-red ang traffic lights. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang kamay sa aking tiyan pababa sa aking hita. 

“What are you doing? Stop this, Kristel.” Saway ko sa kanya. Inalis ko ang kamay niya ngunit binalik niya ulit sa aking braso. 

“Thaddy, gusto kita…alam kong gusto mo din ako. Okay lang sa akin kahit mauna muna ang S*x bago ang kasal–”

“What?!” 

Binitawan niya ako at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. 

“Thaddy, almost three months na tayong nagdedate wala naman atang masama kung gawin na natin yun. Pareho naman tayong single–”

“Please Kristel,” Napahilot ako sa sintindo ko dahil ayoko nang marinig pa ang lahat ng sasabihin pa niya. 

“Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Hindi ka naman siguro bakla diba? Actually, nagdududa na nga ako sayo eh. Kahit man lang kiss hindi natin ginagawa marami tayong time pero kapag nag-uusap tayo puro business lamang. Hindi pa puwedeng pag-usapan naman natin yung relasyon natin?” 

“Oh common Kristel, wala tayong relasyon kaya bakit tayo maghah@likan?”

“Yun na nga eh! Kasi hindi po pa rin ako tinatanong kung gusto mo ba akong maging girlfriend! Gusto kita Thadeus, Gustong-gusto kita! Ako ba? Gusto mo rin ba ako?” 

“I-I'm sorry Kristel…but i don't have romantic feelings for you.” 

Lumagapak ang palad niya sa aking pisngi. Pagkatapos ay bumaba siya ng kotse. Hahabulin ko pa sana siya pero nakita kong nakasakay na agad siya sa taxi. Napabuntong hininga ako at nagdrive na lamang pauwi. Nabigla ako sa naging pagtatalo namin ni Kristel. Hindi ko dapat sinabi ang lahat ng yun. 

Pabalik na ako sa condo ko nang mapatingin ako sa jeep na katapat ko sa kalsada. Namukhaan ko ang babaeng nakasilip sa bintana at blanko ang mukha. Sa tingin ko totoo ang sinasabi niya dahil may hawig sila ni Mr. Garcia at maganda rin siya. Pero…saan naman kaya ang tungo niya? 

Namalayan ko na lamang na sinusundan ko na pala ang sinasakyan niyang jeep. Kung tama ako sa pagkakarinig. Basha ang kanyang pangalan. Tumigil ang jeep at bumaba siya sa tapat ng isang casino. Itinabi ko ang aking sasakyan at parang walang buhay siyang naglakad papunta sa gate nito. Hangang sa may babae na tumatakbo at lumapit sa kanya. Mahigpit niya itong niyakap. 

Sino kaya ang babaeng yun? Kaano-ano niya kaya ang babaeng nagtatrabaho sa Casino? Panay iyak ng babae at panay din ang hagod nito sa kanyang likuran. Hangang sa may inabot sa kanya at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob. Samantala nag-abang naman ng masasakyan ang babae at sumakay ito ng tricycle. 

Susundan ko pa sana siya nang tumunog ang phone ko. 

“Hello?” 

“How's your date with Kristel?” Usisa ni Diego. 

“I don't think gusto pa niya akong makita muli pagkatapos niya akong s@mpalin.” 

“What? Why? Ano ba ginawa mo? Pinuwersa mo ba?” 

“I told her na hindi ko siya gusto.” 

“Ano? Nasisiraan ka na ba? Paano kapag nalaman ng lolo mo? Sigurado ako ihahanap ka na naman niya ng ibang ireretong babae.”

Napasinghap ako sa naging reaction ni Diego, ayoko mang isipin pero parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. 

“Gusto niyang magt@lik kami sa kotse anong gusto mong gawin ko?” Disappointed kong sabi sa kanya. 

“Love, kung mabibigyan ka niya ng anak diba mas okay yun? Tapos magpakasal kayo, kapag wala na ang lolo mo. Puwede mo na siyang hiwalayan tapos magpakasal tayo sa abroad at doon na tayo manirahan. Huwag mo na lamang isipin na babae ang ka-s*x mo–”

“Please stop it Diego! Sa haplos pa lamang ng babaeng yun kinikilabutan na ako tapos gusto mong pakasalan ko pa siya?” Inis kong putol sa sasabihin niya. 

“Sige, para matapos na ang problema ako na ang bahala.” Wika niya sa akin. 

“Anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. 

“Ako na ang bahalang humanap ng babae para sayo. Yung madaling bayaran at palayasin sa buhay mo. Pero kapag tinangihan mo pa ulit. Pupunta tayong dalawa sa lolo mo at aaminin natin ang relasyon nating dalawa. Pumili ka? Anak at mana o yang kaartehan mo?” 

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. 

“Okay payag na ako.” Tugon  ko para matapos na ang problema ko. Gusto ko lamang mabawi ko kay Lolo ang kompanya dahil simula nang mamatay si Dad ay inalisan na niya ako ng karapatang mamahala. At isa lang ang gusto niyang kundisyon. Ang mag-asawa ako at magkaroon ng anak. 

Kaugnay na kabanata

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 2

    THADDEUS“VIP Room 35.” Napatingin ako sa black card na hawak niya may nakalagay itong numero sa gilid. Nandito kami ngayon ni Diego sa isang 7 star hotel dahil dito niya nais magkita. “What's the meaning of this?” nagtatakang tanong ko sa kanya nang ipilit niyang ilagay sa kamay ko ang itim na card. “Hindi ba sinabi ko sa'yo na ako na ang gagawa ng paraan upang matapos ang problema mo? Then Do it. Ako mismo ang pumili ng babae para sa'yo. Don't worry, hindi niya makikita ang mukha mo dahil nakatakip ang mga mata niya. Just make love to her at kapag natapos ka na bumalik ka dito.”“What? Nasisiraan ka na ba Diego? Hindi ako pumunta dito para makipagkita sa babae. You said we're celebrating our anniversary, remember?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Na-upo siya sa kama at tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. “We have more time to celebrate, love. Pero hindi mo maaring palagpasin ang chance na ito. May dalawang buwan ka na lamang na palugit sa lolo mo. Kapag h

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 3

    THADDEUS “Bakit gising ka pa?” Usisa ko kay Diego nang pagbalik ko sa room namin naabutan ko pa siyang sumisimsim ng al@k. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. “Anong bakit gising ka pa? Kanina pa kita ina-antay. Inabot ka na nang tatlong oras sa kuwarto ng babaeng yun. Masyado mo naman atang inenjoy ang babaeng yun? Naakit ka din ba sa kanya?” Magkasalubong ang kilay na tanong niya sa akin. “Ikaw ang may gusto nito tapos magagalit ka sa akin?” Sinamaan ko siya ng tingin at akmang papasok na ako sa banyo upang maligo pero hinarang niya ako. “Tell me…nasar@pan ka ba sa kanya? Mas m@sarap ba siya sa ak!n?” Napa-atras ako nang tangkain niyang tangalan ng butones ang suot kong polo. “Stop it, Diego. Lasing ka na mabuti pa magpahinga ka na. Susunod na ako pagkatapos kong maligo.” Nakangisi siyang umiling sa akin. “Pinag0d mo siguro ng husto ang babaeng yun kaya mas gusto mo na lamang magpahinga. Mas mabuti pa ngang maligo ka na at naamoy ko na siya sayo. Pero tandaan mo ang

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 4

    THADDEUS“What are you doing here?” Mula kay Grandpa nalipat ang attensyon nilang dalawa sa akin ni Kristel. Pagkatapos ng ginawa niyang eskandalo sa hospital ay nagpunta pa talaga siya dito sa bahay para dalawin si lolo na kauuwi lamang din namin kanina mula sa Hospital. “Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko, kaya huwag kang assuming.” Mataray na sagot niya sa akin. “Teka? Bakit? Anong nangyari? Nag-away ba kayong dalawa?” Usisa ni Lolo. Lumipat si Kristel sa tapat ni lolo at humawak sa braso nito. “Yung apo niyo po kasi Lo, kinampihan yung babaeng umaway sa akin sa hospital. Sinigawan pa niya ako. Dapat dadalawin ko po kayo kaso pina-alis niya ako.” Sumbong niya na ikinakunot ng noo ni lolo na bumaling sa akin. “Totoo ba yun Thaddeus? Pinaalis mo si Kristel? At sino namang babae ang umaway sayo?” Balik tanong niya kay Kristel na nagpapa-awa pa sa harapan ni lolo para panigan niya. “Lo, tama lamang ang ginawa ko–”“Tumigil ka! Ganyan ba kita pinalaki Thaddeus? Ang manakit ka ng ka

    Huling Na-update : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 5

    BASHANakakapanibago pala ang tumira mag-isa. Malaki nga ang tirahan ko, may pera at sapat na pagkain. Hindi ko pa rin makuha ang maging masaya. Namimiss kong alagaan si mama. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Ninang, pero iba pa rin kapag magkasama kaming dalawa. Siguro ganun din ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit kailangan namin magtiis pareho habang hindi pa lumalabas ang batang dinadala ko. Doorbell ang nagpatayo sa akin sa sofa. Tinungo ko ang pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. “Ako'to.” Nang marinig ko ang boses ni Myla ay kaagad kong pinagbuksan ng pinto. “Tuloy ka, mabuti naman dinalaw mo ako.” Niyakap ko siya at pagkatapos ay pinapasok sa loob. “Restday ko ngayon, gusto mo ba magsimba tayo?” Alok niya sa akin na ikinangiti ko. Linggo nga pala ngayon, kaya mabuti na lamang inalok ako ni Myla. “Sige, magbibihis lang ako.” Iniwanan ko siya at pagkatapos ay nagbihis muna ako ng damit. Siya ang kasama kong naglipat dito sa condo. Inaya ko nga siyang na

    Huling Na-update : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 6

    THADDEUS “Paano mo nalaman na buntis ako?” Nagtatakang tanong ni Basha. “Ha? Hindi ba sayo ang pregnancy test na nadampot ko noong mag-away kayo ni Kristel? Sorry nagkamali ako ng hinala.” Pagdadahilan ko. Natigilan siya sandali parang inalala ang nangyari noong magkasalubong sila ni Kristel at muntik nang magtalo sa hospital. “Totoo, totoo na buntis ako kaya salamat sa ginawa mo kanina.” Naupo kami sa nadaanan namin na bench sa tapat ng dancing fountain. “Bakit parang malungkot ka?” Usisa ko sa kanya dahil bigla siyang nalungkot nang aminin niya sa akin na nagdadalang tao siya. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos ito kahit maliit pa naman. “Hindi naman ako malungkot, okay lang ako. Pasensya na ha? May mga bagay kasi na hindi ko puwedeng sabihin sayo.” “Ayos lang, hindi mo naman kailangan sabihin.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap pagkatapos ay inalok ko na siyang ihatid sa kanila at pumayag naman siya. Pagkatapos ay umuwi na rin ako. Pagba

    Huling Na-update : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 7

    BASHANandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–”“Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka sa alok ko.” Derecho na sabi niya sa akin. Malaking halaga na ang kabuohan na sampung milyon na pagdadalang tao ko kung sakaling magiging healthy ang baby na ipapanganak ko at kung dadag-dagan pa niya ito hi

    Huling Na-update : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 8

    BASHAKinabukasan maaga pa lamang ay tulala na ako sa harapan ng salamin. Sa loob ng dalawang buwan marami na ang nagbago sa buhay ko. Muntik na akong mawalan ng ina, nalaman ko ang tunay kong pagkatao at ang tunay kong ama. Nalaman ko din ang secreto na twenty three years na itinago ni ina. At ngayon, buntis na ako at ikakasal sa isang bakla. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makatulog kagabi. Madami kasing tumatakbo sa utak ko. Lalo na yung sinabi sa akin ni Thaddeus na kahit anong mangyari ay huwag na huwag ko siyang mamahalin, pati na rin ang sinabi sa akin ni Sir. Diego na hindi kayang magmahal ni Thaddeus ng isang babae. At kaya lamang niya ako ginalaw ng gabing yun ay dahil sa gamot na pina-inom sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako sa harapan ng salamin. Nagsimula akong ayusin ang sarili. Dahil mamayang alas-sais ng gabi ay susunduin niya ako at dadalhin sa bahay ng kanyang lolo na minsan ko na ring nakilala sa hospital at naka-kwentuhan.Pagkatapos kong mag

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 9

    BASHA“Grandpa, hindi mo man lang ba itatanong kung anong klaseng pamilya meron si Basha? I mean yung background niya. Akala ko mahalaGa sa'yo na galing sa mayamang pamilya ang gusto mo para sa sa akin.” Nilingon ko siya pati na rin ng kanyang lolo. Magkatabi kaming dalawa at ang lolo naman niya ay nakaupo sa dulo ng dining table. Nagpahid ng table napkin si lolo Sa labi at bumaling sa kanya.“Nakapag-usap na kami ni Basha sa hospital. Nalaman ko ang tungkol sa kanyang ina at pati na rin ang mayaman niyang ama na ayaw siyang tangapin. Sapat na yun para sa akin Hijo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Walang problema sa akin kung kilala man ang pamilya niya o hindi ang mahalaga sa akin. Mahal ka niya at may mapag-iiwanan na ako sa'yo kapag sinundo na ako ni San pedro. Ang ayoko lang baka magkatotoo ang hinala kong lalaki ang ipapakilala mo sa akin na boyfriend mo. Bawasan mo na rin ang pakikipagbarkada diyan kay Diego. Walang magandang maidudulot sayo ang pagkak

    Huling Na-update : 2024-12-15

Pinakabagong kabanata

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Finale (WAKAS)

    BASHANapabalikwas ako ng bangon dahil pagmulat ko ng mga mga ko ay wala na sa tabi ko si Thaddeus. Ngunit nang akmang bababa na ako sa kama ay napangiwi ako nang maramdaman ang mah4pdi kong flower. Napabalik ako sa pag-upo sa tabi ng kama, may suot na pala akong manipis na pantulog. Di ko na maalala dahil nakatulog na ako kagabi sa sobrang pagod. “Gising ka na pala.” Bungad niya pagkabukas ng pinto. “Saan ka galing?” Simangot na tanong ko sa kanya. Bahagya kasi akong natakot nang hindi ko agad siya nakita. Kung hindi lang masakit itong perlas ko ay baka naisip ko nang panaginip lang ang lahat ng naganap sa amin kagabi. “Lumabas ako para magpahanda ng brunch, tanghali na kasi at masarap pa ang tulog mo kanina kaya hindi na kita inabala.” Nakangiting sagot niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.“Let's go? Kumain na tayo.” “Kasi, ahh…paano ko ba ito sasabihin? Parang hindi ko ata kayang lumakad ng maayos.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit siya ang may kasalanan. “Ha?

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 33

    BASHAAng buong akala ko ay totoo na si Thaddeus ang nasa harapan ko, na bumalik siya para sa akin. Ngunit guni-guni ko na naman pala ang lahat. Sa tuwing naalala ko siya ay palagi ko siyang nakikita. Sa bawat sulok ng lugar kung saan bigla ko siyang naalala ay nakikita ko ang nakangiti niyang mukha. Kaya imposible, imposible na naman na siya ang lalaking nasa harapan ko. Dahil alam ko, hindi niya ako kayang kalimutan. Siguro nga, isa na naman siyang guni-guni na likha ng aking isip. Dahil sa kagustuhan kong makita at makasama siyang muli. Malamig man ang tubig sa dagat, malakas man ang ulan. Walang maramdaman ang katawan ko, walang maramdaman ang puso ko kundi ang paulit-ulit na hinagpis. Kahit unti-unti na akong nilalamon ng tubig wala akong takot na maramdaman. Wala akong intensyon na bumitaw dahil sa anak namin ni Thaddeus. Ang nais ko lang...ay magising na ako sa katotohanan. Na kahit kailan... ay hindi na siya babalik pa... At hindi ko na mararamdaman ang pamamahal niya...Pu

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 32

    THADDEUSMabigat ang katawan na nagmulat ako ng mga mata. Inilibot ko ang aking paningin at puting kisame na may chandelier ang bumungad sa akin. Marami ding aparato ang nakakabit sa akin. "Thadd? Gising ka na! Sandale tatawagan si Mr. Demiere!"Napatingin ako sa lalaking tarantang pumipindot sa cellphone na hawak niya. Gusto kong magsalita ngunit hinang-hina ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga sa kama ko. "W-what happen? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? At sino ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ako naalala? Ako ito! Si Dan! Ako ang nag-alaga sa'yo!" tarantang sagot niya.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang naiiyak na dalawang matanda. "Apo ko! Mabuti naman at gumising ka na!" Malakas siyang humikbi na parang nabuhayan siya ng loob nang magising ako. "Sino kayo?" kunot ang noo na tanong ko. Tatlo na silang nasa kuwarto ko pero kahit isa hindi ko kilala. Ako? Sino ako? "Hindi mo ako kilala? Ako ang lolo mo!"Nagpatawag siya ng ambulance at

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 31

    BASHA"Basha!!!" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang pagtawag ni Dan, ngunit hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman kung bakit niya ako hinahanap. Nanatiling nasa papalubog na araw ang mga mata ko. "Basha, totoo ba? totoo bang sasama ka na kay Mr. Demiere sa Japan? Bakit ka aalis? Paano kung bumalik si Thadd--"May lungkot ang mga matang tumingin ako sa kanya at mapait akong ngumiti. "Bumalik? Isang buwan na mula nang mawala si Thadd, Dan. Isang buwan na akong gumigising sa araw-araw na umaasang babalik siya. Babalik siya dahil kailangan ko siya. Kailangan siya ng anak namin. Ngunit kahit man lang sa panaginip ni anino ni Thadd hindi ko nakita. Ginawa na ni lolo ang lahat ng paraan para mahanap siya pero wala na...wala nang pag-asa na mahanap pa kahit ang b4ngkay niya...At alam mo kung ano yung mas masakit? Hindi man lang niya masisilayan ang magiging anak sana naming dalawa..."Kusang bumitaw ang pinipigilan kong luha. Mabilis kong pinunasan ng kamay ko at tinalikuran

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 30

    BASHA"Paano na yan? Nasira na nang tuluyan, anong sasabihin natin kay mama? Ikaw kasi eh! Sabi ko dahan-dahan lang ayaw mong magpapigil." paninisi ko sa kanya. Sigurado akong kapag nakita to ni mama magtataka din yun. "Dahan-dahan na nga yun eh, sa tingin ko sadyang marupok itong papag mo kaya bumagsak kaagad."Yumuko siya at kinuha ang dalawang paa. "See? I told you." Pinakita niya sa akin yung dugtungan at binukbok na nga ito at maraming butas. "Mabuti pa, magpalit na tayo. Bukas na lamang natin gagawan ng paraan ang higaan natin." Wala kaming nagawa kundi ang tumuloy na sa bahay ni ninang. Pagkarating ko doon ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang tumulong sa kanilang magluto. Habang si Thadd naman ay hinarang ng kapatid ni ninang sa harapan para sumali sa kanilang mag-inuman. Hindi sana papayag kaya lang nakumbinsi naman nila akong payagan si Thadd para na rin sa pakikisama. "Naku mamaya, tawagin mo na yun si Thadd. Alam mo naman kung gaano ka-l4singero si Lolong." paalal

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 29

    BASHANalibot na namin ang kalahati ng isla pero wala pa rin sa mode si Thadd. Kapag tinatanong ko naman siya kung ano pa ang iniisip niya ayaw naman niyang sabihin sa akin kaya inaya ko na lamang siyang umuwi. Derecho siya sa kuwarto samantalang derecho naman ako sa kusina. "Anak, nagluto na ako ng kalamares, yung paborito mo? May dala kasi si Dan." wika ni mama nang madatnan ko siya sa kusina. "Talaga po" excited na tinangal ko ang takip sa lamesa namin at nakita ko ngang madami ang niluto ni mama. "Naubos na yung pangatong natin kaya pinagsibak ko muna."Kukuha sana ako ng isang piraso ngunit nang madinig ko si mama ay agad ko siyang nilapitan. "Ma, puwede po bang huwag muna ninyong utusan si Dan? Nagseselos kasi si Thadd..." mahinang bulong ko. "Ang sabi niya sa akin tangap naman daw niyang may asawa ka na."Sasagot na sana ako ngunit bigla naman pumasok si Dan bitbit ang pangatong namin. "Nakabalik ka na pala. Gusto mong pumunta sa mangahan?Season ng indian mango ngayon. M

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 28

    BASHATilaok ng manok ang gumising sa akin. Ngunit napabangon ako nang wala na si Thadd sa tabi ko. Inayos ko ang higaan at lumabas na ako. "Ma? Si Thadd po?" usisa ko nang maabutan ko siyang nagluluto sa kusina. "Nasa poso nag-iigib ng tubig. Nakita niya kasi akong may bitbit na timba para sa banyo. Ayon siya na lang daw--""Po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaagad akong lumabas ng bahay upang magtungo sa poso na may kalayuan dito. Wala kasi kaming sariling linya ng tubig kaya sa poso talaga ang igiban namin. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko siya sa poso. Nilalagyan niya ng laman ang mga balde. Mga balde ng kapitbahay? "Pogi, kami din!" bulalas ng isang babae na parang sinubsub sa kamatis ang pisngi. "Sige isunod mo na lang sa dulo." magiliw na sabi ni Thadd sa kanila at nagsipila nga naman sila. Napahawak ako sa beywang ko at nanghahaba ang nguso na lumapit. "Anong ginagawa mo?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Basha, look diba

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 27

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 26

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

DMCA.com Protection Status