Share

Chapter 4

Author: PROSERFINA
last update Last Updated: 2024-12-13 22:18:38

THADDEUS

“What are you doing here?” 

Mula kay Grandpa nalipat ang attensyon nilang dalawa sa akin ni Kristel. Pagkatapos ng ginawa niyang eskandalo sa hospital ay nagpunta pa talaga siya dito sa bahay para dalawin si lolo na kauuwi lamang din namin kanina mula sa Hospital. 

“Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko, kaya huwag kang assuming.” Mataray na sagot niya sa akin. 

“Teka? Bakit? Anong nangyari? Nag-away ba kayong dalawa?” Usisa ni Lolo. Lumipat si Kristel sa tapat ni lolo at humawak sa braso nito. 

“Yung apo niyo po kasi Lo, kinampihan yung babaeng umaway sa akin sa hospital. Sinigawan pa niya ako. Dapat dadalawin ko po kayo kaso pina-alis niya ako.” Sumbong niya na ikinakunot ng noo ni lolo na bumaling sa akin. 

“Totoo ba yun Thaddeus? Pinaalis mo si Kristel? At sino namang babae ang umaway sayo?” Balik tanong niya kay Kristel na nagpapa-awa pa sa harapan ni lolo para panigan niya. 

“Lo, tama lamang ang ginawa ko–”

“Tumigil ka! Ganyan ba kita pinalaki Thaddeus? Ang manakit ka ng kalooban ng isang babae? Paano na lamang kapag naging mag-asawa na kayo? I'm warning you. Tratuhin mo ng maayos si Kristel. Siya lamang ang nakikita kong karapatdapat para sayo–saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!” 

Tumigil ako sa paglakad at nilingon ko siya. 

“I'm tired, Grandpa…magpapahinga na po ako.” 

“Ano? Eh paano si Kristel?” 

“Bisita mo siya diba? I really needed to rest. Goodnight.” 

Pagkasabi ko ay umakyat na ako sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit panay pa rin ang balik niya dito kahit alam naman niyang wala akong nararamdaman para sa kanya. Pati tuloy si Lolo nagagawa niyang utuin na mabait siya. Pero kabaliktaran naman ito ng kanyang magandang mukha. 

Pagpasok ko ng room ay kaagad kong tinawagan si Diego upang alamin ang balita kay Basha. Naka-ilang ring pa lamang sinagot na niya ang tawag ko. 

“Kumusta? Anong balita kay Basha?” Usisa ko sa kanya. 

“Siya talaga ang nauna mong tinanong? Mukhang masyado mo naman ata akong pinagseselos Thaddy.” May tampong himig niya. 

Napabuntong hininga ako. 

“Sorry, gusto ko lamang malaman kung ano na ang lagay niya? Nabuntis ko ba siya? Asan siya ngayon? Kinukulit na naman ako ni Lolo kay Kristel at naiinis na ako sa babaeng yun.” 

“Paanong hindi ka kukulitin ni Kristel? Pinaasa mo ng ilang buwan. Hindi agad yun makakamove-on. Lalo na kung alam niyang single ka pa din. About naman kay Basha. Binayaran ko na siya ng twenty million–”

“Twenty Million? Ganun kalaki ang ibinayad mo sa kanya?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. 

“Actually, partial payment lang yan. Kapag nakapanganak na siya, babayaran ko siya ng another twenty million para ewan niya ang bata at hindi na rin siya maghabol. Sabi niya wala daw problema pagkapanganak niya wala na daw siyang interest na makita ang bata. Basta ibigay ko lamang sa kanya ang bayad na napag-usapan namin.” Paliwanag niya sa akin na ikinatigil ko. Hindi ko akalain na ganun kalaking halaga ang ibinayad niya kay Basha, ngunit ang sinabi ni Diego na hindi mahalaga ang bata sa sinapupunan niya doon ako napa-isip. 

“Kailangan mo ibibigay ang cheque? Pupunta ako sa opisina mo.” 

“Saan siya nakatira ngayon?” 

“Doon sa dati kong condo ko muna siya titira. Napalinis ko na yun. Malapit lang sa landmark kaya di na siya mahirapan pa. Bakit? Gusto mo siyang puntahan? Huwag mo nang subukan, Thaddy. Hindi na ako matutuwa kapag nakipagkita ka pa sa kanya.” Paalala niya sa akin. 

“Ang baby?  Paano natin mamomonitor ang lagay nila?” 

“Don’t worry about the baby, ako na ang bahala sa kanila.” 

Pagkatapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang tawag. Ayaw niyang magkita kaming muli ni Basha. At kapag ginawa ko yun mag-aaway kaming dalawa. Marami na rin siyang tiniis para sa akin. Kaya ayoko na rin dagdagan ang problema naming dalawa. Ngunit sa tuwing naiisip ko yung gabing yun, at si Basha…hindi ako mapalagay. Gusto ko siyang makita, makausap at makilala pa. Nalilito na rin ako sa nararamdaman ko. 

Kinabusan ay ibinigay ko ang halaga na hiningi niya. 

“Make sure she's okay, and the baby…” Bilin ko kay Diego. 

“Don't worry, ako na ang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa makulit mong lolo. Kailangan ko nang magpunta sa bank. Magkita na lamang tayo mamayang gabi.” paalam niya sa akin. 

Pagkatapos ng working hours ko ay natangap ko ang message ni Diego na hindi daw matutuloy ang dinner namin kaya umuwi na lamang ako. Ngunit habang naghihintay ako na umusad ang traffic ay napatingin ako sa babaeng naghihintay sa labas ng grocery store. 

“Dave, itabi mo.” Utos ko sa driver bodyguard at itinabi naman niya ang kotse. Bumaba ako at lumapit sa kanya. Sinalo ko ang isang papel na supot na dala niya dahil marami na siyang dala at nahirapan na siya. 

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Maang na tanong niya. 

“Napadaan lang at nakita kita. Sabay ka na sa akin.” Alok ko sa kanya. Tinulungan ko siyang magbitbit ng dala niya at ipinasok namin sa likuran ng kotse. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok naman siya sa loob ng walang pagdadalawang isip. 

“Ang hirap pala sumakay dito. Ang traffic pa, mas mainam sa probinsya.” Saad niya habang nagpupunas ng kanyang pawis sa noo. 

“Ganun talaga dito sa suidad. Sanay na naman ang mga tao.” 

“Salamat ha? Kahit hindi mo alam kung saan ako bababa pinasakay mo pa rin ako. Huwag kang mag-alala malapit lang naman ang tirahan ko dito. Kumusta na nga pala ang lolo mo? Magaling na ba siya? Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya eh.” 

“H-Ha? Ah-eh…ayos lang nakauwi na rin naman siya. Ikaw? Kumusta na yung mama mo?” Usisa ko pero gumuhit ang lungkot sa mukha niya. 

“Nasa probinsya siya, namimiss ko na nga siya eh. Kaya lang kailangan kong mag-stay dito ng isang taon.” 

Hindi ko na tinanong ang dahilan kung bakit dahil baka maging awkward lang at alam ko naman ang dahilan kung bakit. 

“Nga pala, ilang beses na tayong nagkakasalubong at nagkakausap pero hindi parin ako normal na nagpapakilala sayo. I'm Thaddeus Demiere. And you are?” 

“Basha Matabungkay.” 

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinangap naman niya ito. Napatingin ako sa kanyang magandang mukha. Malayo na sa nakakaawang mukha niya noong una ko siyang nakita. 

“Yu-yung kamay ko…”

“Ha? Ah! Sorry…” 

Kaagad kong binitawan ang kamay niyang ilang segundo ko na rin palang hawak. Ilang minuto lang nakarating na kami sa dating condo ni Diego. Nagpatulong ako kay Dave na i-akyat ang kanyang mga pinamili. 

“Salamat sa paghatid mo.” Wika niya sa akin. 

“Wala yun, sige tutuloy na ako.” Paalam ko sa kanya. 

“Sige, mag-ingat ka.” Nakangiting paalam niya sa akin.

Nang masara na niya ang pinto ay umalis na rin ako. 

“Dave, Kontakin mo si Sanchez, sabihin mo sa kanya tawagan ako.” Utos ko sa kanya. 

“Yes, Sir.” 

Pagdating ko sa bahay ay hindi na ako kumain at umakyat na ako sa room ko. Nag-shower ako at nagpapalit na ako ng damit nang tumunog ang phone ko. 

“Sir bakit? May mahalaga ba kayong ipapatrabaho?” Tanong ni Sanchez. Naupo ako sa sofa at itinaas ko ang dalawa kong paa sa glass table. 

“May isesend ako sa'yong address. Gusto ko bantayan mo ang babaeng yun sa tuwing lalabas siya at kung saan man siya magpupunta ay ireport mo sa akin. Lalo na kapag nagkita sila ni Deigo, naintindihan mo ba? Ikaw na ang gumawa ng paraan paano mo siya mababantayan. Pero siguraduhin mo na hindi ka niya mapapansin.” Utos ko sa kanya. 

“Areglado, Sir Demiere.” 

Pagkatapos ko siyang tawagan ay ipinasa ko na sa kanya ang address ni Basha. Kailangan kong malaman ang lahat ng kilos niya dahil hindi biro ang maglabas ng malaking halaga. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ngunit gusto ko parin alam ko ang lahat na nangyayari sa kanyang pagdadalang tao. Lalo na't mahalaga at nag-iisang anak ko ang nasa tiyan niya. Kailangan ko siyang protektahan alam man niya o hindi ako ang ama. 

Related chapters

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 5

    BASHANakakapanibago pala ang tumira mag-isa. Malaki nga ang tirahan ko, may pera at sapat na pagkain. Hindi ko pa rin makuha ang maging masaya. Namimiss kong alagaan si mama. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Ninang, pero iba pa rin kapag magkasama kaming dalawa. Siguro ganun din ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit kailangan namin magtiis pareho habang hindi pa lumalabas ang batang dinadala ko. Doorbell ang nagpatayo sa akin sa sofa. Tinungo ko ang pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. “Ako'to.” Nang marinig ko ang boses ni Myla ay kaagad kong pinagbuksan ng pinto. “Tuloy ka, mabuti naman dinalaw mo ako.” Niyakap ko siya at pagkatapos ay pinapasok sa loob. “Restday ko ngayon, gusto mo ba magsimba tayo?” Alok niya sa akin na ikinangiti ko. Linggo nga pala ngayon, kaya mabuti na lamang inalok ako ni Myla. “Sige, magbibihis lang ako.” Iniwanan ko siya at pagkatapos ay nagbihis muna ako ng damit. Siya ang kasama kong naglipat dito sa condo. Inaya ko nga siyang na

    Last Updated : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 6

    THADDEUS “Paano mo nalaman na buntis ako?” Nagtatakang tanong ni Basha. “Ha? Hindi ba sayo ang pregnancy test na nadampot ko noong mag-away kayo ni Kristel? Sorry nagkamali ako ng hinala.” Pagdadahilan ko. Natigilan siya sandali parang inalala ang nangyari noong magkasalubong sila ni Kristel at muntik nang magtalo sa hospital. “Totoo, totoo na buntis ako kaya salamat sa ginawa mo kanina.” Naupo kami sa nadaanan namin na bench sa tapat ng dancing fountain. “Bakit parang malungkot ka?” Usisa ko sa kanya dahil bigla siyang nalungkot nang aminin niya sa akin na nagdadalang tao siya. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos ito kahit maliit pa naman. “Hindi naman ako malungkot, okay lang ako. Pasensya na ha? May mga bagay kasi na hindi ko puwedeng sabihin sayo.” “Ayos lang, hindi mo naman kailangan sabihin.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap pagkatapos ay inalok ko na siyang ihatid sa kanila at pumayag naman siya. Pagkatapos ay umuwi na rin ako. Pagba

    Last Updated : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 7

    BASHANandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–”“Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka sa alok ko.” Derecho na sabi niya sa akin. Malaking halaga na ang kabuohan na sampung milyon na pagdadalang tao ko kung sakaling magiging healthy ang baby na ipapanganak ko at kung dadag-dagan pa niya ito hi

    Last Updated : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 8

    BASHAKinabukasan maaga pa lamang ay tulala na ako sa harapan ng salamin. Sa loob ng dalawang buwan marami na ang nagbago sa buhay ko. Muntik na akong mawalan ng ina, nalaman ko ang tunay kong pagkatao at ang tunay kong ama. Nalaman ko din ang secreto na twenty three years na itinago ni ina. At ngayon, buntis na ako at ikakasal sa isang bakla. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makatulog kagabi. Madami kasing tumatakbo sa utak ko. Lalo na yung sinabi sa akin ni Thaddeus na kahit anong mangyari ay huwag na huwag ko siyang mamahalin, pati na rin ang sinabi sa akin ni Sir. Diego na hindi kayang magmahal ni Thaddeus ng isang babae. At kaya lamang niya ako ginalaw ng gabing yun ay dahil sa gamot na pina-inom sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako sa harapan ng salamin. Nagsimula akong ayusin ang sarili. Dahil mamayang alas-sais ng gabi ay susunduin niya ako at dadalhin sa bahay ng kanyang lolo na minsan ko na ring nakilala sa hospital at naka-kwentuhan.Pagkatapos kong mag

    Last Updated : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 9

    BASHA“Grandpa, hindi mo man lang ba itatanong kung anong klaseng pamilya meron si Basha? I mean yung background niya. Akala ko mahalaGa sa'yo na galing sa mayamang pamilya ang gusto mo para sa sa akin.” Nilingon ko siya pati na rin ng kanyang lolo. Magkatabi kaming dalawa at ang lolo naman niya ay nakaupo sa dulo ng dining table. Nagpahid ng table napkin si lolo Sa labi at bumaling sa kanya.“Nakapag-usap na kami ni Basha sa hospital. Nalaman ko ang tungkol sa kanyang ina at pati na rin ang mayaman niyang ama na ayaw siyang tangapin. Sapat na yun para sa akin Hijo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Walang problema sa akin kung kilala man ang pamilya niya o hindi ang mahalaga sa akin. Mahal ka niya at may mapag-iiwanan na ako sa'yo kapag sinundo na ako ni San pedro. Ang ayoko lang baka magkatotoo ang hinala kong lalaki ang ipapakilala mo sa akin na boyfriend mo. Bawasan mo na rin ang pakikipagbarkada diyan kay Diego. Walang magandang maidudulot sayo ang pagkak

    Last Updated : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 10

    THADDEUSMalakas na ingay ng club at mausok na paligid ang bumungad sa akin pagpasok ko pa lamang dito. Tinawagan ako kanina ni Diego at nagpapasundo dahil marami na daw siyang nainom. Malayo pa lamang tanaw ko na siya sa bar counter at nagpapaka-lunod sa tinutunga niyang alak. “Diego, let's go home. Tumakas lang ako sa bahay. Kailangan kong makabalik. Baka malaman ni Grandpa na umalis ako.” Pigil ko sa kanya. Kinuha ko ang baso ng alak sa kamay niya ngunit muli niya itong inagaw sa akin. “H-Huwag na, magpapahatid na lamang ako sa taxi pauwi. Bumalik ka na sa bahay mo…” Lasing na sabi niya at hindi ako tinatapunan ng tingin. “Tama na please…bakit ka ba nagkakaganito? May problema ka ba?” Na-iingayan na tanong ko sa kanya. Halatang marami na siyang nainom dahil namumula na pati ang kanyang tenga at leeg. “Problema? Himala nagtanong ka kung anong problema ko. May paki-alam ka pa pala sa akin!” Bulalas niya sabay tungga ulit ng alak sa baso. “Of course may paki-alam ako sayo. Kaya

    Last Updated : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 11

    BASHAKahit nakalabas na ako ng kuwarto parang may nag-uunahan pa rin na daga sa aking dibdib. Wala na akong paki-alam sa iisipin ni Thad sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maturuan ko siyang mahalin ako. Ngunit tama ba ang ginawa ko? Halos ipagduldulan ko na ang aking sarili sa kanya mapansin niya lang ako. Hindi ko nga akalain na magagawa ko ang maghubad sa harapan niya ngunit sa tingin ko hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. Wala man lang siyang reaction ni halos ayaw niya akong tignan. Pero hindi ako susuko, may walong buwan pa ako para manatili siya buhay niya. Sapat na siguro yun para gawin ko ang lahat ng paraan para mahalin niya ako. Pagbaba ko ng kitchen ay tumulong akong maghanda ng almusal. Ayaw nila akong paglutuin kaya nagtimpla na lamang ako ng kape dahil yun daw ang unang hinahanap ni Thad sa umaga. “Hmmm…ang bango!” Napalingon ako nang marinig yun mula kay Lolo. “Magandang umaga po lolo.” Nakangiting bati ko sa kanya. “Magandang umaga din, mukhang masar

    Last Updated : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 12

    BASHAMas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. “T-thad…sigurado ka ba sa ginagawa mo?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Gustuhin ko man siyang pigilan nasa balikat ko na ang dalawang kamay niya. Puma-ikot sa likod ko ang isa niyang kamay na parang hinahanap ang zipper sa suot kong damit. “Why? Do you want to stop me?” Paos at mahinang tanong niya na abot lang sa aking pandinig. Napasinghap ako at kinalma ang sarili. Hindi ko alam ang tinatakbo ng kanyang isip. At hindi ko rin alam kung hahayaan ko ba siyang hubaran ako o pipigilan ko ba siya. Nagtatalo ang isip ko at madami akong tanong na malabo ang magiging sagot. Pero isa lamang ang alam ko. Papunta na kami…papunta na kami sa bed! “Stop me now, Basha…the moment you let me touch you again. There's no turning back.” Usal niya ulit. Mariin akong napapikit. Pero unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbaba ng zipper sa likod ko at ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Hinaw

    Last Updated : 2024-12-15

Latest chapter

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Finale (WAKAS)

    BASHANapabalikwas ako ng bangon dahil pagmulat ko ng mga mga ko ay wala na sa tabi ko si Thaddeus. Ngunit nang akmang bababa na ako sa kama ay napangiwi ako nang maramdaman ang mah4pdi kong flower. Napabalik ako sa pag-upo sa tabi ng kama, may suot na pala akong manipis na pantulog. Di ko na maalala dahil nakatulog na ako kagabi sa sobrang pagod. “Gising ka na pala.” Bungad niya pagkabukas ng pinto. “Saan ka galing?” Simangot na tanong ko sa kanya. Bahagya kasi akong natakot nang hindi ko agad siya nakita. Kung hindi lang masakit itong perlas ko ay baka naisip ko nang panaginip lang ang lahat ng naganap sa amin kagabi. “Lumabas ako para magpahanda ng brunch, tanghali na kasi at masarap pa ang tulog mo kanina kaya hindi na kita inabala.” Nakangiting sagot niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.“Let's go? Kumain na tayo.” “Kasi, ahh…paano ko ba ito sasabihin? Parang hindi ko ata kayang lumakad ng maayos.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit siya ang may kasalanan. “Ha?

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 33

    BASHAAng buong akala ko ay totoo na si Thaddeus ang nasa harapan ko, na bumalik siya para sa akin. Ngunit guni-guni ko na naman pala ang lahat. Sa tuwing naalala ko siya ay palagi ko siyang nakikita. Sa bawat sulok ng lugar kung saan bigla ko siyang naalala ay nakikita ko ang nakangiti niyang mukha. Kaya imposible, imposible na naman na siya ang lalaking nasa harapan ko. Dahil alam ko, hindi niya ako kayang kalimutan. Siguro nga, isa na naman siyang guni-guni na likha ng aking isip. Dahil sa kagustuhan kong makita at makasama siyang muli. Malamig man ang tubig sa dagat, malakas man ang ulan. Walang maramdaman ang katawan ko, walang maramdaman ang puso ko kundi ang paulit-ulit na hinagpis. Kahit unti-unti na akong nilalamon ng tubig wala akong takot na maramdaman. Wala akong intensyon na bumitaw dahil sa anak namin ni Thaddeus. Ang nais ko lang...ay magising na ako sa katotohanan. Na kahit kailan... ay hindi na siya babalik pa... At hindi ko na mararamdaman ang pamamahal niya...Pu

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 32

    THADDEUSMabigat ang katawan na nagmulat ako ng mga mata. Inilibot ko ang aking paningin at puting kisame na may chandelier ang bumungad sa akin. Marami ding aparato ang nakakabit sa akin. "Thadd? Gising ka na! Sandale tatawagan si Mr. Demiere!"Napatingin ako sa lalaking tarantang pumipindot sa cellphone na hawak niya. Gusto kong magsalita ngunit hinang-hina ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga sa kama ko. "W-what happen? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? At sino ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ako naalala? Ako ito! Si Dan! Ako ang nag-alaga sa'yo!" tarantang sagot niya.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang naiiyak na dalawang matanda. "Apo ko! Mabuti naman at gumising ka na!" Malakas siyang humikbi na parang nabuhayan siya ng loob nang magising ako. "Sino kayo?" kunot ang noo na tanong ko. Tatlo na silang nasa kuwarto ko pero kahit isa hindi ko kilala. Ako? Sino ako? "Hindi mo ako kilala? Ako ang lolo mo!"Nagpatawag siya ng ambulance at

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 31

    BASHA"Basha!!!" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang pagtawag ni Dan, ngunit hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman kung bakit niya ako hinahanap. Nanatiling nasa papalubog na araw ang mga mata ko. "Basha, totoo ba? totoo bang sasama ka na kay Mr. Demiere sa Japan? Bakit ka aalis? Paano kung bumalik si Thadd--"May lungkot ang mga matang tumingin ako sa kanya at mapait akong ngumiti. "Bumalik? Isang buwan na mula nang mawala si Thadd, Dan. Isang buwan na akong gumigising sa araw-araw na umaasang babalik siya. Babalik siya dahil kailangan ko siya. Kailangan siya ng anak namin. Ngunit kahit man lang sa panaginip ni anino ni Thadd hindi ko nakita. Ginawa na ni lolo ang lahat ng paraan para mahanap siya pero wala na...wala nang pag-asa na mahanap pa kahit ang b4ngkay niya...At alam mo kung ano yung mas masakit? Hindi man lang niya masisilayan ang magiging anak sana naming dalawa..."Kusang bumitaw ang pinipigilan kong luha. Mabilis kong pinunasan ng kamay ko at tinalikuran

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 30

    BASHA"Paano na yan? Nasira na nang tuluyan, anong sasabihin natin kay mama? Ikaw kasi eh! Sabi ko dahan-dahan lang ayaw mong magpapigil." paninisi ko sa kanya. Sigurado akong kapag nakita to ni mama magtataka din yun. "Dahan-dahan na nga yun eh, sa tingin ko sadyang marupok itong papag mo kaya bumagsak kaagad."Yumuko siya at kinuha ang dalawang paa. "See? I told you." Pinakita niya sa akin yung dugtungan at binukbok na nga ito at maraming butas. "Mabuti pa, magpalit na tayo. Bukas na lamang natin gagawan ng paraan ang higaan natin." Wala kaming nagawa kundi ang tumuloy na sa bahay ni ninang. Pagkarating ko doon ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang tumulong sa kanilang magluto. Habang si Thadd naman ay hinarang ng kapatid ni ninang sa harapan para sumali sa kanilang mag-inuman. Hindi sana papayag kaya lang nakumbinsi naman nila akong payagan si Thadd para na rin sa pakikisama. "Naku mamaya, tawagin mo na yun si Thadd. Alam mo naman kung gaano ka-l4singero si Lolong." paalal

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 29

    BASHANalibot na namin ang kalahati ng isla pero wala pa rin sa mode si Thadd. Kapag tinatanong ko naman siya kung ano pa ang iniisip niya ayaw naman niyang sabihin sa akin kaya inaya ko na lamang siyang umuwi. Derecho siya sa kuwarto samantalang derecho naman ako sa kusina. "Anak, nagluto na ako ng kalamares, yung paborito mo? May dala kasi si Dan." wika ni mama nang madatnan ko siya sa kusina. "Talaga po" excited na tinangal ko ang takip sa lamesa namin at nakita ko ngang madami ang niluto ni mama. "Naubos na yung pangatong natin kaya pinagsibak ko muna."Kukuha sana ako ng isang piraso ngunit nang madinig ko si mama ay agad ko siyang nilapitan. "Ma, puwede po bang huwag muna ninyong utusan si Dan? Nagseselos kasi si Thadd..." mahinang bulong ko. "Ang sabi niya sa akin tangap naman daw niyang may asawa ka na."Sasagot na sana ako ngunit bigla naman pumasok si Dan bitbit ang pangatong namin. "Nakabalik ka na pala. Gusto mong pumunta sa mangahan?Season ng indian mango ngayon. M

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 28

    BASHATilaok ng manok ang gumising sa akin. Ngunit napabangon ako nang wala na si Thadd sa tabi ko. Inayos ko ang higaan at lumabas na ako. "Ma? Si Thadd po?" usisa ko nang maabutan ko siyang nagluluto sa kusina. "Nasa poso nag-iigib ng tubig. Nakita niya kasi akong may bitbit na timba para sa banyo. Ayon siya na lang daw--""Po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaagad akong lumabas ng bahay upang magtungo sa poso na may kalayuan dito. Wala kasi kaming sariling linya ng tubig kaya sa poso talaga ang igiban namin. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko siya sa poso. Nilalagyan niya ng laman ang mga balde. Mga balde ng kapitbahay? "Pogi, kami din!" bulalas ng isang babae na parang sinubsub sa kamatis ang pisngi. "Sige isunod mo na lang sa dulo." magiliw na sabi ni Thadd sa kanila at nagsipila nga naman sila. Napahawak ako sa beywang ko at nanghahaba ang nguso na lumapit. "Anong ginagawa mo?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Basha, look diba

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 27

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 26

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

DMCA.com Protection Status