Share

Chapter 6

Author: PROSERFINA
last update Huling Na-update: 2024-12-13 22:21:07

THADDEUS 

“Paano mo nalaman na buntis ako?” Nagtatakang tanong ni Basha. 

“Ha? Hindi ba sayo ang pregnancy test na nadampot ko noong mag-away kayo ni Kristel? Sorry nagkamali ako ng hinala.” Pagdadahilan ko. Natigilan siya sandali parang inalala ang nangyari noong magkasalubong sila ni Kristel at muntik nang magtalo sa hospital. 

“Totoo, totoo na buntis ako kaya salamat sa ginawa mo kanina.” 

Naupo kami sa nadaanan namin na bench sa tapat ng dancing fountain.  

“Bakit parang malungkot ka?” Usisa ko sa kanya dahil bigla siyang nalungkot nang aminin niya sa akin na nagdadalang tao siya. 

Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos ito kahit maliit pa naman. 

“Hindi naman ako malungkot, okay lang ako. Pasensya na ha? May mga bagay kasi na hindi ko puwedeng sabihin sayo.” 

“Ayos lang, hindi mo naman kailangan sabihin.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap pagkatapos ay inalok ko na siyang ihatid sa kanila at pumayag naman siya. Pagkatapos ay umuwi na rin ako. Pagbaba ko pa lamang sa kotse nakita ko na ang salubong na kilay ni lolo. 

“Saan ka galing?” 

Tumigil ako sa paghakbang papasok nang tanungin niya ako. 

“Nag-jogging Lo.” Tipid na sagot ko sa kanya. 

“Ano? Jogging? Hindi ka naman lumalabas para mag-jogging sa umaga ah? Saka meron naman tayong sariling gym sa taas.” Nagtatakang tanong niya sa akin. Suminghap ako at bumuntong hininga. 

“Lo, lumanghap lang ako ng hangin sa labas. Pakiramdam ko kasi nasasakal na ako sa bahay na ito.” Parinig ko sa kanya. Sa tuwing nakikita niya kasi ako palagi na lamang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya ang bukambibig niya. Nanawa na rin akong marinig yun. 

Humarang siya sa akin kahit paika-ika pa siya maglakad hawak ang saklay niya.

“Kung nahihirapan ka na sa bahay na ito. Magpakasal ka na at bigyan mo na ako ng mga apo! Maliit na bagay lang naman ang hinihingi ko Thaddy. Isa pa, lagpas sa calendaryo ka na hijo, kailan mo ako bibigyan ng apo? Kapag sinundo na ako ni San pedro?” 

“Grandpa, akala ko ba apo lang ang gusto mo? Bakit ngayon may kasal na at asawa?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang tapikin niya ang noo ko. 

“Lo naman!” 

“Ikaw ga'y lutang? Paano ako magkaka-apo kung wala kang asawa na ipapakilala sa akin? Ano yun putok sa buho?” Singhal niya pa sa akin. Napahawak ako sa noo ko. Kahit matanda na si lolo malakas pa din talaga ang kamay niyang gawin sa akin ‘to!

“Thaddy, ito tandaan mo. Dalawang buwan lamang ang palugit ko sa'yo. Kapag wala ka pa ring magiging asawa, Ipapakasal na kita kay Kristel. At kapag tumangi ka ay magbalot-balot ka na dahil pati itong bahay at ancestral house natin sa batangas ay hindi mo na mapakikinabangan pa.” Banta niya sa akin pagkatapos ay nagpatulong na siya sa nurse niya para maglakad-lakad sa likod ng bahay. Napasinghap ako sa sinabi niya. Talagang ginipit na niya ako ng tuluyan! Pagpasok ko sa loob ng room ay napasalampak ako sa sofa. Maganda na sana ang araw ko kanina. Kasama ko si Basha. Nainis na naman ako dahil kay Lolo. 

Tama ang desisyon kong pabantayan si Basha kay Sanchez. Nalaman ko ang kilos niya, ang paglabas niya kahapon para magsimba, ang pagpunta ng kaibigan niya at ni Diego. Pati na rin ang pag-jogging niya kaya mabilis akong nagpunta doon para makita siya at makasama. Dala niya ang magiging anak ko kaya kailangan ko din siyang ingatan. 

Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin. Bakit siya dinadalaw ni Diego? Kung hindi ko pa siya tinawagan kahapon na magkita kami at mag-usap. Hindi siya aalis sa condo ni Basha. May dala pa daw itong pasalubong sabi ni Sanchez. Ayoko siyang pagdudahan dahil may relasyon kami at tiwala ako sa kanya. Ngunit kung patuloy siyang magpapakita kay Basha. Mapipilitan akong sabihin kay Basha ang totoo na ako ang ama ng pinagbubuntis niya.

Pero may isa pa akong problema, si Kristel. Kahit galit pa siya sa akin alam kong naghihintay lamang siya ng panahon para pilitin si lolo na pakasalan ko siya kaya hindi ko yun mapapayagan. Kailangan may gawin ako para tigilan na niya ako. 

Pagpasok ko sa opisina nadatnan ko si Diego naka-upo sa swivel chair ko. 

“Good morning love!” Masiglang bati niya sa akin. Tumayo siya at niyakap niya ako at hinalikan sa labi. 

“Bakit ka nandito? Wala ka bang gagawin sa opisina mo?” Usisa ko sa kanya. Madalas naman siya nagpupunta dito pero baka makita siya ng secretarya ko. Mahirap na, nag-iingat nga kaming hindi mahuli. 

Puma-ikot ang braso niya sa beywang ko. 

“Diego baka may makakita sa atin. Hindi locked ang pinto.”  Saway ko sa kanya. 

“Sino namang mangangahas na magbukas ng office mo ng walang pahintulot mo diba? Saka bakit ang sungit mo? Nag-away na naman ba kayo ng matandang yun?” 

Humarap ako sa kanya. 

“Diego, lolo ko pa rin yun. Alam mo naman kung bakit siya ganun.” 

Umikot ako sa upuan ko at inilapag ang dala kong laptop. 

“He wanted me to get married as soon as possible. Kapag hindi ko ginawa yun pipilitin niya akong ipakasal kay Kristel.” 

“What?!” Hindi makapaniwalang tanong niya. Naupo siya sa harapan ko at napa-isip. 

“Then marry, Basha.”

Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun. 

“Ano? Gusto mo akong pakasalan si Basha?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. 

“Look, matanda na ang lolo mo. Ilang hinga na lamang–”

“Diego, he's my grandpa. Kahit ganun siya, ayoko siyang mawala sa buhay ko dahil siya na lamang ang natitira kong pamilya. Kaya please…huwag mo naman pa-ikliin ang buhay niya.” Putol ko sa sasabihin niya. Kahit naman ganun si Lolo mahal na mahal ko yun. Kaya nga kahit ayoko sinusunod ko siya dahil may respeto pa din ako sa kanya. 

“What i mean is pakasalan mo na lamang si Basha. Kung doon mapapanatag ang matanda. Total magkaka-anak na rin naman kayo diba? Papayag ako pero may kundisyon, Thaddy.” Wika niya sa akin. Noong una, pinilit niya akong makipag-s!ping sa babae ngayon gusto naman niyang magpakasal ako. At madali niyang nasasabi yun sa akin. Samantalang ako, iniisip ko pa rin ang nararamdaman niya. 

“Anong kundisyon?” 

“Gagawin nating fake ang kasal niyo, at hindi kayo magtatabi sa isang kuwarto. Kapag nakapanganak na si Basha. Kunwari mag-file ka ng annulment at sabihin mong hindi nagwork ang relasyon niyo. In that case madali na lamang ang paghihiwalay niyo at nasa'yo pa ang bata.” Suhesyon niya. Napa-isip ako kung tama bang sundin ko siya. Tama bang pakasalan ko si Basha. Kahit pa fake lang yun titira pa rin kami sa iisang bahay. 

Malaking pabor yun para sa akin dahil titigilan na ako ni Lolo, at mababantayan ko pa siya. 

“Are you sure okay lang sayo? Hindi natin ito pag-aawayan Diego?” Nag-alalang tanong ko sa kanya.  

“Hindi, may tiwala ako sa'yo Thaddy. At isa pa, kailangan ko munang kausapin si Basha kung papayag siya. Pero paano kung magpadagdag siya ng bayad? Okay lang ba sa'yo?” 

Natigilan ako sa sinabi niya. Malaking halaga na ang na-ibigay ko sa pagdadalang tao niya. 

“Pag-iisipan ko muna, Diego. Hindi ganun kadali magbitaw ng milyones. Alam mo naman lahat ng yaman na meron ako ay galing sa bank account ni Lolo. Kapag nasilip niya ang account niya at mapansin ang pagkawala ng malaking halaga. Baka magduda na siya.” Kunwari'y dahilan ko sa kanya. Pero ang totoo, may full access ako sa bank ni Lolo. Ayoko mang isipin, pero nagdududa na ako sa paghawak niya ng pera. Baka inuubos lang niya ito sa pagsusugal. 

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na siya. Tinawagan ko si Sanchez at kinumusta ko ang lagay ni Basha.  

“Hindi pa po lumalabas Sir, saka hindi pa rin siya nagbubukas ng bintana niya.” Imporma niya sa akin. 

“Sige, tawagan mo ako kapag lumabas siya okay?” 

“Yes Sir.” 

Napasandal ako sa upuan at napapikit. Kapag pumayag ako sa sinabi ni Diego, sa bahay ko na siya uuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na bantayan siya. At magkakasundo din sila ni Grandpa. Pero paano kung malaman ni Kristel? Siguradong magagalit na naman yun at mag-aaway na naman silang magkapatid. Pero hindi yun ang ikinakatakot ko. Pakiramdam ko kasi, may nabubuo na akong pagtingin kay Basha at hindi na lamang ang dinadala niya ang inaalala ko. Ngunit hindi maaring mangyari yun. Hindi ako maaring mahulog sa kanya ng tuluyan. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kahit ang totoo, hinahanap-hanap ko ang gabing yun. 

Ginawa na ni Diego ang lahat para sa akin. At hindi ko siya puwedeng pagtaksilan, dahil nangako pa kami sa isa't-isa noon na darating din ang araw hindi na namin kailangan magtago. At hindi ko na kailangan na magpangap pa sa tunay kong kasarian na si Diego lamang ang nakaka-alam.  

Pagkatapos ng office hours ay sabay ay sumabay na sa akin si Diego sa pag-uwi. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. 

“Ano? Napag-isipan mo na ba?” 

Nilingon ko siya at seryoso ko siyang tinignan. 

“Pumapayag na ako, payag na akong magpakilala kay Basha at alukin siya ng kasal.” 

Kaugnay na kabanata

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 7

    BASHANandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–”“Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka sa alok ko.” Derecho na sabi niya sa akin. Malaking halaga na ang kabuohan na sampung milyon na pagdadalang tao ko kung sakaling magiging healthy ang baby na ipapanganak ko at kung dadag-dagan pa niya ito hi

    Huling Na-update : 2024-12-13
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 8

    BASHAKinabukasan maaga pa lamang ay tulala na ako sa harapan ng salamin. Sa loob ng dalawang buwan marami na ang nagbago sa buhay ko. Muntik na akong mawalan ng ina, nalaman ko ang tunay kong pagkatao at ang tunay kong ama. Nalaman ko din ang secreto na twenty three years na itinago ni ina. At ngayon, buntis na ako at ikakasal sa isang bakla. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makatulog kagabi. Madami kasing tumatakbo sa utak ko. Lalo na yung sinabi sa akin ni Thaddeus na kahit anong mangyari ay huwag na huwag ko siyang mamahalin, pati na rin ang sinabi sa akin ni Sir. Diego na hindi kayang magmahal ni Thaddeus ng isang babae. At kaya lamang niya ako ginalaw ng gabing yun ay dahil sa gamot na pina-inom sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako sa harapan ng salamin. Nagsimula akong ayusin ang sarili. Dahil mamayang alas-sais ng gabi ay susunduin niya ako at dadalhin sa bahay ng kanyang lolo na minsan ko na ring nakilala sa hospital at naka-kwentuhan.Pagkatapos kong mag

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 9

    BASHA“Grandpa, hindi mo man lang ba itatanong kung anong klaseng pamilya meron si Basha? I mean yung background niya. Akala ko mahalaGa sa'yo na galing sa mayamang pamilya ang gusto mo para sa sa akin.” Nilingon ko siya pati na rin ng kanyang lolo. Magkatabi kaming dalawa at ang lolo naman niya ay nakaupo sa dulo ng dining table. Nagpahid ng table napkin si lolo Sa labi at bumaling sa kanya.“Nakapag-usap na kami ni Basha sa hospital. Nalaman ko ang tungkol sa kanyang ina at pati na rin ang mayaman niyang ama na ayaw siyang tangapin. Sapat na yun para sa akin Hijo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Walang problema sa akin kung kilala man ang pamilya niya o hindi ang mahalaga sa akin. Mahal ka niya at may mapag-iiwanan na ako sa'yo kapag sinundo na ako ni San pedro. Ang ayoko lang baka magkatotoo ang hinala kong lalaki ang ipapakilala mo sa akin na boyfriend mo. Bawasan mo na rin ang pakikipagbarkada diyan kay Diego. Walang magandang maidudulot sayo ang pagkak

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 10

    THADDEUSMalakas na ingay ng club at mausok na paligid ang bumungad sa akin pagpasok ko pa lamang dito. Tinawagan ako kanina ni Diego at nagpapasundo dahil marami na daw siyang nainom. Malayo pa lamang tanaw ko na siya sa bar counter at nagpapaka-lunod sa tinutunga niyang alak. “Diego, let's go home. Tumakas lang ako sa bahay. Kailangan kong makabalik. Baka malaman ni Grandpa na umalis ako.” Pigil ko sa kanya. Kinuha ko ang baso ng alak sa kamay niya ngunit muli niya itong inagaw sa akin. “H-Huwag na, magpapahatid na lamang ako sa taxi pauwi. Bumalik ka na sa bahay mo…” Lasing na sabi niya at hindi ako tinatapunan ng tingin. “Tama na please…bakit ka ba nagkakaganito? May problema ka ba?” Na-iingayan na tanong ko sa kanya. Halatang marami na siyang nainom dahil namumula na pati ang kanyang tenga at leeg. “Problema? Himala nagtanong ka kung anong problema ko. May paki-alam ka pa pala sa akin!” Bulalas niya sabay tungga ulit ng alak sa baso. “Of course may paki-alam ako sayo. Kaya

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 11

    BASHAKahit nakalabas na ako ng kuwarto parang may nag-uunahan pa rin na daga sa aking dibdib. Wala na akong paki-alam sa iisipin ni Thad sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maturuan ko siyang mahalin ako. Ngunit tama ba ang ginawa ko? Halos ipagduldulan ko na ang aking sarili sa kanya mapansin niya lang ako. Hindi ko nga akalain na magagawa ko ang maghubad sa harapan niya ngunit sa tingin ko hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. Wala man lang siyang reaction ni halos ayaw niya akong tignan. Pero hindi ako susuko, may walong buwan pa ako para manatili siya buhay niya. Sapat na siguro yun para gawin ko ang lahat ng paraan para mahalin niya ako. Pagbaba ko ng kitchen ay tumulong akong maghanda ng almusal. Ayaw nila akong paglutuin kaya nagtimpla na lamang ako ng kape dahil yun daw ang unang hinahanap ni Thad sa umaga. “Hmmm…ang bango!” Napalingon ako nang marinig yun mula kay Lolo. “Magandang umaga po lolo.” Nakangiting bati ko sa kanya. “Magandang umaga din, mukhang masar

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 12

    BASHAMas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. “T-thad…sigurado ka ba sa ginagawa mo?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Gustuhin ko man siyang pigilan nasa balikat ko na ang dalawang kamay niya. Puma-ikot sa likod ko ang isa niyang kamay na parang hinahanap ang zipper sa suot kong damit. “Why? Do you want to stop me?” Paos at mahinang tanong niya na abot lang sa aking pandinig. Napasinghap ako at kinalma ang sarili. Hindi ko alam ang tinatakbo ng kanyang isip. At hindi ko rin alam kung hahayaan ko ba siyang hubaran ako o pipigilan ko ba siya. Nagtatalo ang isip ko at madami akong tanong na malabo ang magiging sagot. Pero isa lamang ang alam ko. Papunta na kami…papunta na kami sa bed! “Stop me now, Basha…the moment you let me touch you again. There's no turning back.” Usal niya ulit. Mariin akong napapikit. Pero unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbaba ng zipper sa likod ko at ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Hinaw

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 13

    THADDEUS“Bakit parang hindi ka masaya na dinalaw kita dito?” pansin niya nang maupo na siya sa sofa dito sa home office ko. “Diego, diba sinabi ko na sa'yo na ako na ang tatawag kapag puwede tayong magkita? Bakit nagpunta ka pa dito? Sinabi sa akin ni Grandpa na bawasan ko ang pakikipagkaibigan sa'yo–”“We're not just friends, Thaddy. We're lovers, nakalimutan mo na ata.” putol niya sa sasabihin ko. Napabuntong hininga akong tumayo at inayos ang mga nakalagay na papeles sa ibabaw ng aking table.“Ano bang kailangan mo? Bakit nagpunta ka na lamang dito ng walang pasabi?” may inis na tanong ko sa kanya. Kapag nalaman ni Grandpa na nandito na naman si Diego siguradong sermon na naman ang aabutin ko. Ayoko nang pagtalunan na naman namin si Diego. Lalo pa ngayon na natutuwa siya dahil nagdala na ako ng babae sa bahay. “Gusto lang kitang makita, ilang araw na hindi tayo nagkakasama. Puwede bang mag-stay ka muna sa bago kong condo tonight? Kahit isang gabi lang–”“I can't Diego, alam mo n

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 14

    BASHA“Just scream my name, Darling.” Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngunit bumagal ang aking paghinga habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Kanina g@lit na mukha niya ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Ngunit ngayon, para na siyang nang-@akit na lion at ano mang segundo ay parang lalamunin niya ako ng buo.Excitement at takot ang lumulukob sa kat@wan ko. Naalala ko ang gabing yun. Ang gabing una niya akong in@ngkin ng dalawang beses halos hindi ko maayos ang lakad ng mga paa ko palabas ng hotel dahil sa h@pdi ng aking petchay. Kaya for sure hindi tama lang ang laki noon.Hindi ko inasahan na makita ko siya ngayong gabi, matutulog na sana ako kaya naligo muna ako para presko ang pagtulog ko. Nagkausap kami kanina ni Sir Diego sa restaurant na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kong ipagkakaloob muli ang sarili ko kay Thaddeus. At nilinaw din niya sa akin ang kasunduan namin. Binalaan din niya ako na huwag akong aalis at di tuparin ang pinagkasunduan nam

    Huling Na-update : 2024-12-16

Pinakabagong kabanata

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Finale (WAKAS)

    BASHANapabalikwas ako ng bangon dahil pagmulat ko ng mga mga ko ay wala na sa tabi ko si Thaddeus. Ngunit nang akmang bababa na ako sa kama ay napangiwi ako nang maramdaman ang mah4pdi kong flower. Napabalik ako sa pag-upo sa tabi ng kama, may suot na pala akong manipis na pantulog. Di ko na maalala dahil nakatulog na ako kagabi sa sobrang pagod. “Gising ka na pala.” Bungad niya pagkabukas ng pinto. “Saan ka galing?” Simangot na tanong ko sa kanya. Bahagya kasi akong natakot nang hindi ko agad siya nakita. Kung hindi lang masakit itong perlas ko ay baka naisip ko nang panaginip lang ang lahat ng naganap sa amin kagabi. “Lumabas ako para magpahanda ng brunch, tanghali na kasi at masarap pa ang tulog mo kanina kaya hindi na kita inabala.” Nakangiting sagot niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.“Let's go? Kumain na tayo.” “Kasi, ahh…paano ko ba ito sasabihin? Parang hindi ko ata kayang lumakad ng maayos.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit siya ang may kasalanan. “Ha?

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 33

    BASHAAng buong akala ko ay totoo na si Thaddeus ang nasa harapan ko, na bumalik siya para sa akin. Ngunit guni-guni ko na naman pala ang lahat. Sa tuwing naalala ko siya ay palagi ko siyang nakikita. Sa bawat sulok ng lugar kung saan bigla ko siyang naalala ay nakikita ko ang nakangiti niyang mukha. Kaya imposible, imposible na naman na siya ang lalaking nasa harapan ko. Dahil alam ko, hindi niya ako kayang kalimutan. Siguro nga, isa na naman siyang guni-guni na likha ng aking isip. Dahil sa kagustuhan kong makita at makasama siyang muli. Malamig man ang tubig sa dagat, malakas man ang ulan. Walang maramdaman ang katawan ko, walang maramdaman ang puso ko kundi ang paulit-ulit na hinagpis. Kahit unti-unti na akong nilalamon ng tubig wala akong takot na maramdaman. Wala akong intensyon na bumitaw dahil sa anak namin ni Thaddeus. Ang nais ko lang...ay magising na ako sa katotohanan. Na kahit kailan... ay hindi na siya babalik pa... At hindi ko na mararamdaman ang pamamahal niya...Pu

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 32

    THADDEUSMabigat ang katawan na nagmulat ako ng mga mata. Inilibot ko ang aking paningin at puting kisame na may chandelier ang bumungad sa akin. Marami ding aparato ang nakakabit sa akin. "Thadd? Gising ka na! Sandale tatawagan si Mr. Demiere!"Napatingin ako sa lalaking tarantang pumipindot sa cellphone na hawak niya. Gusto kong magsalita ngunit hinang-hina ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga sa kama ko. "W-what happen? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? At sino ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ako naalala? Ako ito! Si Dan! Ako ang nag-alaga sa'yo!" tarantang sagot niya.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang naiiyak na dalawang matanda. "Apo ko! Mabuti naman at gumising ka na!" Malakas siyang humikbi na parang nabuhayan siya ng loob nang magising ako. "Sino kayo?" kunot ang noo na tanong ko. Tatlo na silang nasa kuwarto ko pero kahit isa hindi ko kilala. Ako? Sino ako? "Hindi mo ako kilala? Ako ang lolo mo!"Nagpatawag siya ng ambulance at

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 31

    BASHA"Basha!!!" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang pagtawag ni Dan, ngunit hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman kung bakit niya ako hinahanap. Nanatiling nasa papalubog na araw ang mga mata ko. "Basha, totoo ba? totoo bang sasama ka na kay Mr. Demiere sa Japan? Bakit ka aalis? Paano kung bumalik si Thadd--"May lungkot ang mga matang tumingin ako sa kanya at mapait akong ngumiti. "Bumalik? Isang buwan na mula nang mawala si Thadd, Dan. Isang buwan na akong gumigising sa araw-araw na umaasang babalik siya. Babalik siya dahil kailangan ko siya. Kailangan siya ng anak namin. Ngunit kahit man lang sa panaginip ni anino ni Thadd hindi ko nakita. Ginawa na ni lolo ang lahat ng paraan para mahanap siya pero wala na...wala nang pag-asa na mahanap pa kahit ang b4ngkay niya...At alam mo kung ano yung mas masakit? Hindi man lang niya masisilayan ang magiging anak sana naming dalawa..."Kusang bumitaw ang pinipigilan kong luha. Mabilis kong pinunasan ng kamay ko at tinalikuran

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 30

    BASHA"Paano na yan? Nasira na nang tuluyan, anong sasabihin natin kay mama? Ikaw kasi eh! Sabi ko dahan-dahan lang ayaw mong magpapigil." paninisi ko sa kanya. Sigurado akong kapag nakita to ni mama magtataka din yun. "Dahan-dahan na nga yun eh, sa tingin ko sadyang marupok itong papag mo kaya bumagsak kaagad."Yumuko siya at kinuha ang dalawang paa. "See? I told you." Pinakita niya sa akin yung dugtungan at binukbok na nga ito at maraming butas. "Mabuti pa, magpalit na tayo. Bukas na lamang natin gagawan ng paraan ang higaan natin." Wala kaming nagawa kundi ang tumuloy na sa bahay ni ninang. Pagkarating ko doon ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang tumulong sa kanilang magluto. Habang si Thadd naman ay hinarang ng kapatid ni ninang sa harapan para sumali sa kanilang mag-inuman. Hindi sana papayag kaya lang nakumbinsi naman nila akong payagan si Thadd para na rin sa pakikisama. "Naku mamaya, tawagin mo na yun si Thadd. Alam mo naman kung gaano ka-l4singero si Lolong." paalal

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 29

    BASHANalibot na namin ang kalahati ng isla pero wala pa rin sa mode si Thadd. Kapag tinatanong ko naman siya kung ano pa ang iniisip niya ayaw naman niyang sabihin sa akin kaya inaya ko na lamang siyang umuwi. Derecho siya sa kuwarto samantalang derecho naman ako sa kusina. "Anak, nagluto na ako ng kalamares, yung paborito mo? May dala kasi si Dan." wika ni mama nang madatnan ko siya sa kusina. "Talaga po" excited na tinangal ko ang takip sa lamesa namin at nakita ko ngang madami ang niluto ni mama. "Naubos na yung pangatong natin kaya pinagsibak ko muna."Kukuha sana ako ng isang piraso ngunit nang madinig ko si mama ay agad ko siyang nilapitan. "Ma, puwede po bang huwag muna ninyong utusan si Dan? Nagseselos kasi si Thadd..." mahinang bulong ko. "Ang sabi niya sa akin tangap naman daw niyang may asawa ka na."Sasagot na sana ako ngunit bigla naman pumasok si Dan bitbit ang pangatong namin. "Nakabalik ka na pala. Gusto mong pumunta sa mangahan?Season ng indian mango ngayon. M

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 28

    BASHATilaok ng manok ang gumising sa akin. Ngunit napabangon ako nang wala na si Thadd sa tabi ko. Inayos ko ang higaan at lumabas na ako. "Ma? Si Thadd po?" usisa ko nang maabutan ko siyang nagluluto sa kusina. "Nasa poso nag-iigib ng tubig. Nakita niya kasi akong may bitbit na timba para sa banyo. Ayon siya na lang daw--""Po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaagad akong lumabas ng bahay upang magtungo sa poso na may kalayuan dito. Wala kasi kaming sariling linya ng tubig kaya sa poso talaga ang igiban namin. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko siya sa poso. Nilalagyan niya ng laman ang mga balde. Mga balde ng kapitbahay? "Pogi, kami din!" bulalas ng isang babae na parang sinubsub sa kamatis ang pisngi. "Sige isunod mo na lang sa dulo." magiliw na sabi ni Thadd sa kanila at nagsipila nga naman sila. Napahawak ako sa beywang ko at nanghahaba ang nguso na lumapit. "Anong ginagawa mo?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Basha, look diba

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 27

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

  • Isang gabi sa piling ni Bakla   Chapter 26

    BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status