Chapter 37 - Charlotte discovers affairThree days after theUniversal Studio travel ay biglang tumawag sa ospital phone ko sa clinic si Charlotte. “Hello, Dr. Megan here!” magalang kong bati sa phone.“Hello! This is Charlotte Liu! You little whore! Are you trying to steal my fiance? Wala ka namang ma-iioffer sa kanya! The nerve!” litanya ni Charlotte.“Charlotte calm down. What are you trying to say?” tanong ko.“Huwag ka nang magplay innocent dyan! Idinadamay mo pa ang anak mo sa pagkadalaga! Hinuhuthutan mo pa si Robert para makapunta kayo ng Singapore! You gold-digger you! Akala mo kung sinong santa santita, demonyita pala!” patuloy ni Charlotte na nanggagalaite sa galit.“Wala kang pruweba!” sagot ko.“Anong wala! Me nakakita sa inyo sa Universal Studio, Singapore last Saturday. Kinunan pa kayo ng picture nung nakakita kaya ko nalaman! Sa akala mo papatulan ka ni Robert? Sa akala mo kukupkupin ni Robert ang anak mo sa pagkadalaga? HINDI!!!!! Gagawin ka lang niyang palipasa
Chapter 38 - Fixed MarriageDalawang taon makalipas akong umalis ng Pilipinas, ipinagkasundo si Robert sa anak ng kasosyo ng Baba niya kay Charlotte Liu. Si Charlotte ay isang socialite na kilala sa lipunan ng mga alta-sosyedad. Maganda, matangkad, edukada sa Europa, at higit sa lahat mayaman ang pamilya.Isang gabi, pag-uwi ni Robert galing sa trabaho ay dumaan muna ito sa kanyang mga magulang sa Dasma Village. Dito ay nadatnan niyang kausap ng kanyang mga magulang sina Mr. and Mrs. Liu. Sa tabi ng mga ito ay may isang magandang babae na tila nagpapa-beautiful eyes pa kay Robert.“O, Robert anak. I want you to meet Mr. and Mrs. Liu kasosyo natin sa ating petrochemical company.” pakilala ng Baba ni Robert. “And this is Charlotte, their beautiful daughter.”“Kumusta po.” bati ni Robert. “Hi!” bati rin niya kay Charlotte.“Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko noon Robert na kami ng Mama mo ang pipili ng iyong mapapangasawa? At ayon sa tradisyon nating mga Chinese, dapat Chinese rin
Chapter 39 - Fixed wedding Sa kasalukuyan, ay nakatangap si Robert ng tawag mula sa kanyang Mama. “Robert, your father had a stroke! We rushed him to the Makati Medical Center. Please come now! We need you right away!” Pagdating ni Robert sa kuwarto ng Baba niya sa Makati Med, nadatnan niyang nandoon si Charlotte pati na ang mga magulang nito.Nakita niya ang kanyang Baba na nakahiga sa kama, may nakakabit na heart monitor at nasal cannula sa ilong para sa supply ng oxygen. Alalang-alala si Robert sa kanyang Baba. Tingin niya dito ay parang biglang tumanda gayung 60 years old pa lang ito.Nagising ang matanda ng maramdamang nadoon na si Robert. “Salamat naman at dumating ka.” mahinang sabi ng kanyang Baba.“Ano po ang nangyari? Akala ko ba in good health kayo noong huling executive check-up ninyo?” tanong ni Robert at umupo sa tabi ng kama ng ama.“Bigla na lang sumakit ang dibdib niya at hindi makahinga kaya isinugod na namin siya dito.” paliwanag ng Mama ni Robert.“Rober
Chapter 40 - Robert's weddingLumipad patungong US sina Robert at Charlotte upang magpakasal. Direct flight and round trip tickets ang kinuha ni Robert upang hindi sila magtagal doon. Biyernes ang pinabook na flight ni Robert upang sa susunod na biyernes ay makabalik na sila ng Pilipinas.Sa NAIA Terminal 2 pa lang ibinigay ni Robert kay Charlotte ang ticket at boarding pass nito papuntang Las Vegas, Nevada, USA. Nang basahin ni Charlotte ang details sa ticket ay napansin niyang sa economy class siya naka-book. “Bakit sa economy class tayo? Mahirap doon, walang leg room at siksikan o tabi-tabi halos ang mga upuan. Eighteen hours pa naman ang haba ng flight!” nagmamaktol na sabi ni Charlotte. “Hindi bale basta't katabi kita, walang problema.”Ang hindi alam ni Charlotte ay magkahiwalay ang seats nila ni Robert. Si Robert ay sa business class naka-book samantalang si Charlotte ay sa economy class. “Magdusa ka dyan sa economy class at matuto kang makihalubilo sa masa.” bulong ni Rober
Chapter 41 - Megan and JamesAlam na alam ko kung kailan ikakasal si Robert dahil nagtatawagan pa naman kami. “Hello, Megan. We will get married next week sa States.” pinapaalam ni Robert.Matagal bago ako nakasagot dahil sa sakit na nararamdaman ko. “Congratulations, Robert.” malungkot kong sabi.“Are you okay?” tanong ni Robert.“No I am not okay! I am hurting, Robert.” umiiyak kong sabi. “But I need to be strong for Steven's sake.”“Huwag mong isipin ang kasal namin. It might affect your health. Basta alagaan mo ang sarili mo at si Steven.” pag-alo ni Robert. “By the way, I am sending you something. Please wear it always to remind you of me.” pagtatapos ni Robert.Kinabukasan ay may natanggap akong package mula kay Robert. Isa itong gold na kuwintas kung saan ang pendant ay tila isang wedding ring. Ang gintong singsing ay napapalibutan ng tatlong malalaking dyamante. Ng silipin ko ang loob ng singsing ay may nakasulat na 'Robert.' Naiyak na naman ako. Ang bilin ni Robert ay
Chapter 42 - Buhay nina Megan mula ng mag-asawa na si RobertMagmula ng mag-asawa si Robert ay hindi naman ito sumala sa pagdalaw sa kanyang anak ng twice a month. Sinusundo niya ito sa aking condo sa umaga, magbobonding kung saan at pagkatapos ay ihahatid na niya ito. Minsan, habang kumakain ng tanghalian ang mag-ama, kinumusta ako ni Robert sa kanyang anak, “How is your Mommy?”“Mommy is fine. But she is sad. I can hear her crying softly almost every night. But when I seem to move about in my sleep, she stops.” kuwento ni Steven. “But Uncle James always visits Mommy. He even sends her flowers.”Nalungkot naman sa narinig mula sa anak si Robert. “Megan is silently suffering!” sabi ni Robert sa sarili. “Baka makaapekto ito sa kanyang mental ang physical well-being. Kailangang makita ko si Megan upang malaman ko ang kanyang kalagayan. Pero si James, lagi raw kina Megan. Nanliligaw na ba siya kay Megan dahil may-asawa na ako?” Tuwing susunduin ni Robert ang anak sa aking condo,
Chapter 43 – Megan's SuitorsMinsan pa lang kaming nagkitang muli ni Robert makaraang ito ay ikasal kay Charlotte. Kamustahan lang habang nagdidinner. Matapos noonn ay pilit ko na siyang iniiwasan upang hindi magkaroon ng kumplikasyon ang pagsasama ng mag-asawa. Sa kabilang banda naman, nag-umpisa ang mga palipad hangin sa akin ng mga kasamahan kong duktor sa St. Luke's Hospital. Me bata, may-edad, binata, biyudo at may-asawa. Subalit, dalawa sa mga ito ang masugid. Sina Dr. Israel at Dr. Ong. Si Dr. Israel ay isang middle-aged na cardiologist-surgeon at biyudo. Samantalang si Dr. Ong ay isang opthalmologist at binata. Parehong masugid sa panliligaw sa akin ang dalawang ito at tuwing kami ay magkikita sa ospital ay panay ang palipad hangin na dadalaw raw sa bahay ko. Ang hindi alam ni Dr. Ong, ako ay isang dalagang-ina na may walong taong gulang na anak. Alam na ni Dr. Israel na ako ay may anak dahil sa loob ng ospital ay marami ring mga marites lalo na ang mga nurses. Upang
Chapter 44 – Megan's other suitorAng isa ko pang masugid na manliligaw ay si Dr. Ruben Ong, isang opthamologist. Isa siyang binata, gwapo, matangkad at mayaman din. Bata sa akin si Dr. Ong ng limang taon, 29 years years old pa lamang ito at bagu-bago pa lang naging isang espesyalistang duktor. Nagkakilala kami sa canteen ng ospital. Habang kumakain ako ng tanghalian sa ospital. Nagrequest itong maki-share ng mesa. “Okay to share the table with you?” tanong niya.“Oh, okay!” sagot ko. Kung suplada lang ako, sasabihin kong maraming bakanteng mesa. Doon ka kumain mag-isa.Habang kumakain kami ay panay ang sulyap niya sa akin. “Hi! I am Dr. Ruben Ong from the EENT Department ng St. Luke's-Quezon City.” sabi nito.“Oh! You are not from here?” nagtataka kong tanong kasi napakalayo ng St. Luke's-Quezon City sa BGC. Isa pa parang mayabang ang pagkakasabi niya ng pangalan niya. Isa siyang egocentric man.“We had to observe an eye surgery performed here. Medyo rare kasi ang case kaya in