Chapter 27 – KidnappingTuwing may pasok sa eskwelahan si Steven ay ako ang naghahatid sa kanya sa umaga at pagkatapos ay didiretso na ako sa ospital. Si Ate Rose naman ang sumusundo sa bata sa tanghali. Sa kabilang dako naman, si Dr. Adrian Aquino, ang duktor na ka-roommate ko sa St. Luke's na pinagresign noon dahil sa 'conduct unbecoming of a doctor' ay parating tuliro at lasing. Hindi niya matanggap na ang isang dekalibreng duktor na tulad niya ay pinatalsik ng ospital. Habang hawak ang kopita ng alak ay panay ang titig niya sa litrato nina Megan at Steven. Siya pala ang kumuha ng litrato sa mesa ko sa ospital noon.Sa tagal ng panahong lumipas ay hindi pa rin siya natatangap sa mga malalaking tertiary hospitals dito sa Metro Manila tulad ng Asian Hospital, Cardinal Santos Medical Center. Makati Medical Center at The Medical City. Sa mga naturang ospital kasi nandoon ang mga mayayamang pasyente. Kung mayroon mang tatangap sa kanya ay mga maliliit na primary hospitals lang na m
Chapter 28 - Kidnapping 2Alas otso ng gabi ng dumating ang mga pulis at kasunod nito ay ang mga taga-NBI. Sa harap ng mga ito ay pinaulit namin kay Ate Rose ang mga nangyari.“Kung case of missing person, you don't have to wait 24 hours before you report that someone is missing.” sabi ng taga-NBI.“Gagawa na rin po kami ng missing person report para agad maaksiyunan ang kasong ito.” sabi po ng Chief of Police namin dito sa Taguig, priority case daw po ito. Bubusisiin din po namin ang mga CCTV footages ng barangay para sa pagkakakilalan ng gumawa nito.” sabi ng pulis. “Pero in the meantime, kung kidnapping case nga ito, mag-iiwan po kami ng isang tauhan namin dito ngayong gabi para magset-up ng monitoring device baka sakaling tumawag ang kidnappers. Maidagdag ko lang po, may cellphone po ba anak ninyo?” tanong ng taga-NBI.“May cellphone ang anak ko. May GPS din ito. Ako mismo ang nag-activate nun noong ibinigay ko ito sa kanya.” sabi ni Robert.“Mas maige po kung ganoon. Nga
Chapter 29 - Corp FraudSa kabilang banda, gaano ba kayaman ang pamilya ni Robert at ganoon na lang kung manlait ang mga magulang nito sa mga mahihirap? Si Robert ay busy sa pagrereview ng mga financial statements ng mga company holdings nila. Bilang Presidente at CEO ng Chen Holdings Inc. kailangang nasa ayos ang pagpapatakbo ng mga kumpanya. Ang mga holdings nila ay kinabibilangan ng retail, equity ventures, petrochemicals, real estate development, at airlines. Ang Chen Holdings Inc. ay nabibilang sa ika-18 na kumpanyang mayaman sa Pilipinas na estimated networth na US$25 Billions. Ang main office nito ay nasa Chen Towers sa BGC.Sa pagrereview ni Robert ay napansin niyang bumababa ang kita sa real estate development side ng kanilang business. Bumaba ang kita ng halos 20% kumpara sa nakaraang taon. Kung tutuusin ay nasa third quarter na sila ng taon. “Bakit kaya bumababa ang kita sa real estate development? Mataas naman ang sales ng mga ito. Aba! Nag-overshoot sa gastos!” sa is
Chapter 30 - Corp fraud resultAng hinala ni Robert na may nangyayaring maanomalya sa real estate development company ng Holdings nila dahil bumaba ang revenue ng kumpanya kaya minabuti niyang magpa-comprehensive financial audit sa SGV & Co. Kinabukasan, dumating nga ang external auditor ng SGV & Co. Pinapasok ito sa loob ng opisina ni Robert ng executive secretary. “Sir, the auditor from SGV & Co. is already here.” Si Robert ay nakasubsob sa kanyang binabasa at pag-angat niya ng ulo ay nakita niya si James. Si James naman ay hindi na nagulat ng makita si Robert. Siya ang ipadala siya ng SGV & Co. sa opisina ng Chen Holdings Inc. upang makipag-usap sa presidente ng Chen Holdings at alam niya kung sino ito.Tumayo si Robert mula sa kanyang mesa at binati si James. “Hi! Ikaw pala ang best and seasoned auditor ng na sinasabi ni Mr. Sycip.” bati ni Robert sabay pakikipagkamay kay James.“Alam mo James, walang personalan ito, trabaho lang.” pambungad ni Robert kay James.“Okay!
Chapter 31 - Robert's accidentAng embezzlement case ng Chen Holdings laban kina Miss Joan Villa at Mr. Espo, mga Chiefs Accountant and Auditor ng real estate development company ay naisampa na sa korte. Isang criminal case at isang civil case. Sa civil case ay ipina-freeze ng korte lahat ng ari-arian ni Mr. Espo mula sa bahay at lupa pati ang mga kotse nito...lahat! Hindi ito pwedeng ibenta nina Mr. Espo hangga't hindi tapos ang kaso. Kung mapapatunayang me kasalanan sila Mr. Espo ay iilitin lahat ng kanyang ari-arian upang ipambayad sa P10 billion na ninakaw nito sa kumpanya sa loob ng nakalipas na limang taon.Walang kaalam-alam sina Miss Joan Villa at Mr. Espo na may kasong embezzlement laban sa kanila na inihain ng Chen Holdings. Patuloy pa rin ang dalawa sa pag-report sa kanilang trabaho. Kung kaya't dito sila nahuli ng mga pulis ng i-serve ang Warrant of Arrest laban sa dalawa.Sa kabilang dako, hindi nakapag-piyansa agad sina Miss Joan Villa at Mr. Espo sa kaso upang pansa
Chapter 32 – Robert's deathPagising sa umaga, naging ugali ko na ang makinig sa balita kaya't binubuksan ko ang TV habang inihahanda ko ang mga gamit ni Steven bago pumasok sa school samantalang si Ate Rose naman ay naghahanda ng almusal. Hindi naman ako nanonood ng TV pero nakikinig ako sa mga binabalita ng mga announcers.“Isa na namang pagpatay ang naganap kagabi. Ang negosyanteng si Robert Chen ay tinambangan at pinagbabaril ng isang riding in tandem sa Taguig City. Sa kasawiang palad, ito ay namatay habang gingamot sa St. Luke's Medical Center sa naturang siyudad. Sa ibang balita ...” pagbabalita ng newscaster.Nahagip ng pandinig ko ang ibinalita. Robert Chen sabi ng newcaster. Naghanap ako ng ibang channel na nagbabalita rin baka namali lang ako pagdinig. Sa kabilang channel ng TV ay ganoon din ang balita. Bigla akong nanghina, nauupos at tila hihimatayin. Nakita ako ni Ate Rose kaya inalalayan niya akong umupo sa sofa. “Ano po ang nangyari Ate Megan?” tanong ni Ate Rose
Chapter 33 - Pagbabalik ni RobertMakalipas ang isang buwan mula ng mamatay si Robert ay lagi akong nakakatangap ng tawag sa aking cellphone dalawang beses kada linggo mula sa mga unregistered numbers. Kapag sinagot ko ang tawag ay wala namang sumasagot sa kabilang linya. Parang pinapakinggan lang nito ang boses ko tapos ay ibaba na ito. Iba-iba naman ang mga numero ng cellphone ng mga strange call na natatangap ko. Baka naman mali ang numerong napindot kaya hindi na sumasagot ang tumatawag o baka naman may stalker ako. Ganun ng ganun ang nangyayari. Tatawag, sasagutin ko, tapos pakikinggan ang boses ko. Siguro mga walong beses na itong tumatawag sa akin, mga isang buwan din yun. Nung huling tawag nito ay tinarayan ko na. “Hoy kung sino ka mang stalker ka, irereport kita sa NBI para ma-trace ka.” pasigaw kong sabi.“Hello, Megan!” sabi nung nasa kabilang linya.“Robert?!?” sagot kong may halong takot at excitement. Patay na si Robert! Sino itong kausap ko? Pero kaboses niya si Robe
Chapter 34 – Robert's Pagbabalik 2Sa wakas nakabalik na din si Robert sa mundo ng mga buhay. Kulang isang taon din ang itinagal niya sa pagtatago. Subalit habang siya ay incognito, nasusubaybayan pa rin niya ang kanilang negosyo lalung-lalo na kami ni Steven. Nagkaroon ng isang sensasyonal na presscon ang pamilya kasama ang mga kapulisan at NBI upang ipaliwanag ang kanyang pekeng pagkamatay. Ayon sa mga awtoridad, pinalabas na siya ay namatay upang madaling mahuli ang mga salarin at upang proteksyonan ang pamilya niya.Sa kanyang pagbabalik ay nagbago rin ang kanyang pang araw-araw na buhay. Mayroon na siyang driver/bodyguard at may back-up bodyguard pang laging nakabuntot sa kanyang sasakyan. Kung malayo-layo naman ang kanyang pupuntahan ay sa helicopter naman siya sasakay. Sa una naming pagkikita ay nagpunta siya sa condo ko ng disoras ng gabi. Nalimpungatan ako ng marinig ko ang doorbell. “Sino naman itong buwisit na nagdo-doorbell ng madaling araw?” pagalit kong sabi sa saril
Chapter 145 - Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Maaya ang panahon. Maganda ang pagkakaayos ng garden. Punumpuno ito ng mga kulay puting bulaklak na pinalibutan ng kulay silver na ribbons mula sa aisles hanggang sa gazebo. Nakahilera naman ang mga silya sa magkabilang panig ng aisles na puno na ng mga bisita. Ang mayor ng aming siyudad na siyang magkakasal sa amin ay nasa gazebo na. Handang handa na ang lahat! Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Kakaiba ng kasalang ito, sapagkat sa wakas ay natagpuan ko na rin ang quest for love ko. Ang hinahanap kong wagas na pag-ibig mula sa taong nagkaloob nito sa akin. Siya na ang aking forever! Sina Nanay at Tatay bagamat kapwa 85 years old na ay ay malakas pa at sabay akong ihahatid sa altar. Guwapong-guwapo at maganda ang mga anak kong sina Steven, Taylor at Robert Jr. sa kanilang mga tuxedo at gown dahil sila ang mga abay sa aking kasal. Sa pagkakatayo ko sa dulo ng gazebo ay nagbalik tanaw ako s
Chapter 144 - Sabi pa niya, mahal ka pa rin niya. Pitong buwan na ang tiyan ko. Mukha na akong butete. Tingin ko sa sarili ko ang pangit pangit ko na. Dahil 40 years old na ako ng mabuntis, nag pa-check ako ng prenatal screening for any abnormalities para sa aking ipinagbubuntis. So far, so good naman. Walang any abnormalities whatsoever ang baby. Healthy naman ako at alaga ng aking OB-GYNE na si Dr. Gonzales na siya ring nag-alaga at nagpa-anak sa akin noon kay Taylor. As usual nasisintemyento na naman ako dahil feeling ko ang pangit ko! Contrary sa sinasabi ng iba na radiant and healthy-looking daw ang mga pregnant women. “O, bakit ka nakatulala sa malayo?” tanong ni Robert ng minsang datnan niya akong nakaupo sa aming garden. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. “Kasi naman, tignan mo ang itsura ko! Ang pangit pangit! Para na akong butete nito!” malungkot kong sabi. “Naku, Megan! Ang ganda-ganda mo nga!Baka babae ang anak natin!” bola ni Robert sa akin. “Nagpa-ul
Chapter 143 - Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!“Megan?” tawag sa akin ni Robert kaya bumalik ako sa loob ng sala. “Akala ko umalis ka na naman tulad noon!”“Muntik na! Kinakabahan kasi ako kaya ako lumabas sa veranda.” sagot ko. “Huwag na kaya muna nating kausapin ang mga magulang mo? Umuwi na tayo!”“Sino ang uuwi?” dumadagundong na tanong ng Baba ni Robert ng marinig ang pinauusapan namin.“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chen!” bati ko sa mga magulang ni Robert.“Anong Mr. and Mrs. Chen?” tanong ng Mama ni Robert.“Baba and Mama ang itawag mo sa amin!” sabi ng Baba ni Robert. Nakangiti naman si Robert sa mga naririnig at umakbay sa akin.“Baba, Mama! Si Megan po! My wife!” pakilala ni Robert sa akin.Hinalikan nila ako sa pisngi bilang pagtanggap sa akin. Naluha naman ako sa kaligayahan. Finally, tinatanggap na nila ako?“O, bakit ka umiiyak?” tanong ng Mama ni Robert at niyakap niya ako upang aluin.“Luha po ng kaligayahan ito. Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!”
Chapter 142 - Are you done talking to my wife? Araw na ng kasal ni James at Brianna na ginanap sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Dumating kami ni Robert sakay ng kanyang BMW SUV. Ang suot ni Robert ay black tuxedo samantalang ako ay naka-A-line cut gown made of chiffon na may soft, draping pleats, sweetheart neckline na strapless at side slit. Kulay champagne ang gown dahil ito ang color motif na pinili ni Brianna. Hindi pa halatang dalawang buwang buntis ako sa suot kong gown. Medyo humaba na ulit ang buhok ko na nakalugay lang. Nude make-up style ang ginawa ko sa mukha ko pero ang kulay ng lipstick ay cherry red. “You look amazing!” sabi ni Robert. “Baka masapawan mo pa si Brianna nyan!” “Hindi naman! Kaya nga light lang ang makeup ko.” sabi ko. Habang kinakasal sina James at Brianna ay napansin ko si Trevor na nakatingin sa akin. Dumalo rin pala siya. Tinanguan ko naman siya baka sabihin niya snob ako. Natapos ang seremonya sa simbahan, sakay ng kotse pap
Chapter 141 - You finally fulfilled your promise to Mommy! We spent three more days in Las Vegas bago kami umuwi sa Pilipinas ni Robert. Tinawagan ko si Steven sa messenger upang ibalita na ikinasal na kami ng kanyang Daddy. Nagtaka si Steven dahil hindi niya nakitang nanligaw ulit sa akin ang Daddy niya. “That's strange. I know Daddy sometimes visits us in the condo but he has been too distant or formal when it comes to you.” pagtataka ni Steven. “Hello, son! Finally! We got married in Las Vegas!” masayang balita ni Robert na sumingit sa pakikipag-usap ko kay Steven at itinaas pa ang kaliwang kamay ko upang ipakita ang engagement at wedding rings ko. “Congrats, Daddy! You finally fulfilled your promise to Mommy!” masayang sabi ni Steven. “I am happy for both of you!” Tumawag din ako kina Tatay at Nanay para sabihing kinasal na kami ni Robert sa Las Vegas. “Nagkatuluyan din kayong dalawa!” sabi ni Nanay. “Hello Tatay. Natupad ko na po ang pangako ko kay Megan! Nagpakasal na
Chapter 140 - “I Do!”Ninenerbiyos nga ako kaya nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako natatakot sa kasal. Ang kinatatakutan ko ang kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ni Robert pagkatapos naming ikasal. Baka hiwalayan rin!“Megan, do you love me? Do you trust me?” tanong ni Robert sa akin.“I do love you and I trust you!” sagot ko.“So, what is the problem? Do you want to back out?” tanong ni Robert. “Megan, We have waited so long for this thing to happen!”“Natatakot kasi ako na baka sa hiwalayan din ito mauwi.” sagot ko.“Hiwalayan? Ibahin mo ako sa dating asawa mo. Sa tagal ng relationship natin, kailan ako naging unfaithful sa iyo?” tanong ulit ni Robert.“Wala.” mahina kong sagot.“Wala pala! So, hindi ka dapat matakot at mag-alinlangan! Di ba lagi kong sinasabi sa iyo noon, ako ang bahala. Ako pa rin ang bahala sa iyo! Ako ang magdadala ng relasyon natin!” paliwanag ni Robert. “Let's do it!”“Mr. Robert Chen and Miss Megan Reyes?” tanong ng staff ng chapel. “P
Chapter 139 - Huwag na kaya nating ituloy ito?Alas singko pa lang ng umaga, gising na ako. Tulog pa si Robert kaya nagprepare na ako ng aming breakfast, nakaligo, nag-make up at nagbihis ng maong at t-shirt. Hinanda ko na rin ang aking luggage para maaga kaming makaalis ni Robert. Kasal ko ngayon di ba? At saka ko ginising si Robert. May jet lag pa yata ang pobre dahil kahapon lang ng madaling araw ito dumating sa New York.“Robert! Gising na! Ikakasal tayo ngayon di ba?” paggising ko sa kanya.“Ha?!? Ngayon na ba?” gulat na bumangon si Robert. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Saan tayo magpapakasal?” pupungas-pungas pa niyang sabi. “Sa Las Vegas! May quickie marriage doon di ba?” sagot ko. “Bumangon ka na diyan at mag-almusal na tayo! Pagkatapos ay maligo ka na at magbihis ng maong at t-shirt.”“Ganun lang ang suot natin” nagtatakang sagot ni Robert.“Ganun lang! Bilis! Bangon na! 6:30 na ng umaga!” pagmamadali kong sabi. “Sa JFK Internat
Chapter 138 - True love is not defined by physical intimacyHabang hinihintay ko si Robert na bumalik ay nagmuni-muni ako sa mga sinabi niya kanina. “I couldn't care less! Mapapaligaya ba nila ako? It's you that I want and I love you! Now that you are free, I want to marry you!” sabi ni Robert. “Please be my wife?”Ako? Gustong pakasalan ni Robert? Ang mga katagang iyon ang hinihintay ko kay Robert noon. Pero mapagbiro ang tadhana. Dumating si Trevor, na-in love din ako sa kanya! Bakit ko ba minahal si Trevor? Minahal ko siya dahil minahal niya ako bilang ako. Isang dalagang ina, mahirap at hindi siya masyadong mahal. Nang kalaunan, sa mga ipinapakita at ipinapadama niya sa aking pagmamahal at pag-aalaga skay Steven ay minahal ko na rin siya. Isa pa marahil ay ang pagtanggap sa akin ng kanyang pamilya sa kabila ng aking nakaraan. Subalit, ang pagpapakasal ni Trevor sa akin ang pinaka-highlight ng pagmamahal ko sa kanya. Eversince, pangarap ko talagang ikasal sa simbahan na tinupad
Chapter 137 - Do you want a secondhand wife with two kids?Halos dalawang buwan na ako sa New York City. Sa unang buwan pa lang ay natapos ko na ang mga sadya ko dito. Itong sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi maghiilata sa aking apartment.Pagising ko sa umaga, kape. Magjo-jogging sa Central Park ng isang oras. Balik sa apartment para maligo at pagkatapos ay magbababad manood ng movies sa TV. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kakain ng microwavable food. Alas singko ng hapon, maglalakad-lakad ulit sa Central Park tapos uuwi na sa apartment. Naiiba lang minsan kung maggo-grocery ako ng pagkain at mga essentials. Minsan nagwi-window shopping ako sa Macy's.Ang pinakamahirap ay sa gabi. Lagi akong nag-iisip at nagsisintemyento sa aking nakaraan. Wala talaga akong suwerte sa pag-ibig. Si Robert? Matagal ko siyang hinintay pero nawindang. Si Trevor? Mabilis niya akong pinakasalan pero nauwi naman sa annulment. Ang dalawang ito, pareho nilang sinasabing mahal nila ako. Kung mah